Wednesday, February 07, 2007

Ituloy AngSulong Kontra Panggagamit!

Malapit na ang hangalan halalan. Mapapansin nyo na nagiging masa na naman ang tema o istilo ng mga kakandidato. Ginagamit na naman ang masa, pati yung mga iniidolo ng masa. Bakit? Syempre marami ang masa, malaking bahagdan ng mga botante ay ang masa. Tsk! Siguro panay na ang ensayo nila kung paano makitungo sa masa.

Ah! Ituloy AngSulong laban sa gamitan! Ituloy AngSulong kontra mangagamit! Ituloy!

Ituloy Angsulong Ng Walang Hanggang Yakapan

Walang hanggang yakapan, the eternal embrace, yan ang headline sa Yahoo News kanina pagsilip ko sa Yahoo para makita kung pang-ilan na kami sa ituloy angsulong. Nagkataon lang naman na nakahukay ang mga archaeologists sa Italy nang dalawang skeleton na magkayakap, around 5000 years old na daw. Wow, paano kaya nangyari yun? Inilibing silang magkayakap? Ang sweet naman nun. Hindi pa lang matiyak kung babae at lalake ang skeleton, naku, kapag parehong lalake yun, magdiriwang ang mga bading. Hehehe. Proof na 5000 years ago, may brokeback na. Hehehe. Well, abangan na lang natin ang resulta. Basahin ang buong istorya ng kwentong ito dito.

Love is in the air. Magvavalentine's na nga. Kaya tadtad na ng valentine quotes yung textmates blog ko. Hehehe. In preparation for the valentine's day. Dadagsa na naman ang visitors sa blog kong yun sa February 14.

Ituloy Angsulong ng walang hanggang yakapan! Ituloy!

Ituloy Angsulong sa Panonood ng Condom Commercial

Nakakatawa talaga ang mga commercial ng condom sa youtube. Heto ang ilan sa mga favorite ko:






malapit na ang valentine's day! ingat-ingat! baka mapagaya kayo dito:



ituloy angsulong ng family planning! ituloy! angsulong!

yun lang!

Tuesday, February 06, 2007

ituloy angsulong ng isang mapayapang eleksyon

kanya kanyang pakyut ngayon ng mga pulitiko since malapit na ang eleksyon.. kahit noon pa, makikita mo na ang ilan sa kanila na bigla na lang nagsusulputan sa mga noontime show at commercial. Isang halimbawa nito ay ang pancit canton commercial ni kiko or ang madalas na paglabas ni tito sa bulaga..
kanya kanyang gimik, para lang mapansin ng mga tao. at ang sa mga naglalabasang mga commercial nila sa tv.. ang pinaka worst na ata na nakita ko ay ang kay mike, ginamit na nga ang kanta ni manny, kumaway kaway lang and then nakaside view na humarap sa kamera then ngumiti, ayun.. commercial na.. ano kaya ang mensahe nun??
ngunit natuto na ba tayong mga botante mula sa mga pagkakamali natin sa tuwing nag-eeleksyon?? o baka naman nahihila pa din tayo sa isang zesto at isang sandwich na binibigay ng mga pulitiko sa atin sa araw ng eleksyon??
Pilipino.. kelan tayo matututo??

Ituloy angsulong para sa isang mapayapang eleksyon!!! ituloy angsulong ng isang matalinong botante !!!

Ituloy AngSulong Ng Blogging Sa Office

Alam nyo ba na may kumpanya dito sa Pilipinas na nag-eencourage ng kanyang mga empleyado na magblog? And to encourage them more to blog, the company allotted Php5000 for the best blog. Opo, totoo po ito. Kausap ko pa nga kagabi yung isa nilang empleyado na kaibigan ng boardmate ko. So, bakit ganun? Ang katwiran daw ng boss nila, kesa naman maggames na lang kayo nang maggames dyan, eh di magblog na lang kayo. Pero ang requirement, they should link their blog to their company website. Hmm, I smell something SEO here. Hehehe.

I will not reveal the name of the company. Ang nature kasi ng business nila, they provide software to their clients and then, they provide on-call support. And since stable naman yung software nila and they receive very minimal call, ang nangyayari, yung support team nila ay maghapong tambay lang sa office. Hayun nga, nag-iinternet, naglalaro ng online games, nanonood ng video sa youtube, nagbabasa ng blog ko (asa pa!) at kung ano ano pa. So, to make themselves productive during those idle times, magblog na lang sila. Hey, they should ask me (or pay me) to teach them Google Adsense, para naman kumita rin sila. Hehehe. Well, siguro, gusto rin ng boss nila na tumaas sa search engine yung website nila kaya required yung links. Ano naman ang mga dapat nilang iblog? May rules ba? Walang sinabi sa akin. I think, siguro, wag lang silang magsasabi ng masama tungkol sa kumpanya nila, they are safe.

Ituloy Angsulong ng blogging sa office! Ituloy!

Ituloy Angsulong Laban sa mga Maagang Kampanyero

hindi pa panahon ng kampanya, bawal pang mangampanya, pero nagkalat na ang mukha ng mga mapeperang pulitiko sa tv at sa mga pader ng bayan. hindi pa naman daw sila nangangampanya, kasi, wala pa yung word na vote! oo nga naman. pero obvious naman na pangangampanya na ang ginagawa nila, hindi naman kami mga tanga. wala nga ba silang nilalabag na batas? ipagpalagay nang wala, dahil sa may butas ang batas. well, it just shows kung anong uri sila ng mga pulitiko. kapag may butas, lulusot. will do anything na makapanglamang sa kapwa, tutal naman, may butas yung batas. yan ba ang mga taong pagkakatiwalaan nyo ng inyong boto? na sinasamantala ang butas sa batas? well, kayo na ang humatol.

ituloy angsulong laban sa mga pulitikong maagang mangampanya! ituloy!

