Thursday, January 04, 2007

ituloy angsulong sa pag-urong

kagabi ko lang natapos basahin yung The Google Story. Ok naman, nakakainspire, from a simple idea that became a multi-billion dollar cash machine. Hmm, kelan kaya ako makakaisip ng idea na pagkakakitaan ko rin? bahala na.

nag-email sa akin si ann ng blogtoprofit. ipinadala na raw nya sa bank account ko yung bayad nya. I was expecting 1200 pesos lang, pero 2000 pesos ang idineposit nya. Yun pala, 1200 pesos na bayad para sa link assignment na ibinigay nya plus 800 pesos galing sa dalawa kong referral. Hmmm, easy money. Aanhin ko naman yung pera na yun? I contacted pinoywebhosting and availed of their standard plan. 1 year plan. magboblog na ako sa sarili kong domain. anong domain name? abangan na lang ninyo. siguro, next week ko ilalaunch. iba pa rin kasi kapag may sarili kang domain, you have full control. may mga limitation pa rin kasi ang blogspot. nga pala, kung gusto nyong sumali sa blogtoprofit at kumita rin ng malaki, hayan, pakiclick na lang nito. tapos, sa referrer email, yung email address ko ang ilagay nyo. ano ba e-mail address ko. hayan.. marhgil@yahoo.com. hindi na ako natatakot sa spammer. hehehe. ang iba kasi, natatakot maglagay ng e-mail address sa mga blog nila, dahil ng spammer. sige, spam nyo ako ng spam.

minsan kasi, nakakatuwa ding magbasa ng spam. lahat na lang ng kwento, inisip nila. na kesyo may kailangan daw silang itransfer na malaking pera, kailangan daw nila ang tulong ko. minsan naman, nanalo daw ako sa lotto sa australia ganung hindi pa naman ako nakakarating dun. at kung ano ano pa. ang dami talagang spammer sa mundo. pero ok lang, bahala na ang yahoo sa inyo. tsaka kapag may domain na ako, syempre, magkakaroon na ako ng personal e-mail. yung host ko naman ang paulanan nyo ng spam. hahaha.

ang haba na ng nasabi ko, hindi ko pa binigkas ang magic word. sige, sasabihin ko na. ituloy angsulong! ituloy angsulong! ituloy! hayan, google, keyword stuffing ulit kami. iban nyo na kami kung gusto nyo. hahaha! ituloy, ituloy, angsulong, angsulong! sige, mukhang uurong na naman ang ranking namin. hehehe. ituloy angsulong sa pag-urong!

blog hopping! link ex? yan ang magic word. hehehe.

No comments: