Wednesday, November 30, 2005

outsource

natawa naman ako, wala pang 1 week, may sideline na kaagad ako. magkano kaya sisingilin ko? may nagpapaoutsource sa akin. isang application na ang tangi lang may alam nung programming language ay former and current employees ng dati kong company. at sa buong mundo, siguro, wala pang 200 yung marunong nung language. dito sa pilipinas, wala pa sigurong 20 yung marunong. hehehe. so, they have no other choice, kung tanggihan ko yung alok, mangangapa sila sa dilim para makakuha ng ibang programmer na gagawa nun. ows? oo, totoo. di naman itinuturo sa school yun eh, specialized language kasi.

so ngayon, sa tingin nyo, magkano sisingilin ko? i think, the whole project costs more than a million peso. at yung gagawin ko will be the heart of that project, kung wala yun, kahit may hardware sila, walang silbi. hhmmm. ayoko namang magmukhang gahaman sa pera, pero i think, i must ask for a higher payment. kasi, endangered species kaming marunong nung language, hehehe. mahirap hanapin. ewan ko, first time ko tatanggap ng outsourced project eh. bahala na. let me consult my lawyers... hehehe

Tuesday, November 29, 2005

job hunt scheds

tomorrow.... pre-employment exam sa emerald avenue at 8:00AM... over the phone interview at 2:00PM doon naman sa isang company, kailangang nasa tahimik na lugar ako by 2:00PM.

replied to email from he*d**r*ng, nagpadala sila ng format ng resume, inedit ko kaagad yung resume ko para kaformat nung sa kanila.. expecting a call tomorrow... kapag hindi sila tumawag, ako ang tatawag. hehehe.

nagpadala ng resume kay jas*n regarding the job opening sa company nila, expecting a call within this week or next week.

expecting a call from two companies which marked my resume as under consideration sa jobstreet.

kukulitin ko ulit yung inapplyan ko sa malate. hehehe.

magrereview ng java at dotNET, para may maisagot sa mga technical interview.

kakapagod pala mag-apply, lakad ng lakad. di ko dinadala yung car, mabigat eh... mabigat sa bulsa ang gasolina, problema pa paghahanap ng parking space. kaya byahe na lang ako para exercise. hehehe.

yun lang.

observe mode

and2 ako s foodcourt s festival mall.may umiiyak n babae,kausap bf nya.bkt kya?

first interview

andito ako sa netopia sa festival mall. tapos na interview. ok naman. kaso, mukhang ayaw ata nila sa akin. ang hinahanap kasi nila, 3-month contractual. sayang daw ako kung tatanggapin nila ako. i better apply for a permanent job daw. pero ang ganda nyang kausap. kung permanent job daw yung hiring nila, sigurado, ipapasok nila ako. sabi ko, ok. no problem. pero bibigyan pa rin daw nila ako ng job offer by friday, and kung magdecide ako na tatanggapin ko, start ako sa monday. sabi ko, ok.

tomorrow, i have a pre-employment exam sa company dun sa may emerald avenue. tapos, ewan ko. may tumawag kanina, nagpasubmit ng resume ulit. kung payag daw ako sa 2-year contract, project based. sabi ko, oo. yan pa lang. mag-eedit ako ng resume ko para sa kanila. browse muna ulit ako ng jobstreet.

gumagana nga pala yang blogging thru text. hehehe. kaso, limited yung number of characters. pero ok lang, wala lang, kung trip ko lang na magblog, o may gusto akong sabihin, di ko na kailangan ng internet.

yun lang.

aga

ang aga ko! andito nko sa company, 2pm pa interview. wala kasing traffic.Tsk tsk

resked

my job interview was resched from 10am to 2pm. matulog muna ulit ako, bitin eh!

Monday, November 28, 2005

Test

and2 ako s boarding house s mkati. testing 2 blog thru txt. successful kaya?

nagtago

andito ako ngayon sa netopia sa sm batangas. check ng email, update ng resume, chat, at syempre, blog. on my way papunta dito sa netopia, may nakasalubong ako. looks familiar. nung magkasalubong ang aming mga paningin, biglang yung karga nyang bata, itinakip nya sa mukha nya... nagtago. tapos, kita ko yung mga kasama nya... parents nya. hhmmm.

nag-isip tuloy ako. sila pa kayo nung driver? bakit parents nya kasama nya ngayon gayung tinakwil sya ng mga ito? siguro, nagkaayos na sila. pero bakit wala yung lalaki? at bakit ganun reaction nya? bakit sya nagtago?? nahihiya? or siguro, natatakot dahil baka singilin ko sya. hehehe. sino ba sya? she's my ex.

kinwento ko kay first lady, mukhang selos kagad. hehehe. sabi ko naman sa'yo, past is past, tagal ko nang kinalimutan ang babaeng yun, maliban na lang sa utang nya. hehehe. siguro nga, kaya nagtago, baka singilin ko.

yun lang.

Friday, November 25, 2005

job interview

someone texted me kanina... "hi this is *** of (company), you are scheduled for interview for a call center position tomorrow at 2pm, here is our adress ****" nagreply ako asking kung anong position, di na nagtext back. pinakita ko sa mga kasama ko. tapos sabi nila, wag mong puntahan, low tech yan. napaisip ako... oo nga naman. if they can't afford to even call me on my phone... yun pa kayang sweldong gusto ko ang maibigay nila? kung sa phone bill, nagtitipid na sila? e hindi ko pa naman kilala yung company. sige, uwi na lang ako bukas. dami pa namang mas mayayamang kumpanya dyan. hehehehehe

job story 3

pagdating ko dito sa pinas, ang daming pagbabago. may mga bago akong officemates, at yung mga dati kong officemates, nag-alisan na. ang natira na lang ay si jason at si benjo. ang mga bagong mukha.. si francis, ang pumalit kay gayo, si marco, inversely proportional sa size ni benjo (ito ang proof, hehehe), at si elmer, ang chickboy ng kumpanya. hehehe.

mga pagbabagong naganap... nagmigrate sa ibang bansa yung isang manager, nagresign ang direct superior at idol ko, namatay ang president namin, nagkaroon ng reorganization, dumating si COO, pumasok si sales manager, napromote ako, nagresign si jason, nagresign si benjo. basta ang nangyari... si COO na pinakamataas, sunod si sales manager at si technical manager, tapos ako na, directly reporting na ako kay technical manager. at mula noon, nabawasan na ang programming tasks ko. nag-iba na yung trabaho ko. attend ng mga client meeting, conduct ng product presentation here and abroad (Jordan and Saudi), technical support sa mga installed systems dito sa pilipinas, in charge sa hiring ng bagong employee, team leader sa mga project, at kung ano ano pa. ok naman, enjoy pa rin naman sa trabaho ko. ang daming ginagawa, sobrang busy, pero nakakapagblog pa rin. hehehe. yan yung ginagawa ko for almost a year now until one day, naisipan ko na ngang magresign. bakit? kagaya ng nasabi ko, wala na talagang kasunod eh. di na ako aasenso dito. unless nga umalis yung nasa itaas ko, na imposible namang mangyari. so i better explore a different world.

may mga nagtatanong, bakit ngayon? kung kelan december? bakit hindi? hehehe. actually, may nangyari, may mas malalim na dahilan which i better keep to myself. matagal ko nang gustong umalis, totoo yun. pero yung nangyari triggered my resignation, mas napaaga. tutal, plano ko na naman talaga, eh di isabay ko na ngayon lalo na't nagkaroon ako ng magandang dahilan. hehehe. i know it's not a good timing, pero kailangan kong panindigan yung desisyon ko. bilis nga nung turn-over eh, sa halip na 1 month, they just give me two weeks. obvious ba na ayaw na nila akong makita? hehehe. ok lang, hindi ko sila kawalan... it's their lost, not mine.

ang sama ata ng pinagtapusan ng kwento ko? hehehe. well, talagang ganyan. for the last 3 years, nagtrabaho ako dito. mula sa pagiging graduate sa isang unibersidad sa batangas, nagsapalaran ako dito sa manila at pinalad naman na matanggap. tatlong taon, dami kong natutunan. daming mga pangyayari ang naganap at daming kaganapan ang nangyari. hehehe. madami akong nakilala here and abroad. ang dami talaga. ang daming magandang alaalang aking tatanawin pagtanda ko... na minsan, naging bahagi ako ng kumpanyang ito and live one of the best chapters of my life.

ang dami ko talagang natutunan... at dahil din sa experience ko sa company na ito... natuto akong magblog! yan ang pinakamatindi! hehehe

yun lang!

Related links:
job story
job story 2

last day and job hunting update

today is my last day dito sa company, tapos na yung turnover kahapon, pumasok lang ako dahil may exit interview pa daw ako kay COO at syempre, hahakutin ko na yung mga gamit ko dito. naghahanap nga ako ng box, para mukhang pelikula ang dating. di ba sa mga pelikula, kapag nagreresign, lahat nung gamit nila, sa box nilalagay tapos bitbit nila paalis? hehehe, yan yung napapansin ko, lagi na lang sa pelikula tuwing magreresign, andun yung magic box na pinaglalagyan ng mga gamit nung nagresign... hehehe. sabi ni marco, hanap daw ako ng box, tapos pipicturan nya ako.

anyway... job hunting update muna bago ko ituloy yung aking job story.. hehehe. so far, so good naman. akala ko ay makakatambay pa ako sa batangas, hindi pala. may schedule ako ng interview sa alabang sa tuesday, tapos, pre-employment exam naman sa ortigas sa wednesday. kinda busy sched huh! so, dito pa rin ako sa makati titira para mas makatipid. malaki yung chance ko sa alabang, housemate ko kasi ang nagpasa ng papel ko. dapat nga ay ngayon na yung interview ko at kung magkakasundo kami ay start na daw ako sa tuesday. kaso, di nga ako pwede ngayon, pumayag naman yung boss nya dahil alam nila yung sitwasyon ko kaya sa tuesday na yung interview ko. but if ever magkasundo kami sa terms of employment, sasabihin ko na sa friday pa ako magdedecide. kasi nga, sayang naman yung ibang nakasched, baka mas maganda yung offer, di ba?

so, yun muna... irerewind ko muna ulit yung kukote ko para maituloy ko na yung job story ko.

