pasensya na kayo kung medyo hindi kayo nasiyahan sa aking nakaraang post... asar talaga ako eh. so, ano ba talagang nangyari? paano kaya nahack yung account ko? may pag-asa pa bang makuha yung account ko?
ganito ang nangyari. basta naman andito ako sa office, nakaonline ako sa yahoo messenger. around 3pm yata yun, bigla na lang automatic, naglog-out yung yahoo messenger. tapos nakasulat, you are logged out because you logged in on another machine. ewan ko kung yan talaga yung nakasulat, basta yan ang pagkaintindi ko. syempre, nagulat ako. ibig sabihin, may naglogin using my yahoo id sa ibang computer. so, ang ginawa ko, log-in ulit ako sa yahoo messenger, pero hayun, invalid password na sya. at syempre, lahat ng services ng yahoo, hindi na ako makasign-in.
paano kaya nahack yung account ko? kailanman, hindi ko isinulat kahit saang papel yung password ko. hindi rin naman ako nag-oopen ng mga e-mail ng mga taong hindi ko kilala, at kahit kilala ko, i don't open exe file attachments. isa lang ang nakikita kong butas. minsan kasi, nakakapag-internet din ako sa mga internet shop. netopia sa sm batangas at doon sa isang internet shop sa evangelista. siguro, kahit dinodouble check ko yung mga application na running dun sa computer bago ako maglog-in, siguro nalusutan ako. primary suspect ko ay isang keyboard logger application. pero kung saan nangyari, hindi ko alam. mas malaki ang chance na dun sa internet shop sa evangelista nakuha yung password ko. kasi, medyo mahigpit at may policy ang netopia pagdating sa kanilang serbisyo eh. well, wala naman akong ebidensya na sa kanila nga nagmula, unless yung hacker ay mag-email sa inyo using my account. kung mage-mail sa inyo, huwag nyo idelete ha. pakiforward na lang sa gmail account ko, kasi, makikita dun ang IP address kung saan nya kinompose yung e-mail. basta mula ngayon, hindi nako mag-iinternet doon.
may pag-asa pa bang makuha yung account ko? habang buhay, may pag-asa. hehehe. i tried the recover password utility ng yahoo. since, alam ko naman lahat ng personal data ko at mukhang hindi pa napakialaman nung hacker, nireset na ng yahoo yung password ko, at isinend sa gmail account ko, since, nakasetup doon sa yahoo yun as my alternate email address. ang problema, it will take 24 hours daw before the new password will take effect. kaya hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaglog-in. ewan ko kung nakakapaglog-in pa yung hacker, pero siguro naman, hindi na. ang alam ko, they automatically disabled my account nung magrequest ako ng password reset. siguro, mamaya, makakapaglog-in na ako. sana.
at para doon sa hacker na nanghack ng account ko. you can get away with me, oo, matatakasan mo ako. pero kailanman, walang gagong hindi susunugin sa impyerno. good luck na lang sa iyo.
yun lang!
1 comment:
pwede kang mahack pa rin. baka madaling makita sa "hint" mo.
Post a Comment