almost every monday, i bring my car dito sa office dahil tinatamad akong magpark doon sa boarding house namin kapag lunes ng umaga. kaya dinadala ko na lang dito sa office. and I always park on that same spot, sa parking area na katapat ng building ng office namin pagkatapos tumawid ng kalsada. doon na ako nagpapark noon pa. at nagbabayad naman ako ng parking fee. 50 pesos, may kasamang resibo ni mayor lito atienza. so, ok na sana. walang problema. pero uminit ang ulo ko kaninang umaga. bakit?
ganito kasi. pagpark ko ng kotse ko, biglang may lumapit sa aking guardia. "Sir, nakareserve na po ang slot na yan. Lahat po ng space dito, sa PAGCOR na po!" Nagulat naman ako. "Ha? Bakit?" Sa PAGCOR na po ang space na yan. So, alis naman ako at nagpa-ikot-ikot hanggang sa nakakita ng parking space doon sa tabi ng kalye na malapit lang din dito sa office na hindi pa inaari ng PAGCOR. Pagbaba ko, itinanong ko dun sa babae, "Bakit daw hindi na pwedeng magpark dun? May meeting ba ang PAGCOR ngayon?" "Sir, permanente na sila dyan." Sabi ko, "Saan ba office nila?" "Doon sa kabilang building."
Ha? ibig-sabihin, hindi na ako pwedeng magpark sa tapat ng office namin? Paanong naging kanila yung parking space na yun eh public parking area yun? Dahil daw ang PAGCOR ay sa gobyerno din, kaya may karapatan silang kumuha ng parking space kahit hindi naman tapat ng building nila? Dahil sa gobyerno yun?? Anak naman sila ng tinapa. They are sofa king sanababits! Kung gusto nilang magpark dun, eh di pumasok sila ng maaga. Hindi yung irereserve nila ganung public parking naman yun. Sa gobyerno? Eh sino bang nagpapasweldo sa kanila? Saan ba sila kumukuha ng perang kinukurakot nila?? Saan ba kinukuha yung pagpapagawa ng mga parking area na yan? Sa aming sofa king tax! Di ba? Tapos, basta na lang sila mang-aagaw ng space? Maging fair naman sana sila. Kung gusto nilang magpark dun, eh di umaga sila ng pasok. Ok lang sana sa akin kung walang space doon at naunahan ako, pero anak ng teteng, nakapark na ako, pinaalis pa ako?! Anak ba sila ng Dyos? E parepareho lang naman kaming nagbabayad ng buwis eh. Baka nga sila ay hindi pa.
PAGCOR, you are sofa king shet!
Ituloy angsulong! Lunes na lunes, nahihighblood ako.
No comments:
Post a Comment