Wednesday, December 13, 2006

ituloy angsulong ng pagpapalitan ng kuro-kuro

this is one of the most controversial videos on youtube. at sumagot na rin si o'reilly. hayan, palitan ng kuro-kuro. kayo, sa tingin nyo, is this a case of child abuse?



8 Year Old Child


Video Reaction


ituloy angsulong sa pagpapalitan ng kuro-kuro!

ituloy angsulong ng dyip at elevator

magmasid tayo sa paligid. napansin nyo na rin ba na ang mga tao, kapag sumakay sa dyip at nakaupo na, automatic, nakataas na ang kamay at nakahawak doon sa hawakan ng dyip? almost 90% ng mga sumasakay sa dyip, ganyan. at napaisip ako, bakit kaya? mahuhulog ba tayo kung hindi tayo kakapit dun? hindi naman di ba? sabi nga nila, tradisyon na kasi, mahirap nang alisin. ehehehe. sinubukan ko kaninang huwag kumapit, ok naman. pero minsan, unknowingly, mapapansin ko na lang na nakakapit na naman ang kamay ko dun, parang may magnet. hehehe. subukan nyo.

napansin nyo na rin ba na kapag may sumasakay ng dyip, automatic, halos lahat ng nakaupo ay nag-aadjust ng kanilang pwesto. kahit hindi naman doon sa lugar nila uupo yung bagong sakay, kahit kita nang sa kabila naupo, automatic, umaadjust pa rin tayo. bakit? ewan.

ito naman, napansin ko sa probinsya na madalang ang pagdaan ng dyip, kagaya doon sa barangay namin na every 15 minutes kung may dumaan na dyip. ang napansin ko naman, yung mga tambay sa tambayan, yung mga nakaupong nagkekwentuhan sa harap ng tindahan at kung saan man. basta may dumaang dyip, pagmasdan mo ang kanilang mga mata. lahat, sa dyip nakatingin. hehehe. sabay sabay pa yan from left to right. hhmm, parang nakakita ng babaeng dumaan, eh dyip lang naman. a ewan.

gusto nyo bang maglagay ng advertisement sa loob ng elevator? minsan, may mga nakikita na rin akong mga elevator na may advertisement eh. usually, sa likod nakalagay. pero alam nyo bang hindi optimized yun? the best place to put an advertisement inside the elevator is below or above the floor number indicator. oo, dahil ang mga tao, pagsakay pa lang ng elevator, doon na nakatingin sa floor number. kung doon mo sa ibabaw nun or sa ilalim nun ilalagay yung ads mo, tiyak na mababasa. hehehe. napansin nyo ba? actually, nabasa ko ito kay redkinoko.

ituloy angsulong sa pagmamasid sa paligid! ituloy!

Tuesday, December 12, 2006

tuloy tuloy pa rin ang pasko!!! ituloy angsulong hanggang Pasko !!!

Tuloy na tuloy pa rin ang pasko
by orange and lemons

O bakit kaya tuwing pasko ay
Dumarating na
Ang bawa?t isa?y para bang
Namomroblema
Hindi mo alam ang regalong ibibigay
Ngayong kay hirap na nitong ating buhay

Meron pa kayang caroling at noche buena
Kung tayo naman ay kapos at wala nang pera
Nakakahiya kung muling pagtaguan mo
Ang ?yong mga inaanak sa araw ng pasko.

[refrain]
Ngunit kahit na anong mangyari
Ang pag-ibig sana?y maghari
Sapat nang si hesus ang kasama mo
Tuloy na tuloy parin ang pasko

Mabuti pa nga ang pasko noong isang taon
Sa ating hapag mayroong keso de bola?t hamon
Baka sa gipit, happy new year mapo-postpone
At ang hamon ay mauuwi sa bagoong

[refrain]
Ngunit kahit na anong mangyari
Ang pag-ibig sana?y maghari
Sapat nang si hesus ang kasama mo
Tuloy na tuloy parin ang pasko

(instrumental)

[refrain]
Ngunit kahit na anong mangyari
Ang pag-ibig sana?y maghari
Sapat nang si hesus ang kasama mo
Tuloy na tuloy parin ang pasko

[coda]
Tuloy na tuloy pa rin (tuloy na tuloy pa rin)
Tuloy na tuloy pa rin (tuloy na tuloy pa rin)
Tuloy na tuloy pa rin ang pasko
Tuloy na tuloy pa rin ang pasko

Sa kapimilya mo tuloy ang pasko?..

Monday, December 11, 2006

Sa Banda Rito!

Heto ang ilan sa mga blog/websites ng mga pinakikinggan banda/artist ng Ituloy AngSulong Movement.

