Ang pinakaayaw ko sa WWE, yung Royal Rumble. Yung isa-isa, pinapapasok yung mga wrestler after every 90 seconds, at yung matitirang wrestler sa loob ng ring ang idedeclare na panalo. Ayaw ko nang ganyang format dahil kawawa naman yung unang papasok, lahat makakalaban nya para manalo sya. At swerte naman yung huling papasok. It's unfair, di ba? Mas maganda sana kung sabay-sabay na lang silang pumasok.
Kagaya rin ng format ng PBB ngayon, ang gulo. Unfair yung format. Pero hindi pa rin natin alam kung sino ang llamado at dehado sa ganoong format. Llamado ba ang mga unang pumasok dahil nakapagbonding na kaagad sila? Or pwede rin namang dehado sila dahil 1 week ahead sila sa loob, kumbaga, exhausted na sila sa mga task ni kuya on the first week, samantalang yung mga bagong dating ay fresh na fresh pa. Pwede rin naman na llamado ang mga nauna, dahil they got a week advantage na nagkaroon na kaagad sila ng simpatya ng mga manonood. Kumbaga, may fan base na kaagad sila, kumpara sa mga housemates na papasok pa lang ngayon.
A, ewan. Basta, mas maganda sana kung sabay sabay na lang silang pinapasok. Pero wala tayong magagawa, taga panood lang naman tayo eh. Sila pa rin ang masusunod. Good luck na lang sa mga housemates!
Yun lang!
6 comments:
kya ako di na ko nanonood ng PBB
SUPER pinoy big brother fan here!
oo nga. dapat ay sabay sabay na lang pasok. pero mukhang equal rin ang bigat ng mga pinagdaanan ng first 6 housemates at ang sampung sumunod. na isolate sila ng isang linggo at medyo mahirap nga iyon.
pero agree rin po ako sa sinabi niyong tungkol sa simpatiya ng tao. maaaring ang big 4 ay magmula na sa first six. paano na ang mga bagong salta? pro abangan na lang natin ang mga mangyayari. napapanood ko naman ngayon na ang pinopokus ng mga palabas ngayon ng big brother ay ang mga bagong salta. bihira ko na ngang makita ang mga datihan eh, maliban kay ezekiel na may secret task.
yan din reklamo ko nun pinakilala pa lang sila unfair kase.. ang gulo!
basta, ayoko sa PBB ngayon.
nothing beats the first season.
at least di halatang umaarte sila.
pinapanood ko na lang PBB dahil ke bea, yun lang... hehe pero yeah, parang unfair talaga yung pagpasok nila, sana habang isolated yung iba e me task na rin sila ginanawa... hehe
magmula nung binalik nila yung mga pinaalis, nawalan na ako nang gana. halatang nangloloko lang sila nang tao.
Post a Comment