Thursday, November 24, 2005

job story 2

unang araw ng trabaho... ang aga kong pumasok, syempre, pakitang gilas.. hehehe. 8:00 AM yung time ko, 7:30 AM pa lang, nasa office na ako. at nadatnan ko sa office si mang russel, ang aming bagong janitor na nung araw ding yun nagstart magtrabaho, first day din nya. sabi nya sa akin "sir, ako po yung bago nyong janitor." nangiti na lang ako, sabi ko... "first day ko din ngayon." hayun, since parehong bago lang kami, sya, naglilinis na doon sa loob samantalang ako, tumambay doon sa reception area sa harap... naghintay...

around 8:00 AM dumating si ma'am alona. nakita nya ako, pinagtime-in doon sa notebook... oo, IT company kami pero manual yung attendance namin nung time na yun. kinda disappointing... hehehe. syempre, computerized na ngayon. ok, pagpasok sa loob, binigyan nya ako ng laptop. sabi nya, yan ang laptop mo, ireformat mo at installan mo ng windows 2000 professional. lahat ng kailangan mong CD, andun lang sa CD rack. hindi pa maayos yung mga cubicle nun, doon nya ako pinapwesto sa cubicle nya, sa likod nya. doon ako nagreformat at nag-install ng windows. habang nagrereformat ako, dumating ang isa pang bagong employee.. si jason. na nung time na yun ay napagkamalan daw nya na ako ay isa sa mga big boss dun dahil dun ako nakapwesto sa cubicle ni ma'am alona.. hehehe. pareho kaming entry level programmer.

walang masyadong nangyari nung araw na yun. syempre, ipinakilala sa mga officemate. ok, let me recall kung sino... si benjo na mataba na nung araw na yun.. hehehe, si daisy... hmm, kababayan ko, taga batangas din daw, si gayo... long hair noon, mukhang goons, hehehe, pero mabait sya sa totoong buhay... hehehe. si jonathan, mukhang mabait at kagalang-galang, si erwin na laging nakangiti, si letlet na bagong dating galing kuwait, si kuya bobot na napagkamalan kong janitor nung una kong makita... hehehe, at syempre, yung mga bossing ko, si ma'am jella at si ma'am ice.

yung afternoon session nun, umpisa na kaagad ng training. kasama pa naming nagtraining si benjo, daisy, gayo at jonathan. mga bago lang din kasi, nauna lang sa amin nang ilang buwan. hayun, one week kaming nagtraining, tapos saka napasabak na kung saan-saang project.

nung mga time na yun, ako yung taong sabi nga nila ay straight, walang alam na kalokohan. bahay-opisina lang ako nun. at talagang puro trabaho lang. after some turn of events, biglang one day, binigyan ako ng foreign assignment. wala pa nga akong 6 months sa kumpanya, ipapadala na daw kaagad ako sa kuwait. well, ako naman, syempre, excited. hayun, nakarating nga sa kuwait. nagpunta ako doon, ang dala ko lang ay lakas ng loob, laptop at kaalamang natutunan nang ilang buwan. di ko alam, biglang pagkalaking project agad ang isinubo sa akin... Kuwait Finance House Integrated Call Center. hindi naman ako ang project manager, sobra naman yun, ako lang yung consultant nila sa IVR system nung project, consultant na developer din. yung sabi ko nga na kapag tumawag kayo sa 803333, yung sasagot na computer sa inyo, ako yung nagprogram nun!

masaya naman ang buhay sa kuwait. doon ako natutong maging independent. marami din akong nakilala.iba't ibang lahi. may mga filipino din. dami kong nakilala. at naging active pa ako sa church namin. nagkaroon ng kabarkadang mga filipino na kasama ko rin sa church. nangyari sa amin yung nasa dubai the movie na halos every week, nasa tabing dagat kami. at natutulog sila sa flat ko! ang laki kasi nung flat ko, kumpletong gamit at appliances. pero ako lang ang nakatira.

dun sa kuwait ako natutong magyosi. dun sa kuwait ako natutong uminom. oo, kung saan illegal ang mag-inom, doon ako natuto. doon sa kuwait ako natutong makisama sa ibang lahi. doon masarap ang shawarma. ang daming pangyayari, ang daming naganap. that i cried nung pauwi na ako sa pinas dahil naiwan ko yung mga kaibigan ko doon. sobrang daming magagandang alaala, one of the best chapter in my life yung pagpunta ko doon sa kuwait. malayo sa pinas, pero masaya dahil sa mga kaibigan ko at dahil din sa allowance ko. hehehe.

ang nangyari kasi, nagkaproblema yung project, nacancel daw, pinauwi nila akong bigla. tapos, bumalik ako after 2 months, kasi, nabalik na daw yung project, naayos na daw yung misunderstanding, hehehe. yung pagbabalik ko, medyo naging sobrang busy na ako sa work, na bihira ko nang makasama yung mga kaibigan ko, kaya natuto akong magblog. e lagi kasi silang wala, puro nasa trabaho, wala akong makausap, e may internet, hayun, naumpisahan ko ang blog na ito. tapos nun... ilang months pa din ako dung nagstay hanggang sa makauwi na ulit ako dahil finish project na.

you can view my photos in kuwait here.

itutuloy...

job story

bukas na ang huling araw ko dito sa opisina. tatlong taon ako dito sa kumpanya, after resigning at AMA, dito nga ako natanggap after 5 months na walang tigil na kakapasa ng resume, kakakuha ng exam at kakapunta sa interview. sa dinami-dami ng aking naapplyan, ito lang ang nagbigay ng matinong job offer sa akin.

so, ikwento ko muna, paano ba ako natanggap dito? paano ako nag-aaply dito?

ang style ko kasi ng pag-aaply, sa internet lang. hanap ng job opening sa jobstreet, jobsdb at trabaho. email dito, email doon. di ko gawain yung personal kaagad na pupunta sa kumpanya. kakapagod kaya yun, tapos, hanggang sa mga masusungit na guard ka lang naman. so email lang ng email ako. pero target ko talaga noon, sa manila na ako magwowork, para maiba naman. sawa na rin ako sa batangas, doon na ako lumaki, doon na nag-aral, doon pa rin magtatrabaho. dami kong inapplyan, kung saan saan, lahat ng exam nila, pasado ako, pero hanggang job interview lang lagi ako. pagkatapos ng interview, hindi na sila tatawag.

kung hindi ako nagkakamali, i found the job advertisement sa kumpanyang ito at jobsdb. nagsend ako ng resume ko, tapos after a week, tinawagan nila ako for exam. tandang tanda ko pa noon, hinanap ko pa sa findme.com yung address, kinuha ko yung mapa, print ko, tapos, punta ako sa tiyo (si tiyo zoilo ko) kong sanay daw dito sa manila. itinuro nya sa akin kung saan ako bababa at sasakay para marating yung office nila.

ok naman yung exam. maigsi lang, 20 items lang ata na multiple choice pa, tapos may konting problem solving sa huli. natawa na lang ako, 3 hours yung byahe ko from batangas to manila, tapos, kumuha lang ng exam for 10 minutes. nauwi na ako pagkatapos. ang una ko palang employee na nakita na napagkamalan ko na secretary ay si ma'am alona. talagang secretary yung dating nya, sya yung nagbigay ng exam. di ko alam, sya pala magiging direct superior ko. hehehe.

ok, nauwi na nga ako, while on the bus pauwi ng batangas, pauwi pa lang ako, tinawagan na ako ni ma'am alona, pasado raw ako sa exam and for interview ako sa makalawa, pero sa ibang address daw. ibang address yung binigay nya, lumipat na daw sila ng opisina. hayun, punta na naman ako sa findme.com, print ng mapa at paturo ulit sa tiyo ko. naisip ko, ano ba naman itong kumpanyang ito, pahirapan na nga ako bago ko nakita yung office nila, biglang nagpalit pa ng address. hehehe.

interview date... nagpunta ako ng bago nilang office. as in bago pa talaga, wala pang partitioning, puro tables, ang daming kalat. hehehe. hindi pa nila ako kaagad ininterview. pinagsagot ako ng IQ test sa laptop. nagmukha pa akong tanga nun, kasi, laptop yung pinagamit, e walang mouse, di ko alam kung alin yung gagalawin para mapagana yung pointer.. hehehe, nahihiya naman akong magtanong. e wala talaga akong experience pa sa laptop eh, dun ako nabinyagan... hehe. syempre, mga 2 minutes din ako sigurong nagmasid sa keyboard kung alin dun, till nakita ko yung red button sa gitna. hehehe.

after ko masagutan yung IQ test... binigyan ako ng bond paper, write anything you can think of. any topic under the sun. di ko na alam kung anong sinulat ko dun. kailangan daw, straight english. pagkatapos nun, saka pa lang nila ako ininterview. tatlong babaeng puro manager ang nakausap ko, sunod-sunod. medyo pinagpawisan din ng malagkit-lagkit, ikaw na ang interviewhin ng tatlong magagandang manager, sunod-sunod. pagkatapos nun, pinauwi na ako, tatawagan na lang daw.

after 2 days yata, nakareceive na nga ako ng tawag, final interview na daw sa president, kay sir mario... yung boss namin na namatay na ngayon. same address na yung ibinigay nila, syempre naman.. hehehe. pagdating sa office nila, kinausap nya ako. mga tanong nya... kumusta na. kumusta ang buhay. may girlfriend ka ba? mga personal question na wala namang kinalaman sa inaaplayan ko. pero syempre, sagot lang ng sagot. tapos, binigyan nya ako ng calling card nya, sabi nya, maghintay na lang daw ako ng tawag, magcheck din daw ako ng email.

hayun, after 2 days ulit, nakareceive na ako ng job offer via e-mail. at dahil nga 5 months na akong tambay, kinagat ko na yung offer kahit maliit lang yung starting salary. below standard actually, pero ok lang. ang sa akin, di muna ako magiging pilian, kailangan ko ng experience eh. at hayun, kinontak ko yung kamag-anak namin dito sa manila para doon muna ako makitira.. at nagstart nga akong pumasok dito sa kumpanya on september 30, 2002. as an entry level programmer... at doon na nga nag-umpisa ang panibagong chapter ng aking buhay na magwawakas na bukas.

to be continued...

paano nga ba yung google bombing?

nagresearch ako ng konti dahil naintriga ako kung paano nila nagawang palabasing number 1 sa google ang website ni GMA kapag sinearch ang "pekeng pangulo" kahit na ni minsan ay hindi nabanggit sa website nya yung mga katagang yun. at ito ang aking nalaman...

