Friday, April 29, 2005

holiday adjustments

friday na naman, at uuwi na ulit ako sa batangas. 3 days ang bakasyon. nakakatawa talaga itong si GMA, that idea na iaadjust niya yung holiday sounds hilarious to me.. and i can't believe myself when i heard the news na ginawa nya nga! natatawa talaga ako, siguro, nung estudyante pa si GMA, inaabangan nya lagi yung holiday at disappointed sya kapag natatapat ng weekends, and since, presidente na sya ngayon, she can do what she wants. hehehe.

suggestion ko lang sa kanya, what if ipunin na lang nya yung holiday sa isang month?? araw-araw holiday starting new year. mas masaya yun! syempre, dapat, skipping the weekends... example.. january 1... new year, january 2... araw ng kagitingan, january 3...labor day, january 4... independence day... and so on!

happy weekends!

Thursday, April 28, 2005

email

Received this e-mail from a friend... don't know who's the author, pero nakakatuwang basahin...

here it goes... (my comments are in Italic)

SUBJECT: --nung ikaw ay bata... nagawa mo ba to?--


*kumakain ka ba ng aratilis? may puno pa nga kami ng aratilis sa harap ng bahay namin dati.

*nagpipitpit ng gumamela para gawing soapy bubbles na hihipan mo sa binilog na tanggkay ng walis tingting? hindi walis tingting ang gamit namin, tangkay ng kamias

*pinipilit ka ba matulog ng nanay mo pag hapon at di ka papayagan maglaro pag di ka natulog? hindi ko yata naranasan to, hindi na kasi ako kailangang pilitin

*marunong ka magpatintero, saksak puso, langit-lupa, teleber-teleber, luksong tinik? yung teleber-teleber, hindi ko alam kung ano.

*malupit ka pag meron kang atari, family computer or nes? nagkaron lang kami family computer

*alam mo ang silbi ng up, up, down, down, left, right, left, right, a, b, a, b, start? di ba sa contra to?

*may mga damit ka na U.S.E.D., Boy London, Cross Colors, Esprit, Blowing Bubbles at pag nakakakita ka ng Bench na damit eh naalala mo si Richard Gomez? wala akong ganyang damit, Richard Gomez and Bench, yup, nagsasagwan pa sya sa commercial.

*addict ka sa rainbow brite, carebears, my little pony, thundercats, bioman, voltes v, mazinger z, daimos, he-man at marami pang cartoons na hindi pa translated sa tagalog? thundercats, bioman, voltes v, daimos at he-man lang, yung iba, di ko alam, matalino mga bata nun, hindi na kailangang itranslate, pero naintindihan pa rin namin.

*nanonood ka ng shaider kasi nabobosohan mo si annie at type na type mo ang puting panty nya? nanonood ako ng shaider pero di ako namboboso. =)

*marunong ka mag wordstar at nakahawak ka na talaga ng 5.25 na floppy disk? nung uso ang wordstar, computer illiterate pa ako nun, pero nakahawak ako ng 5.25 floppy disk

*inaabangan mo lagi ang batibot at akala mo magkakatuluyan si kuya bodgie at ate sienna... napapanood ko, pero di ko inaabangan


*nung high school ka inaabangan mo lagi beverly hills 90210? di ko napanood yan

*gumagamit ka ng AQUANET para pataasin ang bangs mo? para sa babae yata to

*meron kang blouse na may padding kung babae ka at meron kang sapatos na mighty kid kung lalake ka? di ako nagkamighty kid, poor lang kami eh.

*nangongolekta ka ng paper stationaries at mahilig ka magpapirma sa slumbook mo para lang malaman mo kung sino ang crush ng type mo? sa mga babae yata yun, pero nakapagfill-up na rin ako nun, sa mga kaklase kong babae

*kilala mo si manang bola at ang sitsiritsit girls?e si luning-ning at luging-ging? batibot characters?

