Friday, March 31, 2006

mega-download

mega-download ako ng mga mp3 ngayon. hehehe. natuwa lang ako sa digitalpinoy, nung magsearch kasi ako ng mga mp3 ng e-heads, ang daming naglabasan! at walang broken link. lahat nadodownload. mga dinownload ko lang naman, yung hindi kasama sa e-heads anthology album nila, like poorman's grave, fine time, back to me, tindahan ni aling nena at shirley. wala lang, feeling ko, kapag pinapakinggan ko ang music nila, bumabata ako, hahaha! bumabalik yung ala-ala nung high school pa ako na kasikatan nila.

yun lang!

yon sang

my 800th post! ang dami na! hahaha! natutuwa ako sa episode ng jewel in the palace kagabi! as in, one of the best episodes! ang kulit ni yon sang! nakakatuwang panoorin kung paano nya asarin ang mga kontrabida! hahaha! ang cute pa nya. usok ang tenga nina lady choi, hehehe. hay naku, sana, before april 17, matapos na sya, at isang buwan akong hindi makakapanood kapag nagkataon. tsk tsk.

yun lang!

pasaway daw

i wish i could evaporate, or be an invisible man. now they think, i'm a pasaway or something. or am i? no, im not. i am just misinformed. kabago-bago pa lang, pasaway na. tsk tsk.

ok, ganito yun. nabanggit ko nang minsan dito na kapag dumarating yung japanese boss namin, we are required to wear a formal attire. long sleeves with tie, di ba?

so, anong nangyari? nung pumasok ako last tuesday (absent ako nung monday), naririnig ko na sa usapan nila na parang may darating ngayong friday. but no one is informing me directly. wala rin akong nareceive na e-mail, unlike before. yesterday, nung naglulunch kami, tinanong ko na yung mga officemates ko. kung ngayon ay nakaformal coz parang narinig ko nga na may darating na boss. what happened was they just laughed at me. at parang pinagkatuwaan ako. ang dating sa akin, it was all joke. pinagtawanan nila ako nung sabi ko, magnenecktie ako ngayon eh. so, ang akala ko, it was all joke. this morning, iniisip ko, shall i wear a formal attire or the casual attire dahil friday ngayon? i chose to wear the casual one, maong, t-shirt, rubber shoes.

my reasoning, wala namang e-mail akong nareceive na nagsasabi sa akin na kailangang nakaformal, walang nag-inform sa akin na may darating. when i asked them, they just made fun of me. inisip ko, kung magfoformal ako, lalo nila akong pagtatawanan kung wala naman talagang darating. at kung may darating man, di ko na problema yun, hindi ako properly informed eh.

so, ngayon, pagdating ko sa office. ako lang ang nakacasual. nakita ako ng big boss namin, sabi nya sa akin, bakit ka nakaganyan, di ka ba nasabihan? sabi ko, hindi ko alam. yun, tapos sabi nya, sige, ok lang, sabihin ko na lang na kadarating mo lang from flight. hehehe.

but still, hindi pa rin ako komportable. mukha talaga akong pasaway dito eh, imagine, lahat sila nakaformal, ako, nakamaong at tshirt! shet! nanliliit ako. gusto kong uminom ng felix felicis.

abogasya

kagabi, napanood ka sa balita sa tv ang reaction ng mga pumasa sa bar exam. grabe, ang saya nila! parang gusto ko tuloy mag-abogado. hehehe. natuwa kami hindi sa pamangkin ni de venecia na topnotcher kundi doon sa isang nakapasa na sumigaw sa tv ng "Inay! Pasado ako! Katayin na ang baka! Yahoo!!!" As in, nakakatuwa sya na nagsisigaw doon sa harap ng camera. hehehe! Imagine nga naman kung anong hirap ang dinaanan nila bago nakapasa.

Speaking of abogasya, minsan ding dumaan sa buhay ko na mamili ng kurso sa college, at isa yan sa mga ikinonsider ko. pilit akong hinihimok dati ni ka cris (na ngayon ay attorney cris na) na yun daw ang kunin ko. tutal naman daw ay wala nang thrill sa akin kung engineering ang kukunin ko, puro daw kasi math, chicken lang sa akin. hehehe. kaso, di ko talaga sya feel. kasi naman, sa lahat ng ayaw ko ay yung magmemorize. Eh sa nakita ko sa kanya, yung Constitution ay memorize nya, as in, verbatim, sabihin mo lang kung anong article at irerecite nya yung sinasabi, tapos saka nya ipapaliwanag. hehehe. hindi ko kaya yun. hindi ko linya yun. mas matanda sya sa akin, 5 or 6 years older than me. actually, sabay kaming grumaduate nung 2001, sya sa abogasya nga, ako as inhenyero de talapindutan. Pumasa sya sa bar exam, syempre. Nagpatay din nga sila ng baka eh. hehehe. Matagal ko na syang hindi nakakausap, ang huli kong balita ay andun na sya sa Bureau of Immigration nagtatrabaho. Kung nag-abogado sana ako, di ba, 10 years yun? so, graduating pa lang dapat ako ngayon kung wala akong mga sabit na subjects, at next year or 2 years from now pa lang nyo akong makikita sa tv na sumisigaw din ng "Inay! Pasado ako! Katayin nyo na ang baka ng kapitbahay!"

yun lang!

Thursday, March 30, 2006

ekemel and sipatpat

natawa naman ako sa kwento ng officemate ko. kasi daw, yung mga thai, hirap daw bigkasin ang R, L at S sa mga salita, lalo na kapag nasa gitna at huli ito ng salita. kaya daw minsan, natatawa na lang sya kapag hindi nya maintindihan yung sinasabi nila. like minsan daw kausap nya, nabanggit daw yung word na ekemel. syempre, bago sa pandinig nya, kahit ako, di ko alam eh. ano nga ba yung ekemel? XML pala! hahaha! tapos, minsan daw, may sinabi pa, sipatpat. ano naman yung sipatpat? hulaan nyo nga kung ano. hehehe. C plus plus pala. ang dami pa, yun nga daw ruler, hindi nila masabi. yung salitang description, ewan ko kung paano nila sabihin. ang hirap nun para sa kanila. sumasakit daw ang ulo nya kapag kausap nya ang mga thai. hehehe.

kasi naman, ang mga koreano, nung magsabog ng letter R sa mundo, sinalo nila lahat. naalala ko lang yung koreano kong dating boss, sabi nya kasi, meet me at the robby. yun pala, lobby.

meralco commercial

inalis ko na yung script para sa firefox download. wala lang, sinubukan ko lang naman ng isang araw eh. subok lang.

on other matters, nakita nyo na ba yung commercial ng meralco sa tv? nagtataka lang ako, kailangan ba talaga nilang magcommercial sa tv? parang nag-aaksaya lang sila ng pera. bakit? wala namang choice ang mga tao, di ba? may lugar ba dito sa pilipinas na pwede kang mamili kung saan ka papakabit, meralco or napocor? di ba, wala naman? kung meralco yung linya sa inyo, sa meralco ka. kung napocor ang linya ng kuryente sa inyo, sa napocor ka. you don't have a choice. so, para saan yung commercial? para sa mga taong hate ang meralco at pinili pa nilang wala na lang kuryente sa bahay nila? hehehe. para sa mga taong napocor ang linya? see, kung hate nila ang meralco at walang kuryente sa bahay nila, hindi rin nila mapapanood ang commercial. kung para sa mga napocor users, siguradong wala namang linya ng meralco sa kanila. so para saan yung commercial? nagtatanong lang, kasi, tumataas ang singil sa kuryente, ang mahal kaya ng bayad sa commercial sa tv. nagsasayang sila ng pera, di ba? opinyon ko lang naman po. taga meralco, pakisagot nga nang maliwanagan ang aking kukote. hehehe.

yun lang!

Wednesday, March 29, 2006

kill bill

kada download nyo ng firefox, may commision ako. kaya naisipan kong pwersahin lahat ng readers ko na magdownload ng firefox, or else, goodbye kukote in a jar. hehehe. kung internet explorer ang gamit nyo, hindi nyo na mababasa ito. sa firefox lang. hahahaha! i support the campaign. KILL BILL'S BROWSER! hahahahaha! libre lang ang firefox, ang galing pa ng feature, kaya download na! hahahaha!

hindi kayo naniniwala na pwersado silang magfirefox? try nyong i-open ito sa internet explorer. yun lang!

batangas jaywalker club

mag-ingat kayo kung gagala kayo sa batangas city. napag-alaman ko lang naman na strictly imposed na ulit ang no jaywalking law. kaya sa pedestrian lane lang kayo tatawid para hindi kayo mahuli ng pulis. paano ko nalaman ito? kasi, ang tita ko ay isa sa mga pioneer ng batangas jaywalker club. hehehehe. nahuli sya. ito ang kwento nya....
tita ko: (tumawid sa tapat ng national bookstore)
manghuhuli: prrrrt!!! (sabay lapit)
tita ko: bakit po?
manghuhuli: jaywalking ka
tita ko: huh? bakit? ang tagal tagal ko nang tumatawid dito, ngayon lang ako najaywalking.
manghuhuli: bawal na po tumawid dyan
tita ko: ganun ba?
manghuhuli: oo. titiketan kita. may ID ba kayo dyan?
tita ko: wala
manghuhuli: bakit wala kayong ID?
tita ko: hindi naman kailangan ng ID sa pupuntahan ko eh
manghuhuli: e anong pagkakakilanlan ko sa inyo?
tita ko: tandaan nyo na lang ang mukha ko.
...
itinuloy pa rin nung manghuhuli ang pagtitiket sa tita ko. pinapupunta raw sya sa munisipyo para magmulta. pero hanggang ngayon, hindi pa sya nakakapunta. at yung tiket, hindi na raw nya alam kung saan nya nailagay. itinapon na ata. hindi naman daw nya kailangan, wala naman daw license to walk eh. hahaha!

ewan ko, ano kaya ang magiging aberya sa kanya ng ginawa nyang ito? baka makasama sya sa wanted list, katabi si honasan? hehehe.

yun lang!

chikka solitaire

sa mga gumagamit ng chikka, alam nyo na siguro na limited lang yung bilang ng text messages na pwede mong isend sa isang number kung hindi sya nagrereply, di ba? kailangan pa syang magreply sa iyo para pwede ka na ulit magtext. pero alam nyo ba na pwede pa rin kayong magtext sa kanya kahit hindi na sya magreply sa chikka mo? paano? simple lang. kapag hindi ka na makasend sa kanya, idelete mo sya sa listahan mo, delete buddy yung command. pagkatapos, i-add mo na lang ulit, tapos, hayun, pwede ka na ulit magtext. ang galing ng system nila, di ba? hehehehe. sa taga-chikkang makakabasa nito, i'm not a hacker, talaga lang ang galing ng system nyo, may butas. hahahaha! note, natutunan ko ito from a friend.

isa pa, maglaro naman tayo ng solitaire. oo, yang solitaire dyan sa windows. kung hindi mo alam, click Start, then Run. itype mo sol, press enter. pagkaopen ng solitaire, hayan, laro-laro ka muna. pilitin mong matapos, pero kung hindi mo matapos and you are in a point of no return, na akala mo ay hindi na mabubuo, pindutin nyo lang sa keyboard ang Alt+Shift+2. tapos, hayun, abangan mo na lang ang mangyayari. salamat din sa tip ng isa kong friend sa microsoft. hehehe.

yun lang!

byahe

nabaliw na naman ang mga taga cebu pacific! aba, at piso na lang ang ticket!!! hahahaha! check nyo sa website nila! click here. tara! byahe tayo!

speaking of byahe, sa april 17, babyahe na naman ako papuntang hongkong!!! o, wattalife, pabyahe-byahe na lang, libre pa. ang hangin, grabe. hehehe. nga pala, abangan ang pagbabalik ng panday! wala lang, nakita ko lang sa tv, magbabalik na pala.

yun lang!

si kuya FX

why do i use firefox instead of internet explorer? bakit nga ba? una at huling dahilan, i love their tabbed browsing feature. yun lang. e kung magkaroon na ng tabbed browsing feature ang internet explorer, babalikan ko ba sya? i don't think so. why? read this. hayan, kung gusto nyong madaling mahack ang computer nyo dahil sa mga security holes ng internet explorer, go on, wala namang mawawala sa akin, hehehe. for a safer internet browsing, use firefox. san ba madodownload yun? hayan, sa baba, may link ako dyan. may free pang google toolbar.

a text message i received this morning from a blogger friend, natawa talaga ako dito:
Inay, bakit po ang pangalan ni ate, Victoria? Kasi anak, doon namin sya ginawa ng itay mo. Eh bakit si kuya, Anito? Ay tumigil ka na nga Luneta at baka mapalo kita. Tawagin mo na nga si Kuya FX mo!
yun lang!