kahit pala ako, kaya kong gawin yun sa tulong ng mga blogger na kagaya nyo. halimbawa, kapag nagsearch kayo ng "cute", itong blogsite ko ang lalabas na una sa listahan. pwede yun, pero kailangan ay ang kooperasyon ng ibang blogger. paano nga? inexploit lang nila kung paano ang search algorithm ng google. e paano nga? ganito yun... kahit hindi totoong cute ako... kung lahat ng link nyo sa blog ko, ang anchor text ay "cute", at marami kayo... malaki ang posibilidad na magnumber 1 sa google ang blog ko kapag nagsearch kayo ng word na "cute." tataas kasi yung page rank na tinatawag nila. ano ba yung anchor text. sa link na ito... cute : ang anchor text ay yung salitang cute na nakalink sa blog ko. try nyo... lahat ng link nyo sa akin sa sidebar nyo, sa halip na marhgiL or marhgiL's kukote ang anchor text, gawin nyong cute. kapag dumami kayo, makikita nyo na lang na number 1 na rin sa google search yung blog ko kapag sinearch yung cute.

ganyan ang ginawa nila sa "pekeng pangulo"... naglink lang sila sa blog nila sa website ni GMA na ang anchor text ay pekeng pangulo.. e dumami sila, hayun, na google bomb tuloy ang web ni GMA.

yun lang. ngapala... nakuha ko ang mga impormasyong yan depende kung tama nga ang pagkakaintindi ko sa wikipedia article na ito. hehehe. siguro naman ay tama, pinaliwanag ko lang dito para mas madaling maintindihan, di ga?

quotable quotes

"A simple question, you cannot solution, how can you graduation?" Naalala ko lang yang linyang yan nung teacher ko nung high school. hehehe. obviously, nagpapatawa sya, sinabi nya sa isang kaklase ko na hindi makasagot sa tanong nya.

"Hoyst!" yan naman ang pangtawag ng isa ko ring teacher nung high school kapag may tinatawag syang estudyante. pinagsama nang "Hoy!" at "Psst!". That same teacher din, kapag nagtuturo, lagi nyang nababanggit yung salitang "kung ano". Halos kada magsasalita sya, mayroong "kung ano" sa sentence nya. Halimbawa... "kunin mo nga yang kung ano at ilagay mo dito.", "ang tatlong paring martir ay binitay nung kung ano". Dahil nga sa kasipagan nya ng pagsasabi ng kung ano, yung isa kong kaklase, binibilang kung ilang beses nya sinabi yun, may tally sheet sya! hehehe.


Isang teacher ko naman nung college, after every lesson... ang sasabihin nya.. "Undertion?" ibig sabihin daw... "Understand? Any question?"

Yan lang muna, wala na akong maalala.

goblet of fire

warning: this is a spoiler, kung di nyo pa napanood yung harry potter 4, don't read this.

napanood ko na ang harry potter 4. ang reaction ko, kahit 2 and 1/2 hours na yun, ang daming inalis na pangyayari, may mga binago pa. oo, ang dami. though yung climax ay ganun talaga at ganun talaga ang nangyari dun sa tournament, na ang conclusion sa huli... voldemort is back. ito ang ilan sa mga nawala/nabago na napansin ko...

1. nawala si winky which played a major role in the book, pero inalis na nila at lahat ng ginawa nyang kabulastugan, ibinigay na lang sa amo nyang si barty.

2. yung gillyweed na isinubo ni harry potter, sa book, si dobby ang nagbigay sa kanya. sa movie, si neville ang nagbigay sa kanya. pinalabas sa movie na binigyan ni moody si neville ng book, nabasa ni neville yung about sa gillyweed, sinabi nya kay harry potter at the last minute bago nag-umpisa yung challenge. sa libro naman, binigyan ni moody si neville ng book, pero hindi nabasa ni neville or ni harry yung libro. and the last resort na ginawa nya, nagparinig sya kay dobby kung ano ang magandang solusyon dun sa challenge, at syempre, sinabi ni dobby kay harry.

3. wala yung exciting na laban sa quidditch world cup. basta pinakita lang sa movie na may quidditch world cup at si viktor krum ang sikat dun. ang saya sana ng laban dun.

4. yung campaign ni hermione para sa mga house-elf, walang nabanggit.

5. yung hinuli ni hermione at inilagay si rita skeeter sa jar, wala rin. nagiging beetle kasi si rita skeeter kaya ang daming tsismis na nakakalap at naisusulat sa kanyang pahayagan.

6. sa umpisa ng movie, nagising si harry potter sa bahay na ng mga weasley after his dream, while sa book, nasa dursleys pa sya nung managinip sya.

yan lang yung mga napansin ko. medyo matagal-tagal ko na rin namang nabasa yung book, so medyo marami na rin akong nalimutan. anyway, ok pa rin naman yung kwento. yung overall message na gustong iparating nung libro at yung climax, naipakita naman sa movie kahit nga may mga changes silang ginawa.

yun lang

Wednesday, November 23, 2005

this or that

shoot-out or rob-out??? kayo ang humatol, tingnan ang kagilagilalas at nakakagimbal na video dito.

coincidence

this site caught my attention... as in, napaisip ako, totoo kaya na yun ang pangalan nya? siguro, ang daming tao sa mundo, di ba? hindi ko naman sya kapangalan, pero natawa talaga ako.magkalapit ang pangalan namin, pati nga apelyido, may similarity.. hehehe. i think, it's purely coincidence... hehehe.

google bomb



haha! natawa ako sa balitang ito. google bombing... binobomba nila ang pangulo.. hehehe. sinubukan ko yung mga keyword para magsearch sa google at totoo nga, tagumpay sila! "pekeng pangulo", ang official website ni PGMA ang una sa listahan! hayan sa taas ang screen shot ng ginawa kong search kanina.. hehehe. click nyo lang to see it clearly. sabi nga dun sa balita... try nyo rin isearch yung "sinungaling" at "sira-ulo". sa sinungaling... lumalabas yung link sa profile ni bunye, tapos sa sira-ulo, yung link ng DOJ website which is headed by raul gonzales. medyo hindi na lang sya ang una sa listahan, pero andun pa rin.. try nyo!

makikisingit na rin ako, try nyo isearch ang "kukote"... hehehe. abangan kung sino ang una sa listahan. wala lang...

ang stapler

may stapler ba dyan sa opisina nyo? napansin nyo na rin ba ito, yung metal plate sa ilalim ng stapler, na pwede mong paikutin para sa halip na papasok yung staples mo, pabuka yung kakalabasan? hirap ipaliwanag, yan yung picture, obvious naman kung ano yung tinutukoy kong metal plate. pwede yang paikutin para yung kabilang settings naman ang magamit, para pabuka naman nga yung kalalabasan nung staples. well, kung wala kayong magawa, try nyo paikutin yung metal plate, at magstapler kayo, pabuka yung kakalabasan.

ang tanong ko lang, para saan kaya yung pabuka? bakit kaya inilagay yun doon? curious lang ako. ang alam ko lang gamit nyan, kung trip nyong asarin yung officemate nyo na wala nang ginawa sa buong buhay nya kundi magstapler ng kung ano anong papel, hayan, paikutin nyo yan... and see the reaction.

wala lang.

let it be

after such a very long time, kanina lang ako nagkaroon ng magandang gising. yung tuloy tuloy na tulog, tapos nung magising, walang sakit ng ulo. as in ibang iba ang pakiramdam. most of the time kasi, laging ang bigat bigat ng pakiramdam ko tuwing umaga. hirap bumangon.

kaso kanina, pagtingin ko sa relo, 9:30AM na pala. kaya pala ang ganda ng gising ko, hindi tumunog yung alarm ko. e yung time ko dito sa office, 9:15AM. pero ok lang, ok lang malate. uso naman yun sa opisina.. hehehe.

ito, nasa office na, dumating ako around 10:15AM. ok lang, late ng isang oras? ok lang, wala naman silang paki dito kung late ka. walang kaltas kaltas. basta present ka sa araw na yun. so, eto, back to work, review ko muna yung docs na pinaggagawa ko. check ng mails. tapos heto nga, tapos ko na yung review ng docs... blog muna.

syanga pala. nalaman ko na kung paano sumali sa game knb. magtetext lang pala, 2.50 per text. nagtext ako ng sampu. let's wait and see kung makukuha akong studio contestant.. hehehe. yun kasing officemate ko dati, 5x lang daw nagtext, natawagan after 1 week eh. tingnan natin...

yan, may post na ako sa araw na ito. mamaya na lang ulit siguro kapag may nakita at nangyaring kakaiba dito.

Tuesday, November 22, 2005

blog job

kakapost ko lang, magpopost na naman. wala lang. habang naghahanap kasi ako ng job vacancy sa jobstreet, may nakita akong post na isa sa mga qualifications ay ganito... Applicants must be internet-savvy; having an online blog is a plus. Gusto ko sanang mag-apply eh... hehehe, kaso, overqualified na ako. hehehe. kung interesado kayo kung anong klaseng trabaho yun... heto, puntahan nyo ito. Kita nyo na! hindi masama ang magblog!!! hehehe, kailangan sa trabaho yan! hahaha!

bahala na geng

dahil paalisin na nga ako dito, nag-open ako ng bagong gmail account. lahat ng importanteng personal documents ko, like resume, proposals, e-books, pati na rin mp3 at pictures na kailangan ko, inemail ko na lang dun. wala kasi akong portable drive eh, so ganun na lang, isend ko na lang dun sa bago kong email account for future retrieval. ok din naman yang gmail, 2GB, kapag kinulang pa ako, e mag-open ulit ako ng account... may 99 invites pa naman ako. kayo, baka gusto nyo ng gmail, meron pa ako. hehehe.

yun kasing desktop pc ko sa batangas, matagal nang sira yung motherboard, di na ako nagkatime ayusin. siguro, next week, yun na ang aking pagkakaabalahan muna. or either bumili na lang ako ng bagong unit. kahit mumurahin lang. pangcheck lang ng email at pangblog. hehehe. ewan ko din, bahala na, malapit lang naman yung computer shop sa amin, 15 pesos na pamasahe balikan na, at 30 pesos na bayad for 1 hour internet. pwede na siguro... 45 pesos na budget kada araw to check my mails, di na masama. kesa naman bumili pa ako ng pc na pababayaan ko rin lang naman pag nagkatrabaho na ulit ako. bahala na. bahala na talaga.

two of my former classmates asked for my resume, kaya heto, update muna ulit... papabanguhin pa. ipapasa daw nila sa boss nila. hiring daw eh... sana, matanggap, kahit saan dun. hehehe. maghanda-handa na daw ako sa interview at sa pakikipagtawaran sa sweldo. sana nga, ok yun. bahala na. bahala na talaga.

