Friday, January 28, 2005

fifty pesos per day

got my salary increase nga, and nung makuha ko yung sweldo ko last time, medyo nalungkot ako kahit sabihing napromote ako at nagkaroon ng salary increase. Kasama ng promotion ang bagong responsibilities, bago at marami. Halos doble nga ng trabaho ko dati yung ginagawa ko ngayon. Bakit naman ako nalungkot? Kasi naman, sa biglang laki ng responsibility dito sa trabaho, yung salary increase ko, katiting lang. Comparing my take home pay every 15 days dati at ngayon, almost Php 500 lang ang difference. For 11 working days, if you do some quick math, wala pa sa Php50/day yung nadagdag sa take home pay ko. Hindi ba ako lugi nun? Nadoble ang trabaho ko, dagdag responsibilities, just for an increase of Php50/day??? Ewan ko, I'm not happy with this setup, and when people are not happy with their job anymore, alam nyo na ang posibleng mangyari... mukhang iaactivate ko na naman yung account ko kay LINA. (i guess, you know what i mean... )

Well, i'm planning to talk to my immediate superior pa naman to air my grievances. I think, hindi naman siguro ako mukhang pera to ask for additional adjustment considering the kind of job i am doing right now. kahit naman siguro kayo, if you are in my shoes, hindi rin kayo matutuwa sa sitwasyon ko.

yun laang.

Wednesday, January 26, 2005

condo unit

nakita ko yung ginagawang building ng cityland na malapit dito sa office namin, at attractive yung presyo, 5288/month. pinuntahan ko yung website nila at nakita ko yung floor plan. ok naman, so naginquire ako by calling their telephone number syempre, and eto yung nalaman ko...

Php 5288/month is for bachelor's unit, single bedroom sya. No downpayment! 4 years to pay. Ang problema, meron silang tinatawag na end of year payment na around Php 90,000 daw. That payment will be given daw kasabay nung 12th, 24th, 36th and 48th monthly payment. Huh, kung wala na sana yung 90,000 pwede na eh. Ang problema pa, ready sya for occupancy in 2007, pero i'l start paying na daw ngayon. Ok ba yung deal na yun??? I can pay for the monthly dues, pero yung 90,000 pa sa end of year, mahirap, wala naman kasi akong siguradong makukuhanan noon. Sa 1500/month ni aling G na lang muna ako. Siguro, when all of my plans gradually fall into their proper places, saka na lang ako hahanap ng matinong bahay na pwede kong matirahan dito sa manila.

yun lang!

Monday, January 24, 2005

square root

kanina, pagluwas ng manila ay nakasabay ko ang pinakasikat na instructor sa BSU nung ako ay nag-aaral pa doon. ang instructor na square root lang daw ng klase ang pumapasa. pero nabreak ng batch namin ang record na yun nang lahat kami ay pumasa sa subjects nya... iba na kasi kapag kaklase mo si lovely... hehehehe. sya ang instructor ko sa mga higher math and engineering subjects. well, ok naman, nakita nya ako at tumabi pa sa akin, kilala pa pala ako. ang mga tanong sa akin, "saan ka nagtatrabaho?", "may asawa ka na?", "ang laki mo ata ngayon... sikip tayo eh...", konting kwentuhan, tapos, pareho namin tinulugan ang isa't isa. Nung magising ako, malapit na sa dela rosa. so, nagpaalam na lang ako sa kanya pagbaba..sabi ko, "sir, una na ako sa inyo." at naglakad na ako mula dun sa kanto hanggang dito sa office namin.

sa mga nakabasa nung previous blog ko, that doesn't mean na i have doubts on my faith, umaandar lang po ang aking kapilosopohan. pero kung gusto nyo malaman kung anong klaseng faith meron ako... email nyo ako at magdiskusyunan tayo.

Best man daw ako sa kasal ng Kuya ko. ano kayang itsura ko nun??? Abangan na lang nyo...



