Monday, June 06, 2005

vitamins, laban o bawi, trip to jordan

di ko alam kung anong klaseng virus ang pumasok dito sa katawan ko. normal naman ang sugar ko. ang alam ko lang e nabasa ako ng ulan nung minsang umuwi ako. ganun na ba kahina ng immune system ko? siguro nga. hindi naman kasi ako nag vivitamins, pili pa ang pagkaing kinakain ko. dapat nga siguro, magvitamins nako. dagdag gastos na naman. sana, maragdagan na rin ang sweldo. ngayon, ang hina-hina pa rin ng pakiramdam ko. kakain ako mamaya sa baba, then, inom ng gamot, and bili ng pineapple juice, yung purong puro.

on other matters, nalaman ko na lang nung sabado na nakasali ulit yung kapatid ko sa laban o bawi. nung wednesday daw sya kasali, anong nangyari, wala. hindi man lang daw sya nakaimik, kasi, naunahan sya sa pagpindot nung kasama nya. nakabalato lang daw ulit. syempre, inabangan na naman sya ng mga taga barangay namin. nung dumating sya sa bahay, ang sabi ng anak nya, "si papa, hindi imik." hehehe. kasi nga naman dati e nakatatlong sagot sya, kahit puro mali, tatlong beses sya napafocus sa camera. e ngayon, di man lang nakasagot. may nagtanong sa kanyang kakilala nya na nakita sya sa tv, ang sabi sa kanya, "kasali ka na naman?", ang sagot nya.. "di mo ga alam na regular na ako sa eat bulaga, di lang ako nagpapahalata." hehehe.

hindi pa matutuloy ang trip to jordan ko. nagkaproblema sa visa. ewan ko, nadelay lang naman yung visa, mukha ba akong terorista? di naman ah. well, let us see na lang kung kelan marerelease yung visa ko.

ge, uwi nako. ang init pa rin ng pakiramdam ko. daan muna ako sa canteen, then, uwi na rin. yun lang.

God bless.

Saturday, June 04, 2005

english

magtatagalog naman ako. kanina nga pala ay kinausap kami regarding our annual employee evaluation. one on one ang usapan with our boss. medyo nakakalula mga sinasabi nya, puro papuri, ok naman daw yung ginawa ko for the last 12 months. etc.. etc... comment nya lang daw, i must be more articulate. ang sabi daw kasi nung counterpart namin sa ibang bansa, ang tipid ko daw magsalita. Q and A lang daw ako. isang tanong, isang sagot. alangan naman? alangan namang sumagot ako ng dalawang beses e isa lang naman nga yung tanong. hehehe. kumbaga, magshare naman daw ako ng opinion, ng ideas about the topic we are talking about. sa phone lang naman kasi kami nagkakausap nung si C**l*s, e yun nga daw ang comment. di ko lang masabi, e hindi sya nakakaintindi ng tagalog eh, kaya limited lang ako magsalita... hehehehe. yan kasing ingles na yan, akala mo kung sino. pag magaling ka bang mag-english, magaling ka nang tao? e kung sa US ba ako ipinanganak, e di ang galing ko rin sa english. lahat ba ng amerikano matalino? syempre, may mga may sayad din sa mga yan, pero marunong ding magenglish. hehehe. syempre, dun sya lumaki, kahit retarded, basta amerikano, mag-eenglish at mageenglish yan.

minsan, nakakaasar itong mga taga call center na nakakasabay namin sa elevator, aba e mga pilipino naman, e mag-uusap lang sa isat isa ay english pa. parang tanga. lalakas pa ng boses sa elevator, ang dating sa akin ay ipinagyayabang nila na marunong silang mag-english. pero di sila marunong ng elevator etiquette. ang iingay! kung mag-eenglishan sila, e dun na lang sana sa office nila, wag naman sa elevator. para silang walang pinag-aralan.

Friday, June 03, 2005

death

now, let me center my discussion on death. they said that it is the ultimate equalizer. rich or poor, famous or unknown, everyone will die. but do you believe that God already planned when are we going to die? others say that if it is already your time, then, there is nothing you can do. just like when the pope died, the whole catholic world prayed for his recovery, but nothing happened. when God wants you, He will take you when it is the right time. the problem is that we don't know exactly when we are going to die. even a healthy person cannot assure that he will live longer. there are many causes of death. the problem is that we only live once, unlike in video games where a person can have 3 lives, here, once you are dead, then you are gone forever. you cannot do anything once you are dead, all your plans are gone, everything. you cannot correct the mistakes you made when you were still alive. you cannot let others feel the love you have for them when you are already dead. that hidden desire will forever be hidden if you died. so, before anything else happened, before your death comes, correct every mistakes you made and love the persons you love with all your heart. and it should be done immediately, imagine everyday as your last day on earth, because we really don't know when death will come, unless this site is accurate.

that's all folks!

payscale

i took the time to fill-up every details needed on this site to know whether i am properly compensated or not. see the result here.

