weekend na naman... magtatagalog na ako... sa mga kaibigan kong di nakakaintindi ng tagalog...e di mag-aral kayo para maintindihan nyo ito...ehehehe.
natatawa naman ako sa mga ginagawa ni Sen. Lito Lapid sa senado.. puro angas... puro pagpapacute... hayun... kaya napapahiya. may nalalaman pa syang press release na sya raw ang kauna-unahang senador na naghain ng bill sa wikang Filipino... hehehe... kakahiya sya nang biglang may kumontra, may nauna na pala sa kanya... hehehehe. i just want to point out na hindi lang po pagpapacute ang kailangan naming mga Filipino sa mga senador. gagawa ka nang batas... gagawin mo lang Buwan ng Wika ang Agosto... magyayabang ka pa. e sa maging buwan ng wika yun... e ano ngayon? umunlad ba ang Pilipinas??? hindi namin kayo pinapasweldo ng 1.3 Million pesos monthly para lang magpacute dyan!!! ang laki yata ng kinakaltas sa akin para sa income tax... mapapapunta lang sa bulsa ng mga senador na ito na wala namang ginagawang maganda.
ang problema lang sa Pilipinas... ang daming batas...hindi naman napapatupad... halimbawa na lang ay yang paninigarilyo in public places... kelan na ba kayo nanghuli ng mga naninigarilyo? wala, kung kelan lang matripan... walang silbi ang batas kung walang lakas ng loob ang mga may kapangyarihan para ipatupad ito nang maayos. Yung discount for senior citizen at students sa pamasahe... napapatupad ba? sana naman.
comment ko naman sa mga leftist... yung mga taong wala nang ginawa kundi magstrike sa kalye... na wala nang ginawang magaling ang gobyerno... akala nyo ba ay may naitutulong kayo sa pagsigaw-sigaw nyo dyan sa kalye??? nagsasayang lang kayo ng pagod... lagi nyo nang isinisi sa gobyerno ang kamalasan ng Pilipinas... walang trabaho... mababa ang sweldo... ang daming mahirap. kasalanan ba ng gobyerno lahat yan?? strike pa kayo sa pagtaas ng presyo ng gasolina... mag-isip naman kayo... wala naman tayong mina ng langis dito sa pilipinas... e di kayo ang makipag-usap dun sa nasa middle east para hindi na sila magtaas ng presyo.. ang sa akin lang... talagang ganyan ang buhay... there are things that are beyond our control which all we have to do is accept and adjust... di ba?? bababa ba ang presyo ng gasolina kung magsisisigaw kayo dyan sa kalye?? mababawasan na ba ang mahirap? tataas na ba ang sweldo nyo?? may tamang paraan upang iparating ang ating mga hinaing sa gobyerno... and the street is NOT one of them. wag sa kalye... sa legal natin daanin. sa legal po.
yun lang.
No comments:
Post a Comment