Tuesday, March 28, 2006

pito pito

Last week pa itong tag na ito sa akin, pero di ko muna sinagutan, kasi naman, wala akong headset dun sa hongkong, e di blangko ang ilalagay ko dyan. hehehe. wala pa kasi akong Ipod, naghihintay pa ng magreregalo or magdodonate eh. hehehe. yan, ngayon na nasa office na ako at nakakapakinig na ng mga mp3 na dinownload ko dyan sa tabi tabi, ito na ang sagot ko sa tag ni jlois.

Rules: List seven songs you’re into right now. No matter what the genre, whether [or not] they have words, or even if they’re any good, they must be songs you’re really enjoying right now. Post these instructions in your blog along with your seven songs, then tag seven other peopleto see what they’re listening to.

Sa ngayon, ito ang laman ng media player ko, waiting for upload yung iba para mailagay ko rin dito sa blog ko. OPM ang trip ko ngayon eh.

1. Binibini - Brownman Revival
2. Dukha - Salbakuta
3. Alipin - Shamrock
4. Ikaw Lang Ang Aking Mahal - Brownman Revival
5. Akin Ka Na Lang - Itchy Worms
6. Nobela - Join The Club
7. Akap - Imago

Tag 7 people? Tinatamad akong magtag eh, pasensya na. Malas din kasi ngayon ang 7. Bakit? namatay na kasi si ka ernie baron, e ang hilig nya sa pito-pito. yun ngang baron super antenna namin, ang sama na ng signal eh. hehehe.

yun lang!

overcoming the quatrophobia

yung nakaraang tag, sabi ko, ayaw kong magtag ng apat na tao dahil malas ang number 4, aba, at ang tag sa akin, puro apat! hahahaha! overcoming the quatrophobia! salamat kay ivan for this tag.
Four Jobs I've Had In My Life
1. instructor
2. private tutor
3. systems engineer
4. IT programmer analyst

Four Films I Can Watch Over And Over Again (in no particular order):
1. Matrix (all 3 of them)
2. Harry Potter
3. Forrest Gump
4. Independence Day

Four Places I Have Lived:
1. Ilat South, San Pascual, Batangas
2. Bangkal, Makati City
3. Salmiya, Kuwait
4. Sui Sai Wan, Hong Kong

Four TV Programs I Love To Watch:
1. Game Ka Na Ba?
2. Wowowee
3. Jewel In The Palace
4. Going Bulilit

Four Places I Would Have Visited, If I Had The Money:
1. Spain during the Tomatina Festival
2. Jerusalem
3. Egypt
4. North Pole

Four Websites I Visit Daily:
1. INQ 7
2. News.Com.Com
3. Yahoo Mail
4. Google News

Four Of My Favorite Foods:
1. KFC's Hot and Crispy Chicken
2. Tokyo Tokyo's Beef Misono
3. Kenny Roger's Roasters' Spicy Chicken
4. McDo's BigMac

Four Places I Would Rather Be:
1. Malacanang Palace
2. White House
3. New Zealand
4. Canada

Four Bloggers I Am Tagging (in no particular order):
1. Kahit sino na lang may gusto
2. ikaw na nagbabasa nito.
3. kahit nga sino.
4. ikaw nga yun.

hongkong pictures

hayan po, heto na ang ilan sa mga pic ko. isa lang dito, tagal magload eh. you can see more pictures here. kuha pa lang yan ng digicam ni sincha, yung mga picture sa cellphone ko, wala pa, bibili pa ako ng memory card reader para matransfer ko dito sa pc ko. pagtyagaan nyo muna yan. hehehe.


"tawang ngiti"


nice to be back

it's nice to be back! yan ang status ko sa ym ko, kasama ang link sa blog na ito. andito na ako sa office, back to work. sa mga nagtag sa akin this past few days, don't worry, isa-isa kong sasagutan yan within this week. sa mga nakikipaglink-exchange, don't worry, bibisitahin ko yung archives ng shoutbox ko at ia-add ko kayong lahat within this week. medyo busy lang ako ngayon, need to settle the expenses i made in hongkong, magreimburse kung may marereimburse. magfifile ng OT na ginawa ko last saturday, OT rin daw yung Sunday. magfifile ng LWOP kahapon. ang daming papeles na dapat ayusin. so, siguro, mamayang hapon na masusundan ang post na ito. yung mga pictures sa hongkong, i'll try to post din within this week. yung pasalubong, e-mail ko na lang sa inyo. hahaha!

yun lang!

Monday, March 27, 2006

business class trip

hindi ako pumasok ngayong lunes. ang sama kasi ng gising ko. balak ko talagang pumasok, lumuwas ng manila, pero hindi nga natuloy. nasa batangas ako ngayon. dito kasi ako tumuloy kahapon pagkagaling ko ng airport.

kwento mode muna. since 11am ang flight at isang oras ang byahe from our flat to airport, maaga akong gumising. 6:00AM, gising na ako. 7:00AM, sakay na ako ng bus papuntang airport. kasabay ko ang isa kong officemate na itago na lang natin sa pangalang sincha. hahaha! nakatulog ako sa bus, malapit na sa airport nang magising ako.

pagdating sa airport, nagcheck-in na kami. sabi sa amin nung taga PAL, kung ok lang daw kung isa sa amin ay ma-upgrade sa business class. sino ba namang tatanggi? hehehe. pero di pa raw sure yun. after ng check-in, tambay kami dun sa gate 15. medyo matagal-tagal ding tambay until magpasakay na sila. pagbigay namin ng boarding pass, aba, at pinalitan nila yung seat number naming dalawa! na-upgrade nga kami sa business class! hahaha! ewan ko kung anong pinagbasehan nila kung bakit kami ay naupgrade, siguro, dahil mukha kaming businessman? hahaha! inupgrade nila without additional charge. so, pasok kami sa eroplano, pagpasok namin, sa second floor daw kami! hanep, at may 2nd floor yung airplane. hehehe. first time ko kaya makapagtravel ng business class, so enjoy ako at sinulit lahat.

pagpasok namin, ang lapad ng upuan. hehehe. tapos, may mga soft touch button dun sa tagiliran para itaas yung foot rest, itaas yung sandalan, etc. etc. at hindi pa nakakatake-off, may orange juice na kaagad! hehehe. picture picture nga kami, di ko pa lang maipost dito. ok lang naman. ang inabangan ko talaga ay kung ano yung pakain sa business class. bago nagpakain, binigyan pa kami ng menu kung ano raw ang gusto naming tanghalian. pumili ako, grilled chicken ek ek. nung oras na ng pakain, gumala yung isang babae at binigyan kami ng mantel ata yun, may table cloth pa yung pagkakainan! tapos, nung ideliver ang pagkain, aba, at pagkaganda ng preparation. at unang round, appetizer muna. wala pa yung grilled chicken, pare-pareho pa kami ng kinain. salad sya na may kasamang hipon na walang balat, at kung ano ano pa. basta, enjoy sya. tapos, nung maubos yung appetizer, saka dumating yung main meal. syempre, sinulit ko nga, taob ang bangka. hehehe. after kumain, natulog ako. sarap matulog, ang lapad kaya ng upuan, naiitaas pa yung foot rest, para ka nang nasa kama. tapos nun, after 2 hours of flight, naglanding na kami sa NAIA, terminal 2. una rin kaming pinababa ng eroplano, ganun pala pag business class, una kayong bababa. kaya ang bilis namin, kami agad ang nasa unahan ng immigration. nakapagpatatak kagad ng passport. salamat pala kay pareng Lucio Tan para sa business class upgrade. hehehehe! wala kasi akong maisip na dahilan kung bakit talaga kami inupgrade.

medyo natagalan lang kami sa baggage. ang tagal lumabas ng bagahe. isang oras ang hinintay namin bago ko nakita yung aking bagahe. nung makita na namin ang aming bagahe, syempre, diretso na sa exit. sa customs muna. aba, at pinagdudahan pa ako. pinabuksan pa ni lolang taga custom yung bagahe ko, ang laki daw kasi, baka daw may mga dala akong kakaiba. hayun, e di binuksan ko, at tumambad sa kanya ang mga marurumi kong damit. mga tubal sa wikang batangas. hahaha! e hindi ko na naman pinatas ng ayos yun, marurumi na nga kasi, e di kalat, pati brief. hehehe. hayun, ipinasara na kaagad sabay pirma dun sa custom's pass. hehehe. akala yata, smuggler ako, hahaha. smuggler ng tubal. hahaha! gusto ko nga sanang sabihin dun sa lolang taga custom, gusto nyong labhan?

pagkatapos nun, naghiwalay na kami ni sincha. punta sya sa service ng nissan, ako naman, diretso dun sa arrival area kung saan naghihintay ang aking sundo. first time ko sa terminal 2, ganun pala dun. isang kumpol ng mga tao ang sasalubong sa iyo. siksikan sila. pagdating ko, paglapit ko, hindi ko makita ang sundo ko. e tingin ko kasi, magkakamukha na yung mga tao eh. siguro, mga 5 minutes bago ko sila nakitang kanina pa palang kaway nang kaway. hayun, diretso na kami sa kotse kong gasgas free na. oo, gasgas free na sya. salamat sa magulang ng batang ginawang blackboard yung kotse ko. naging gasgas free tuloy nang libre. hehehe!

tapos nun, diretso na nga kami batangas. umuwi, at natulog pagdating sa bahay.

yun lang!

Saturday, March 25, 2006

uwian na

this will be my last post for the day. pumasok pa kasi ako ngayong saturday eh, halfday lang. ang sunod na post ko, nasa manila na ako. tuloy na tuloy na ang pag-uwi ko bukas, PAL flight 301, 1:00PM ang dating ko sa NAIA terminal 2. O, hayan, detalyadong detalyado. wag nyo na naman akong sasalubungin ng banda ng musiko. ayaw ko rin ng masyadong maraming media. hahahaha! photo-op lang ang pwede. hahahaha! hay, tinopak na naman ako.

dahil nga last day ko na dito at bukas ay wala nang time para gumala, syempre, gagala ako mamaya. magsashopping ng konti, tingnan kung mabibili ko ang mga pinabibili ng mga kabarkada. credit card ang gagamitin ko, pagdating ng bill, sila magbabayad. syempre, bili rin ng pampasalubong sa mga pamangkin at mga anak sa labas. hehehe. wala pa akong anak sa labas, joke lang yun. kapag yumaman na siguro ako, may mga magsusulputan. hehehe. anyway, yun lang plano ko. wala akong balak magpunta sa disneyland. saka na lang, siguro, pagbalik ko. hindi pa naman ito ang huli. wala kasing time. kulang din ang budget. ibibili ko na lang ng cellphone yung ipangdidisneyland ko.

yun lang! happy trip sa akin! happy weekend sa inyo!

bakit nga ba

a forwarded e-mail i received this morning. sa tingin ko, totoo sya. sana, mabasa ito ng mga boss ng kumpanya.
Why do talented employees leave companies?

