ang tagal kong di nagpost ah. well, natuloy po kami sa saudi at naayos naman yung problema nila. Nag-install lang kami ng windows service pack 4! nakipagmeet din ako sa marketing staff nung company to discuss our "state of the art" products. mga 15 yata yung dumalo na lahat ay hindi marunong magtagalog. napalaban na naman ako ng english.
andito na ulit ako sa pinas. after a week, dumating ang tatay ko from bahrain, ikakasal nga kasi yung kapatid ko.
something very saddening had happened recently... the president of our company.. sir M3M as we usually call him... died of cancer at the age of 54. nakakalungkot talaga. para kaming nawalan ng ama. he was cremated.
ano pa ba? kumuha ako ng car loan.. for toyota corolla altis 1.6J, brand new. apat na taon kong babayaran. approved na yung application ko, i just need to submit my documents on thursday and maiuuwi ko na yung altis. huh! majority ng gastos ko, sa pagkain napapapunta, ngayon, time to control my diet, para may panghulog sa monthly installment.
sana, tuloy yung salary increase this coming june, para gumaan ng konti yung paghuhulog ko. sana, lahat ng plans ng company, matupad... sana, magkaroon ulit ako ng foreign assignment...
puro sana... paano pag nagkafinancial crisis? bahala na ang AMA. basta, sasamba na ako every thursday and sunday para tuloy tuloy ang biyaya.
yun lang muna.
This is Marhgil Macuha's blog before he got his own self-hosted blog. He occassionally posts here, kapag natitripan. :)
Monday, February 28, 2005
Wednesday, February 09, 2005
tuloy na tuloy na
tuloy na tuloy na ang pagpunta ko sa saudi arabia, after almost 3 months, natuloy din. ang tagal nang plano, ngayon lang nakumpleto ang papers ko... visa and ticket. 1 week lang naman ako dun, uwi din kaagad.
comments on VAT... sa halip na mag-increase sila... maghigpit na lang sila sa mga negosyo na hindi nagbibigay ng resibo. sigurado, pag naghigpit sila... tataas din ang koleksyon ng buwis, hindi na kailangang magtaas pa ng tax...
ang hina pala ng security ng windows 2000, kahit yung server... you can reset the Admin password easily by just using a free utility on the internet.

Monday, February 07, 2005
cellular wars
nagpetition daw ang Globe at Smart para pahintuin ang 24x7 call and text unlimited promotion ng Sun Cellular. desperate move ata yun... kung hindi nila kayang makipagsabayan sa competition... e di magsara na lang sila. kanya kanyang gimik nga yan eh... tao ang nakikinabang kapag may competition... ipinakikita lang nila kung gaano sila kagahaman sa pera, payo ko lang sa kanila... if they want to beat Sun's offer... tapatan nila ng 24x7 din na mas mura... let say... 100 pesos for 1 month... ewan ko lang kung hindi magbalikan yung mga lumipat ng Sun. hehehe
Friday, February 04, 2005
one hell of a week
isang linggo na naman ang lumipas sa buhay ko... at ang dami na namang nangyari. kahapon lang, kung hindi ako kinausap ng immediate superior ko, wala na akong trabaho ngayon. siguro, dahil na rin sa pagkabagot at sa kung anong pumasok sa isip ko, nagresign ako bigla... ang reason ko... i'm overworked but underpaid. hehehe. kung nabasa nyo yung previous blogs ko... alam nyo na kung bakit. ang pumasok sa isip ko, wala pa naman akong asawa, wala akong utang, wala akong sinusustentuhan, meron akong ipon, kaya kong mabuhay ng walang trabaho for 1 year, kaya ang lakas ng loob ko magresign... kung hindi talaga ako kinausap or hindi ko nagustuhan yung proposal sa akin.. e goodbye talaga. kaso, alam nyo na, kinausap nga ako, and I got what I want... something that i think i am really entitled to. kung ano napag-usapan namin... akin na lang yun. hehehehe
Tuesday, February 01, 2005
gitna
naholdap na naman ako kanina bago ako lumuwas... sabi sa akin... holdap to, P2500 mo, pangbayad sa kuryente... hehehehe... naholdap ako ng inay!
hay naku... minsan, naaasar ako... nagtry ako magsabi.. "ako naman yung gagamit nung pajero natin.. dadalhin ko sa manila. one week sa akin, one week sa kuya.. and so on..." ayaw pumayag! bakit? dahil binabayaran naman daw nung kumpanya ng kuya ko yung maintenance nung sasakyan... bakit? hindi ko ba kaya yung ibinabayad nila?? sa kumpanya ba nila yung pajero, e sa tatay naman yun, anak din naman ako ng tatay ah! bakit sya, papajero sya... tapos ako... wala, hinoholdap pa every month... ggrrrr? nung holdapin nga ako kanina ng inay, gusto ko sanang isagot... bakit hindi ang kuya ang holdapin nyo? ang hirap talaga kapag hindi ka panganay, hindi ka rin bunso. gitna. si panganay, sunod sa layaw... si bunso, ganun din.. ako, nakalimutan na. hay!
anyways, hindi na ako aasa pa. magkakasasakyan akong sarili ko... makakaipon din ako. ewan ko lang kung anong sasabihin nila if one day, pag-uwi ko, may drive nakong sasakyan... baka sabihin nila "carnap to!!" hehehe. magkano ba ang helicopter?... may helipad naman dito sa building namin... hehehehe
nakausap ko na ang kinauukulan regarding my 50/day. titingnan daw nya... no development yet... basta ako... maguupdate na ng account ko kay LINA.
god bless everyone.

Subscribe to:
Posts (Atom)