*alam mo ibig sabihin ng time space warp at di mo makakalimutan ang time space warp chant? sa shaider yun

*idol mo si McGyver at nanonood kang perfect strangers? di ko kilala yun

*eto malupet... six digits! lang ba ang phone number nyo dati? wala pang linya ng telepono sa amin... nasa bundok kami eh

*nakakatawag ka pa sa pay phone ng 3 bentesingko lang ang dala? wala akong tatawagan dahil wala nga kaming phone noon

*cute pa si aiza seguerra sa eat bulaga at alam mo ang song na "eh kasi bata"? oo nga

*inabutan mo ba na ang Magnolia Chocolait eh nasa glass bottle pa na ginagawang lalagyan ng tubig ng nanay mo sa ref? wala kaming ref nun eh

*meron kang pencil case na maraming compartments na pinagyayabang mo sa mga kaklase mo? wala, mahal yun eh

*noon mo pa hinahanap kung saan ang Goya Fun Factory? di ko hinanap yun

*alam mo lyrics ng "tinapang bangus" at "alagang-alaga namin si puti"? ???

*alam mo ang kantang "gloria labandera".. lumusong sha sa tubig ang paa ay nabasa at ang "1, 2, 3, asawa ni marie"... hehehehehe? kinda

*sosyal ka pag may play-doh ka at Lego... at nag-iipon ka ng G.I. Joe action figures at iba pa ang mukha ni barbie noon? pang mayaman to eh, poor lang kami

*inabutan mo pa yung singkong korteng bulaklak at yung diyes na square? singkong bulaklak, oo, dyes na square, wala akong matandaan

*lumaki kang bobo dahil ang akala mo nangangagat talaga ang alimango sa kantang tong-tong-tong... diba naninipit yun? di ako lumaki

*alam mo yung kwento ng pari na binigyan ng pera yung batang umakyat ng puno para bumili ng panty... and shempre, alam mo rin ba kung ano binigay nya sa nanay nung umakyat ng puno? ano yun???

*meron kang kabisadong kanta ni andrew e na alam mo hanggang ngayon.. aminin? hanggang ngayon? limot na

*laging lampin ang sinasapin sa likod mo pag pinapawisan ka? malay ko???

*bumibili ka ng tarzan, texas at bazooka bubble gum... tira-tira, at yung kending bilog na sinawsaw sa asukal? wala akong pera nun, poor lang kami

*kinukupit mo pa at nanonood ka ng mga porno tapes ng tatay mo na nasa BETAMAX format pa... at sanay ka tawagin ang porn as BOLD? di ako kumukupit... pero yung porno, BOLD talaga ang tawag nun

*takot ka dumating ang year 2000 dahil sabi nla magugunaw daw ang mundo? di ako natakot dun

KUNG ALAM MO LAHAT DITO LAGPAS KA NA NG 25 YEARS OLD... KAPAG HALOS LAHAT ALAM MO, NASA 23-25 KA... 18 lang ako... hehehehe

WAG KA NA MAG DENY.. TUMAWA KA NA LANG... DIBA .75CENTAVOS PA LANG PAMASAHE SA JEEP NUN AT MAS MASARAP ANG MELLOW YELLOW KESA MOUNTAIN DEW? HAHAHAHA

ano yung mellow yellow??

Wednesday, April 27, 2005

a near hit

can't start my day without blogging what happened to me on my way to office. muntik na akong makabangga. one-way kasi yung dinaanan ko, so normal lang takbo ng kotse ko. sa tapat nung intel bldg, may kanto pa dun, sa kanan ko... normal lang takbo ng sasakyan ko nang biglang may sumulpot na kotse, di man lang nagmenor pagdating dun sa kanto, at lumiko pasalubong sa akin, e one-way nga yun. buti na lang at malakas yung preno, talagang sudden stop from around 40kph to 0, kumaskas pa talaga yung gulong ng kotse ko sa kalye. buti na lang at naka-seatbelt ako, i did not suffer any injury. as for that car, tuloy tuloy lang sya na parang walang nangyari, gagong yun, hindi ko man lang nasigawan. pagdating ko sa office, naisip ko, sana, nasabitan ako kahit konti, kahit medyo abala sa akin, nang matuto naman ang driver na yun. syempre, sya yung may kasalanan, sya yung magpapaayos ng damage, one-way yung pinasok nya eh. grrr... driver na naman!