Come to think of it. This is almost 100% true. Read below & find out the answer.

Early this year, Arun, an old friend who is a senior software designer, got an offer from a prestigious international firm to work in its India operations developing specialized software. He was thrilled by the offer. He had heard a lot about the CEO of this company, a charismatic man often quoted in the business press for his visionary attitude.

The salary was great. The company had all the right systems in place employee-friendly human resources (HR) policies, a spanking new office, the very best technology, even a canteen that served superb food.

Twice Arun was sent abroad for training. "My learning curve is the sharpest it's ever been," he said soon after he joined. "It's a real high working with such cutting edge technology."

Last week, less than eight months after he joined, Arun walked out of the job. He has no other offer in hand but he said he couldn't take it anymore. Nor, apparently, could several other people in his department who have also quit recently. The CEO is distressed about the high employee turnover.

He's distressed about the money he's spent in training them. He's distressed because he can't figure out what happened. Why did this talented employee leave despite a top salary? Arun quit for the same reason that drives many good people away. The answer lies in one of the largest studies undertaken by the Gallup Organization.

The study surveyed over a million employees and 80,000 managers and was published in a book called First Break All The Rules.

It came up with this surprising finding: If you're losing good people, look to their immediate supervisor. More than any other single reason, he is the reason people stay and thrive in an organization. And he's the reason why they quit, taking their knowledge, experience and contacts with them. Often, straight to the competition. "People leave managers not companies," write the authors Marcus Buckingham and Curt Coffman. "So much money has been thrown at the challenge of keeping good people - in the form of better pay, better perks and better training - when, in the end, turnover is mostly a manager issue." If you have a turnover problem, look first to your managers. Are they driving people away?

Beyond a point, an employee's primary need has less to do with money, and more to do with how he's treated and how valued he feels. Much of this depends directly on the immediate manager. And yet, bad bosses seem to happen to good people everywhere. A Fortune magazine survey some years ago found that nearly 75 per cent of employees have suffered at the hands of difficult superiors. You can leave one job to find - you guessed it, another wolf in a pin-stripe suit in the next one.

Of all the workplace stressors, a bad boss is possibly the worst, directly impacting the emotional health and productivity of employees.

Here are some all-too common tales from the battlefield:

Dev, an engineer, still shudders as he recalls the almost daily firings his boss subjected him to, usually in front of his subordinates. His boss emasculated him with personal, insulting remarks. In the face of such rage, Dev completely lost the courage to speak up. But when he reached home depressed, he poured himself a few drinks, and magically, became as abusive ! as the boss himself. Only, it would come out on his wife and children. Not only was his work life in the doldrums, his marriage began cracking up too.

Another employee Rajat recalls the Chinese torture his boss put him through after a minor disagreement. He cut him off completely. He bypassed him in any decision that needed to be taken. "He stopped sending me any papers or files," says Rajat. "It was humiliating sitting at an empty table. I knew nothing and no one told me anything." Unable to bear this corporate Siberia, he finally quit.

HR experts say that of all the abuses, employees find public humiliation the most intolerable. The first time, an employee may not leave, but a thought has been planted. The second time, that thought gets strengthened. The third time, he starts looking for another job.

When people cannot retort openly in anger, they do so by passive aggression. By digging their heels in and slowing down. By ! doing only what they are told to do and no more. By omitting to give the boss crucial information. Dev says: "If you work for a jerk, you basically want to get him into trouble. You don't have your heart and soul in the job."

Different managers can stress out employees in different ways - by being too controlling, too suspicious, too pushy, too critical, too nit-picky. But they forget that workers are not fixed assets, they are free agents. When this goes on too long, an employee will quit -often over seemingly trivial issue. It isn't the 100th blow that knocks a good man down. It's the 99 that went before. And while it's true that people leave jobs for all kinds of reasons - for better opportunities or for circumstantial reasons, many who leave would have stayed - had it not been for one man constantly telling them, as Arun's boss did: "You are dispensable. I can find dozens like you."

While it seems like there are plenty ! of other fish especially in today's waters, consider for a moment the cost of losing a talented employee. There's the cost of finding a replacement. The cost of training the replacement. The cost of not having someone to do the job in the meantime. The loss of clients and contacts the person had with the industry. The loss of morale in co-workers. The loss of trade secrets this person may now share with others. Plus, of course, the loss of the company's reputation. Every person who leaves a corporation then becomes its ambassador, for better or for worse.

We all know of large IT companies that people would love to join and large television companies few want to go near. In both cases, former employees have left to tell their tales.

"Any company trying to compete must figure out a way to engage the mind of every employee," Jack Welch of GE once said. Much of a company's value lies "between the ears of its employees". If it's! bleeding talent, it's bleeding value. Unfortunately, many senior executives busy travelling the world, signing new deals and developing a vision for the company, have little idea of what may be going on at home. That deep within an organization that otherwise does all the right things, one man could be driving its best people away.

Friday, March 24, 2006

feed me

nagdownload ako ng feed reader. it is an RSS and Atom reader. eh ano ngayon? ngayon ko lang natuklasan ang gamit ng RSS na yan, sa tagal ko nang nakikitang pakalat kalat sa website ng may website. medyo outdated na ata itong kukote ko. eh kasi naman, though IT field rin ako, hindi naman ako sa web technologies. blogging lang. hehehe.

ngayon, instead of hopping from blog to blog para magcheck kung may mga bago kayong post, hindi ko na ngayon gagawin yun. the feed reader will read the RSS or Atom feeds of your blogs, at doon pa lang, malalaman ko na kung nag-update kayo, at doon din, mababasa ko na ang update nyo. pambawas oras din, para mas marami akong nagagawa sa isang araw. hehehe. paano nya maichecheck? syempre, hanap ako ng RSS or Atom feeds nyo. FYI, sa blogspot, ang default atom feeds nyo ay nasa http://blog_nyo.blogspot.com/atom.xml samantalang sa blogdrive, nasa http://blog_nyo.blogdrive.com/index.xml. so, ayan, add lang ako ng add ng feed ng mga blog na interesting na binabasa ko. tapos, isang refresh lang, malalaman ko na kung sino ang sinipag mag-update at sino ang tinamad.

aside from blog, pwede ka rin magsubscribe sa RSS feeds ng news website at kung ano ano pang website na may rss feed. ang inadd ko lang ay yung sa inq7 at sa cnet news. yun lang naman binabasa ko dito eh. yung abante at manila bulletin, wala pa atang RSS feeds, di ko makita eh, naunahan ko pa, itong blog ko, meron. hahaha! kung may feed reader din kayo, hayan, nasa sidebar ko ang RSS feed ko.

ano bang ipinagkaiba ng RSS feed sa Atom feed? tingnan nyo na lang sa wikipedia. andito sya.

yun lang!

hongkong money and octopus card

dito pala sa hongkong ay walang central bank. unlike sa pilipinas na ang bangko sentral ng pilipinas lang ang gumagawa ng pera, dito, hindi. may sari-sariling version ng pera ang mga bangko. magkakasize naman sila per denomination, pero syempre, magkakaiba yung design. may sariling design ang bawat bangko. nagtaka nga ako dati, parehong HK$20, magkaiba ng itsura. akala ko dati, lumang design yung isa, pero nakakapagtaka naman na pareho pang malutong yung pera. yun pala, sa HSBC, yung isa, sa Bank of China Limited naman yung isa. they have the same value, pero yun nga, magkaiba ng design. kahit yung coins nila, magkakaiba ng design. same sizes ang shape, pero yung nakaukit na design, magkaiba.

another thing, usong uso dito yung tinatawag nilang octopus card. wala pa nito sa pilipinas. para syang debit card, pero kakaiba. you will treat the card as your money na rin. kasi, wala ka namang pipirmahan kapag ginagamit. halos lahat ng tindahan, tumatanggap nung octopus card. restaurant, shopping center, kahit sa bus at vending machines, pwede syang gamitin. pero hindi mo ibibigay yung card. may scanner lang sila, tapos, itatapat lang yung card, you don't even have to insert it, kahit nga nasa loob lang ng wallet mo, itapat mo lang dun scanner, then, babawasan ng value yung card mo depende kung magkano ang dapat bayaran. reloadable yung card sa mga atm machine. may mga reloading station din sila. less hassle nga naman, kasi, hindi mo na kailangang maghawak ng cash. kahit yun lang ang dala mo, you can go anywhere and buy anything, as long as may load yung card. at ang bilis ng transaction, split seconds lang, 0.3 seconds to be exact. inorasan ko eh. joke. yun ang sabi sa wikipedia.

ang nakita ko lang na disadvantage, walang gaanong security yung card. kapag nawala yung card mo at may nakapulot, ang daling gamitin. kasi nga, walang validation kapag ginagamit, walang pin code, no signature needed. itinatapat nga lang dun sa scanner. so, you have to treat it talaga like your money, na kapag nawala, kung sino mang makapulot, swerte mo kapag isinoli, malas mo kapag ginamit nya. nasa iyo na rin yun. nasa pag-iingat mo na rin.

wala pa ako nitong card na ito. but im planning to get one pag balik ko dito. malay ko ba naman kung para saan yun dati. hehehe. halos lahat ng officemates ko, meron na nyan, ako na lang ata ang wala. sigurista ako eh, pinabibili na nila ako nung nasa airport kami, hindi ako kumuha. isip ko, pag-aralan ko muna, kung talaga bang kailangan ko sya. di naman kasi ako yung taong gaya lang ng gaya sa iba, pinag-aaralan ko muna. so heto, pagbalik ko dito sa hongkong, i'm going to get my octopus card. for more info, see the related link below.

sa tingin nyo, pumatok din kaya itong card na ito sa pinas? tara, gawa tayo ng ganitong system, hehehe. pusit card itawag natin! hehehe! wala lang, naisip ko lang.

yun lang!

related link:

Octopus card by wikipedia

Thursday, March 23, 2006

reading lesson 101

marhgil. now, you know the spelling. but do you know how to pronounce it properly? syempre, ako dapat ang masusunod, dahil pangalan ko yan. most people read it as "mar-hill". ang iba, "mar-gil", "gil" as in gills ng isda. pero ano nga ba ang tamang basa? well, ayon sa aking nakagisnan mula nang ako ay magkaisip, "mar-jill" ang tawag nila sa akin, yan ang tawag ng parents ko at ng mga kapatid ko sa akin. "jill" as in jack and jill. ok? hope, it is clear now. it is "mar-jill".

bakit ko ba sinasabi ito dito? yung mga bago ko kasing officemates, narinig ko nung isang araw na pinagtatalunan kung paano ba talaga basahin ang name ko. nung makita nila ako, tinanong nila ako at sinabi ko ang tama. ang tawag kasi nila sa akin "mar-gil". bakit daw hindi ko sila itinatama kapag kausap ko sila? wala lang, napagod na rin siguro ako ng kakaturo sa mga tao eh. kaya hayun, pinababayaan ko na lang sila kung anong gusto nilang basa. hehehe.

yun lang!

pampalipas oras

a tag from lojika. pasensya na, inaantok ako ng sagutan ko eh, kaya yan ang naglabasang sagot, walang kwenta. hehehe.