Monday, February 05, 2007

The Doc

Hindi naman sa ayaw ko ng mga made in China products, ngunit ramdam namin ni Boy Popoy ang pagkakaiba ng DMs na England kaysa China/Thailand.

Lifted from Wikipedia

In the 2000s, Dr. Martens are sold exclusively under the AirWair name, and come in dozens of different styles, including conventional black shoes, sandals and steel-toed boots. On April 1, 2003, the Dr. Martens company ceased all production in the United Kingdom, eliminating over 1,000 British jobs. All Dr. Martens footwear then became produced in China and Thailand. With this change also came the end of the company's vegetarian-friendly non-leather products (which were produced since January, 2000). The Vegetarian Shoes company has an Airseal line, which includes non-leather footwear similar to Dr. Martens products. Meanwhile, many punks and skinheads have turned to competing manufacturers' boots such as Grinders, Gripfast, and Rangers.

Tingnan nyo na lang sa link yung mga picture at makikita nyo rin ang mga pagkakaiba. Ituloy AngSulong pabalik ng England! Ituloy!

ituloy angsulong ng 2007

bakit nga ba sa unang salpukan pa lang ng taong 2007 ay hindi na mabilang sa daliri ng aking mga kamay na kasama na ang paa na manghihiram pa ng mga daliri at daliri din ng paa kay boy dapa ang mga nagiging problema ko..
may mga problem na pedeng resolbahin pero sa kadahilanang minamalas din ang ibang tao ay wala kang magawa....
"sabay sabay ang sawsaw ng problema" ika nga ni Joy
ngunit sa mga pangyayaring ito.. nagiging positibo pa din ang pananaw ko sa mga nangyayari... natutunan kong habaan ang aking pasensya, ipagkibit balikat lang muna ang malalaking problema, pahalagahan ang mga bagay kahit ito'y isang maliit na halaga lang, at higit sa lahat..anuman ang mangyari, ang pamilya mo pa din ang unang dadamay sa yo...
teka, ano na bang nangyari sa "inocente de ti"???

ituloy angsulong ng 2007 !!! ituloy angsulong !!!!

Ituloy Angsulong Laban Sa Mga Holdaper Sa Taxi

Natanggap ko ang e-mail na ito kaninang umaga. And since kami ay sa Makati nakikitira, medyo kinabahan tuloy akong magtaxi-taxi ngayon. Magdyip na lang tayo, 7 pesos lang. Huwag lang kayo magpapadura. Hehehe.

dear friends,

i just met with a friend yesterday who had just emerged from a 9-hour ordeal. he was kidnapped in the heart of the makati business district!

around noon the day before, he emerged from lpl towers on leviste st., salcedo village to go to a lunch meeting in pasong tamo. he decided not to take his car because parking in makati can be a hassle. talking on the phone, he hopped into the first available cab.

later he realized the cab was taking a route that was unusual. he called the driver's attention to this but was ignored. the cab entered into urban road, the road by urban bank which is parallel to buendia.

it stopped and three other men got in. he tried to struggle but they stabbed his wrist which of course bled profusely. when he heard the sound of a gun being cocked, he stopped struggling and gave in to all their demands. they had him withdraw from all four bank accounts, took his cel phone and palm pilot and dropped him off in cavite somewhere near trece martires. the motorists ignored him as he tried to flag them down but he was finally able to make it back to makati somehow.

he reported the incident to the makati police and was told that it was the third such incident in the week. one happened to a student who got a cab in rockwell, the other to a citibank female executive who was taking a cab from paseo de roxas to glorietta but ended up in cavite. the cabs were stolen. i assume all targets were well-dressed (my friend was in coat and tie) and upwardly-mobile looking. where hapless expats and tourist used to be the victims of similar crimes, young executives and students are now the new targets. the please warn your friends to be careful about taxicabs especially in the makati district. perhaps the best way to take a taxi would be in the queues where they hand you a piece of paper with all the taxi info and the ltfrb number, or to call for one from a reputable cab company such as golden or r & e.

bart


I don't know if the incident is true, pero mabuti na yung nag-iingat. Kung sasakay ng taxi, iwasan ang pagkakaroon ng mayaman look. Mas magaling na yung walang pera look, para hindi ka maging biktima ng mga kawatang ito. Ok lang siguro magcoat and tie, basta magbitbit ka ng resume, para kunwari, aplikante ka at wala ka pang pera. hehehe.

mag-ingat po tayo! isuplong sa pulis ang mga kawatang ito. ituloy angsulong laban sa mga kawatan. ituloy ang sulong laban sa mga kriminal. ituloy!

hmm, malapit na talaga ang election.

Ituloy Angsulong Update

Spam blog daw kami, siguro, yan ang iniisip ng Yahoo at Google. Kasi naman, ang daming links na nadaragdag every day, pero wala naman kaming update. Paano nga naman nila iisipin na totoong mga tao kami, napagkakamalan tuloy kaming spammer lang. Kaya mula ngayon, muling mabubuhay ang blog na ito. Ituloy Angsulong sa pag-uupdate ng blog! Kasi naman, naging masyadong busy kami sa kanya-kanyang buhay, pero ngayon, we're back in the game. Google, Yahoo, maniwala kayo sa MSN, kami talaga ang dapat na no.1! Hahaha!

Lunes na naman, at hindi ko alam kung anong mangyayari ngayong week na ito. Bukas pala, one year na ako sa kumpanyang aking pinapasukan. Ang saya! Sana, may increase. Hehehe. Yun lang!

Ituloy Angsulong sa pagpopost ng update! Ituloy!