yun lang.

let the good times rool

kakatapos ko lang maglunch. medyo marami akong ginagawa ngayon, kailangang makumpleto ang mga dokumento para sa aking pag-alis ay hindi na nila ako kukulitin. eto, since kakatapos lang maglunch at wala pa sa mood magtrabaho, blog muna.

last week ko na dito sa kumpanya. yung mga inaplyan ko, wala pang tumatawag. sinilip ko sa jobstreet, in process na daw. sana, may tumawag. nag-update ng resume ulit. may nag-aalok ng trabaho dun sa alabang, 3 months lang daw... programmer, siguro, papatusin ko na rin yun habang wala pang magandang job offer. bahala na. basta ang balak ko, next week, uuwi muna ako ng batangas at doon na lang maghihintay ng tawag. lahat ng mga pautang ko, isa-isa ko nang sisingilin, natural, unti-unting nauubos ang ipon ko, kelangan ko ng back-up, magseseryoso na muna ako sa paniningil. around 50K din lahat lahat yung pera ko sa labas eh, kahit kalahati nun, masingil ko lang, ok nang pangtawid gutom. hehe. ano pa ba?

naisip ko pala, habang nakatambay ako, bakit hindi sumali sa game knb? hehehe. malay nyo, swertehin, di ba? swertehan lang naman yun, kapag napatapat na questions ay alam mo yung sagot, mananalo ka. seryoso to, yung kapatid ko nga, sumali sa laban o bawi eh, malay nyo, swertehin ako? hehehe.

yan na lang muna. sige, marami-rami pa itong tatapusin ko.

Sunday, November 20, 2005

more than words

kung gitarista ka and you can play this song, magaling ka, sabi nila. ewan ko, pero mahirap nga syang tugtugin.. hehehe. i had a chat with someone and told me na bastos daw yang kantang yan. awitin daw ng lalake sa isang babae asking her to have sex with him... more than words, to prove that she loves him. mukhang naconvince ako nung marinig nang maigi at mabasa yung lyrics.. action speaks louder than words, yan lang daw ang ibig sabihin nyan. pero basahin nyo yung lyrics, lalo na yung 3rd stanza. yung nakaitalic, the singer gave details on what he meant by more than words. close your eyes, touch me, hold me close, don't ever let me go. ewan ko... mukha ngang sex. parang ang message... don't tell me you love me cause i already know, prove it more than words.. kayo? ano sa tingin nyo?

More Than Words
by Extreme

Saying I love you
Is not the words I want to hear from you
It's not that I want you
Not to say, but if you only knew
How easy it would be to show me how you feel
More than words is all you have to do to make it real
Then you wouldn't have to say that you love me
Cos I'd already know

What would you do if my heart was torn in two
More than words to show you feel
That your love for me is real
What would you say if I took those words away
Then you couldn't make things new
Just by saying I love you
More than words

Now I've tried to talk to you and make you understand
All you have to do is close your eyes
And just reach out your hands and touch me
Hold me close don't ever let me go
More than words is all I ever needed you to show
Then you wouldn't have to say that you love me
Cos I'd already know

What would you do if my heart was torn in two
More than words to show you feel
That your love for me is real
What would you say if I took those words away
Then you couldn't make things new
Just by saying I love you
More than words

pinapalo

mukhang pinapalo na naman ako ni lord, grabe! dinidisiplina. isang buwan... straight, di ako sumamba, ewan ko, dinaanan ako ng panlalamig eh. at ngayon, ewan ko, things are not going the way i want them to be.

tsk tsk tsk. kailangan ko nang magbagong buhay.

Friday, November 18, 2005

paranoid


friday na naman, tapos na ang isang linggo. isang linggo na lang ang natitira ko para dito sa kumpanya. hanggang ngayon, naiisip ko pa rin yung result ng medical exam ko. bigla akong naging conscious.. pinakikiramdaman ang sarili, wala naman yung mga sintomas, normal naman yung pag-ihi ko, walang pain. ewan. nagresearch din ako about hematuria at UTI. naalala ko pa tuloy yung sabi ni francis nung bigla akong pulikatin sa star city... sintomas daw yun ng UTI, nagkaganun din daw yung kilala nya, tapos nung malaman, may UTI nga daw. nagamot naman. pero syempre, hindi naman nakakahingi ng gamot sa botika, gastos pa rin. gusto ko nang mag-monday para malaman ko talaga kung UTI lang talaga ito, or something worse... para naman maihanda ko na ang aking last will and testament if this is something worse... hehehe, ano ba itong pinagsasasabi ko? ewan ko, masyadong paranoid na ata ako. anyway, bahala na. bahala na si lord. sabi nga ni francis, kapag oras mo, oras mo na.

yun lang! sige, manood muna akong harry potter mamaya para makalimot. naisipan kong magpost ng pic, lungkot mode... grabe, doble na pala baba ko.

shit! i am sick

dumating na yung result ng annual medical exam namin. at least, bago ako umalis, nakita ko ang lagay ko. i was kinda shocked with the result of the urine exam, na kailangan kong bumalik para magpatest ulit. actually, hindi na bagong bagay... natural lang na makakita sila ng traces of glucose dahil nga diabetic ako. so, ok lang sa akin yun. medyo nabigla lang ako na meron din daw traces of red blood cells... that's why kailangan kong magpaexam ulit to determine the cause. sana naman, hindi malala yung dahilan at makuha sa gamot. kalalaking tao, nireregla.. hehehe.

well, actually, may history na ako when i was just a kid na umihi ako ng dugo... dinala ako sa hospital ni inay, binigyan lang ng gamot at pinagbawalang kumain ng salty foods tapos after ilang weeks, ok na. siguro, bumalik lang yung sakit na iyon whatever it is. anyway, babalik ako sa lunes doon para magpacheck-up ulit, tutal, libre naman, para maagapan kung anuman ang dahilan ng pagkakaroon ko ng regla. hehehe. medyo isang palaisipan lang ngayon kung sakaling ganun din ang magiging recommendation ng doctor, na bawal akong kumain ng salty foods... ano pa kaya ang pwede kong kainin??? bawal na nga ang matamis, ipagbabawal pa ang maalat. tsk tsk tsk. ampalaya na lang siguro. hehehe.

normal pa naman pala ang baga ko, kailangan ko lang daw magpapayat. ok, mamamayat sigurado ako nyan, dami nang bawal eh. napansin ko lang, doon sa urine exam.. may nakalagay pang odor... "aromatic". ano yun, yung mga urine sample, may taga-amoy sila? or meron nang machine sa hospital na nagdedetermine ng odor. siguro merong machine, kasi kung tao yung umaamoy nun... well, thank God, hindi yun ang trabaho ko. hehehe.

Thursday, November 17, 2005

ang tag

tagged by erica...

section 1 - have you ever... *

+ Cheated on someone?: define cheating.. hehehe

+ Been Cheated on?: kinda...

+ Fallen off the bed?: oo

+ Broken someone's heart?: wala pa naman.. buo pa naman mga puso nila... hehehe

+ Had your heart broken?: oo

+ Had a dream come true? nanaginip akong nananaginip ako. hayun, nagkatotoo yun.. hehe.

+ Done something you regret?: Yeah. sobrang nagtiwala.

+ Cheated on a test?: define cheating... hehehe, nagpakopya, oo, nangopya, minsan, nangodigo.. never.


* section 2 - currently *

+ Wearing?: office attire, nasa office ako eh.

+ Like anyone?: oo naman.

+ Location?: 27th floor, sa isang building sa makati

+ Chatting with?: no one

+ Watching?: pinapanood ko yung mga letters na sumusulpot everytime pindutin ko yung keyboard.. hehehe

+ Should REALLY be doing? naghahapunan...

+ Brush your teeth?: oo naman

+ Have any piercings?: wala kahit isa.

+ Drive?: yup.

+ Drink?: paminsan-minsan.

+ Smoke?: paminsan-minsan-minsan.

+ Got a cell?: yup


* section 3 - the last person you... *

+ Hugged?: gf ko ata

+ Kissed?: kiss saang bahagi ng katawan??? hehehe

+ IMed?: ewan, si benjo yata.

+ Talked on the phone to?: yung babae doon sa agency na pinagpasahan ko ng resume, kinumusta ko lang kung natanggap na.

+ Yelled at?: wala akong matandaan...


* section 4 - personal *

+ What do you want to be or do, when you finish
school? be a financially stable person.... so far, malapit na.. ehehe

+ What has been the best day of your life?: after graduating college

+ What comes first in your life?: family first

+ Do you have a
boyfriend/girlfriend/crush?: merong gf

+ What are you most scared of?: sa masasamang espiritu

+ What do you usually think about before you go to bed?: nakalock na ba ang mga pinto???

+ Did you lose someone you really loved?: yup

+ Love your family?: oo naman...

+ Are you a virgin?: define virgin.. hehehe


* section 5 - favorite *

+ Movie: marami...

+ Song: wala

+ Store: wala

+ Clothing Store: wala rin

+ Relative: wala rin

+ Sport: wala

+ Ice Cream Flavor: chocolate

+ Fruit: wala

+ Candy: wala, di ako nagkekendi

+ Day of the Week: weekends

+ Color: blue, gray, black


* section 6 - do you *

+ Like to give hugs?: depende sa tao

+ Like to walk in the rain?: nope, nakakasipon.

+ Prefer black or blue pens?: blue

+ Like to travel?: yup

+ Sleep on your side?: yup

+ Have a goldfish?: wala

+ Ever have the falling dream?: yup

+ Have stuffed animals?: nope

* section 7 - this or that *

+ Pierced nose or tongue?: wala

+ Single or taken?: both

+ MTV or BET?: kapuso at kapamilya lang napapanood ko eh...

+ 7th Heaven or Dawson's Creek?: Friends na lang

+ Sugar or salt?: depende sa paglalagyan

+ Silver or gold?: pareho, pede ba?

+ Chocolate or flowers?: wala. lason ang chocolate sa akin..