1. Grab the book nearest to you, turn to page 18, and find line 4. ayoko nga!

2. Stretch your left arm out as far as you can. ayoko rin!

3. What is the last thing you watched on TV? House.

4. Without looking, guess what time it is: 4:00PM

5. Now look at the clock. What is the actual time? 4:12PM.

6. With the exception of the computer, what can you hear? nothing.

7. When did you last step outside? What were you doing? kanina lang. kumain.

8. Before you started this survey, what did you look at? computer monitor.

9. What are you wearing? damit

10. Did you dream last night? yes

11. When did you last laugh? i don't know

12. What is on the walls of the room you are in? nothing.

13. Seen anything weird lately? nothing.

14. What do you think of this quiz? this is not a quiz.

15. What is the last film you saw? can't remember.

16. If you became a multi-millionaire overnight, what would you buy? nothing.

17. Tell me something about you that I don’t know. you don't know that i know something you don't know, now you know.

18. If you could change one thing about the world, regardless of guilt or politics, what would you do? nothing.

19. Do you like to dance? no.

20.George Bush. sino sya?

21. Imagine your first child is a girl, what do you call her? duday.

22. Imagine your first child is a boy, what do you call him? kukote version 2.0

23. Would you ever consider living abroad? yes

24. What do you want God to say to you when you reach the pearly gates? nothing

25. 4 people who must also do this meme in THEIR journal: no one, malas ang number 4. hehehe

operators

kung sa pilipinas, may tatlong competing networks on cellular communications (SUN, GLOBE and SMART), dito sa hongkong, anim na signal ang nasasagap ng roaming SIM ko. Syempre, isa lang ang active at a time. Ang mga operator na available ay NEW WORLD, SMARTONE, ORANGE, CSL, SUNDAY and PEOPLES. ang dami nila. pero ang nakakapagtaka, parang hindi ganun katindi ang competition, ni hindi nga ako nakakakita ng commercial sa tv or ng mga billboards nila eh, unlike dyan sa pinas na kung ano-anong gimik ang makikita mong ginagawa ng tatlong operators.

yun lang. wala na akong masabi. inaantok ako.

kwentuhan to the max

magandang araw sa inyong lahat! for the past 2 days, hirap na hirap akong gumising ng maaga. ewan ko ba, ang sarap kasing matulog, naka-aircon pa. talagang kung hindi ko lang iisipin na nakakahiyang umabsent, e baka umabsent na ako, hehehe.

last night, we had dinner sa flat ng mga officemates ko. nagtake-out na lang kami ng food, tapos, doon na lang sa kanila kumain. wala naman, kwentuhan to the max lang kami. kwentuhan ng buhay-buhay sa trabaho dito sa hongkong, sa trabaho sa pilipinas, buhay nung mga estudyante pa kami, buhay ng isang chaperon ng pamangkin nya, buhay ng isang tambay sa riles, buhay ng isang chickboy, buhay ng isang gimikero, presyo ng lupa sa binondo, pagreresign ng isa naming officemate, gimik ng isa naming officemate, pagiging gimikero ng dalawa naming officemate, dahilan ng pagkasira ng tv sa flat nila, pagiging headline sa e-mail ng kanilang untidy flat, amoy ng mga pana sa office, kakaibang gimik ng isang pana sa office, pagluluto ng pagkain dito sa hongkong, pagdating at pag-alis ng mga tao dito sa hongkong, pagkaasar ng isa doon sa isa, mga magagandang bebot sa shenzen, ang anim na original staff ng kumpanya, kung paano nakapag-asawa kaagad ang isa sa amin, kung paano ang feeling ng pinagkaitan ng height na laging nasa unahan ng pila kapag flag ceremony, at kung ano ano pa. well, masaya. masaya talagang magkwentuhan. you learn from them, you learn from their experiences. from there, i learned na talagang ang bawat tao talaga ay may kanya kanyang adventures and mishaps, kanya kanyang kalokohan sa katawan, kanya kanyang kaalaman at kanya kanyang diskarte sa buhay.

Wednesday, March 22, 2006

quatrophobia

kung sa pilipinas, malas daw ang number 13 kaya yung mga building ay walang 13th floor, mas malupit pala dito sa hongkong. para sa kanila, malas daw ang number 4. at hindi lang 4th floor ang wala sa building nila! doon sa tinitirahan ko ngayon, napansin ko, walang 4th, 14th, 24th and so on na floor! kahit yung number ng tower, wala ding tower 4! kaya walo yung tower, sa halip na from tower 1 to tower 8. hanggang tower 9 sya, kasi nga, walang tower 4.

it made me curious, what is wrong with number 4? bakit malas sa kanila? tinatamad pa akong magresearch eh, kaya wala pa akong maibigay na link dito. ang sabi ng isa kong officemate, kapag binasa daw kasi ang number 4 sa chinese, katunog raw ng death sa wikang chinese. ewan ko kung yun nga, pero parang ang babaw naman. katunog lang ng kamatayan, malas na? well, anyway, kanya kanyang paniniwala yan. tanong ko lang, yun ba ang dahilan kaya namatay si yellow 4 sa bioman? hehehe. eh yung fantastic four, pinanood kaya dito? a ewan.

update!!! nagresearch na ako ng konti sa wikipedia... hindi pala quatrophobia ang tawag, tetraphobia pala, at ito ang kwento sa likod ng phobia. tama nga sila, napansin ko rin yun dito sa building namin, walang 13 and 14th floor.

ang dilim

text collections ulit from my cellphone's inbox. salamat sa mga nagsend ng message!
  1. Try mo ito, ang galing! Think of any 2 digit number. Get the second number and add 4. Multiply 2. Subtract 5. Then add it to the first number. Add 8. Now, close your eyes. Di ba, ang dilim?!

  2. Nalubog ang barko, patay lahat ng tao sa trahedya. Kuba lang ang naiwan. KUBA: Halika pating, kainin mo ako, wala nang silbi ang buhay ko! PATING: Huwag mo akong lokohin, TURTLE KA!

  3. Nakakasawa na minsan ang batiang "hi", "hello", gud am, gud pm, how r u. Ngayon, ibahin naman natin... "nagpupu ka na?" =)

  4. Women are physically stronger than men! Why? Because women can carry two mountains at a time, while men can only carry 2 eggs! Take note, with the help of a bird pa!

  5. Gathered in a large hall, an angel asked us to write down our sins before going to heaven. Before I could start writing mine, i heard you shouting: "Extra paper please!"

  6. The most painful thing a guy could do to his girlfriend is sit with his friends and say, "Pare, look at her, paniwalang paniwala syang mahal ko sya, haha! Pare, hindi nya alam, ikaw ang mahal ko! Pa kiss!"

  7. Hindi ka ba nahihilo sa bilis ng ikot ng mundo? Hindi ka ba nasasaktan kapag binabato ka ng mga problemang halos sabay sabay ipinupukol sa 'yo? Eh, Hindi ka ba nabibitin kapag

  8. It's a brand new day. Open your eyes and see. Open your ears and hear. Open your heart and feel. But don't open your mouth, patay tayo dyan, mumog ka muna! Good morning!

  9. Ang tao, tao lang. Nahihirapan at napapagod din. Hindi sa lahat ng oras, andyan. Hindi magtatagal, lalayo din. Tayo? Hindi tayo yun. Hindi naman tayo tao eh! Angel ako, di ba? Engkanto ka! =)

  10. If you ever find a friend better or nicer than me, go ahead. Hindi kita pipigilan. Pero kapag iniwan ka nya, tingin ka sa likod mo, andun ako, nang-aasar sa 'yo. "Better than me pala ha?!"

  11. Kapag may umagaw sa 'yo, gagwin ko ang lahat, mabawi ka lang. Kahit sino pa sila, kahit ikamatay ko pa! Ganyan ka kahalaga sa akin! Langya, porke't alam nila na swerte ang mongoloid, aagawin ka nila?! No way!

  12. May gagawin ako para mapatunayan kong friend mo ako. Kaya kong akyatin ang Mt. Everest ng naka wheel chair! Basta patunayan mo rin sa akin na friend kita, ikaw yung tagatulak!

  13. Sabi nila, mali daw ang magmahal ng sobra. Mali din daw ang kulang. Kailangan daw, yung tama lang. Paano nga ba magmahal ng tma? Kung wala ka namang dyowa?! Pu*yeta!

  14. Isang araw, naglaro raw tayo sa gubat, at bigla kang kinuha ng gorilya. Umiyak ako at napasigaw ng "Kunin mo na rin ako!" Sagot ng gorilya, "Bakit, anak rin ba kita?"

  15. Hindi ka ba makatulog kapag umiinom ka ng kape? Baliktad pala tayo, ako naman, hindi makainom ng kape kapag natutulog.
related posts:
sandpapers
hope we could be like the ants
ngongong aso
asan na u, d2 na me
text tayo

kwento mode

bumaba ang ulap at lumukob sa mga building dito. zero visibility. pero di naman ganun kalamig. pero maulap talaga, hindi ko na matanaw ang mga bundok dito. yung building namin, parang nasusunog sa malayo, natabunan na ng ulap. or sabihin na nating fog sa tamang konsepto ng pananalita. hehehe. yeah, it's a foggy day here.

sa mga nakaraang araw, madalas naming pag-usapan ang dalawang pana dito na malapit lang ang pwesto sa aming kinalalagyan. wala lang, kakaiba lang talaga ang amoy nila. kahit nagkaroon na ako ng mahaba-habang training sa pag-amoy sa kanila nung nasa kuwait ako, nakakahilo pa rin sila. hehehe.

yung mga tao dito, may kanya kanyang alias na. pero kami-kami lang mga filipino ang nagkakaintindihan. yung isa, si harry potter ang tawag nila. kamukha kasi ni harry potter. yung isa daw, kamukha ni kuhol. natatawa na lang ako kapag nakikita ko sya at naaalala ko ang sinabi ni b*l**, na kamukha nga daw ni kuhol. meron pa dito, mongoloid daw. ang taas daw kasi ng bewang kung magpantalon, at medyo mukhang mongoloid nga. yung isa namang janitress dito, duday ang tawag nila. ewan ko, di ko naman kilala si duday eh.

sila kaya? do you think, they are labeling us too? siguro. hehehe

creative commons

matagal ko nang nakikita yung creative commons license sa mga blog na nadadalaw ko. di ko pinapansin, feeling ko kasi, dekorasyon lang. until i read this news, the license is binding at nanalo sa korte sa netherlands nang minsang kopyahin ng isang magazine ang mga picture ng isang artista, nagdemanda sya at ang pinaghawakan ay yung creative commons license! at nanalo sya sa kaso! so, hayan, naglagay na rin ako ng creative commons license dyan sa sidebar ko. ang mangopya ng walang paalam, idedemanda ko. hahaha!

paalam

this poem is dedicated to a special friend... be happy, ok?

Paalam
Kuquotes

nais kong lumayo
para wag nang manglumo
sa sakit na natamo
sa kabiguan ko sa 'yo

hiling ko ay wakas
sa sakit na dinaranas
wala na itong lunas
kailangan nang tumakas

ako ay aalis
at di na magbabalik
ako ay lilisan
at ikaw ay iiwan

di na tayo magkikita
di na tayo magkakasama
di na ako tatawag
di na tayo mag-uusap

paalam kaibigan
kaibigan ko, paalam
nawa'y iyong matagpuan
ang tunay na kaligayahan

sandpapers

sinipag akong mag-encode ngayong umaga, kaya heto, another batch of my text message collections.
  1. Kapag nagtetext ako sa 'yo, ang gusto ko, napapangiti kita kahit sa simpleng pangungumusta, sa mga quotes na ipinapasa ko, gusto ko gumagaan yung loob mo, at nasasabi mo na... naalala na naman ako ni "tito aga" =)

  2. Sometimes, love makes a big scar in your heart, but don't let it stain your life, it only means, the bigger the scar you had, the better you've loved.

