ikalawang araw ng hulyo, at ako ay natraffic. muntik nang umabot sa cut-off time. dito kasi sa amin, after 9:30AM, late ka na. At after ng 10:00AM, half day ka na. Kung dumating ka ng saktong 10:00AM, late ka lang ng 30 minutes, yun lang kakaltasin sa sweldo mo. Pero kung darating ka ng 10:01AM, half day ka na. Kalahati na ng sweldo mo sa isang araw ang kakaltasin.
Kaya syempre, kung matatraffic kang bigla, nakakaasar. Di bale nang malate at dumating ng 10:30AM, at least, tanggap mo na half day ka na, pero kung darating ka na 10:01 AM, ang sakit, di ba? dahil sa isang minuto, kalahating araw ang nawala sa sweldo mo. syempre, pwede ka na munang umuwi kung 10:01 ka dumating, bumalik ka na lang nang ala una. Hehe.
Pero infairness, masyado na namang tanghali yung 9:30 sa pagpasok sa opisina. Kaya hindi na dapat ako nagrereklamo. Hahaha. Yung iba nga, alas otso ang pasok eh.
Anong magagawa ko, eh ang sarap matulog. At nakakatamad bumangon sa umaga.
Yun lang.
No comments:
Post a Comment