Tuesday, April 26, 2005

different modes

hr mode ... posted another opening on jobstreet.com.ph, and as soon as it was posted, applications started coming like a rain... parang inulan ng resume yung e-mail address namin. dami nga palang walang trabaho ngayon. ang dami kong babasahin to filter the qualified from the "pasaway".. hehehe, yung mga pasa nang pasa ng resume e obvious naman na hindi sya qualified. dagdag trabaho din kayo ha. medyo mahirap din pala maging hr. santambak na resume para sa isa o dalawang position. how do u get the best among the rest? syempre, dami nilang pagdadaanan and at the end, sina bossing ang magpapasya kung sino sa mga nirekomenda ko ang gusto nila.

programmer mode...
tapos ko na yung application para sa isang company, kulang na lang ng voice prompts na ipapadala nila. tinapos ko na rin yung isang application na kailangan ng client namin sa US... nasend ko na sa kanila..

technical writer mode... made the documentations for the application na ginawa ko nung programmer mode ako.. hehehe

chatter mode... wala lang, nakikipagchat paminsan-minsan sa mga friend kong online...

hacker mode???... it is not actually hacking, i just found out how to know if someone in yahoo messenger is really offline or on invisible mode lang, kung pinagtataguan ka lang pala... if you want to know... e-mail me.

blog hopper mode... read some blogs... one is complaining about her husband... one is telling his experience on a product launching event... one is telling her plans to go to cebu for another job... and one is telling the success of the blogger party last friday. sayang... hindi kami nagpunta, kasi, wala lang..

blogger mode... obvious naman, di ba??

gamer mode... after i posted this blog, maglalaro ako ng Yuri's revenge.. hehehe.

Monday, April 25, 2005

cubicle and a text message

nalipat na ako ng pwesto sa office, may sarili na akong cubicle. medyo nakakaalangan lang, kasi naman tong mga kasama ko, sir or boss na tawag sa akin, e hindi naman ako napromote, napalipat lang ako ng pwesto at hindi naman nila ako boss.

on other matters.. someone texted me... galit ata sa akin, or something, could be a wrong message sent to me... or whatever, naisip ko lang ipost ang message at number nya dito sa blog ko.. wala lang, just in case kilala nyo...

here is the number: 09103609931

here is the exact message: Pre trntdo k tlga ang tgl kng nghty tnga k tlga pera n nga lumlpt sau ayw m p akla m nlu2ko kta meron tlga

may naiisip ako kung sino to, pero mahirap nang magbintang. bahala na sa kanya ang Ama.

that's all for now.

Friday, April 22, 2005

generosity or system bug?

hindi ko alam kung mabait lang talaga ang SUN, very generous to their subscriber or may bug yung system nila. bakit kanyo?? yesterday, i still have a regular load na P115, pero mag-eexpire na sya ngayon, april 22. syempre, pag nag-expire na yun, back to zero na ang balance ko. kagabi, since expired na rin yung unlimited ko, i tried their convert a load feature. yung regular load mo, pede mong iconvert to 24/7 unlimited. so, ang nangyari, sa halip na zero balance na ako ngayon, naextend pa to 7 days yung load ko, unlimited pa for 7 days. at may tira pang 15 pesos na hindi na rin nag-expire. hehehe. ewan ko ha, pero logically thinking, dapat, hindi mo na pede iconvert to unlimited yung regular load na less than 7 days na bago maexpired di ba? anyway, thanks to the generosity! or bug???