  3. There is no such thing as coincidence! People met for a special reason. But whatever it is, I'm so glad I have you in my life! Clueless? Oh come on! Let's just say that we are meant to be friends.

  4. Love is a noble act of self-giving. The more you love, the more you lose a part of you. Yet you do not become less of who you are, but you end up being complete.

  5. Nobody knows when would death comes to us, I maybe gone anytime. Death comes suddenly, so before I runout of time and before I would catch my last breath, i want you to know that...

  6. May Jesus at this very hour bring you something special; a thought that makes you smile, a smile that warms your heart, and a heart that holds much happiness.

  7. Never worry about how you tell someone you love them. Just go ahead and say it. The word "I love you" could never come out wrong. The only wrong way to say it would be not saying it at all.

  8. I don't regret the things I have done and the thing I didn't do, for somewhere along the way, I must have done something right because I ended up with a friend like you.

  9. When mean people hurt you, think of them as sandpapers. They may rub and scratch you painfully, but eventually, you will end up smooth and polished while they end up worthless.

  10. May mga kaibigan na akala mo totoo, yun pala, sila pa ang loloko sa 'yo! Buti na lang, meron akong kaibigan na tulad mo! Na kahit mukhang loko-loko, astig naman at totoo!
related posts:
hope we could be like ants
ngongong aso
asan na u, d2 na me
text tayo

Tuesday, March 21, 2006

the difference

a forwarded e-mail i received this morning. i don't know who the author is, pero may point sya, kaya as usual, ipost ko dito sa blog ko.

The difference between the poor and rich countries

The difference between the poor countries and the rich ones is not the age of the country:

This can be shown by countries like India & Egypt, that are more than 2000 years old, but are poor.

On the other hand, Canada, Australia & New Zealand, that 150 years ago were inexpressive, today are developed countries, and are rich.

The difference between poor & rich countries does not reside in the available natural resources.

Japan has a limited territory, 80% mountainous, inadequate for agriculture & cattle raising, but it is the second world economy. The country is like an immense floating factory, importing raw material from the whole world and exporting manufactured products.

Another example is Switzerland, which does not plant cocoa but has the best chocolate of the world. In its little territory they raise animals and plant the soil during 4 months per year. Not enough, they produce dairy products of the best quality. It is a small country that transmits an image of security, order & labor, which made it the world's strongest, safest place.

Executives from rich countries who communicate with their counterparts in poor countries show that there is no significant intellectual difference.

Race or skin color are also not important: immigrants labeled lazy in their countries of origin are the productive power in rich European countries.

What is the difference then?

The difference is the attitude of the people, framed along the years by the education & the culture.

On analyzing the behavior of the people in rich & developed countries, we find that the great majority follow the following principles in their lives:

1. Ethics, as a basic principle.
2. Integrity.
3. Responsibility.
4. Respect to the laws & rules.
5. Respect to the rights of other citizens.
6. Work loving.
7. Strive for saving & investment.
8. Will of super action.
9. Punctuality.

In poor countries, only a minority follow these basic principles in their daily life.

We are not poor because we lack natural resources or because nature was cruel to us.

We are poor because we lack the correct attitude. We lack the will to comply with and teach these functional principles of rich & developed societies.

If you do not forward this message nothing will happen to you. Your pet will not die, you will not be fired, you will not have bad luck for seven years, and also you will not get
sick.

But those may happen because of your laziness, your love for intrigue and politics, your indifference to saving for the future, your stubborn attitude.

If you love your country, let this message circulate for a major quantity of people could reflect about this. CHANGE, ACT!

uwian, si-ar, period

buhay pa ako, at ang blog na ito. medyo tinamad lang akong mag-update sa kadahilanang tinamad ako, anong magagawa nyo? hehehe. anyway, eto, sigurado na ang pag-uwi ko sa march 26. as in, sure na. dalawang linggong pumetiks sa hongkong. hahaha! bakit nga ba ako napadpad dito? kasi, di namin alam kung ano na talaga ang sitwasyon dito. ang sa halip na knowledge transfer ng system na dapat ay naganap ngayon ay hindi natuloy sa kadahilanang wala pang maitransfer na knowldege dahil puno pa ng bug ang system nila, inaayos pa. so, by mid april pa siguro ako babalik dito kapag naalis na nila yung mga bug.

as planned, naglinis ako ng cr kagabi. ang dating nanlilimahid na bath tub at toilet bowl ay malinis na ngayon, singputi ng puting kulay. kakapagod din pala maglinis nun. scrub dito, scrub doon, wash in, wash out. hehehe. hayun, after siguro dalawang oras ng kakadila dun sa bath tub, nalinis din. yuck, di ko po dinilaan no, syempre, iniscrub ko nga gamit ang pangscrub na nakita ko doon sa isang sulok. sinabon, at pinaulanan ng maraming tubig. ok na ngayon, kahit magpagulong gulong ako dun sa bath tub ay di na ako mandidiri. hahaha.

a text joke i received kagabi from *ri*a, it is kinda green:
teacher: anong pagkakaiba ng 69 at 6.9?
estudyante: ma'am pareho lang po sila ng position, kaso, mas kadiri yung 6.9.
teacher: bakit?
estudyante: kasi po, may period.
yun lang!

Monday, March 20, 2006

si-ar

yesterday, lumipat ako ng flat. nag-uwian na kasi sa pinas yung iba kaya may nabakanteng flat. not that i don't like my housemates, ibang company kasi sila. napasabit lang ako sa kanila kasi, puno na yung accomodation na allocated para sa company namin. kaya kahapon, lumipat na ako doon sa isa pang flat, from tower 9, unit 43h, nasa tower 5, 39c na ako. kasama ko ngayon sa flat ay syempre, officemates ko na, we are under the same company. dalawa lang kami ngayon sa flat, tigisa syempre kami ng room. babae sya. sya si ate chello.

medyo nakakapanibago lang doon sa bago kong flat. naglinis ako ng lababo kagabi. dalawa kasi yung toilet, yung isa, sa master's bed room kung saan yun ang ginagamit ni ate chello. yung isa, yun ang ginagamit nung dating nakatira. well, ewan ko kung paano sya nakatagal dun sa cr na yun. ang dumi eh, hindi ko matake. siguro, nakasanayan na nya, or wala syang time maglinis. kaya hayun, since ako yung gagamit nun, nilinis ko na kagabi. eh kasi naman, hindi ako makapagteethbrush (teethbrush kasi, marami pa akong ipin! hahaha!), makita ko lang yung lababo eh nandidiri na ako. kaya hayun, nagdyanitor mode muna ako kagabi. e di ngayon, maputi na yung lababo. mamaya, lilinisin ko naman yung bath tub, pati yung bowl. dirty white na ang kulay eh. wala namang amoy, yun nga lang, dirty sya. hihingi na lang ako ng piso sa makikigamit. hahaha! sa manila nga, kapag madumi ang cr, lumilipat kami ng boarding house, hehehe. magdumi na ang lahat sa bahay, wag lang yung cr.

hayan, alas sais na. uuwi na ako. bukas na ulit ako magkwento! paalam!

lasing

"minsan, mas masarap kausap ang lasing, nagiging totoo kasi sa sarili nya, walang kinatatakutan. lumalabas ang tunay na nararamdaman. unlike ngayon, puno ka na naman ng pagkukunwari."

-kuquotes

lapis

A forwarded text message, i don't know who the author is, pero worth sharing dito sa blog ko.
Pencil's 5 Important lessons
  1. Everything you do will always leave a mark.
  2. You can always correct the mistakes you made.
  3. What is important is what's inside of you.
  4. In life, you will undergo painful sharpenings which will make you better.
  5. To be the best pencil you can be, allow yourself to be held and guided by the hand that holds you.
now, for the bad news again, nakakagimbal ang balitang ito tungkol sa isang estudyanteng pilit pinakain ng pinagtasahan ng lapis ng kanyang guro. patay na sya ngayon. tsk tsk tsk.

yun lang.

good news, bad news

Dalawang araw akong hindi nagblog, syempre, weekend, time to explore hongkong. at ngayon, kwentuhan time. ok, so, what happened?

good news and bad news. good news muna. maaga kaming umuwi last friday night, sabi kasi nung officemate ko, gagala kami, ipapasyal. bad news, we went to Wan Chai... kung anong meron dun, itanong nyo na lang sa mga kilala nyo dito sa hongkong.

last saturday, walang masyadong happening. kahit walang pasok, di ako nakapaggala. yung mga officemate ko kasi ay umexit sa shenzen, ako lang natira. so, kain, tulog, nood tv lang ako.

kahapon, nagpunta kami sa causeway bay. para syang glorietta ng makati. ang daming tao, ang daming paninda. nagpunta kami doon sa bonjour, tindahan ng perfume. mura daw kasi ang perfume dito. well, mura nga. bumili ako ng CK One, 200 mL. one of my favorite perfumes, kasi, sa lahat ata ng pabango, dun lang ako hindi nahihilo. i checked Ebay.ph, and someone bought it for Php2100. that price is far more expensive than what i got. mura nga!

now, bad news ulit. tumawag ang kuya ko. may nangyari daw sa kotse ko. dinala kasi ng kapatid kong bunso sa lipa dahil may okasyon daw dun. syempre, ipinark. pagbalik nila, hayun, puro gasgas ang buong katawan. palibot daw eh. ang nangyari, may isang pasaway na bata raw ang napagkamalang blackboard yung kotse ko at chalk yung bato. hayun, pinaglaruan, nilagyan ng design. nahuli naman ang salarin. at ngayon, may negosasyon na sa baranggay kung ano ang gagawin.

syempre, kausap ngayon nila yung magulang ng bata. matindi raw talaga yung gasgas eh. as in, sa palibot. kailangan daw, irepaint. nakipag-usap na daw sila sa toyota, ipinaestimate kung magkano ang magagastos, around Php50K daw. ngayon, mag-uusap daw ulit sa baranggay, kung sasagutin ba nila yung gastos lahat or what. tsk tsk. syempre, dapat, sagutin nila lahat. kasalanan ko bang hindi ko nalagyan ng warning yung kotse na bawal gasgasan? kaya para sa inyong may mga anak na makukulit at pasaway, teach them na yung ginagawa nilang vandalism sa bahay ninyo ay hindi pwedeng gawin sa kahit saan na lang. this might cost you Php50K. hehehe.

as for me, kailangan ko ba talagang iparepaint yun at pagastusin yung parents nung bata ng ganun kalaking halaga? napakawalang puso ko na ba kung gagawin ko yun? nakakasama naman kasi ng loob na yung kotse mong pinakaiingat-ingatan at kalahati ng sweldo mo ay nagugugol para dun ay gaganunin na lang nila. alangan namang pabayaan ko na lang na puno ng gasgas yung kotse ko? bata naman eh, di naman nya alam na mali yung ginawa nya. nung bata ako, di ko ginawa yun. kahit naman papaano, naturuan ako ng parents ko ng tamang asal. kulang sa turo yung bata. well, that's one way to teach his parents a lesson. para hindi na maulit ito.

yun lang!