+ Color or Black-and-white photos?: color

+ M&Ms or Skittles?: none.. ang tatamis nyan... hhehe

+ Stay up late or sleep in? depende sa laman ng bulsa

+ Hot or cold?: cold

+ Mustard or ketchup?: ketchup please

+ Spring or Fall?: wala

+ Happy or sad?: happy

+ Wonder or amazement?: ano ba sa tagalog iyan?? pareho lang naman ata eh.. amazement na lang, mas mahaba at mas magandang pakinggan.. hehehe

+ Mexican or Italian?: wala

+ Candy or Soda?: wala rin

mahaba-habang sagutan to... kelangan kong bumawi.. hehehe. ok, kayo naman, lahat ng MAY na kilala ko. may shella, may alacar, may mee, mei, at may maraming pera. hehehe.

marhgil for rent

naisipan ko lang iupload yung resume ko. baka may interesado sa inyo, mga lurker, or naghahanap ng makulit na officemate.. hehehe, hayan, irecommend nyo sa boss nyo.. hehehehe, ready to start nako after nov 25.

hayan... marhgil for rent.

drained

wala yata akong maipost ngayon... walang bago eh. inaantok lang.. hehe.

Wednesday, November 16, 2005

sure na!

nakapagdesisyon na sina bossing, ang sabi sa akin.. kung saan ka masaya, suportahan taka.. hehehe, naintindihan naman daw nila ang concerns ko, wala naman daw silang karapatan para hadlangan ang aking mga pangarap sa buhay. good... very good. so tuloy na tuloy na ang aking paglisan dito sa kumpanya. nagset na ng timeline ng turnover. at hanggang november 25 na lang ako. hanggang next next friday na lang ako dito sa kumpanya! yahoo! 1+ weeks pa ako makakapagblog ng libre, hehehehe. puro technical documents gagawin ko for the remaining days, para may reference sila kung sakaling magkaproblema sila sa mga ginawa kong applications dito.

so, its final, its definite. kung sa gameknb, sinabi ko nang "sure na!" wala nang atrasan. another chapter in my life has ended. at mag-uumpisa na ako ng panibagong buhay. syempre, job hunting muna. grabe talaga itong trip ko, di ko man lang pinalampas ang pasko.. para may christmas bonus. hehehe. anyway, ok lang, desisyon ko ito, so panindigan ko. hindi naman siguro ako pupulutin sa putikan. 3 years of experience, sa dami kong nakilala at nakasalamuha, ewan ko lang kung abutin ako ng 5 months sa paghahanap ng trabaho. basta ang target ko ngayon, kung magkakatrabaho ako, syempre, yung makakabuhay sa akin, makakapagtuloy ng paghuhulog sa kotse without the help of my father. kasi, 30% ng hulog, sya pa sumasagot. sabi ko sa kanya, sagutan nya muna habang naghahanap ako ng job at pagkatapos kong makakakita, hindi ko na sya paghuhulugin, ibabalik ko pa yung sinagot nya. o come on? kaya ba?? hopefully. kapag matanggap ako dun sa prospected boss ko, e di tuloy na tuloy na yung mga plano ko sa buhay. sana, mapansin yung resume ko... yun kasi talaga ang trip kong trabaho at trip na sweldo... hehehe. hopefully, mapansin yung resume ko, i am expecting a call by next week. sana. anyways... ang dami pang opening, nawiwindang na ako sa kakapasa ng resume, isang araw pa lang ako... hehehe. sana, may tumawag man lang kahit isa.

yun lang!

movie projector sa cellphone

ako ay nangagarap na sa darating na panahon, magkakaroon ng cellphone with built-in umbrella, para kapag umulan, hindi ko na kailangang maghanap ng payong... hehehe, pero mukhang matatagalan pa yata ito. ang nabasa ko kanina, in few years from now... magkakaroon na ng cell phone with movie projector. yung tipong kung gusto mong manood ng video, hanap ka lang ng dingding sa isang madilim na lugar, para ka nang nanonood ng sine, maliit na sinehan! hindi na masama, di ba? totoo ba ito? eto ang link.

i did it again

ooppps.. i did it again. tama, i did it again. alin? yung magresign ng walang siguradong lilipatan. i did it 3 1/2 years ago, i did it again today. ewan ko, baliw lang talaga siguro ako, dahil nga siguro wala pa akong pamilyang pinapakain... kapag bigla kong naisipan na tama na, ayoko na, sawa na ako sa ganitong trabaho, sawa na ako sa ganitong sistema, i need to go, hayun, file na kaagad ng resignation letter. aba, medyo matagal-tagal din naman akong magsawa ngayon. dati, after 1 year, sawa na ako sa pagtuturo, nagresign ako. e ngayon, inabot ako ng tatlong taon! tatlong taon dito sa kumpanya, nag-umpisa as entry level programmer, unti-unting napromote, unti-unting lumaki ang sweldo... hanggang sa maabot ko nga ang posisyon ko ngayon. all-around employee.. technical support, technical writer, sales, hr, programmer, lahat nang maisip na iutos nila, ginagawa ko ng walang angal.

e bakit ako magreresign? kasi, i don't see any brighter future na. sagad na eh. ito na ang pinakamataas na pwede kong maabot dito sa kumpanya. unless mamatay ang mga boss ko or umalis sila sa kumpanya. di ko naman ipapanalangin na mamatay sila makaakyat lang ako, ang sama ko naman kung ganun. i don't see them leaving the company in the next few years, so bakit ako maghihintay? sayang ang panahon. i still want progress, ayoko ng hanggang dito na lang. ang maging dakilang utusan ng mga boss ko for the rest of my life sa kakarampot na sweldo? ang dami pang opportunity.

tagal kong pinag-isipan. na kesyo baka mahila yung kotse ko. so what? e di hilahin nila, may kotse nga ako, di na naman ako masaya sa trabaho at buhay ko. fortunately, di naman mahihila dahil si tatay muna daw ang bahalang maghulog habang naghahanap ako ng bagong trabaho.

so what are my plans? well, hintayin ko muna ang opinion ng mga boss ko. basta ang sasabihin kong dahilan, yang nasa itaas... wala na, sagad na, i don't see myself progressing in the next couple of years, so i have to make my move now. if they are going to give me a better offer.. why not? pero kung bobolahin na naman nila ako, e maghanap na lang sila ng ipapalit nila sa akin at itutuloy ko na ang paghahanap ng ipapalit ko sa kanila. i just updated my resume and contacted some key persons that can help me find a better job. kaya nga lagi kong tinatago yang mga calling cards eh.. hehehe.

3 1/2 years ago, it took me 5 months bago nakahanap ng panibagong job offer. ngayon kaya? abangan... mukhang dadalang yata ang pagboblog ko ngayon. depende sa availability ng internet connection. natural, kukunin na nila itong laptop na pahiram nila sa akin. sa computer shops na lang ako mag-iinternet, mag-aaply at kasabay na rin yung pag-update ng blog... hehehe.

yun lang.

Tuesday, November 15, 2005

bastos na ulyanin

nakakita na ba kayo ng isdang blogger? basahin nyo na lang ang post ni lolo dito. sabi nya, it's pure coincidence, isda talaga yung pinag-uusapan. so, talaga palang ulyanin na si lolo... imagine, yung isda nya, nagboblog??? oopsss, baka idelete na naman kaya hayan ang screen shot ng tinutukoy kong blogger na isda. naniniwala ako sa kanya, walang pinapatamaan, it's a pure coincidence... a simple proof na ulyanin na syang talaga. hahaha! bastos na, ulyanin pa. at least may proof ako ng pinagsasasabi ko... bastos? oo, basahin nyo ang ginawa nyang kabastusan kay tin dito. ulyanin? hayan ang proof... saan ka nakakitang isdang may sariling blog.. hehehe. yan, mageedit na naman yan ng post nya.. hahaha! clean the evidence, dyan ka magaling di ba? hack mo account ko para madelete mo yang screen shot.. hahaha!

sorry sa mga naoffend sa post na ito. rumesbak lang. hehehe.

note: this will be the last time i'll be posting something about lolo. tama na, nahahawahan na nya ako, nagmumukhang ulyanin na rin ako... hehehe. kung ano man ipagsusulat nya sa mga darating na araw, wala na akong paki. kung saan sya masaya, suportahan taka. may God bless him. case closed.

jobless soon

absent ako nang nakaraang dalawang araw. and something big happened. i might not be blogging as often as before. may malaking pagbabagong naganap sa buhay ko, kasi nagresign ako. and i'll be jobless soon... tapusin ko lang yung turn-over. biglaan? oo, sobrang biglaan. i'll give the whole story tomorrow. ok lang, nothing to worry, i will survive and i will continue blogging... promise.

Sunday, November 13, 2005

star city

nung friday, natuloy kami sa star city! dahil nga first time kong makarating doon, magkwento muna ako. mahaba-habang kwentuhan...

alas dyes nang makarating kami doon. nagpaikot-ikot pa sa roxas blvd looking for that elusive u-turn. basta, ang alam lang namin, sa may roxas blvd yun, kaya nung matanawan na namin... sabi ni benjo "hayun ang star city." sabi ko.. hayun nga.. pero paano tayo makakarating dun? hehehe, so hanap nga ng u-turn. nakarating naman kaming mapayapa sa lugar.

unang rides na sinakyan namin, yung anchors away ba yun? mukhang di nakakatakot kapag pinapanood mo sila... tipong isipin mo, what's the thrill riding it? pero nung andun na ako... putek! grabeng feeling... yung iba, itinataas pa yung kamay nila kapag bumubulusok pababa yung rides.. ako, kapit na kapit! feeling ko, mahuhulog ako kapag bumitaw ako eh! dinaan ko na lang sa sigaw... di naman nakakahilo, nakakapasigaw lang talaga, yung feeling na nahuhulog ka na ewan, ganun pala yun.

pagkatapos nun, pasok muna kami dun sa haunted house daw. walang thrill. ewan ko, since alam kong puro peke naman yung pananakot dun, para lang akong naglalakad sa loob, ni hindi nga ako nagugulat kapag may sumusulpot na nanggugulat... wala talaga.

tapos, doon naman kami sumakay sa blizzard. yan, dyan ako nahilo. roller coaster na maigsi. e sa unahan pa naman ako pumwesto. nung matapos kami, medyo hilo talaga ako. feeling ko, puro hangin yung laman ng tyan ko. so, nung matapos nun, nagyaya sila, sa bump car naman. isip ko, ok yan, di naman siguro nakakahilo yun.

medyo mahaba yung pila sa bump car. pero ok lang, sulit din, kahit medyo bitin. when it's our turn, e anong ginawa, e di naghabulan. you will not call it a bump car kung hindi ka mangbubunggo. hehehe. hayun, kaya kami-kami naghahabulan, nagbubungguan. bitin talaga, wala pa yatang 5 minutes, tapos na kaagad.

