Kailangan daw ng exercise ng mga diabetic, so kahapon, i started... naglakad lang naman ako mula dito sa office pauwi sa evangelista. ang plano ko... iL walk habang kaya ko at kapag pagod na, sasakay na ako ng jeep. fortunately... kinaya ko hanggang bahay. :-) aaraw-arawin ko na to!
invite din ako ng mga officemates ko magbadminton. kaso, hindi ko yata linya yun. hindi ko trip. so... walking trip na lang muna ako.
regarding my diet... talagang iniiwasan ko na yung matatamis. hindi nako nagsosoftdrinks. and yung rice... 1 cup na lang.
nagstart na rin ako uminom ng charantia. ok naman pala yung lasa. medyo mahal nga lang yung presyo. pero ok lang...
just a comment on Maalaala Mo Kaya and Magpakailanman... wala na ba kayong pwedeng ibang ipalabas??? Instead of giving us inspiration... iba ang dating sa akin, sa totoo lang, parang pinalalabas nyo na in order to succeed in life.. kailangan, mabigyan ka ng break sa pag-aartista! lahat na lang ng pinalalabas nyo, nagtagumpay sa buhay kasi nag-artista. paano naman kaming hindi pwede??? wala ba kayong pedeng ipalabas dyan na mga taong nagmula sa hirap.. nagnegosyo.. nagsikap sa pag-aaral at nagtagumpay sa kanilang chosen carreer path? e puro na lang nagtagumpay, kasi, naging artista. Kaya tuloy ang daming nag-audition sa Starstruck at Star Circle Quest...
yun lang
No comments:
Post a Comment