Tuesday, November 16, 2004

kung ano ano

well, tagal kong di nakapagpost... medyo busy eh. ngayon lang ulit nakadaan dine...

random events, random thoughts...

i went to davao noong nakaraang araw ng mga patay...

may SM City na sa Batangas....

bumili ako ng bagong sapatos...

ang taong mahirap singilin, hindi na ulit makakautang sa akin... kilala nyo kung sino kayo!!

ang sarap ng fruit cocktail sa Mandarin restaurant sa davao..

tumaas na ang pamasahe sa taxi...

nagtataxi na ako pag pumapasok sa opisina... nang mabawasan naman ng konti ang ipon ko... hehehehe

sun cellular unlimited call and text... ok yan! dapat lang, sinabi nila.. unlimited calls, maximum 15 minutes per call! bakit nyo pinuputol every 15 minutes?? hindi ba kaya ng network nyo??? ok na din... kesa sa smart or globe na yung 250 pesos mo, kung magtetelebabad ka, hindi pa aabot ng maghapon. e yung 250 pesos nila... 30 days!!! kumikita pa kaya sila???? kung kumikita pa sila... what more ang globe at smart???

eto pa... ang email tungkol kay Faye..na isang hoax lang pala... ang saya talaga sa Pilipinas! Imagine nga naman, editor ng isang kilalang newspaper... naloko at pumayag iprint sa kanilang dyaryo ang mala fairy tale na kwento ni Faye.... it gave me an idea na gumawa rin ng sarili kong version....siguro, pag sinipag ako... iL make my own fairy tale... sa taong itatago natin sa pangalang "Marhgil"... hehehe...

To Pandesal Ministries.... ang saya-saya ng church nyo! how could I have faith in your church... e isang 12 years old na bata, naloloko kayo??? DO you think, God is with you????

To Jasmine Trias.. pasensya ka na sa kanila... kain na lang tayo sa Mcdo mamaya... hehehehe.

Comment ko lang sa Born Diva ng ABS-CBN... hindi ba dapat... Retokadong Diva ang title ng palabas nyo??? If you are Born Diva... you don't have to change anything, right? Ipinanganak ka ngang Diva... bakit kelangang magpaopera???

Comment ko naman sa Star Struck at Star Circle National Teen Quest... bakit naman ngayon lang nauso yan, kung kelan disqualified na ako?? Hehehehe, anyway, ayoko rin namang mag-artista... Imagine... hindi ako makakagala sa SM Batangas nang kagaya ng ginawa ko kahapon kung artista ako... siguradong habol ang mga reporters at fans ko. Buti na lang, hindi ako artista. Hehehehehe

Question ko sa mga computer geeks... bakit zero byte ang file size ng isang file na wala talagang laman pero 250 characters naman ang filename? saan nakastore ang filename?? di ba dapat.. it should consume some diskspace din??

Comment sa GameKNB ng abscbn.. palitan nyo ng timeslot. para kayong engot..

Comment sa nahostage sa Iraq... BUTI NGA!!! Sabi nang bawal magpunta... nagpunta pa..tapos... hihingi ngayon ng tulong sa gobyerno... MANIGAS KA!!! Hindi ako naaawa sa iyo... ang tigas kasi ng ulo...

Sa nasa Afghanistan naman... iL pray for you... sana mailigtas ka ng UN, wag ka nang umasa sa Pinas.. sa UN na lang...

Kay George Bush... wala akong magagawa.. nanalo ka eh.. congrats na lang. Sana, kung may kaaway ka pang leader ng ibang bansa... hamunin mo na lang ng boxing.. wag ka nang mandamay, wala namang weapons of mass destruction eh.

Yun lang muna... siguro.. magpopost ako after 1 month ulit.

5 comments:

Anonymous said...

sinulit mo ah... =)sigurado kang wala ka ng nakalimutan???

Anonymous said...

uy, dapat pala pag nangutang sa iyo.. sulitin na para kaht alang bayaran, oks na.. hehehe...
--penoycentral

Anonymous said...

kapag ganyang klase ng tao ang pinapautang dapat may terms and condition... and above all... no colateral... no utang!!! hehehehe

Anonymous said...

magaling na laang wla akong utang tol sau...hehehhe...
oo mahirap nga daw mag artista, si bayaw tops nga eh kya umayaw sa abs kc sobrang hectic ang schedule, tska yung mga fans di maawat...

Anonymous said...

magaling na laang wla akong utang tol sau...hehehhe...
oo mahirap nga daw mag artista, si bayaw tops nga eh kya umayaw sa abs kc sobrang hectic ang schedule, tska yung mga fans di maawat...owen