Saturday, June 26, 2010

Lots For Sale In Bauan, Batangas

Ikaw ga ay marami nang ipon at naghahanap ng isang magandang investment? Aba, ay huwag palampasin ang pagbili ng lupa sa Boomtown Subdivision sa Bauan, Batangas!

Murang mura ang lote doon. P4000 per square meter ang pinakamura, at may 10% discount ka pa kapag nagbayad ka ng cash! Reservation fee ay P10,000 laang.

Alam mo kabayan, sa halip na kotse ang bilhin mo, ay lupa na! Bakit? Ang kotse, habang tumatagal, bumababa ang presyo. Ang lupa, lalo na kapag sa subdivision, habang tumatagal, tumataas ang presyo! Magandang investment talaga!

Kung interesado ka, punta na dito. Click click click!

Wednesday, May 26, 2010

Hello World!

Just updating this blog. Medyo may katagalan na ring walang update itong blog na ito. 2 years na. Kaya heto, nag-uupdate ng konti. wala naman ako sasabihin dahil hindi ko alam kung ano ang aking isusulat. basta hayan. post lang nang isa. sa mga naghahanap kung nasaan na ako, hanapin nyo na lang sa Google ang pangalan ko.

Yun lang!

Thursday, August 14, 2008

Ang Puwet Ni Sam Milby

May kumakalat ngayon sa Youtube na video na kuha daw sa taping ng Dyosa. Makikita daw doon na si Sam Milby ay hubo't hubad, kita ang puwet. Hehehe.

Well, ito yung Youtube video na kumakalat.






Ang tanong, puwet ba talaga ni Sam Milby yun, or kadouble lang?

Eh ano ngayon kung pwet nya yun? Wala akong paki. hahaha.

Friday, August 01, 2008

Recipe from Hell

Sya: Ano bang magandang niche blog?
Ako: Recipe from hell.
Sya: Ano yun?
Ako: Kopya ka ng recipe ng iba. Tapos, pagpalit-palitin mo ang ingredients. Yung instruction, paghaluhaluin mo rin. Palitan mo yung pakuluan ng palamigin. Palitan mo yung haluin ng kalugin. Basta, guluhin mo yung recipe. Yung minuto, gawin mong segundo. Yung segundo, gawin mong minuto. Ang saya siguro nyan. Sunog ang niluluto.
Sya: Ganun?
Ako: Oo, maganda yan. Unique content. Tataas ranking mo sa search engine. Dadami visitors mo. Tapos lagyan mo ng disclaimer. Demonyo lang ang maniniwala sa recipeng ito. Kaya nga recipe from hell.
Sya: Di ba, dapat, quality content?
Ako: Humor blog naman yun eh. That's quality content. ;)

Otso otsong usapan sa phone

Kring kring...

Ako: Hello.
Sya: Marhgil. Kumusta na?
Ako: Ito, ok lang. Medyo busy. Ikakasal na eh.
Sya: Oo nga, malapit ka na nga palang ikasal.
Ako: Oo, next week na.
Sya: Ha? Next week? Ganun na ba kalapit?
Ako: Oo.
Sya: Hindi ba, 888?
Ako: Oo nga. 888. August 8, 2008.
Sya: A, August nga pala yun. Akala ko October. Kasi, 8. Octagon. October.
Ako: Hahaha.

Wednesday, July 16, 2008

Busby SEO Challenger

Hindi ako kasali. Trip ko lang makigulo. Masyado na silang magagaling. Huli na ako sa balita kaya hindi na ako sasali. Saang page kaya aabot ang post na ito sa Busby SEO Challenge contest na ito? Abangan.

Gusto nyo ring makigulo? Kung sa tingin nyo ay wala na kayong pag-asa, ilink nyo na lang itong blog ko sa mga contest entry nyo. Malay nyo, matalo ko yung nangunguna. Nakuha nga nila yung premyo, asar talo naman sila sa akin. Hahaha.

Dali, pagkaisahan nyong ilink ang blog na ito. Lol!

Pasensya na kayo. Medyo marami lang akong nainom na Coke, e diabetic pa naman ako. Kaya eto, may tama ng konti. Hahaha!

Yun lang.

Tuesday, July 08, 2008

Lindol Sa July 18!

lilindol daw sa july 18. ang galing naman nila. may naimbento na bang pang-xray ng ilalim ng lupa para malaman kung alin sa mga tectonic plates ang gagalaw, kelan at gaano kalakas? Sa pagkakaalam ko ay wala pa.

unless may ibinaon silang bomba sa ilalim ng lupa dito sa pilipinas na nakatakdang magdetonate sa july 18, malamang ay lumindol nga. pero kung wala naman, eh parang ipinagkalat nyo na rin na mamamatay ako sa july 18. hindi imposible. parang yung lindol. hindi imposible. pero imposibleng mahulaan kung kelan, saan at gaano kalakas. parang kamatayan ko rin. kung mamatay ako sa july 18, magaling kayong manghula. kung hindi. eh di hindi.

ganun lang yun. naglalaro lang sila sa mga probability and statistics. naniwala naman kayo.

kapag lumindol ng 8.1 sa july 18, ipapaputol ko ang daliri ng katabi ko. promise! hahaha!

Sunday, July 06, 2008

Hancock

Ang ganda ng Hancock. Napanood namin kahapon. Ang saya. Lumilipad na mag-iinom. Ang kulit ni Will Smith! Basahin ang Hancock review ko. Ayos, tama na ito.