naholdap na naman ako kanina bago ako lumuwas... sabi sa akin... holdap to, P2500 mo, pangbayad sa kuryente... hehehehe... naholdap ako ng inay!
hay naku... minsan, naaasar ako... nagtry ako magsabi.. "ako naman yung gagamit nung pajero natin.. dadalhin ko sa manila. one week sa akin, one week sa kuya.. and so on..." ayaw pumayag! bakit? dahil binabayaran naman daw nung kumpanya ng kuya ko yung maintenance nung sasakyan... bakit? hindi ko ba kaya yung ibinabayad nila?? sa kumpanya ba nila yung pajero, e sa tatay naman yun, anak din naman ako ng tatay ah! bakit sya, papajero sya... tapos ako... wala, hinoholdap pa every month... ggrrrr? nung holdapin nga ako kanina ng inay, gusto ko sanang isagot... bakit hindi ang kuya ang holdapin nyo? ang hirap talaga kapag hindi ka panganay, hindi ka rin bunso. gitna. si panganay, sunod sa layaw... si bunso, ganun din.. ako, nakalimutan na. hay!
anyways, hindi na ako aasa pa. magkakasasakyan akong sarili ko... makakaipon din ako. ewan ko lang kung anong sasabihin nila if one day, pag-uwi ko, may drive nakong sasakyan... baka sabihin nila "carnap to!!" hehehe. magkano ba ang helicopter?... may helipad naman dito sa building namin... hehehehe
nakausap ko na ang kinauukulan regarding my 50/day. titingnan daw nya... no development yet... basta ako... maguupdate na ng account ko kay LINA.
god bless everyone.
3 comments:
achuuuu.... nagatampo ang bata... isipin na mo na lng na ikaw cguro ang pinaka-blessed sa inyong 3... kaya share ur blessings hehehe... manlibre ka naman =)
achuuuu.... nagatampo ang bata... isipin na mo na lng na ikaw cguro ang pinaka-blessed sa inyong 3... kaya share ur blessings hehehe... manlibre ka naman =)--rachel
may god bless the unblessed. :-)
Post a Comment