Friday, March 17, 2006

thesis defense tips

since mid march na ngayon, panahon na ng thesis defense para sa mga graduating students. ito ang mga tips ko sa mga estudyante para pumasa sa inyong thesis defense.
  • sa pagkuha ng schedule ng defense, mas maganda kung kayo ang unang magdedefend. bakit? syempre, wala pa silang point of comparison. they will give you a not so high but not so low grade. kung talagang papasa kayo, average yung grade nyo. di na masama, di ba?

  • dumating ng mga 30 minutes ahead of schedule. syempre, para makapagprepare pa kayo ng maayos. malalaman nyo kung may kulang sa mga gadgets nyo, or sa mga documentation nyo. makakapag-ayos ka pa ng buhok mo. hehehe.

  • wear your best attire. yung pinakagwapo/pinakamaganda ang dating mo. huwag namang pangkasal, hehehe. basta, presentable. may points din yan, syempre, kailangan, presentable ka para naman maging kaaya-aya ang dating mo sa panelist. kung may pangrenta ka ng coat and tie, ok yun. shine your shoes. cut your nails. brush your teeth. and smile always, kahit asar ka na sa makukulit na panelist.

  • know what you are talking about. ok? huwag patanga-tanga. siguraduhin na nabasa mo ang inyong documentation and know them by heart. para kahit ano ang itanong ni panelist, pwede kang sumagot. huwag pabayaang yung kagrupo mong gumawa ng documentation lang ang dumaldal ng dumaldal sa unahan. sumabat ka naman paminsan-minsan. baka ikaw ang naghirap, sya lang ang nagdocument, tapos, mas mataas pa ang grades nya sayo. ok?

  • magdala ng panyo. baka kasi hindi ka sanay humarap sa maraming tao, ay pagpawisan ka, lalo na kapag ginigisa na kayo. dyahe kung walang panyo, tapos, yung neck tie mo na lang ang gagamitin mo. yuck! so, don't forget the handkerchief, importante yun.

  • give your panelist the best food you can offer. wag naman mcdo o jolibee, yung kakaiba naman. like pinatuyong itlog ng kabayo, ginataang gata, ginataang niyog. hehehe, parang sa eheads ata ito, hehehe. make sure na hindi kayo pare-pareho ng foods ng ibang grupo.

  • huwag magdedefend ng gutom. make sure na kumain ka ng maayos bago magpunta sa defense. kumain lang ng tama. wag naman sobra na sa kainitan ng defense ay bigla kang tawagin ng kalikasan. hehehe. yung tama lang, para may energy ka.

  • last but not the least, pray. ipanalangin na sana ay bigyan ng mabubuting puso ang mga panelist para bigyan kayo ng pasang marka. ipanalangin na bigyan kayo ng alertong pag-iisip, presence of mind, at talinong kailangan nyo para malampasan nyo ito. remember, kapag bumagsak kayo dito, nakakainggit na yung mga kaklase mo ay gagraduate, ikaw ay hindi. hehehe.


yun lang!

i miss u

Namimiss Kita
Kuquotes

ang hirap magtrabaho
kapag namimiss mo ang isang tao
na syang may-ari ng puso mo
na kahit buhay, ibibigay mo

ang hirap matulog
kapag sya ang nasa isip mo
kahit malalalim na ang gabi
gusto mo pa rin syang makatabi

pero paano, ang layo mo?
di naman kita pwedeng isama dito
kaya tiis na muna sa ganito
may awa ang Dyos, maaayos din ito

kuwentong hongkong na naman

kahapon, kumain kami sa isang chinese restaurant. hindi ko alam ang pangalan nya, kasi, written in chinese characters, walang english translation. ang tawag ng mga kasama ko, swing restaurant daw yun. kasi, sa loob, may mga swing, nakabitin yung upuan. well, as usual, after umorder nung kasama ko, ang sagot ko na lang sa waiter, same order. hehehe. well, ok naman yung pagkain. parang minatamis na pork chop, na may kasamang gulay, repolyo ata yun. syempre, may ksama ring rice. tapos, yung drinks, lemon juice daw. pero nung tikman ko, ang pait. kailangan daw pigain yung lemon sa loob para maging maayos ang lasa. naging maayos naman nga, kahit papaano.

sa trabaho, ganun pa rin. ssdd. petiks mode.

nagdinner ako sa bahay nung mga officemate ko. niyaya ako eh, ikaw na ang yayain na kumain ng libre. hehehe. may mga de lata kasi sila doon, magluluto na lang daw sila. well, nagcontribute rin naman ako para hindi nakakahiya, ang dami ko pa namang kumain. habang nagluluto, nood muna kami ng tv. aba, at paglipat ko ng isang channel, nakita ko si kim sam soon! hehehe. oo, palabas din pala dito yung kim san soon. ang problema lang, translated sya in chinese, e di hindi rin namin naintindihan. hehehe. pero yung napanood namin, napanood ko na rin dyan. yung halikan ni cyrus at kim sam soon nung mga lasing sila. napansin ko lang, mas matagal at mas matindi ang halikang naganap dito. mukhang inedit ng gma 7 para makapasa sa mtrcb. pagkatapos kumain, nood lang ng tv, tapos umuwi na ako.

pagdating sa bahay. naglaba na ako ng mga tubal kong damit. yung mga puti muna. iniwan ko na lang sa washing machine, at kaninang umaga, tuyo na nga sya. bago ako pumasok sa office, isinalang ko naman yung mga de-color. mamaya, pag-uwi ko, ok na yun. bukas, wala naman akong pasok, so, mega-plantsa muna ako. sa sunday na lang ako maglilibot dito sa hk.

yun lang!

Thursday, March 16, 2006

backup your blog

marami ka na bang post sa blog mo at minsan, naisip mo nang iback-up ito? ako, oo, 700+ na kaya ito, na ikakasama ng loob ko kung biglang isang araw, makita ko na deleted na yung blog ko dahil nagsara na pala ang blogspot. hehehe. baka mabaliw ako, hahaha! paano na yung mga sinulat ko? di ba? so, hanap-hanap kung paano iback-up ang mga nasulat ko until i found this. hayan, pag-uwi ko sa pinas, yan ang una kong gagawin. iback-up ang mga post ko.

yun lang!

wowowee

noong mga nakaraang buwan, mga panahong wala pa akong trabaho, naging ugali ko na ang panonood ng gameknb at wowowee sa tanghali. dahil sa nangyaring stampede e nawala nga sa ere ang wowowee. pero isa ako sa mga natuwa nung magbalik sila last saturday. i'm not a fan of willie revillame or an abs-cbn fanatic. natutuwa lang akong panoorin ang wowowee, ang dami naman talaga nilang natutulungang mahihirap. para sa akin, ok yung ginawa nilang pagsasaere ulit ng wowowee, katunayan lang na sa bawat pagsubok na daraan sa ating buhay, hindi dapat tayong sumuko. we can rest, but don't ever quit. ituloy ang ligaya. ituloy ang pagtulong sa mahihirap. don't let one tragic moment in your life stop you from living. the show must go on.

ganda ng background music ko. kanta muna tayo! hahaha!

Wowowee
Willie Revillame

Sa luzon, sa visayas, at sa mindanao
Saan man sulok ng mundo
Makakasama nyo
Magbibigay saya sa bawat isa
At maghahatid ng kakaibang ligaya

Kadugo, kababayan at kapamilya
Sa bawat sulok ng mundo
Na may pilipino, itoy para sa inyo
Sa kinabukasan nyo
Ang ibibigay naming paparemyo

Wowowee sinong di mawiwili
Dahil sa game na to ay di ka magsisisi
Wowowee panalo ang marami
Pagkat walang talo sa wowowee

Sa loob at labas ng ating bansa
Saan ka man nagmumula
May pera o wala
Kasama ko kayo at pwedeng manalo
Ganyan kung magmahal
Ang kapamilya mo ( wowowee )

Wowowee sinong di mawiwili
Dahil sa game na to ay di ka magsisisi
Wowowee panalo ang marami
Pagkat walang talo sa wowowee

Wowowee sinong di mawiwili
Dahil sa game na to sigurado ang swerte
Wowowee panal ang marami
Pagkat walang talo sa wowowee
Pagkat panalo ka sa wowowee

Wowowee wowowee wowowee

visit visa sa dubai ii

here is another forwarded e-mail i've got from a yahoogroup. sabi, iforward eh, ipost ko na lang ulit. mas detalyado ito, tungkol pa rin sa visit visa ng dubai. di ko pa rin alam kung sino talaga ang nagsulat nito, anyway, ang mahalaga, mainform tayo. kung ikaw ang nagsulat nito, kindly inform me so that i can give you the credits, ok? ok. here it goes...
With the permission of the moderator, post ko lang itong forward sa akin ng barkada kong nasa Dubai ngayon on a tourist or "visit visa". sa mga hindi po nakakaalam, ang "Visit visa" ang pinakauso ngayon sa pagpunta sa Dubai, kung saan parang turista na pupunta dun ang isang pinoy, at dun na sya maghahanap ng trabaho. usually 2 months ang limit, at kung hindi ka makakakita ng trabaho in two months, wala kang magagawa kundi umuwi na lang na bigo o kaya mag-exit.

okay sana ito, ang kaso, NAPAKARAMING pinoy na ang andun ngayon, at halos NAPAKARAMI na rin ang nasisira ang buhay dahil pupunta sila dun umaasang makakakita ng matinong trabaho, pero wala na pala dahil sa bawat trabahong available, 20 or more pinoys ang nag-aagawan. imagine, makapunta lang dun, magsasangla ng bahay o magbebenta ng kalabaw ang isang typikal na pinoy, at paniwalang paniwala syang madali syang makakakita ng trabaho dun at mababayaran ang utang nya, pero dun na lang sa dubai nya madidiskubre ang mapait na katotohanan.

ang masama pa, malaki ang kasalanan dito ng mga kapwa natin pinoy na nasa dubai ngayon. sila yung mga nagrerecruit ng mga pinoy na gustong pumunta ng Dubai. dati mo silang ka-officemate, o kaya ka-barkada, na "nag-o-offer" sa iyo ng visa assistance papunta dun; hindi nila sinasabi ang tutoo, hindi nila sinasabing halos napakarami nyong maghahati hati sa iisang kwarto, na napakahirap maghanap ng matinong trabaho ngayon dun, na halos gabi gabi kung makikinig ka, puro impit na iyak ng mga pinay na "napasubo" sa pagpunta sa dubai ang maririnig mo. nakakaawa.

ang mga pilipino recruiters na ito, sila ang Makapili ng panahon natin ngayon. mga traydor sila. bakit? kasi malaki ang porsyento nila sa bawat pinoy na mapapapunta nila sa dubai. isipin mo na lang na typikcal na ibabayad mo for a visit visa ay P50k to P80k--samantalang kung tutuusin, nasa P35k lang talaga ang fees. pero dahil ang karaniwang pinoy ay hindi nakakaalam ng mga ganyang sistema, maniniwala na lang sila sa lahat ng sasabihin ng recruiter nilang "kaibigan.

okay lang magpunta ng dubai, kung dadaan ka sa isang employment recruiter dito sa pinas. okay lang magpunta ng dubai kung bago ka pumunta dun, may job offer ka na. pero WAG na WAG kang pupunta dun on a Visit Visa.

kaya kung may kaibigan ka, o kakilala, o kamag-anak, na nagbabalak magpunta sa dubai on a visit visa, please, ipadala mo rin sa kanila ang email na ito, at baka-sakaling mailigtas mo sila.
yun lang!

related post: visit visa sa dubai

human buttons

isa pang e-mail na nareceive ko kanina. isang sentimyento ng isang refugee sa lebanon. nagagalit lang naman sya sa UNHCR sa paggamit ng mga picture ng mga mahihirap na refugee para humingi ng donasyon. una kong reaction, parang OA sya, but after reading his side, mukhang may point sya. click here. yan din ang nakasulat sa e-mail nya eh.

yun lang!

visit visa sa dubai

Ito ay forwarded e-mail na natanggap ko kaninang umaga. hindi ko kilala kung sino ang original na nagsulat nito. as usual, kung may sense ang sinasabi at gusto kong ipaabot sa inyo, ipinopost ko na lang dito. ang masasabi ko lang, wag magpaloko sa mga illegal recruiter. ito na po ang nilalaman..
Isa ako sa mga libo libong Pinoy na nagtatrabaho dito sa Dubai. Tama si Kasamang M*ke Ch*nco sa mga sinabi niya tungkol sa sitwasyon ng mga kababayan natin dito, partikular ang mga "Visit Visa". Ayon sa ulat ng pahayagan dito "Gulf News", mahigit isang daang Pinoy Visit Visa holder ang dumarating dito sa Dubai araw araw. Sila yung mga napaniwala at naloko ng mga recruiters at mga kaibigan o di kaya ay mga kamag-anak na makakakuha sila ng trabaho dito sa Dubai ng madalian. Yun ay isang malaking KASINUNGALINGAN. Marami akong nakilala na nasuong sa ganoong sitwasyon. Nagbenta at nagsangla ng ari-arian, umutang ng patubuan dahil pinaasa sila at pinaniwala na ganoon kadali ang lahat. Di nila alam, lalo silang nalubog at nabaon sa utang.

