Medyo matagal tagal na rin akong hindi nakapagpost dito. Medyo busy kasi sa career ng pagboblog doon sa kabilang blog ko. Kasi naman ang Googel Adsense, hindi pa rin supported ang Filipino language. Magblog man ako ng magblog dito, hindi pa rin magiging relevant ang ads na ididisplay nila. Kaya pasensya na mga readers, kung meron man. Hahaha.
Anyway, nagpost ako ngayon dahil ako lamang naman ay nag-ooptimize ng isang keyword. Mukhang mabenta daw ito eh. Kung mahihit ko ang first page ng Googel, este, Google, eh baka dadami ang dolyar na kikitain ko sa Adsense. Kaya eto, nagpopost ng tungkol sa Googel.
Ano ba naman itong Googel? Ang googel ay isang maling baybay ng salitang Google. Yun lang naman yun, wala naman talagang ibig sabihin. Yun nga laang, ang daming nagsesearch nyan sa Google. Ewan ko ba, kung bakit nasa Google na sila ay hinahanap pa rin nila ang Googel. O baka naman naghahanap sila ng goggles? Ah ewan.
Alam nyo ba na hindi rin sinasadya ang pagkapangalan ng Google sa kanilang kumpanya? Dapat talaga ay Googol yun, kaso, hindi ata nila alam ang tamang spelling ng googol, kaya naging Google. tapos ngayon naman, may mga mali-maling tao na googel naman ang pagbaybay nito.
Hayan, medyo mahaba na ito. Puro lang naman ito tungkol sa Googel. Link love sa Googel post ko. Tama na, spamming na, dami nang link. hahaha.