Tuesday, July 01, 2008

pagkabuhay na mag-uli

muli kong binubuhay ang blog na ito dahil mukhang patay na ata ito nang mga ilang taon. medyo napasarap gumawa ng pera sa ibabaw ng linya (make money online) kaya nga't ngayon ko lang ulit ito na-update. ano naman ang naisip ko at naisipan kong buhayin itong muli?

kasi naman po, medyo may mga bagay na gusto kong sabihin doon sa kabila kong blog na mukha namang hindi naaangkop para sa blog na yun. puro pagpapayaman at paggawa ng pera ang sinulat ko doon, at kaunting hijacking ng mga desusing salita (keywords). wala silang mapapala kung mga kalokohan ng utak ko ang isusulat ko doon.

so, eto ako, nagbabalik. pero hindi na kukote in a jar ang gagamitin ko. kahit kukote pa rin alias ko dito, marhgil macuha na ang title ng blog ko. anyway, ako din naman yun. basta ba basahin nyo na lang ito.

yun lang!

3 comments:

Jehzeel Laurente said...

maligayang pagbabalik :D grabe ang tagal na ng blog na to ah :D hehe

Eligio said...

ang lakas nitong blog dati nung sa ituloy angsulong. buti bubuhayin mo ulit. :D

kukote said...

@jehzeel, @eligio... kailangang buhayin at bumaba ang PR. hehe. baka kapag nagpost ulit ako, tataas na ulit. :)