ibang iba pala kung brand new car ang drive mo at tinted (light tint yung sa akin), lalo na kung wala pang plate number. una, walang coding, kahit anong araw, pwede kang magpunta sa manila. hindi ka basta basta huhulihin ng pulis kapag may violation ka, kasi nga, tinted yung car mo, medyo hesitant daw sila manghuli nito, baka daw kasi si mayor ang sakay.. hehehe. ano pa? sa trapik, walang manggigitgit sa iyo. takot na lang nilang magasgasan yung kotse mo. kung ikaw ang sisingit, pagbibigyan ka, aatras pa yan pag medyo alangan. at pagdaan ng sasakyan mo, lalo na sa inyong barangay, habol ang tingin ng mga tambay, siguro, iniisip nila, paano kaya naloko ni marhgil yung toyota at nakakuha ng car loan? hehehe. isa pa, nung magbestman ako sa kasal ng kapatid ko at nakita ako nung isa nyang ninang na dala yung bagong car, inirereto kaagad ako sa anak nya. sabi ko lang, sori, taken na po ako. gumagwapo nga naman kapag nakakotse.. hehehehe.
kahapon, nagpunta kami sa "tagong paraiso" sa bayanan, batangas para magswimming sa swimming pool nila. talaga nga palang tago, yung kotse kong bagong car wash, pagdating dun, ang dumi na. e hindi pa kasi sementado yung kalye, malayo pa sa kabihasnan.. puro alikabok.
medyo lugi lang ako sa bahay ngayon, tatlo lang kasi yung kwarto. sa isang kwarto, ang inay at tatay, dun sa isa naman ay yung bunso kong kapatid, asawa at mga anak nya, yung isa naman, ang kuya at ang kanyang bagong asawa ang natutulog. E saan ako? dun sa sala, sa sofa.
that's all for now.
1 comment:
dumadaan ka ba sa parteng makati? pa-hitch! hehe! joke lang! ^_^
Post a Comment