panalo si pacquiao. ano pa bang bago? hehehe. sabi nga ni recah trinidad doon sa napanood ko sa channel 2, the question is not who's going to win the fight, but in what round will pacquiao knocks larios out. hhmm, ang taas ng expectation ng mga tao. kaya hayun, nabugbog sya sa round 3. hehehe. well, as i see it, talaga namang walang laban si larios kay pacman. ginawa lang syang punching bag doon sa araneta.
so much has been said about how great pacman as a boxer is. so, i will not be blogging much about him. hehehe. tama na, sobrang sawa na rin ako sa mukha nya. talaga namang magaling sya, kaya kahit hamunin nya ako ng suntukan na isang kamay lang ang gagamitin nya, hindi ako lalaban. unless may baril ako. hehehe.
well, what i want to talk about now is larios. i admired him for being such a humble man. yeah, sa lahat ng nakalaban ni pacman, sa kanya lang ako humanga. after ng fight at matalo sya, wala syang ginawang palusot. na kesyo may problema sya, na kesyo na head butt sya, na kesyo hindi sya prepared 100%. lumaban sya because it's a once in a lifetime opportunity. at nung matalo sya, he accepted his defeat, and he even thanked pacman for giving him the opportunity. pati nga mga Filipino, pinasalamatan nya. and what the heck! ang lakas ng resistensya nya that he lasted 12 rounds na ginawa lang syang punching bag. lumalaban naman sya, pero talagang mismatch yung laban eh. kahit talo sya, sabi nga ng promoter nya, he had proven something. pwede nga naman syang ipangtapat kay morales at barrera. si larios nga naman, hindi naknock-out. hehehe. so, i think, it's not yet the end of larios' career. kita mo naman sa press conference, kahit talo, he's not bitter. pangiti-ngiti pa nga. related news here.
ok, comment ko sa undercard fights. ewan ko ba kung bakit ganun ang mga ipinadalang panglaban ng mga mexicano. yung kalaban lang ni amonsot ang medyo matino eh. yung kalaban ni peñalosa, parang pinabili lang ng suka ng kanyang ina. kita mo naman kung sumuntok, walang diskarte, wasiwas lang ng wasiwas. kaya hayun, the more experienced peñalosa dominated him. yung kalaban naman ni jimrex jaca, parang naligaw din. pang UFC naman ang drama nya, wala nang ginawa kundi manuwag. lagi nang nangunguna ang ulo nya, akala mo, suwagan ang laban. hayun, kaya naheadbutt nya si jaca at natapos kaagad ang laban.
yun lang!
No comments:
Post a Comment