2.5 years ago, naghahanap ako ng trabaho, lahat ng exam, pinasahan ko, pero pagdating sa interview, bagsak ako. hindi siguro sila believe sa paaralang aking pinasukan, at ayaw nila ng may accent pag nagsasalita... ala eh, anong gagawin? e batangenyo ako??? dito lang ako sa diavox nakapasa... salamat na lang at mayroong nakaisip na subukan ako... salamat na lang kay ma'am alona. 2.5 years ago, ako ang iniinterview... pero ngayon, ako na ang nag-iinterview. today, nag-interview ako ng apat na tao na nag-aaply as entry level programmer dito sa office. ok lang, magandang experience. tanong ka lang ng tanong, sya naman, sagot ng sagot. as far as I can see, makikita mo naman kung nambobola lang yung iniinterview or totoo yung sinasabi. merong mabulaklak ang dila, meron naman konti lang sumagot. i cannot divulge specific things here... secret na yun... basta ang hinahanap namin, yung marunong magprogram at madaling matuto.
comment on new pope? no comment.
basta, hindi ako lumuluhod sa harap ng kahoy na kinortehang tao para humingi ng tulong, kahit walang Biblia, kahit common sense, illogical yun. e paano pa kung ipinagbabawal pala sa biblia? actually, it is on the ten commandments, nagtataka lang ako kung bakit yung tungkol sa graven images... inalis sa first commandment. dahil ba it will be against the "traditions?" here is the full context of the first commandment, kayo na bahala magdecide kung mali lang ang pagkaintindi ko... ooppppsss... i might trigger some debate here... well, masasabi ko lang sa mga kaibigan kong katoliko... open your eyes, anyway, it's your choice naman, hindi ko pwedeng ipilit ang paniniwala ko sa inyo. anyway, kaluluwa nyo yan, hindi sa akin, if you think, you are not violating any commandments of God, then go on. basta ang sa akin, naipakita ko sa inyo na "parang" may mali.
yun lang
No comments:
Post a Comment