tapos, pila kami doon sa tingin ko ay pinakahyper na ride. yung flying carpet. kung siguro, wala akong kasama, i will not dare riding it, pero since marami naman kaming magkakasama, go ako. isip ko na lang, kapag nagsuka ako... sa kanila ko ibubuga.. hahahaha! after 20 minutes of waiting yata, nakasakay na kami. anong nangyari? hindi naman kami nahilo... medyo sumakit lang tyan ko. pag-upo kasi, yung pinakasafety measure nila, yung horizontal bar na inilolock kapag naupo kayo,ipit yung tyan ko. laki kasi ng tyan ko... naisip ko nga, kung ipit na ipit ako, lalo na siguro si benjo. hehehe. nakakapasigaw din as usual, lalo na kapag bumubulusok na sya pababa, pero habang tumatagal, nakakaadjust din yung mga katawan namin na naging parang normal na lang. yung mga nasa unahan nga namin, nagpipicturan pa habang nagtataas baba yung rides.. kami namang mga nasa likod, todo pose din.. hahaha! kapag nakita nila yun, magugulat na lang sila at may mga gagong nakapose sa likod nila... hahaha!

matapos nun, pumasok naman kami doon sa ice age. para nga kaming engot. pagpasok namin, exit pala yung napasukan namin.. hehehe. e di balikan kami. medyo matagal din kaming naghintay. yun pala yung ice age, santambak na ice sculpture, may pahiram silang jacket bago pumasok. sobrang lamig sa loob, syempre, yelo eh. sabi ko nga, dapat pala, nagdala tayo ng ice pick. hahaha!

nung makalabas kami, gusto pa naming sumakay dun sa wild river, kaso closed na daw. bitin kami. bumili ng token, nagtry dun sa basketball na may free na laruan, nagtry ng kung ano ano pa bago tuluyang nagpasyang umuwi.

eto, bad trip. nung pauwi na kami pabalik sa parking area. syempre, lakad kami, ewan ko ba, pinulikat ako! at putek! di lang isa!!! pareho, kaliwa't kanan!!! salamat na lang at may mga kasama ako, kung hindi, siguro, nangisay na ako dun sa sakit. salamat kay benjo, francis at marco for giving me the first aid. tapos nun... nung feeling ko ay ok na ako, syempre, lakad ulit. ewan ko ba, pagdating namin sa kotse, namintig na ulit, pareho ulit. hayun, doon sa backseat ng kotse ako naupo habang inistretch ni benjo yung paa ko. kung may nakakita siguro sa amin nun, iisipin nila, parang may gang rape na nagaganap. hehehe. siguro, nung maayos ang lahat, mga 15 minutes pa akong nagpahinga bago nagdrive... pero di pa kami umuwi.

nagpunta kami sa blue wave doon sa may macapagal para kumain. pagkatapos kumain, nagpunta kami sa roxas... tumambay ng konti, nanood ng banda. tapos, nauwi na around 4:00AM. yun ata ang pinakamalinis na gimik namin, clean fun... alcohol-less gimik.

yan! tapos na. magpost siguro ako ng picture bukas!

tamaan ka sana

dumalaw ka sa blog ko... nag-iwan ka ng message sa tagboard ko... HI... dinelete ko for a personal reason... do you have the right to react? siguro, message mo kasi yun, pero take note, tagboard ko yun at blog ko to, i am the master of my own blog di ba? kung alisin ko yung tagboard, may magagawa ka? e kung ayaw ko ng message mo, anong paki mo kung alisin ko? e blog ko to? sabi mo, dapat naglagay ako ng warning na bawal ang message galing sa mga tipo ng taong kagaya mo. bakit marunong ka pa sa akin e blog ko to? alipin mo ba ako?? sabi mo, feeling mo, nabastos kita.. problema mo na yun. e kung feeling ko, nabastos din ako sa tag mo na dinelete ko, tabla tabla lang tayo di ba? but to harass me on my own blog, maglagay ka ng comment sa blog ko, kung ano anong nakakainsultong mga salita ang sasabihin mo sa blog ko... o come on... ibang usapan na yan. magkalat ka na sa blog mo, wag lang sa blog ko. wag lang sa bahay ko. magmura ka ng magmura sa blog mo, murahin mo ako, laitin mo ako sa blog mo, anong paki ko? magaling kung may dumadalaw sa blog mo at may makabasa ng mura mo.. hehehe. anyway, kung pagmumurahin kita sa blog ko, may magagawa ka? wala rin, blog ko ito eh.

ano bang pinagsasasabi ko? i have been a witness to such incident, ayaw kong makialam, pero di ko kaya not to say a thing. bastusan na eh... kalalaking tao, walang modo. kita ko ang lahat ng pangyayari, kung feeling mo nabastos ka nya dahil dinelete nya yung message mo sa tagboard nya, ikaw na ang pinakamaarteng blogger na nakilala ko. nang-aaway ba ako? hindi, i'm just telling my opinion on the situation. violent reaction? sige, isulat nyo dyan. bato bato sa langit, ang tamaan, may bukol!!!

yun lang.

Friday, November 11, 2005

star city

20 minutes na lang, tapos na ulit ang isang linggo. at mamaya.. pag labas.. gigimik kami... saan? nagyaya sila, may libreng ticket si francis... punta daw kaming star city!!! kakaibang trip na naman ito. pero sa totoo lang, ngayon lang ako makakarating dyan! hahahaha! sige, happy weekend sa inyong lahat!!! kita kits na lang doon kung gusto nyo akong makita, libre autograph... hahahaha!

pbb audition notes

napadaan sa pinoy big brother website at nagbasa ng articles dun. natuwa lang ako dun sa scanned notes during the audition na ginawa ni Ed Sharples...managing director ng BB sa southeast asia. his note on Uma and Cass caught my attention. Nakalagay kasi... Uma.. Gay? tapos kay Cass... may drawing ng boobs... hehehe. Tingnan nyo dito kay Uma at dito kay Cass. wala lang.

hindi ako addict

kahapon pa ito. ewan ko ba kung bakit. siguro namimiss nya lang ako. sobra. as in miss na miss nya ako na kailangan kong icancel ang lakad ko dahil tinatawagan nya ako. ano bang nagawa kong masama at kailangang lagi akong magpunta sa kanya? hindi naman pwedeng hindi. kagabi lang, ilang beses pa rin akong bumangon sa pagkakatulog para magpunta sa kanya. grabe, tindi ng pagkamiss nya sa akin. matinding kaginhawaan ang nadarama ko after kong makipagkita sa kanya. uminom na ako ng gamot para makalimutan ko sya. pero parang walang epekto. ngayon, tinatawagan na naman nya ako. pero tiis muna. di ko muna sya pupuntahan, kaya pa namang tiisin. iinom na lang muna ulit ako ng gamot. para sa iyo... kalimutan mo na ako!!! tama na ang isang beses sa isang araw... wag naman oras oras!! ok? kailangan ko ng gamot.. please... bigyan nyo ako.

o, bago nyo ako mapagkamalang addict or bago magselos si first lady... Diatabs yung tinutukoy kong gamot, ok? hehehehe... at sya... alam nyo na kung sino sya, CR initials nya... hehehe.

videos

nitong mga nakaraang araw, di ko alam kung sino ang nag-umpisa, pero nagsulputan ang mga self-recorded music video, mga music video ng mga taong walang magawa... hehehe. pinagsama-sama ko nga dito, kayo na lang manood. merong nakakatawa, merong nakakaaliw. kanya kanya silang trip, baka isang araw, kapag nabato ako, gagawa rin ako ng akin... hehehe.

o eto na sila.

I want it that way videos...
As long as you love me videos...
Toxicity videos
Assorted videos
yan, mahaba-habang panoorin yan kapag wala kayong magawa. just follow the link, all videos are copyrighted by their authors, hindi akin yan, ok? have fun!

yun lang.

Thursday, November 10, 2005

hanap hanap

ito ang sagot sa tag sa akin ni meyms... ang dali naman, wala bang mahirap-hirap dyan? hehehehe. anyways... ito ang instruction...

1.Go to your archives.
2.Find your 23rd post.
3.Post the 5th sentence.
4.Post the text of the sentence in your blog with these instructions.
5.Tag other people to do the same thing.

Ito ang sagot ko...

1. Done, nagpunta na ako dun.
2. Done, nagbilang from the first post up to the 23rd post.
3. ito na ang fifth sentence.
..because all of the employees are having their per diem and salary delayed. (sentence ba yan? fragment eh... di bale na, yun na yun!)
4. done, eto na nga po yung post at ayun ang text ng sentence sa taas.. hehehe.
5. tinatag ko sila..
May, Erica, May, Mei


yun lang!

snape is the half blood prince

kanina, pumasok ako. syempre, kailangan eh. from now on, hindi na ako aabsent, promise. anyway, promises are made to be broken.. hehehe.

may dumating na applicant na tinawagan ko kahapon for interview. hayun, nakipagkwentuhan muna sa kanya... i mean, ininterview ko sya. first timer, kinakabahan, pinagpapawisan. anyway, normal naman talaga yun sa first timer. kinakabahan. ganun din naman ako dati eh, mas matindi pa siguro ang pawis ko, hehehe. pero ok lang, graduate na ako dyan, pero siguro after 1 year, babalik ako dyan, magpapainterview.. siguro, bahala na, pinag-iisipan ko pa rin kung ano ba talaga ang plano ko sa buhay, manatili na lang ba dito sa manila or ituloy ang plano kong magsalaparan sa ibang bansa.

i joined pinoyz2nz, pero di ako active sa palitan ng kuro-kuro nila, silent lurker lang, gathering some info para kung sakaling maisipan kong magpunta doon ay hindi na ako inosente sa proseso. syempre, the option of going to canada is also there.. canada, new zealand, usa... kahit saan... or kahit dito na lang sa pilipinas, kung magkakaroon ba ako ng magandang negosyo, or trabahong magbibigay sa akin ng sapat na sweldo, dito na lang ako. there's no place like home pa rin.

ang bilis talaga ng panahon... grabe. kanina lang ay umaga, gabi na naman ngayon. at bukas, papasok na naman. anyway, byernes na naman bukas, siguro, uwi na ako ng batangas bukas ng gabi. may mga dapat kasi akong asikasuhin at ayusin sa sabado regarding something i can't reveal right now. sikretong malupit muna.

yan na lang muna. inaantok ako. tutulog muna kahit saan dine.

regarding sa title ng post na ito.. wala lang, trip ko lang isulat yan, sa hindi pa nakakabasa ng harry potter 6, sorry, pero yan ang totoo... kalimutan nyo na lang mamaya kapag natulog kayo.. ahhaha.

bird flu

nitong mga nakaraang araw... may kumalat sa text messages regarding bird flu, telling us not to eat chicken dahil may bird flu na raw sa pilipinas. sabi naman sa balita, this is just a hoax. read this, wala pang bird flu sa pinas.

syempre, medyo concerned citizen din ako, hehehe, kumakain din kaya ako ng manok. should i stay away from them? halimbawa, may bird flu na talaga, tigil na muna ba ako sa pagkain ng manok? siguro. it is better to be safe than sorry, sabi nga ni mareng erica.

syempre, research pa rin ako... pwede ba tayong magkasakit kung makakain tayo ng manok na may bird flu? ang sagot... oo, kung kakainin mo ng hilaw... or half cooked. pero kung maayos naman ang pagkakaluto, kahit infected pa yan ng bird flu, the virus will die. totoo? oo. ito sabi ng WHO (world health organization)...