D'yan Banda with Kamikazee

Dong Abay
Datu's Tribe
Mishka Adams
Parokya ni Edgar
Siakol
eLf ideas

Dadagdagan pa namin ang listahan. Yan pa lang ang naisip ko ngayon. Kaya Ituloy natin AngSulong ng tugtugan! Ituloy!

ituloy angsulong ng airport security

mahigpit na rin ang mga domestic airport dito sa pilipinas. yan ang napansin ko noong nakaraang sabado nung magpunta ako ng davao. ang napansin ko lang, kahit gaano sila kahigpit, mukhang malulusutan pa rin sila ng mga liquid bombs. bakit? kasi naman, bawal lang ang mga liquid items sa hand carry, pero pwede sa baggage mo. so, anong logic nun? hindi ba kapag sumabog yung bomba sa baggage mo, babagsak pa rin yung eroplanong sinasakyan nyo?? hehehe. unless sa seperate na eroplano ipapadala yung checked-in baggage mo, eh hindi naman di ba? magkakasama pa rin kayo nung baggage na may liquid items, di ba? pano kung may bomba yun?

kung talagang seryoso sila sa security, dapat ituloy nila angsulong laban sa pagdadala ng liquid items, sa hand carry man sya or sa baggage. kung bawal ang liquid items, dapat, total ban. hindi lang sa hand carry. ano bang hinihintay nila? naghihintay pa yata sila na may sumabog na liquid bomb sa isang eroplano bago nila ipagbawal ang liquid items sa mga checked-in baggage eh. tapos, sasabihin nila, nalusutan sila dahil sa baggage nilagay yung bomba. tapos, saka nila ipagbabawal. hehehe. kalokohan. kabobohan.

ituloy angsulong laban sa terorismo! ituloy angsulong laban sa liquid bombs! ituloy angsulong ng airport security! ituloy angsulong! ituloy! loy! loy! (may echo pa! hahaha!)

offtopic: sa mga naglink na sa amin. maraming salamat. sa mga hindi pa, aba, ikaw na lang ang hindi naglilink, ilink mo na kami! ehehe. rest assured, we will link back, pasensya na, galing lang bakasyon kaya di ko pa kayo nalilink lahat. basta, ililink ko kayong lahat bago magfriday, ok? ituloy angsulong! yun lang!

Ituloy angsulong sa Pasko

ilang linggo na lang Pasko na!!! nakabili na ba kayo ng mga regalo nyo.. o baka naman, tulad noong isang taon.. lahat na ng klase ng pagtatago nyo sa inyong mga inaanak ay ginawa nyo na...
matagal na akong nakabili ng mga regalo sa pamangkin ko.. siguro, konti lang ang kulang sa mga reregaluhan ko ngayong taong ito...
basta makita ko lang na masaya ang mga bata.. masayang masaya na ako nun....

honga pala.. nood kayo sa Dec 15, Studio 23 10:30pm... ipapalabas sa tv ang NU107 Rock Awards 2006... hanapin nyo doon si Boy Gapang(aka kukote) at walang ginawa yan kundi ang kumaway ng kumaway sa harap ng camera...

ituloy angsulong ng pasko!!! ituloy angsulong ng NU107 Rock Awards 2006!!! ituloy... ituloy angsulong !!!

Saturday, December 02, 2006

Ituloy AngSulong Movement Sa NU Rock Awards

Heto na ang ilang pictures namin sa NU Rock Awards. Salamat kay Andre ng Datu's Tribe sa backstage pass! Nakasama ng Ituloy AngSulong Movement si Ofelia Joy.


Ituloy AngSulong ng Parokya ni EdgarBoy Gapang, Chito Miranda of Parokya ni Edgar, Ofelia Joy and Boy Popoy

Ituloy AngSulong ng KamikazeeBoy Gapang, Jay Contreras of Kamikazee, Ofelia Joy and Boy Popoy

Ituloy AngSulong ng SandwichBoy Popoy, Boy Dapa, Raimund Marasigan of Sandwich and Boy Gapang

Ituloy AngSulong ng The DawnBoy Gapang, Boy Dapa, Buddy Zabala of The Dawn and Boy Popoy

Ituloy AngSulong ng PupilBoy Dapa, Ely Buendia of Pupil, Ofelia Joy, Boy Gapang at Boy Popoy

Ituloy AngSulong ng The DawnBoy Gapang, Jett Pangan of The Dawn, Boy Dapa and Boy Popoy

Parang Re-union na rin ng Eraserheads dahil andun si Ely, Raimund at Buddy, si Marcus na lang ang kulang. Ituloy AngSulong ng Pinoy Rock! Ituloy AngSulong ng NU Rock Awards! Ituloy AngSulong!

Update: Ituloy angsulong sa pagbasa ng aming mga kwento: