Tuesday, August 17, 2004

utangz

paano ba maningil ng pautang kung ang pinautang mo ay yung ex mo na ayaw ka makausap kasi natatakot na baka kung anong isipin ng kinakasama nya na tumatawag pa ako sa kanya? akala ata e babalikan ko pa sya... manigas sya...hehehe... e kaya lang naman ako tumatawag e para maningil... e utang yun eh... alangan namang pabayaan ko na lang... minsan ko tinawagan sa telepono... galit pa sa akin.. kung pede raw... wag na akong tumatawag sa kanya... e sabi ko... hindi na ako tatawag... basta... bayaran mo na lang utang mo... e laging ang sabi ay sige... gagawan ko ng paraan... e ang tagal na... di naman tumatawag kung kelan magbabayad... e para namang ganun ako kayaman na kakalimutan ko na lang yung mga pinautang ko sa kanya...masama ba ang ginagawa ko? nung gipit siya... lumapit siya sa akin... hindi ko naman siya matanggihan... tapos, ngayon, na wala na kami... wala na rin yung utang?? tanging ina naman sya! e more than 1 year na yung utang niya sa akin, hindi man lang nila pinag-ipunan. balita ko pa naman ay professional yung kinakasama nya... member pa ng salisi gang... payag naman ako kahit hulugan eh... basta mabayaran lang... ano ba dapat kong gawin??

4 comments:

Anonymous said...

mahirap nga yan... may mga bagay na dapat na ngang kalimutan kapg wala na kayo.. pero.. dapat hindi kinakalimutan ang mga naiwang responsibilidad... give her the benefit of the doubt...siguradong may mga reasons sya.. in time mahahanap mo dn ang kasagutan.. wag nga lang naisulat ang utang sa tubig.. sabi nga nila.. kapag may nawala.. siguradong mas maganda ang kapalit...ang sayang dun ay yung tiwala.. ang tiwala kac hindi bastabasta nabubuo...
ROCK ON!!!!!
--penoycentral

kukote said...

well... ewan ko nga ba... bahala na si batman :)

kukote said...
This comment has been removed by a blog administrator.
thres said...

yan ang napakahirap gawin. ang maningil ng utang. pag nangailangan sila nakakahiya namang hindi tulungan. tapos pag nasolve na ang problema nila tayo naman ang mamomroblema sa kanila. tayo pa ang magiging masama. pero masasabi ko lang sa yo bro kapalan mo na ang mukha mo kasi pag di ka talaga maniningil di na darating sa yo ang ang pinautang mo. makakasama yun sa mga nilista sa ilog. hehehe