Is it safe to eat poultry and poultry products?

Yes, though certain precautions should be followed in countries currently experiencing outbreaks. In areas free of the disease, poultry and poultry products can be prepared and consumed as usual (following good hygienic practices and proper cooking), with no fear of acquiring infection with the H5N1 virus.

In areas experiencing outbreaks, poultry and poultry products can also be safely consumed provided these items are properly cooked and properly handled during food preparation. The H5N1 virus is sensitive to heat. Normal temperatures used for cooking (70oC in all parts of the food) will kill the virus. Consumers need to be sure that all parts of the poultry are fully cooked (no Ć¢€Å“pinkĆ¢€� parts) and that eggs, too, are properly cooked (no Ć¢€Å“runnyĆ¢€� yolks).

Consumers should also be aware of the risk of cross-contamination. Juices from raw poultry and poultry products should never be allowed, during food preparation, to touch or mix with items eaten raw. When handling raw poultry or raw poultry products, persons involved in food preparation should wash their hands thoroughly and clean and disinfect surfaces in contact with the poultry products Soap and hot water are sufficient for this purpose.

In areas experiencing outbreaks in poultry, raw eggs should not be used in foods that will not be further heat-treated as, for example by cooking or baking.

Avian influenza is not transmitted through cooked food. To date, no evidence indicates that anyone has become infected following the consumption of properly cooked poultry or poultry products, even when these foods were contaminated with the H5N1 virus.

source: Avian Influenza Frequently Asked Questions.

hayan ang sabi nila, safe naman palang kumain ng chicken, basta maayos ang pagkakaluto. sabi pa nga nila, kahit infected pa, basta niluto nga ng maayos, hindi ka magkakasakit. kung magkasakit ka pa rin kahit maayos na ang pagkakaluto, malas mo dahil ikaw ang una! pwede kang ilagay sa Guinness Book of World Records... hehehe, ang unang taong na-infect ng bird flu due to consumption of properly cooked poultry products... ito nga kasi ang sabi ng WHO, iquote ko ulit... "Avian influenza is not transmitted through cooked food. To date, no evidence indicates that anyone has become infected following the consumption of properly cooked poultry or poultry products, even when these foods were contaminated with the H5N1 virus."

yun lang.

Wednesday, November 09, 2005

makita kang muli

ang theme song ng panday na ginawa ko ring background music... kita nyo, kahit banda, para sa akin... pang diabetic... sugar free.. hahaha. sa sugar free, pahiram muna ng music nyo ha.. ganda eh! tamang tama, para sa Eden ng buhay ko, this song is dedicated to you.

hala, kanta na!

Makita Kang Muli
by: Sugarfree

Bawat sandali ng, aking buhay
Pagmamahal mo, ang aking taglay
San man mapadpad ng hanging
Hindi, magbabago aking pagtingin

Pangako natin, sa Maykapal
Na tayo lamang sa habang buhay
Maghintay

Ipaglalaban ko ang ating pagibig
Maghintay ka lamang akoy darating
Pagkat sa isang taong mahal mo
Ng buong puso
Lahat ay gagawin
Makita kang muli,
Makita kang muli,
Makita kang muli

Pusoy nagdurusa, nangungulila
Iniisip ka pag nagiisa
Inaalala mga sandali
Nang tayo ay magkapiling
Ikaw ang gabay sa akin tuwina
Ang aking ilaw sa gabing mapanglaw
Tanging ikaw

Ipaglalaban ko ang ating pagibig
Maghintay ka lamang akoy darating
Pagkat sa isang taong mahal mo
Ng buong puso
Lahat ay gagawin
Makita kang muli,
Makita kang muli,
Makita kang muli

touch flicks, lactacyd, clinton

masyado siguro akong observant kaya napansin ko ito.. or bastos lang talaga utak ko... hehehe, nakita nyo yung commercial ng close-up ba yun? yung TOUCH FLICKS? napansin ko lang yung pagkakasulat ng TOUCH FLICKS dun sa logo or banner ... una kong basa... TOUCH F*CKS... masyado kasi magkadikit yung L at I... abangan nyo sa commercial sa tv.

napansin ko rin, di na yata masyado ikinocommercial yung lactacyd ni aga.. hehehe, o madalang na lang akong manood ng tv.

nakita ko yung post ni erica, gumaya ako... aba, at si clinton daw ako. kaya pala first lady tawag ko kay gf... hehehe. hmmm... kaibahan lang namin... wala akong monica lewinsky... (bakit ka defensive??? bakit hindi? hehehe)



yun lang.

gitara

absent ako kahapon. kelangan ko kasing magpahinga. nung umaga, di talaga kaya ng powers ko na bumangon, so itinuloy ko na lang yung aking tulog. nagsend na lang ng SMS message kay boss na hindi talaga ako makakapasok. kahit labag din sa kalooban ko na umabsent dahil isang gitara na naman ang makakaltas sa akin sa sweldo ko. isang gitara... dahil yung isang araw na sweldo ko, makakabili na raw ako ng isang gitara. yung pinakamurang gitara ha.

ngayon, andito na sa office, natambakan na naman ng trabaho. daming gagawin, may mga meeting pa daw. pero kahit marami yan, blog muna ako... hehehe. iset ko muna yung mood ko... sa mga magbubuzz sa akin sa yahoo messenger ngayon, sensya na, dedma ko muna kayo. work work work muna. ubos na sweldo ko...konti na lang natira... latak na. bukas pa kami sisweldo, diretso nang uwi sa bahay mamaya... walang panggimik eh.

yun lang.

Monday, November 07, 2005

bakit?

noong panahong pumapasok pa ako sa paaralan, isa sa tanong na pinakakatakutan ng mga estudyante ay ang tanong na BAKIT? or WHY sa english. ewan ko ngayon, pero nung elementary ako, ganun kasi, pag may itinanong ang teacher na yes/no question, kaya walang tumataas ang kamay, kasi, ang kasunod na tanong ay bakit.

ngayong nagkaisip na ako, wala na sa paaralan, may natutunan ako sa buhay-buhay how to deal with bakit. kapag may kausap ka, kahit ano pang pinag-uusapan nyo, tapos, itanong sa iyo... bakit? anong isasagot mo? simple lang pala ang sagot... ibalik mo ang tanong sa kanya... bakit hindi? yun lang, syempre, sya na mangangatwiran, at habang nangangatwiran sya, isip ka na ng magandang sagot o pangbara sa tanong nya, di ba? hehehe.

halimbawa, bakit ka pupunta sa lugar na iyon? sagot mo... bakit hindi? bakit ka magreresign? bakit hindi? di ba, ang ganda? sure yun, mapapaisip ang kausap mo. kahit boss mo, sagutin mo nyan...hehehe.

kung estudyante ka, isagot mo sa essay question sa school, ano kayang magiging reaction ng teacher mo? lahat ng bakit... ang sagot mo, bakit hindi? or why not? kahit sa recitation, di ba? like, sang-ayon ka ba sa visiting forces agreement? taas ka ng kamay kaagad! tapos pagtawag sa iyo.. sagot mo.. opo, sang-ayon po ako! syempre, follow-up question si teacher... bakit? sabay sagot mo... bakit hindi? hehehehe, batukan ka siguro ng teacher mo.. hahaha.

yun lang... kay owen ko ata natutunan yan..

getting to know me

I received this email from Des... sabi ko, sagutan ko na lang sa blog ko, tapos, magtatag na lang ako... hehehe.

1. What time did you get up this morning? 6:00 AM

2. Diamonds or pearls? Diamonds

3. What was the last film you saw at the cinema? Dubai

4. What's your favorite TV show? wala eh

5. What did you have for breakfast? kanina? fried chicken with rice at kapeng barako ng batangas

6. What's your favorite cuisine? Asian, syempre. Lalo na Filipino foods, syempre... hindi kasi lahat ng asian food type ko, lalo na yung sa mga pana.

7. What foods do you dislike? panis.. hehehe

8. What is your favorite crisp flavor? kahit ano, basta crispy

9. What's your favorite CD at the moment? burned CD collection ng mga piniratang mp3.. hehehe

10. What kind of car do you drive? 2005 Toyota Altis 1.6J

11. Favorite sandwich? Sandwich ba yung hamburger?

12. What characteristic do you despise? liar

13. Favorite item of clothing? wala akong favorite

14. If you could go anywhere in the world on vacation,
where would you go? Spain on their Tomatina Festival, Hawaii

15. What color is your bathroom? yung kulay ng semento, walang pintura eh.

16. Favorite brand of clothing? wala akong paki sa brand, basta komportable isuot, ok sa akin.

17. Where would you retire to? Sa bahay namin sa batangas.. there's no place like home

18. Favorite time of the day? Evening, yung matutulog na ako

19. What was your most memorable birthday? wala akong matandaan... pare-pareho lang sa akin eh.

20. Where were you born? Batangas Regional Hospital, Batangas City

21. Where have you lived for at least half of your life? Batangas

22. Favorite sport to watch? wala... ewan ko kung sports ba yung WWE.

23. Who do you least expect to send this back to you? not applicable.. hehehe.

24. What fabric detergent do you use? Tide ata... yun ang nakikita ko malapit sa washing machine eh.

25. Were you named after anyone? oo daw, pinagsamang pangalan ng father and uncle ko.

26. Do you wish on stars? nung bata pa ako

27. When did you last cry? last thursday night Why? sikreto.

28. Do you like your handwriting? yeah, kasi, ako lang nakakaintindi.. hehehe

29. What is your most embarrassing CD? yung CD na lumang gasgasin na, tumatalon na.

30. If you were another person, would YOU be friends with you? siguro, kung may magpapakilala sa amin... hehehe, coz i don't approach a stranger... so i assume, hindi rin nya ako iaaproach dahil sya ay ako. so, ipakilala mo ako sa kanya at magiging magkaibigan kami.

