Thursday, August 14, 2008

Ang Puwet Ni Sam Milby

May kumakalat ngayon sa Youtube na video na kuha daw sa taping ng Dyosa. Makikita daw doon na si Sam Milby ay hubo't hubad, kita ang puwet. Hehehe.

Well, ito yung Youtube video na kumakalat.






Ang tanong, puwet ba talaga ni Sam Milby yun, or kadouble lang?

Eh ano ngayon kung pwet nya yun? Wala akong paki. hahaha.

Friday, August 01, 2008

Recipe from Hell

Sya: Ano bang magandang niche blog?
Ako: Recipe from hell.
Sya: Ano yun?
Ako: Kopya ka ng recipe ng iba. Tapos, pagpalit-palitin mo ang ingredients. Yung instruction, paghaluhaluin mo rin. Palitan mo yung pakuluan ng palamigin. Palitan mo yung haluin ng kalugin. Basta, guluhin mo yung recipe. Yung minuto, gawin mong segundo. Yung segundo, gawin mong minuto. Ang saya siguro nyan. Sunog ang niluluto.
Sya: Ganun?
Ako: Oo, maganda yan. Unique content. Tataas ranking mo sa search engine. Dadami visitors mo. Tapos lagyan mo ng disclaimer. Demonyo lang ang maniniwala sa recipeng ito. Kaya nga recipe from hell.
Sya: Di ba, dapat, quality content?
Ako: Humor blog naman yun eh. That's quality content. ;)

Otso otsong usapan sa phone

Kring kring...

Ako: Hello.
Sya: Marhgil. Kumusta na?
Ako: Ito, ok lang. Medyo busy. Ikakasal na eh.
Sya: Oo nga, malapit ka na nga palang ikasal.
Ako: Oo, next week na.
Sya: Ha? Next week? Ganun na ba kalapit?
Ako: Oo.
Sya: Hindi ba, 888?
Ako: Oo nga. 888. August 8, 2008.
Sya: A, August nga pala yun. Akala ko October. Kasi, 8. Octagon. October.
Ako: Hahaha.

Wednesday, July 16, 2008

Busby SEO Challenger

Hindi ako kasali. Trip ko lang makigulo. Masyado na silang magagaling. Huli na ako sa balita kaya hindi na ako sasali. Saang page kaya aabot ang post na ito sa Busby SEO Challenge contest na ito? Abangan.

Gusto nyo ring makigulo? Kung sa tingin nyo ay wala na kayong pag-asa, ilink nyo na lang itong blog ko sa mga contest entry nyo. Malay nyo, matalo ko yung nangunguna. Nakuha nga nila yung premyo, asar talo naman sila sa akin. Hahaha.

Dali, pagkaisahan nyong ilink ang blog na ito. Lol!

Pasensya na kayo. Medyo marami lang akong nainom na Coke, e diabetic pa naman ako. Kaya eto, may tama ng konti. Hahaha!

Yun lang.

Tuesday, July 08, 2008

Lindol Sa July 18!

lilindol daw sa july 18. ang galing naman nila. may naimbento na bang pang-xray ng ilalim ng lupa para malaman kung alin sa mga tectonic plates ang gagalaw, kelan at gaano kalakas? Sa pagkakaalam ko ay wala pa.

unless may ibinaon silang bomba sa ilalim ng lupa dito sa pilipinas na nakatakdang magdetonate sa july 18, malamang ay lumindol nga. pero kung wala naman, eh parang ipinagkalat nyo na rin na mamamatay ako sa july 18. hindi imposible. parang yung lindol. hindi imposible. pero imposibleng mahulaan kung kelan, saan at gaano kalakas. parang kamatayan ko rin. kung mamatay ako sa july 18, magaling kayong manghula. kung hindi. eh di hindi.

ganun lang yun. naglalaro lang sila sa mga probability and statistics. naniwala naman kayo.

kapag lumindol ng 8.1 sa july 18, ipapaputol ko ang daliri ng katabi ko. promise! hahaha!