Marami pa rin tayong kababayan ang nasa KISH, parte ng Iran kung saan duon nagtutungo ang mga Visit Visa holder kapag ang 2 months visa nila ay expired na. Marami sa kanila ang umabot na ng ilang buwan doon sa kahihintay na mabigyang muli ng panibagong visa. Madali sana, kaya lang paano kung wala ka nang pangbili ng visa. May mga ilang Pinoy na rin ang nasiraan ng bait at mayroon na ring nagpakamatay dahil sa kabiguang dinanas.

Lubhang napakahirap makakuha ng trabaho dito dahil libo libong Visit Visa holder ang nag-aagawan sa ilang pwestong nakalathala sa mga pahayagan. Hindi lang kasi Pinoy ang kalaban mo, nandiyan ang mga Indians, Chinese, Sri Lankan at marami pang iba. At halos lahat ng employers ay naghahanap ng "Gulf Experience", so ano ng laban mo kung baguhan ka lang dito. "Dubai is not the same Dubai that we used to know", yan ang litanya naming mga Pinoy na matagal na dito. Napakalaki kasi ng pinagbago. Halos imposible ng mabuhay ang pangkaraniwang empleyado, dahil sa taas ng Cost of Living. Lahat ay nagtaas ng presyo, samantalang ang sweldo ay walang pinagbago.

Marami akong kaibigan at kamag-anak ang nais pumunta at sumubok dito, pero lagi kong sinasabi sa kanila kung ano ang tunay na mayroon ang Dubai. Hindi sa ayaw ko silang tulungan, gusto ko lang malaman nila ang totoo. Kaya kayo po diyan na nais o nagbabalak pumunta dito, nasasa-inyo po ang desisyon, ang sa akin po ay paalala lamang.

Tandaan po ninyo, Dubai is a good Tourist destination, not a JOB destination.

Mabuhay po tayong lahat.

yun lang!

washing machine

kahapon, walang kakaibang nangyari. the usual routine, gigising ng maaga, papasok, maglulunch, babalik sa office, maghahapunan, uuwi, matutulog. in other words, SSDD.

di pa ako nakakagala dito. puro kasi busy ang tao dito, gabi nang mag-uwian. siguro, this weekend, makakarating naman ako ng ibang lugar. mamayang gabi, maglaba muna ako. may washing machine naman sa bahay, fully automatic, yung paglabas, plantsado na. hehe. di naman, paglabas lang nya, tuyo na, ako pa rin ang magpaplantsa. naisip ko lang, kelan kaya maiimbento yun, yung paglabas sa washing machine, plantsado na? hehe.

yun lang!

Wednesday, March 15, 2006

kwentong hongkong pa rin

yesterday was a different day again. sa trabaho, wala pa akong masyadong ginagawa. medyo nagtataka nga ako kung bakit ipinadala agad ako rito, hindi pa naman pala umpisa nung turn-over and knowledge transfer nung system na hahawakan ko dapat. nasa UAT (User Acceptance Test) stage pa lang sila kung saan ang dami pang dapat nilang ayusin dahil hindi acceptable sa user yung ginawa nila, ang dami pang bugs. so, for the mean time, basa-basa ulit ako ng mga documentation, para may magawa ako. pero sa nangyayari, marerevise pa rin yung documentations dahil nga ang dami pa nilang dapat ayusin. in other words, petiks mode muna ako.

kahapon, naglunch kami sa Li Fan Hau yata yun, basta, ganyan ang tunog nung name ng restaurant. di ko matandaan eh. medyo nakakatuwa dahil yung menu are in chinese characters. malay ba naman naming basahin yun, buti na lang at marunong ng english yung waitress. so, ininterpret nya dun sa dalawa naming kasama kung ano-ano yun. nung makaorder yung dalawa, nung tanungin ako, sabi ko na lang, same order. hehehe. basta sabi nila, pork daw yung inorder nila, pero hindi pa rin nila alam kung anong luto. so, bahala na, come what may. nang dumating yung inorder namin, para lang syang giniling, lasang meat ball, pero ang shape nya, parang tortang talong. so, hayun ang tinanghalian namin. nakarequest naman kami ngayon ng spoon and fork. ok naman, naubos ko rin.

gabi na kami nakauwi. and i had my dinner at mcdo. wala lang, gusto ko lang matikman kung ganun din ang lasa ng big mac dito. hindi naman ako nabigo. medyo may kamahalan lang din yung big mac meal HK$20.30. pero ok lang, kailangang kumain eh. after the dinner, nauwi na ako, nanood ng tv at natulog. yung tv naman dun sa unit namin ay may dalawang channel na napapagtyagaan. Pearl channel at saka World channel.

actually, birthday kahapon nung isa naming officemate. nag-invite sya sa flat nila. kaso, di na ako nakapunta. ewan ko, tinatamad kasi akong magpunta ng solo. wala akong kasabay eh, nauna na yung iba kong kasama, yung iba naman, naiwan ko pa sa office. yung mga kasambahay ko, nagpunta, kaya walang tao sa bahay nung umuwi ako. hindi ko na rin namalayan nang umuwi sila. ayon sa narinig ko sa usapan kanina, around 2:00AM na daw sila nakauwi. videoke trip ata ang ginawa nila.

may dumating din kaming bagong housemate. nanonood ako ng tv ng dumating sya. babae. nagulat nga ako, hehehe. well, diretso na sya kaagad sa kwarto ni ana. hi, hello lang kami. tapos, tuloy ako sa panonood ng tv. yun nga, after watching tv, natulog na rin ako.

yun lang.

Tuesday, March 14, 2006

kwentong hongkong ulit

it's my second day of work in hongkong. kahapon, we had lunch at steak house. syempre, kasabay ko yung mga officemates ko sa pinas na andito na rin, labing-isa kami lahat lahat. ayos naman, masarap yung pagkain, nakakabusog. may kabigatan lang sa bulsa, Hk$30 ang presyo eh, kaya kailangan ko talagang mabusog.

we had our dinner at maxim. chinese restaurant ata yun. yun kasing inorder namin, may kasamang chopstick. ang problema, hindi nakakaintindi ng english yung nagseserve. humingi yung kasama ko ng spoon and fork, ang ibinigay ba naman ay spoon and bowl. hehehe. kaya nung ako na, di na lang ako humingi. chopstick na lang ang ginamit ko sa pagkain. tutal, praktisado naman ako sa tokyo tokyo. yung mga katuwaan namin na pagkain sa tokyo tokyo using the chopstick e magagamit ko pala dito. hehehe. ito pa natuklasan ko, pag-upo ko kasi, yung pagkain, inalis ko sa serving tray, as i usually do kapag kumakain sa jolibee or mcdo. sabi sa akin ng kasama ko, hayan ang katunayan na bago ka lang dito sa Hongkong. kasi, hindi pala inaalis yung serving tray, dun sila mismo sa ibabaw ng tray kumakain. syempre, lingon-lingon ako at napansin ko nga na lahat sila, nakapatong yung pagkain dun sa tray habang kumakain. weird, pero nakisama na rin ako, ibinalik ko yung tray. hehehe.

after the dinner, nagpunta muna doon sa parknshop at bumili lang ako ng tubig at sabong panlaba. tapos, diretso na ako nauwi. malamig pa rin ang panahon. syempre, nakasanayan ko ang temperatura sa pinas eh, kaya medyo naninibago ako dito.

pagdating ko sa bahay, andun na yung mga kasama ko sa bahay. ok, sabihin ko na ang pangalan nila, si finong at si ana. nadatnan ko na nag-iinternet si finong, at si ana, nasa kwarto lang nya. diretso ako sa kwarto ko at nagbihis. tapos, lumabas ako at inilagay doon sa ref ang binili kong tubig. tapos, balik sa kwarto. i was kinda awkward pang lumabas ng kwarto, kasi, syempre, nahihiya pa ako doon sa dalawa. pero boring sa kwarto ko, so lumabas ako ng sala. sabi sa akin ni finong, gusto mong manood ng tv? feel at home. syempre, hiya pa ng konti, pero kinapalan ko na rin ang mukha ko. kinuha ko yung remote, hehehe. anyway, lahat naman kami, kumpanya ang nagpapatira doon, so we have equal rights sa mga appliances nung unit, except doon sa mga items na sila yung bumili, di ba? so, upo ako sa sofa, at nanood ng tv, habang si finong ay busy sa kanyang pakikipagchat. then, after a few minutes, lumabas si ana sa kwarto nya at nakipanood na rin ng tv.

then, it was bonding time. syempre, kailangan kong makisama sa kanila. para akong nasa pbb house eh. hehehe. mababato ako kung hindi ko sila kakausapin, di ba? syempre, kwentuhan. actually, para akong nasa the buzz, or star talk, kanya kanya silang tanong, at ako naman ay sagot ng sagot. mga tanong sa akin ni ana, ilang taon na daw ako, first time ko ba raw sa pag-aabroad, kung binata pa raw ba ako, kung may girlfriend na daw ba ako, etc.. etc. naisip ko nga, bakit? interesado ka ba sa akin? hehehe. well, later i found out naman na she's married na. so, curious lang sya talaga. or talagang type lang talaga nya ako. hehehe.

natawa naman ako sa remarks ni finong sa akin. kamukha ko raw yung mga kapatid at pinsan nya. hahaha! kaya daw medyo natuwa sya nung dumating ako, akala nya, kamag-anak nya. ows, siguro type nya ako. hahaha! well, sa totoo lang, bading sya talaga, kaya nga awkward akong makipag-usap. not that i'm against them, hindi lang talaga ako komportable makipag-usap sa kanila. kasi naman, baka ang habol lang nila sa akin ay ang aking pagkalalake. hahaha! anyway, mabait naman sya.

then, tuloy ang kwentuhan. iba't ibang topic, pati religion, napag-usapan. syempre, nacurious sila dahil INC ako. ganun naman talaga, sanay na ako. well, i just answer them, pero di ako nakikipagtalo. ang dami kasi nilang tanong. kung totoo ba raw na ganun, na ganyan, etc, etc. naligaw din ang topic sa pangalan ko, sanay na rin ako dyan. for 26 years, i've been explaining to the whole world kung ano ang tamang spelling ng pangalan ko, tamang pronunciation ng pangalan ko at kung saang lupalop ng mundo ito hinugot. hehehe. habang nagkekwentuhan nga pala, we are watching CSI, na hindi ko rin naman naintindihan.

siguro, nung magkaubusan na ng mapapag-usapan, nood na lang kami ng tv. and then later, nung inaantok na si finong, nag-log-off na sya, tapos, sabi nya sa akin, gusto mong mag-internet? hehehe. ako pa! e kanina pa akong naglalaway, hahahaha! nakaDSL connection naman sya sa bahay, so ok lang na gamitin ko. sabi nya lang, ishutdown mo na lang kapag tapos ka na at matutulog na ako. hehehe. hayun, so, nagcheck lang naman ako ng email at konting blog hop, nagpost ng konti sa blog, tapos, natulog na rin. i always lock my room kapag natutulog ako.

while sleeping, i had this bad dream. nagkaroon ng malakas na lindol, nasa loob ako ng bahay namin sa batangas. tapos, sa lakas ng lindol, i can see clearly kung paano nabitak yung dingding ng bahay namin, nagmamadali kaming lumabas ng bahay at saktong paglabas namin, gumuho yung bahay namin. tapos, nagising na ako. weird. ano kayang ibig sabihin nun?

yun lang!