31. Are you a daredevil? no. i don't dare the devil.. hehehe.

32. Have you ever told a secret you swore not to tell? sikreto.. hehehe

34. How do you release anger? depends on the level of angerness... hehehe.

36. What was your favorite toy as a child? wala akong matandaan... ang alam ko, i love reading books. yung mga fairy tales... toy? wala, sinisira ko lang eh.

37. What class in high school do you think was totally useless? ok lang yung mga subject... hindi naman totally useless...naiisip ko lang, yung subject like history... ang daming date na pinapamemorize para pumasa sa exam. sabi nga ng 90.7 love radio.. kelangan pa bang imemorize yan?

38. Do you use sarcasm a lot? not a lot.

39. Favorite movies? Independence Day, Matrix, Pay It Forward

40. What are your nicknames? wala rin..

41 Would you bungee jump? sure, basta libre.. hehehe

42. Do you untie your shoes when you take them off? minsan oo, minsan hindi, depende sa sapatos, meron kasing sapatos na walang sintas.. hehehe

43. Do you think that you are strong? sometimes.

44. What's your favorite ice cream flavor? kahit ano, basta ice cream, kinakain ko kapag trip ko

45. What are your favorite colors? black, grey, green, blue

46. What is your least favorite thing about yourself? nothing

47. Who do you miss the most? gf ko

48. Do you want everyone you sent this to send it back? not applicable

49. What color pants are you wearing? black

50. What are you listening to right now? Muli - by Parokya ni Edgar

51. Last thing you ate? Shanghai Lauriat sa Chowking

52. If you were a crayon, what color would you be? Black

53. Who was the last person you talked to on the phone? my gf

54. What is the first thing you notice about the opposite sex? height

55. Favorite Drink? softdrinks... basta light (coke light, sprite light, diet pepsi...)

56. Do you wear contacts? no

57. Favorite Day of the Year? New Year

58. Scary Movies or Happy Endings? Happy Endings

59. Summer or winter? Summer

60. Hugs OR Kisses? Kisses

61. What Is Your Favorite Dessert? iniiwasan ko na magdessert... pero trip ko mag ice cream paminsan-minsan

62. What Book(s) Are You Reading? wala ngayon

63. What Did You Watch Last night on TV? Pinoy Big Brother

64. Favorite Smells? wala

65. Rolling Stones or Beatles? Beatles

66. What's the furthest you've been from home? Jordan ata yung pinakamalayo... magkakatabi lang sila eh, Kuwait, Qatar, Bahrain, Saudi Arabia

magtatag pa ba ako? ok, i'm tagging the newest additions to my links, yung mga nakipaglink exchange, at mga pinilit kong idagdag whether they like it or not... hehehe. ito sila... princess jen, sandra, genali mae, purple dreamer, wendy, carpe diem

yun lang.

kasal lakas sakal kalas

andito na ako sa makati. umalis ng 7:00AM sa batangas, dumating ng 9:30AM dito sa office, late ng 15 minutes. pero ok lang, hanggang ngayon nga, di pa dumarating si boss eh... mas late sya.. hehehe. siguro, kung hindi naisipan nung mga traffic enforcer yung counterflow from alabang, darating ako ng 10:30AM. sobrang heavy yung traffic eh... buti na lang at may counterflow.

natawa ako sa isang lalake kanina, texting while driving his motorcycle. baliw talaga, gusto ko sanang picturan, kaso, delikado kasi nagddrive ako. i don't read text messages while driving, kahit nga calls, di ko sinasagot... maghintay kayo... ayokong mapalagay sa dyaryo... "nabangga dahil sa cellphone." swerte nyo kung may kasabay ako sa kotse... sya pinagbabasa ko ng text... hehehe. minsan, sya na rin ang nagrereply. pero kung talagang solo ako, wala, di ko talaga binabasa maliban na lang na matraffic at full stop yung sasakyan ko.

regarding my previous post... matagal pa yung big day. mag-iipon pa. about the title of this post, wala lang, trip ko lang, natutuwa lang ako sa mga salitang iyan... composed of same five letters, pero iba't ibang ibig sabihin, hehehe.

sige, magtatrabaho muna ako at baka malugi na sila sa akin.


yun lang.

Sunday, November 06, 2005

teleserye ng totoong buhay

tapos na ang mahaba-habang bakasyon. balik sa trabaho bukas, nagblog hop lang, tutulog na ako, at babalik sa makati bukas ng umaga. balik na ulit sa teleserye ng totoong buhay. trabaho para may pangkain, pangluho at panggimik... syempre, kasama na rin ang pag-iipon for that big day.

yun lang!

Saturday, November 05, 2005

otso otso otso

nakita nyo na ba ang nokia 888 concept phone? kung hindi pa... punta ka dito sa aming mansyon. ito ang permalink.

yun lang!

aaylenay

wala pa akong tulog... puyat, galing sa isang mahabang kwentuhan over some cups of coffee with my college friends, haba ng kwentuhan, inabot ng umaga. saka na lang ako magkwento, tulog muna ako, but before i sleep, let me post a forwarded e-mail from a friend. ang daming joke, but this one caught my attention...

Aaylenay,
Olinay,
Olisam,
Olismray,
Ranyonmergin,
Manerenchay,
Oliimansotennernmay,
Sliminemenlimis,
Sliminemenlimis.

Ano yan? yan daw ang Silent Night ng ngongo. Sige, try nyo!

yun lang.

Friday, November 04, 2005

love me or hate me

now i'm blogging again... dito sa batangas. sa lahat ng nakabasa ng dalawang nakaraang post ko which i removed here, pasensya na po. actually, hindi ko sya dinilete, it is still saved in my account as drafts... itinago ko na lang. pasensya na po sa mga nakabasa, it's just me, naglabas ng sama ng loob, and now it's gone.

i don't want to sound like a preacher here now... pero siguro, magiging parang ganun. just want to share some thoughts i learned while reading the bible... actually, di ko pa sya nababasa lahat, matthew pa nga lang yung nabasa ko eh, na minsan ko lang nabasa minsang nabagot ako sa hotel sa davao. pero kahit minsan lang ako nagbasa, ilang chapter lang nung matthew... may natutunan ako. something na naishare ko na rin dito, pero gusto kong ulitin... ano yun? yung love your enemies. yung sabi ni christ... wala kang ipinagkaiba sa masamang tao kung ang mahal mo lang ay yung mga taong nagmamahal sa iyo, dahil ganun din sila. ang kaibahan ng tunay na cristiano, yung kahit kaaway mo, mahal mo. talagang tinamaan ako nung mabasa ko ito.. oo nga naman. kahit yung mga masasamang tao, mahal din nila yung mga nagmamahal sa kanila, and they hate people that hate them. so, pareho lang tayo if we cannot love our enemies.

so what's my point. kung napadpad kayo kahapon dito, well, nabasa nyo how furious i was. kung kaharap ko lang yung taong yun... sabi nga nung isa dyan, nabugbog ko na sya and worse, mapatay ko... sa tindi ng galit ko. buti na lang at hindi ko kaharap. now, after doing some thinking, after ko makausap yung taong involved... everything has changed. kung sya nga na biktima, ipinagpasa Dyos na nya yung lahat, ako pa ba ang hindi makakagawa nun? oh... kahangalan... siguro, yan ang nasa isip nyo. someone raped her and ipagpasa Dyos na lang ang lahat? for us, initial reaction talaga is to take revenge... ipakulong at ipabitay. after that, ano? masaya na ba ako? masaya na ba kami? i don't think so.

ipagpasa Dyos na lang ang lahat. may mangyayari kaya? i never doubted the power of God. ang dami ko nang ipinagpasaDyos. at nasaan na sila ngayon? kapag Dyos ang kakampi mo, wala silang magagawa. kapag sinumpa ka na ng Dyos, ikaw na ang pinakakawawang tao sa mundo. hindi ko hinihiling na gawin Nya yun.... desisyon Nya what is best for them. Ang masasabi ko lang, kelanman, di pa ako binigo ng Dyos... He took revenge for me. pinagtawanan nila ako, niloko nila ako, asan sila ngayon? hindi ba sila nagtataka na parang sinumpa sila? lahat na lang na pasukin nilang negosyo, bumabagsak, apply ng apply, hindi magtagal sa isang trabaho? malas lang ba o dahil ipinagpasaDyos ko na sila? ewan ko, hindi ako banal, nagkakasala din ako... pero ang kaibahan ko sa iba, may Dyos na gumagabay sa akin, pumapalo kapag nagkakamali ako at tumutulong sa mga pangangailangan ko.

ngayon ko lang sasabihin ito. just to show you kung totoo yang sinasabi ko... minsang nagkamali ako... pinalo Nya ako. this is true... ang totoong dahilan kung bakit nabangga ang kotse ko last June... which served as an eye opener for me... na parang sinabi nya... marhgil, gumising ka, naliligaw ka na ng landas. you might think it as a coincidence... pero sa akin... talagang pinalo Nya ako. three days before nabangga yung kotse ko... i made a serious offense... siguro dala na rin ng kahinaan ko at tukso... lumabas kami ng barkada ko.... nagpunta sa quezon ave... namick-up ng babae... at alam nyo na. well, i practiced safe sex... it was my first time na gumamit ng bayarang babae, and after that, guilty talaga ako, sabi ko sa sarili, di na ito mauulit. and 3 days after that, hayun nga, nabangga yung kotse ko sa south super highway. coincidence? i don't think so. pinagsisihan ko talaga yung kasalanan kong yun at kahit gaano siguro kagandang pokpok ang iharap nyo sa akin, never ko nang gagalawin.

naalala ko tuloy ang biro sa akin ng mga officemates ko... "ang higpit naman ng Dyos nyo... magkasala ka lang, may parusa ka kaaagad." because alam nila, totoo, gumawa ako ng kasalanan, may nangyayaring kakaiba. hindi lang isang beses nangyari yan. ayoko na lang ikwento yung iba.

tama na. mahaba na ito. parang sermon na sa isang misa. ngayon, mas kilala nyo na ako. love me or hate me? i don't care.

yun lang.