Sunday, July 06, 2008

Hancock

Ang ganda ng Hancock. Napanood namin kahapon. Ang saya. Lumilipad na mag-iinom. Ang kulit ni Will Smith! Basahin ang Hancock review ko. Ayos, tama na ito.

Wednesday, July 02, 2008

ang mahuli ay late!

ikalawang araw ng hulyo, at ako ay natraffic. muntik nang umabot sa cut-off time. dito kasi sa amin, after 9:30AM, late ka na. At after ng 10:00AM, half day ka na. Kung dumating ka ng saktong 10:00AM, late ka lang ng 30 minutes, yun lang kakaltasin sa sweldo mo. Pero kung darating ka ng 10:01AM, half day ka na. Kalahati na ng sweldo mo sa isang araw ang kakaltasin.

Kaya syempre, kung matatraffic kang bigla, nakakaasar. Di bale nang malate at dumating ng 10:30AM, at least, tanggap mo na half day ka na, pero kung darating ka na 10:01 AM, ang sakit, di ba? dahil sa isang minuto, kalahating araw ang nawala sa sweldo mo. syempre, pwede ka na munang umuwi kung 10:01 ka dumating, bumalik ka na lang nang ala una. Hehe.

Pero infairness, masyado na namang tanghali yung 9:30 sa pagpasok sa opisina. Kaya hindi na dapat ako nagrereklamo. Hahaha. Yung iba nga, alas otso ang pasok eh.

Anong magagawa ko, eh ang sarap matulog. At nakakatamad bumangon sa umaga.

Yun lang.

Tuesday, July 01, 2008

pagkabuhay na mag-uli

muli kong binubuhay ang blog na ito dahil mukhang patay na ata ito nang mga ilang taon. medyo napasarap gumawa ng pera sa ibabaw ng linya (make money online) kaya nga't ngayon ko lang ulit ito na-update. ano naman ang naisip ko at naisipan kong buhayin itong muli?

kasi naman po, medyo may mga bagay na gusto kong sabihin doon sa kabila kong blog na mukha namang hindi naaangkop para sa blog na yun. puro pagpapayaman at paggawa ng pera ang sinulat ko doon, at kaunting hijacking ng mga desusing salita (keywords). wala silang mapapala kung mga kalokohan ng utak ko ang isusulat ko doon.

so, eto ako, nagbabalik. pero hindi na kukote in a jar ang gagamitin ko. kahit kukote pa rin alias ko dito, marhgil macuha na ang title ng blog ko. anyway, ako din naman yun. basta ba basahin nyo na lang ito.

yun lang!

Thursday, March 20, 2008

Googel

Medyo matagal tagal na rin akong hindi nakapagpost dito. Medyo busy kasi sa career ng pagboblog doon sa kabilang blog ko. Kasi naman ang Googel Adsense, hindi pa rin supported ang Filipino language. Magblog man ako ng magblog dito, hindi pa rin magiging relevant ang ads na ididisplay nila. Kaya pasensya na mga readers, kung meron man. Hahaha.

Anyway, nagpost ako ngayon dahil ako lamang naman ay nag-ooptimize ng isang keyword. Mukhang mabenta daw ito eh. Kung mahihit ko ang first page ng Googel, este, Google, eh baka dadami ang dolyar na kikitain ko sa Adsense. Kaya eto, nagpopost ng tungkol sa Googel.

Ano ba naman itong Googel? Ang googel ay isang maling baybay ng salitang Google. Yun lang naman yun, wala naman talagang ibig sabihin. Yun nga laang, ang daming nagsesearch nyan sa Google. Ewan ko ba, kung bakit nasa Google na sila ay hinahanap pa rin nila ang Googel. O baka naman naghahanap sila ng goggles? Ah ewan.

Alam nyo ba na hindi rin sinasadya ang pagkapangalan ng Google sa kanilang kumpanya? Dapat talaga ay Googol yun, kaso, hindi ata nila alam ang tamang spelling ng googol, kaya naging Google. tapos ngayon naman, may mga mali-maling tao na googel naman ang pagbaybay nito.

Hayan, medyo mahaba na ito. Puro lang naman ito tungkol sa Googel. Link love sa Googel post ko. Tama na, spamming na, dami nang link. hahaha.