yun lang

Thursday, April 21, 2005

fragments on my mind

kelan kaya ako yayaman at makakabili ng mga ibinibenta sa www.aso.com in cash? siguro sa pangarap na lang, unless makahukay ako ng langis sa likod ng bahay namin or makapagcreate ako ng operating system na will become more popular than windows. huh! makapag-golf nga minsan, baka may hidden talent ako sa paggogolf, hindi ko pa lang natutuklasan. malay nyo, mas magaling pa pala ako kay tiger woods. Or makasali sa F1 race, baka talunin ko pa si Schumacher, marunong naman akong magdrive, bibilisan lang naman sa F1 race ah. hehehe, kung si Schumacher ba, ipinanganak sa baranggay namin at kapareho lang ang status ng buhay ng sa akin, makasali rin kaya sya sa F1 race? tingin ko nga, kung yung mga driver ng bus dyan sa edsa ang isasali sa F1 race, tatalunin pa nila si schumacher. some people are just lucky because they are born lucky. kagaya ni lucky manzano, magiging artista ba sya kaagad kung hindi sya anak ni edu at vilma??? wala lang... kung ano-ano na naman naiisip ko. huh! kailangan ko na yatang magdefragment ng kukote ko... hehehe

Wednesday, April 20, 2005

interview, new pope, first commandment

2.5 years ago, naghahanap ako ng trabaho, lahat ng exam, pinasahan ko, pero pagdating sa interview, bagsak ako. hindi siguro sila believe sa paaralang aking pinasukan, at ayaw nila ng may accent pag nagsasalita... ala eh, anong gagawin? e batangenyo ako??? dito lang ako sa diavox nakapasa... salamat na lang at mayroong nakaisip na subukan ako... salamat na lang kay ma'am alona. 2.5 years ago, ako ang iniinterview... pero ngayon, ako na ang nag-iinterview. today, nag-interview ako ng apat na tao na nag-aaply as entry level programmer dito sa office. ok lang, magandang experience. tanong ka lang ng tanong, sya naman, sagot ng sagot. as far as I can see, makikita mo naman kung nambobola lang yung iniinterview or totoo yung sinasabi. merong mabulaklak ang dila, meron naman konti lang sumagot. i cannot divulge specific things here... secret na yun... basta ang hinahanap namin, yung marunong magprogram at madaling matuto.

comment on new pope? no comment.

basta, hindi ako lumuluhod sa harap ng kahoy na kinortehang tao para humingi ng tulong, kahit walang Biblia, kahit common sense, illogical yun. e paano pa kung ipinagbabawal pala sa biblia? actually, it is on the ten commandments, nagtataka lang ako kung bakit yung tungkol sa graven images... inalis sa first commandment. dahil ba it will be against the "traditions?" here is the full context of the first commandment, kayo na bahala magdecide kung mali lang ang pagkaintindi ko... ooppppsss... i might trigger some debate here... well, masasabi ko lang sa mga kaibigan kong katoliko... open your eyes, anyway, it's your choice naman, hindi ko pwedeng ipilit ang paniniwala ko sa inyo. anyway, kaluluwa nyo yan, hindi sa akin, if you think, you are not violating any commandments of God, then go on. basta ang sa akin, naipakita ko sa inyo na "parang" may mali.

yun lang

Monday, April 18, 2005

tigil pasada

maraming nastranded dahil sa tigil pasadang ginawa ng mga driver. according to www.inq7.net, natapos ang strike after the government promised a P2.50 fare hike. Huh! meaning, magiging P8.00 na ang minimum na pamasahe, early May daw ang implementation. Masaya na ang mga driver, kumbaga sa emplayado, naincreasan na sila. E pano naman kami? Hindi ba naisip ng gobyerno na mas marami ang pasahero kaysa mga driver? ilan ba ang driver sa isang dyip? 1 lang di ba? e ang pasahero, ilan? kung siyaman, 18 na yun plus yung 2 sa unahan, so 20. pabor sa driver, kawawa naman mga pasahero. mali na mag-increase ng pamasahe, dapat talaga ay buwagin na yung oil-deregulation law at makialam na ang pamahalaan sa pagkontrol ng presyo ng gasolina. at least, makita naman natin kung saan napupunta yung tax na ibinabayad natin.

