nabasa ko ang "The Message Given by the Extra-Terrestrials" ng mga Raelians. di ko alam kung religion sila o ano? Hindi sila naniniwala sa Dyos, ang paniniwala nila, mga extra-terrestrials ang pinagmulan natin. Na ginawa lang tayo ng mga ET na allegedly ay nakausap daw ni Rael. when you read the book, it seems that you are reading a fictional book, at ginamit pa nila ang bible to justify their belief. Ang paniniwala nila, eternal life can be attained by cloning, at lahat ng nakasulat sa biblia na mga himala is a product of advanced science ng mga alien na during that time ay tumutulong daw sa mga prophets including jesus, moises, elijah and mohammed. wala daw kaluluwa ang mga tao at walang Dyos, lahat daw ng bagay, including the earth itself is produced by these ETs 25,000 years ago.
i just found some loopholes (IMHO) to their belief...
yung mga makasalanan daw, icoclone muli para parusahan when judgement day comes...what is the logic behind that granting na walang kaluluwa ang tao? ...e wala palang kaluluwa ang tao, bakit kailangan pang iclone para parusahan?? yung bang naclone nila, with the same personality and memory as the original, yun pa rin ba ang taong makasalanan??? e wala ngang kaluluwa? memory lang at katawan yung napreserve, pero nung iclone nyo... ibang tao na rin yun.
example, sabi ni rael, nung isama daw sya nung mga ET, they cloned him, so after cloning him, 2 na silang kausap nung ET, pero sabi nung ET, they will destroy the cloned one because it has no use to them. Tanong, when they destroyed the cloned Rael, did the original Rael suffered??? hindi di ba? kasi nga, cloned lang yun... ibang tao na rin yun. so, anong logic bakit kailangang iclone ang mga makasalanan on judgement day para parusahan... kala ko ba, advanced yung science nila... e mukhang illogical naman sila mag-isip.
isa pa, sabi nila, TV is the greatest invention. yun ang sabi nung ET. bilis daw kasi magtravel ng info, window to our world daw yun. hay!!! akala ko,advanced sila, hindi nila na foresee na magkakaroon ng Internet??? na by far is more advanced than TV specially when it comes to information dessimination. akala ko ba, advanced yung level ng science nila???
isa pa, natatakot daw silang magpakita sa mga tao dahil baka daw maging hostile sa kanila, baka daw pagpasok pa lang ng space craft nila, tirahin na agad sila ng nuclear weapons... etc. ha??? akala ko ba, advanced sila? 25,000 years ago, they created the lands on the earth, and now, takot sila sa nuclear weapon? nahawi nga nila ang dagat, nagamot nila yung mga ginamot ni jesus, nakakabuhay sila ng patay, e bakit takot sila??? kala ko ba, they have a higher level of intelligence.
i believe may mga raelians na rin dito sa pilipinas, nakita ko pa nga minsan na guest sa isang tv program. can u answer these for me???
another comment... mukhang mga sex addict yung mga ET.
if you read the comment on my previous blog someone is inviting me to their paid blogging service for free. well, satisfied pa naman ako sa service ng www.blogger.com, kaya hindi muna ako lilipat. Imagine, when you searched "kukote" on google.com, itong blog ko ang number 1??? try nyo rin sa yahoo.com, mamma.com, gigablast.com, don't be surprised with the results.
have a great weekend!
3 comments:
gusto kung basahin mu ulit ung libro at intindihin..
tungkol sa pag parusa sa mga makasalanan.. hindi naman clinoclone ang mga pinarusahan kundi rinerevive sila dahil ang isang tao ay my GENETIC CODE na kinukuha upang ma revive ulit ang isang tao.. at bakit mu ba isinasama ang kaluluwa eh hindi nga totou yun para samin di ba? subukan mu e research ang ANCIENT ALIENS sa youtube at panuorin mu ito..
tska tungkol sa Nuclear na pinag sasabi mu hindi sila natatakot kundi iniiwasan nila na mangyari ang ganung bagay.. ang mga ganitong situason ay hindi dapat basta basta.. kasi malaking bagay eto.. sa tingin mu ba kung pumunta at nag pakita sila dito ng biglaan magiging maayus ang lahat? siempre merun mga tao na mag papanic at pwedeng mag cause ng mas malaking problema.. isp isp din
tungkol naman sa t.v na masyado mung ginawang big deal, kung iispin mu magagawa ba ang internet kung wala ang t.v muna?
Post a Comment