maraming nastranded dahil sa tigil pasadang ginawa ng mga driver. according to www.inq7.net, natapos ang strike after the government promised a P2.50 fare hike. Huh! meaning, magiging P8.00 na ang minimum na pamasahe, early May daw ang implementation. Masaya na ang mga driver, kumbaga sa emplayado, naincreasan na sila. E pano naman kami? Hindi ba naisip ng gobyerno na mas marami ang pasahero kaysa mga driver? ilan ba ang driver sa isang dyip? 1 lang di ba? e ang pasahero, ilan? kung siyaman, 18 na yun plus yung 2 sa unahan, so 20. pabor sa driver, kawawa naman mga pasahero. mali na mag-increase ng pamasahe, dapat talaga ay buwagin na yung oil-deregulation law at makialam na ang pamahalaan sa pagkontrol ng presyo ng gasolina. at least, makita naman natin kung saan napupunta yung tax na ibinabayad natin.
e kung magtigil sakay naman kaya ang mga pasahero? oplan lakaran. kahit isang araw lang? at ang hilingin naman ay ibaba ang pamasahe, ano kaya ang gagawin ng gobyerno? di ba, in a democratic country, majority wins? we'll, its obvious na mas marami ang pasahero kesa sa mga driver. pagbigyan din kaya??
fare hike is not the solution to the problem. akala ko ba, ekonomista ang pangulo natin? come on, do your job!
im wondering, nasan na ba si dingel?? yung nakaimbento raw ng sasakyang tubig lang ang kailangan para tumakbo? bakit hindi i-mass produce yung sasakyan nya? i remember, ipinakita pa sa Magandang Gabi Bayan yun. Ngayon na VP na si noli de castro, anong ginagawa mo dyan? bakit hindi mo suportahan si dingle???
napasipag yata akong magblog ngayon. 2 blogs in a day. may nagawa ba ako sa office? meron naman syempre, multitasking yata ako... di lang multi-tasking, highly flexible, i can be your HR, your system analyst, your programmer, your secretary, and even your driver... hehehehe.
may ginawa pala akong bagong blog site... for photoblogging naman. click here to check it out. ilagay ko rin yan sa links ko sa sidebar pag sinipag ako sa isang araw.
salam.
2 comments:
thanks with your comment on the fare hike. at least normal pala ako kasi hindi rin ako pabor sa fare hike. ang nagiging problema dyan e ang pagiging hari ng mga kumpanya ng langis. kapag gusto nila magtaas walang magagawa gobyerno. Anung gobyerno meron kaya ang Pilipinas. "INUTIL" di ba ganyan ang tawag sa mga tao na walang magawa. Iyan din ang tawag sa gobyerno kasi ala sila magawa sa mga kumpanya ng langis. Konting awa sa mga pasahero, konti lang kinikita, tapos laki ng pamasahe. Ako naman e naglalakad lang papunta sa opis pero panu na yung iba.
dapat talaga ay buwagin na yung oil-deregulation law at ibalik yung OPSF... oil price stabilization fund. at least, kahit dun man lang, makita ko na nagagamit yung buwis na kinakaltas sa akin at hindi sa magagarang sasakyan ng mga pulitiko. there is a way to control the price, kahit pa sabihing mataas talaga ang presyo sa world market. wag naman sanang maging tuluyang INUTIL na lang ang gobyerno natin.
Post a Comment