e kung magtigil sakay naman kaya ang mga pasahero? oplan lakaran. kahit isang araw lang? at ang hilingin naman ay ibaba ang pamasahe, ano kaya ang gagawin ng gobyerno? di ba, in a democratic country, majority wins? we'll, its obvious na mas marami ang pasahero kesa sa mga driver. pagbigyan din kaya??

fare hike is not the solution to the problem. akala ko ba, ekonomista ang pangulo natin? come on, do your job!

im wondering, nasan na ba si dingel?? yung nakaimbento raw ng sasakyang tubig lang ang kailangan para tumakbo? bakit hindi i-mass produce yung sasakyan nya? i remember, ipinakita pa sa Magandang Gabi Bayan yun. Ngayon na VP na si noli de castro, anong ginagawa mo dyan? bakit hindi mo suportahan si dingle???

napasipag yata akong magblog ngayon. 2 blogs in a day. may nagawa ba ako sa office? meron naman syempre, multitasking yata ako... di lang multi-tasking, highly flexible, i can be your HR, your system analyst, your programmer, your secretary, and even your driver... hehehehe.

may ginawa pala akong bagong blog site... for photoblogging naman. click here to check it out. ilagay ko rin yan sa links ko sa sidebar pag sinipag ako sa isang araw.

salam.

laban o bawi

last saturday was a "big day." halos lahat ng tao sa baranggay ilat south ay nanood ng eat bulaga. bakit? sumali kasi ang bunso kong kapatid sa "laban o bawi".

unang tanong, ano ang M sa claro m. recto, ito ay nasa kalendaryo? sagot nya... marso... mali! tamang sagot ay mayo.

pangalawang tanong, kaninong boksingero ipinangalan ang isang mall sa quezon city? sagot nya.... ali mall... mali na naman.

ikatlong tanong, sa calabarzon, ano ang coconut capital? sagot nya, laguna... mali na naman... tamang sagot is quezon. tsugi time na kaya uwi na sya...

mga kwento ng mga nakapanood na kamag-anak namin...

marami sa kanila, kinakausap daw ang tv at dinidiktahan sya ng sagot.. like yung Mayo... kahit ako, sigaw na sa bahay, sabi ko... "boyet... Mayo! Mayo!... buzz ka, Mayo ang sagot" kaso, pagsagot nya, Marso!

after that, pagdating nya sa baranggay namin, para syang artista.. lahat bumabati. ang pinsan ko, ang tawag sa kanya, ali mall... hehehe. sinulit naman daw nya ang pagpunta dun, nagpapicture sya at nagpaauto-graph sa mga sex-bomb.

halos nagkaroon daw ng bonding yung mga kasali. kasi from 7AM, magkakasama na sila. nung isa isa nga daw nalalaglag, batian pa pagpasok sa loob. "Ikaw? laglag ka na rin?","Sino na lang natira?"... tapos tawanan pa raw. Sya lang daw yung hindi makausap at masama ang loob, nanghihinayang sa Ali Mall... namental block nga daw sya, akala daw nya ay Mall yung itinatanong.

Hindi naman sya umuwing luhaan dahil nakabalato naman daw dun sa nanalo, binigyan daw sila ng P250. Bukod dun, may instant pera na palang ibinibigay ang eat bulaga sa mga kasali. Good thing naman, at least, kahit sa pamasahe e nakabawi sya.

3 months pa daw ulit bago sya makasali. sasali daw sya ulit, siguro naman next time, medyo bawas na yung kaba nya.

yun lang.