Monday, March 13, 2006

totoo

natawa lang ako sa text message na ito na nareceive ko ngayon lang.. salamat friend dahil naging totoo ka sa akin, naging tunay kang kaibigan, andyan ka lagi totoo. TOTOO ka. in english, FACT YOU friend! as in, totoo ka talaga! FACT YOU...!!!

dito ko na lang ipost ang reply ko,mahal kasi ang textback from HK. hehehe. para sa iyo friend... FACT YOU TOO!!! hahaha!

giniginaw ako

AT 6 P.M. AT THE HONG KONG OBSERVATORY THE AIR TEMPERATURE WAS 11 DEGREES CELSIUS AND THE RELATIVE HUMIDITY 84 PER CENT.
DURING THE PAST HOUR THE MEAN UV INDEX RECORDED AT KING'S PARK
WAS 0.0. THE INTENSITY OF UV RADIATION WAS LOW.

PLEASE BE REMINDED THAT:
THE COLD WEATHER WARNING IS NOW IN FORCE. COLD WEATHER
MIGHT CAUSE ADVERSE HEALTH EFFECTS. MEMBERS OF THE PUBLIC
SHOULD TAKE CARE TO KEEP WARM.

THE AIR TEMPERATURES AT OTHER PLACES WERE:

KING'S PARK 10 DEGREES;
WONG CHUK HANG 12 DEGREES;
TA KWU LING 8 DEGREES;
LAU FAU SHAN 9 DEGREES;
TAI PO 9 DEGREES;
SHA TIN 10 DEGREES;
TUEN MUN 9 DEGREES;
TSEUNG KWAN O 10 DEGREES;
SAI KUNG 10 DEGREES;
CHEUNG CHAU 9 DEGREES;
CHEK LAP KOK 10 DEGREES;
TSING YI 10 DEGREES;
SHEK KONG 9 DEGREES.
source: Hong Kong Observatory

in other words, sa madaling salita, ang ginaw-ginaw dito!!!! nasa tabi pa naman kami ng dagat. para kaming nasa loob ng ref. buti na lang at nauso ang jacket. hehehe! ibalik nyo ako sa pinas! =) anyway, kaya pa naman. gumagana pa naman itong kukote ko.

yun lang!

bananaque boyz

nainggit ako kay penoy kaya nagpost din ako ng college pic na ninenok ko sa aming yahoogroups. wala lang. the photo was taken at batangas city plaza minsang matripan naming tumambay at kumain doon. ang alam ko ay libre yung bananaque, may nagpalibre dahil may nanenok na pera sa kung saan. hehehe!


magkakasama sa kalokohan, pero magkakasama ring grumaduate at ngayon, magkakasama pa rin ang ilan dyan sa boarding house sa makati, actually, apat kami. lahat nakagraduate. at lahat, nasa IT world na, kahit nagdanas ng konting discrimination sa pag-aaply sa trabaho dito sa manila dahil kami raw ay mga promdi na nagtapos laang doon sa BSU. hehehe. ngayon, indemand sa kani-kanilang chosen carreer path, ang lalakas loob magresign kapag nabadtrip sa amo nila. hahaha! yung isa nga dyan, nagtayo ng labor union, sya lang ang member. hahaha!

yun lang!

old school

naextra ako sa post na ito ni penoy kaya ni repost ko dito. ang cute ko talaga nung bata pa ako. hehehehe. yun lang!

kwentong hongkong

blogging thru e-mail ngayon ang drama ko. Since wala kaming connection sa outside world dito sa office sa hongkong except thru email, kaya heto, magboblog ako thru email. Disadvantage, I cannot read your comments kasi sa yahoo account ko nakadirect yung comments. Hindi ko rin mababasa yung mga tag nyo sa tagboard ko. Basta, post na lang ako ng post at pag-uwi ko 2 weeks from now, saka ko pa lang mababasa lahat yan.

Anyway, magkwento muna ako. My trip to Hongkong. Since 2:55PM yung flight, umalis kami ng batangas at 10:00AM. Inihatid ako ng kuya ko, kasama ang asawa nya at anak nya, at kasama din ang mother ko. Talaga nga naman, full support, parang dalawang taon akong mawawala, hehehe. Eh, 2 weeks lang naman. Ang kuya na ang nagdrive ng kotse ko. Nakarating kami ng NAIA terminal 2 at 12:00PM, diretso muna sa carpark para magtanghalian. First time namin sa terminal 2, sa tinagal tagal ko nang nag-aabroad, ngayon lang ako makakasakay ng PAL. Around 12:30PM, nagpasya na kaming magpunta sa departure area dahil nagtext na sa akin yung isa kong kasama na andun na raw siya.

Pagdating sa departure area, bumaba ng kotse at nagpaalam sa kanila. Unlike the usual settings na makikita mo kapag may nag-aabroad sa tv, sa amin, walang iyakan. Hahaha. Parang pupunta lang ako ng manila. Pagbaba ko, hila yung bagahe, isang kaway lang, babay na. tapos diretso na sa loob.

Medyo mahigpit ang security sa airport. Lahat na lang ng bakal sa katawan ay pinaalis. Buti na lang at di ako masyadong kumakain ng food rich in iron. Hehehe. After passing to the strict security measures, nagkita na kami nung kasama ko. Ang tanong nya sa akin, “Saan ka papasok?� nakapolo kasi ako, samantalang sya ay naka-T-shirt lang. hehehe. Tapos sabi nya sa akin, kapag nagcheck-in daw ako, sabihin ko, may nakareserve na akong upuan, row 66. hayun, ok naman yung check-in, 66F ako. Hinintay lang namin yung isa pa naming kasama, tapos diretso na kami. Bale apat kaming magkakasabay, tatlong lalake, isang babae.

Pagpasok ng eroplano, sa gitna pala kami nakapwesto. Yung apat na upuan sa gitna kami. 2 hours ang byahe. May meryendang pork with rice, cake na puro icing, pancit na bitin, at tinapay na may palamang butter. Orange juice ang kinuha kong drinks. After kumain, natulog ako. Nang magising ako, malapit na daw sa hongkong, fasten your seatbelt na ang sabi nila. Ok yung take-off nila, pero yung landing, nakakarimarim. Hindi smooth, parang akala ko nga ay nagcrash na yung eroplano. 20+ na beses na akong nakasakay ng eroplano, and for me, this is one of the worst landings ng eroplano. Kulang pa sila sa practice. Hehehe.

Pagbaba, ok lang, dirediretso lang kami. Punta sa immigration at patatak ng passport. Sabi sa akin nung nagtatak ng passport ko, “It’s your first time here in hongkong. Welcome!� tapos, diretso na kami pagkuha ng baggage. After waiting for around 10 minutes, nakuha na namin lahat ng bagahe namin. Dumaan ako sa money changer para magpapalit ng Hongkong dollar. Tapos diretso na kami sa labas. Walang sumundo sa amin. Kasi naman, mga batikan na itong mga kasama ko, alam na nila ang pagpunta doon sa tirahan.

Medyo mahaba-haba din yung nilakad namin habang hila-hila yung bagahe kong 20 kilos. Kakapagod, as in, hingal kabayo na ako pagdating sa dapat puntahan, sa bus stop. Oo, nagbus kami. Byaheng Sui Sai Wan. Ok yung bus nila, may second floor. Dito pala yung mga bus na nakikita ko sa tv na mukhang magkapatong na bus. Ok yung bus, malamig, aircon eh. May sadya silang lalagyan ng mga bagahe. Tapos, sabi sa akin nung mga kasama ko, matulog muna raw ako at isang oras at kalahati ang byahe! Medyo malayo nga, HK$45 ang pamasahe eh.

Sa byahe, hindi ako natulog, sight seeing muna, syempre, first time eh. Una kong napansin, right hand drive pala dito. Nasa kanan yung driver. At pati yung kalsada, baligtad, sa halip na keep right ka kapag may kasalubong, keep left ka dapat. As in yung highway, baligtad rin, nasa kaliwa kami. Basta ganun. Naisip ko tuloy, di pala ako pwedeng magdrive dito, at baka makabangga lang ako.

Ang haba talaga ng byahe. Dito ako nakakita ng mga building na nakatayo sa ibabaw ng bundok. Ang daming building, ang tataas. At ang daming tulay, masyado kasing maraming tubig. Feeling ko, we are hopping from island to island. Hindi ko nga mabilang kung ilang tulay yung dinaanan, mahahabang tulay. Nadaanan pa namin yung magandang tulay na nakita ko dati sa magazine ng isang eroplano dati. Yung korteng triangle yung side. Basta yun, hindi ako makapag-internet, sigurado, may picture yun sa internet.

Anyway, after 2 hours yatang byahe, nakarating din kami sa Hotel. Actually, hindi sya hotel, condominium sya. First class condo raw. Ang entrance nya, mall, Island Resort Mall. Island resort yung name nya, kasi, nasa tabi kami ng dagat. Tapos, sa itaas nung mall yung condominium. Diretso muna kami sa unit ng mga kasama ko dahil hindi ko pa alam kung saan ako tutuloy. Their unit is on Tower 8, 16th floor. Ok yung unit nila, kumpleto sa gamit, malinis. Then, sabi nila, they will contact our boss para malaman kung saan ako maninirahan.

To make the long story short, sa Tower 9, 43rd floor ako napaassign. May sarili akong room. Kasama ko sa unit, dalawang filipino rin, working on the same company, isang lalake, at isang babae. Ewan ko kung lalake nga yung isa, ang lambot kumilos eh. Anyway, pagdating ko doon, nag-ayos lang ako ng gamit, tapos natulog na. Di ko na muna sila kinausap, mukhang busy sila sa pag-iinternet eh. May laptop kasi sila. Sabi lang sa akin nung si lalake, 8:20 daw sya naliligo. So, sabi ko, gising na lang ako ng maaga. 9:00 kasi ang time dito sa office which is just a 5-minute walk away.

Natulog na nga ako around 10:00PM na yun. Ngayon, andito ako sa office, may sarili nang computer, petiks mode. =)