Friday, January 21, 2005

malas week

ito na yata ang pinakamalas na week ko...

my hard disk crashed and replaced... some important files lost...

i reformatted my cellphone, start-up failure kasi... lahat ng contacts at ringtones ko, nabura... gggrrr.

ang daming dapat ayusin... nakakahilo.

tatlong agent ang nag-alok sa akin ng credit card, nagpasa ako sa dalawa... yung panghuli, nireject ko na... pero till now, yung pinangako nilang express delivery, wala pa, natrapik yata... balak ko lang gamitin to purchase some items na gusto kong bilhin na hindi ko kayang bayaran ng biglaan.

narealize ko na ang laki pala ng pera kong pautang, kung nilagay ko na lang sana sa bangko, baka nakabili na ako ng 2nd hand na kotse ngayon... ang hirap kasing maningil...

bukas, uuwi na ulit ako sa batangas, next week, 75% probability na pupunta na kami ng saudi.

gusto kong magbusiness... ano bang maganda??? jason, remember yung sinabi mo sa aking business... mukhang feasible... pag-usapan natin

gusto kong magmasteral... walang time.

gusto kong kumain ng marami, lalo na ng matatamis, bawal naman.

gusto kong mag-gym, walang time.

gusto kong magjogging sa umaga, kaso, tanghali na ako kung magising. ang sarap kasing matulog.

sa mga naghahangad ng buhay na walang hanggan... hindi ba nakakasawang mabuhay nang walang hanggan?? ang gusto ko, tulog na walang hanggan.

sa sun cellular... dagdag naman kayo ng cellsite sa batangas. para maitapon ko na itong SIM ng smart.

sa mga nagbabasa nito... smile, coz it's free.

minsan nag-iisip ako... where do i go from here?? ano ba talagang gusto ko sa buhay?? what is my purpose in life??? malapit na daw ang judgement day. ang masasabi ko lang, malapit na nga, kasi, if you read the bible, panahon pa ni cristo at mga apostol, malapit na daw eh.. after 2000 years, hindi pa nagaganap.. gaano kalapit ngayon??? nasa mga pintuan na daw... nasaan kaya ang susi ng pintuan??

something for you to think about....bakit nagkasala si adam and eve nung kainin nila ang prutas ng pagkaalam ng tama at mali? alam na ba nila na mali ang sumuway sa utos?? tinukso sila, napatukso sila... alam ba nilang mali ang matukso??? eh hindi pa nga nila alam ang tama at mali.. hehehe

nakakita na ba kayo ng UFO??? ako, marami na akong nakita... basta lumilipad na hindi ko alam kung ano, UFO yun para sa akin... hehehe

yun lang.

Friday, January 14, 2005

now I know

For the last 3 days, lagi na lang akong may LBM tuwing umaga... mineral water naman iniinom ko, sa fast food naman ako kumakain, ano kayang dahilan??? until i found this on FAQ page of www.charantia.com:

11. Does Charantia have any side effects?
"Worldwide studies have shown that taking Ampalaya have no serious side effects. The clinical trial of Charantia® showed that it is "well-tolerated and safe with minor gastrointestinal side effects of increased bowel frequency" but beneficial to those diabetic patients who are constipated."


Now I know. I disagree with that.. it is NOT minor. it is a MAJOR side effect. Ikaw na ang magLBM araw-araw!!! Jinustify pa na benificial to those who are constipated. E pano naman ako? Kailangan pala, pag-inom ko ng charantia, may kasunod na Diatabs or Imodium??? Hehehehe.

Wednesday, January 12, 2005

ewan ko

got promoted this year...bagong taon, bagong posisyon, bagong sweldo. at santambak na responsibility bigla ang nabigay sa akin. Santambak in the sense na yung status report ko na 1 page lang dati, umaabot ng 2 pages na ngayon sa dami ng dapat kong isulat. i was just wondering, doubled responsibility for a promotion and salary increase of only 17.6470588%!!! lugi yata ako, hindi man lang umabot kahit 20% or 30%. i was happy 6 months ago, coz i got a salary increase of almost 50%. But now, ewan ko...

Saturday, January 01, 2005

rest muna

starting tomorrow, pahinga muna ako sa pagbablog... there are some things that i need to attend to immediately, ayusin ko muna ang lahat bago ako bumalik sa blogosphere. sa lahat ng nakilala ko, nakakwentuhan, nakatext at nakakitaan, masaya ako dahil minsan, naging bahagi kayo ng buhay ko.

happy blogging sa inyong lahat...

I SHALL RETURN.

exchange links?

if you want to exchange link, just post your blog URL on the comment below and add me on your links. iL add you on my link immediately as soon as I see my link on your blog, ok?

yun lang.