Friday, April 15, 2005

questions for raelians and others

nabasa ko ang "The Message Given by the Extra-Terrestrials" ng mga Raelians. di ko alam kung religion sila o ano? Hindi sila naniniwala sa Dyos, ang paniniwala nila, mga extra-terrestrials ang pinagmulan natin. Na ginawa lang tayo ng mga ET na allegedly ay nakausap daw ni Rael. when you read the book, it seems that you are reading a fictional book, at ginamit pa nila ang bible to justify their belief. Ang paniniwala nila, eternal life can be attained by cloning, at lahat ng nakasulat sa biblia na mga himala is a product of advanced science ng mga alien na during that time ay tumutulong daw sa mga prophets including jesus, moises, elijah and mohammed. wala daw kaluluwa ang mga tao at walang Dyos, lahat daw ng bagay, including the earth itself is produced by these ETs 25,000 years ago.

i just found some loopholes (IMHO) to their belief...

yung mga makasalanan daw, icoclone muli para parusahan when judgement day comes...what is the logic behind that granting na walang kaluluwa ang tao? ...e wala palang kaluluwa ang tao, bakit kailangan pang iclone para parusahan?? yung bang naclone nila, with the same personality and memory as the original, yun pa rin ba ang taong makasalanan??? e wala ngang kaluluwa? memory lang at katawan yung napreserve, pero nung iclone nyo... ibang tao na rin yun.

example, sabi ni rael, nung isama daw sya nung mga ET, they cloned him, so after cloning him, 2 na silang kausap nung ET, pero sabi nung ET, they will destroy the cloned one because it has no use to them. Tanong, when they destroyed the cloned Rael, did the original Rael suffered??? hindi di ba? kasi nga, cloned lang yun... ibang tao na rin yun. so, anong logic bakit kailangang iclone ang mga makasalanan on judgement day para parusahan... kala ko ba, advanced yung science nila... e mukhang illogical naman sila mag-isip.

isa pa, sabi nila, TV is the greatest invention. yun ang sabi nung ET. bilis daw kasi magtravel ng info, window to our world daw yun. hay!!! akala ko,advanced sila, hindi nila na foresee na magkakaroon ng Internet??? na by far is more advanced than TV specially when it comes to information dessimination. akala ko ba, advanced yung level ng science nila???

isa pa, natatakot daw silang magpakita sa mga tao dahil baka daw maging hostile sa kanila, baka daw pagpasok pa lang ng space craft nila, tirahin na agad sila ng nuclear weapons... etc. ha??? akala ko ba, advanced sila? 25,000 years ago, they created the lands on the earth, and now, takot sila sa nuclear weapon? nahawi nga nila ang dagat, nagamot nila yung mga ginamot ni jesus, nakakabuhay sila ng patay, e bakit takot sila??? kala ko ba, they have a higher level of intelligence.

i believe may mga raelians na rin dito sa pilipinas, nakita ko pa nga minsan na guest sa isang tv program. can u answer these for me???

another comment... mukhang mga sex addict yung mga ET.

if you read the comment on my previous blog someone is inviting me to their paid blogging service for free. well, satisfied pa naman ako sa service ng www.blogger.com, kaya hindi muna ako lilipat. Imagine, when you searched "kukote" on google.com, itong blog ko ang number 1??? try nyo rin sa yahoo.com, mamma.com, gigablast.com, don't be surprised with the results.

have a great weekend!

Tuesday, April 12, 2005

stats


got 16 unique visitors (are you one of them??) last April 7... this graph is courtesy of http://freestats.com, kaya nga may banner dyan sa baba, nilolog nya yung IP address ng mga nagbabasa nitong blog. yun lang

Thursday, April 07, 2005

chat

Someone tried to chat with me today, obviously, nanggugudtime lang... sayang at natapos agad ang conversation namin, tinitrace ko pa naman kung anong IP address nya. unknown to her (or him?), everything is logged... here it goes...


