ito na yata ang pinakamalas na week ko...
my hard disk crashed and replaced... some important files lost...
i reformatted my cellphone, start-up failure kasi... lahat ng contacts at ringtones ko, nabura... gggrrr.
ang daming dapat ayusin... nakakahilo.
tatlong agent ang nag-alok sa akin ng credit card, nagpasa ako sa dalawa... yung panghuli, nireject ko na... pero till now, yung pinangako nilang express delivery, wala pa, natrapik yata... balak ko lang gamitin to purchase some items na gusto kong bilhin na hindi ko kayang bayaran ng biglaan.
narealize ko na ang laki pala ng pera kong pautang, kung nilagay ko na lang sana sa bangko, baka nakabili na ako ng 2nd hand na kotse ngayon... ang hirap kasing maningil...
bukas, uuwi na ulit ako sa batangas, next week, 75% probability na pupunta na kami ng saudi.
gusto kong magbusiness... ano bang maganda??? jason, remember yung sinabi mo sa aking business... mukhang feasible... pag-usapan natin
gusto kong magmasteral... walang time.
gusto kong kumain ng marami, lalo na ng matatamis, bawal naman.
gusto kong mag-gym, walang time.
gusto kong magjogging sa umaga, kaso, tanghali na ako kung magising. ang sarap kasing matulog.
sa mga naghahangad ng buhay na walang hanggan... hindi ba nakakasawang mabuhay nang walang hanggan?? ang gusto ko, tulog na walang hanggan.
sa sun cellular... dagdag naman kayo ng cellsite sa batangas. para maitapon ko na itong SIM ng smart.
sa mga nagbabasa nito... smile, coz it's free.
minsan nag-iisip ako... where do i go from here?? ano ba talagang gusto ko sa buhay?? what is my purpose in life??? malapit na daw ang judgement day. ang masasabi ko lang, malapit na nga, kasi, if you read the bible, panahon pa ni cristo at mga apostol, malapit na daw eh.. after 2000 years, hindi pa nagaganap.. gaano kalapit ngayon??? nasa mga pintuan na daw... nasaan kaya ang susi ng pintuan??
something for you to think about....bakit nagkasala si adam and eve nung kainin nila ang prutas ng pagkaalam ng tama at mali? alam na ba nila na mali ang sumuway sa utos?? tinukso sila, napatukso sila... alam ba nilang mali ang matukso??? eh hindi pa nga nila alam ang tama at mali.. hehehe
nakakita na ba kayo ng UFO??? ako, marami na akong nakita... basta lumilipad na hindi ko alam kung ano, UFO yun para sa akin... hehehe
yun lang.
3 comments:
ano ba naman yang laman ng kukote mo, sari-sari na inisip mo eh..... musta na... --rachel
eto, mabuti naman... medyo busy, dami ginagawa kaya kung anu-ano na naiisip... ;)
epekto yan ng charantia --penoy
Post a Comment