shellykenro* (i changed the yahoo id) :hi
marhgil : hu u?
marhgil : who are u?
shellykenro* : ang tapang naman ng ? mo..nakakaintimidate agad
shellykenro* : asl pls
marhgil : who gave you my yahoo id?
shellykenro* : my cuz. basta..you know her
shellykenro* : actually she did not give it to me..i got it from her secretly so hushh ok
marhgil : ok
marhgil : cno cuz mo?
shellykenro* : ***** (name removed)...there i said it. i trust you wont tell her ok
marhgil : and ur real name?
shellykenro* : obvious naman sa ym id ko diba? like yours its very obvious marhgil is your name, ayt?
marhgil : ok,ok
shellykenro* : u bz?
marhgil : kelan kp nagyym?
shellykenro* : just now..ive been using messenger ever since
marhgil : using ym since when?
shellykenro* : i've told you already, just now!!!
shellykenro* : tell me something bout yourself
marhgil : sorry but i don't talk to strangers...
shellykenro* : ok fine...your so arrogant and my cuz even told me your sweet and all (arrogant daw, tapos... nambola pa???)
marhgil : tell her to personally introduce me to you and we'll talk
marhgil : offline kasi yung isang dakilang manloloko sa chat... feeling ko, ginugudtym ako (i remember the smooth palms story... hi bj!!)
shellykenro* : huh...to much air in your head, no need with your attitude i don't think i even want to meet you bye!
marhgil : ok fine... bye

yun lang

Wednesday, April 06, 2005

pope john paul II

i'm not a catholic... but i can't let this week pass without commenting on pope john paul ii's death. it only showed na kahit sino pa tayo, kahit ano pa ang kalagayan natin sa buhay, kahit mayaman tayo o mahirap, makasalanan o banal, kapag oras mo na, kahit buong mundo pa ang manalangin para wag ka munang mamatay.. wala na tayong magagawa. pag oras mo na, oras mo na. ang problema nga lang, hindi natin alam kung kelan ang oras natin... let's just make sure na yung maiiwan natin ay may magagandang alaalang maiiwan... we'll that's one of the reason i kept on posting here. someday, siguro kung wala na ako, pwedeng mga apo ko na ang magbabasa ng blog na ito at sasabihin... "my lolo is great... he is a blog addict!" hehehe

Tuesday, April 05, 2005

gala sa araneta




wala kaming magawa nung friday kaya naisipan naming gumala sa araneta. yun, nung pauwi na kami eh napansin namin na yung sasakyan pala na katabi ng kotse ko sa parking lot ay kay marlou aquino. paalis na rin sya, pero nakapagpapicture pa rin kami. yun lang.

Friday, April 01, 2005

sipsip, controversy, terri

ok lang magsipsip... pero wag naman sana mamerwisyo, pede ka naman magbuhat ng sariling bangko na hindi sinisira ang bangko ng iba ah. natural lang sa tao na maisipan magpaimpress sa boss nya, but highlight mo lang yung mga ginawa mo at wag mo na idamay ang iba, di ba? aalis na nga lang, namerwisyo pa... ggrrrr. hawig pa naman sa savior pangalan nya, hudas pala! sino ba itong tinutukoy ko??? secret. hint... bato, bato sa langit... ang tamaan.. may bukol!!! hehehe

comments on the P1M-per-night controversy sa Las Vegas, ang saya sa Pilipinas. Krisis daw, pero ang isang tao, kayang kumuha ng room na ganun kamahal. ano kayang klaseng kukote meron ang mga to??

para naman sa mga taong pumatay kay terri schiavo, wala na ba kayong konsensya? pag wala na bang silbi, papatayin na lang? she can breathe by herself, her blood is still flowing without any machines.. brain-damaged lang sya and the only way to feed her is through the food tube. bakit inalis ang food tube, e andyan naman ang mga magulang nya na handang mag-aruga sa kanya? kung ayaw na ng asawa nya, e di wag. ang sama na talaga ng mundo, mga walang modo at konsensya na ang mga tao. "God, forgive them for they do not know what they are doing."

that's all for now.