Thursday, June 02, 2005

wrong info?

kakabadtrip itong equitable PCI bank. nagpunta ako sa branch nila dito sa malapit sa office para magenroll sa internet banking facility nila. may account kasi ako sa batangas branch. pagdating ko doon, ang sabi, "sir, hindi ho pwedeng dito kayo magenroll. dapat sa branch nyo sa batangas." sabi ko, "bakit ganun, e sabi sa internet, any branch." baka daw mali lang ang basa ko, talaga daw kung nasaang branch yung account mo, dun ka mag-eenroll ng internet banking. so umalis nako. mali ba talaga pagkaintindi ko? let me quote them...

"Please open and complete the Enrollment Form that will appear after clicking the “I AGREE� button, print and submit this to any branch to enroll. "

dito ko yan kinuha. Tanga ba talaga ako sa English? Or sila yung tatanga-tangang nagpublish ng maling information???

Wednesday, June 01, 2005

594

Pattern 594. The bug that hit trendmicro users... ang matindi pa nito, kaya hindi naregular ang kaibigan ko sa trendmicro, dahil dyan! no, hindi po sya ang gumawa nung pattern file. pero take note, sa pilipinas po ginagawa yung pattern files. yan ang sabi ng friend ko na itago na lang natin sa pangalang Ragnarok. hehehe. dahil dyan sa pattern file, bumaba ang value ng stocks ng trend micro sa stock market, natural, antivirus company, nagbigay ng pattern file that acted like a virus??? syempre, big blow sa kanila yan. since bumaba yung value, humina ang kita, nagcost cutting. ayun, dapat regular na sya sana, kaso nga, dahil sa 594, contractual pa rin sya.

malaki ba talagang issue yan? see these links... link1, link2.

yun lang, uuwi na ako!

migration

nakachat ko nung isang araw ang isa sa iginagalang ko at pinagpipitaganan pagdating sa larangan ng IT, sino pa? e di yung nagbigay sa akin ng "break" para makapasok sa IT world after i decided leaving the academe and was rejected by numerous companies for 5-month period of my job hunting days. one of the topics that we have touched was about migration. ang dami kasing gustong magmigrate, kahit sya, they are planning to migrate to canada. here is a snippet of our chat:

marhgil : ic, bakit kayo lahat, gusto magmigrate? ako, walang kabalak-balak
*lon* : hmmm..projections mo para sa magiging anak moh
marhgil : i prefer seeing them grow here, sa pilipinas.
*lon* : will see.
*lon* : 5 years fr now
*lon* : kung ganun pa din yung naiisip moh.
marhgil : tingnan natin...

it seems that one of her reasons for migration is the future of her daughters and/or sons. hmmmm. sabi ko nga sa kanya, i prefer seeing my kids grow here in the philippines. but let me elaborate on the subject... i don't know if this will still be my stand after 5 years... sabi ko nga, tingnan na lang natin.

bakit wala akong kabalak-balak magmigrate? una, mas masaya dito sa pilipinas. kahit saan ka magpunta, you don't need any documents to prove that you are legally staying here. dito, tayo ang boss. ito ang bansa natin, bakit ko iiwan? siguro, pede akong magtrabaho sa ibang bansa (but as much as possible, i will not) pero to totally migrate and live there, hindi siguro. andito ang mga kamag-anak ko, bakit ko sila iiwan? sabihin na nating may magandang kinabukasan dun, dito ba sa pilipinas, wala? kanya kanyang diskarte lang yan, kung mali ang diskarte mo sa buhay, kahit saan ka pa manirahan, hindi ka uunlad. pero kahit andito ka sa pinas, kung may direksyon ka at may goal ka, maaabot mo rin ang iyong mga pangarap. ang dami kong kilala doon sa batangas, yumaman, umunlad ang buhay, pero ni minsan, hindi pa nakarating sa ibang bansa. ni hindi nga marunong mag-internet. sabi ko nga dati, STS lang yan... Sipag, Tyaga at Swerte. Sipag at tyaga, nasa tao yan, yung Swerte, ang magbibigay nyan, ang Dyos, kailangan lang, marunong kang tumawag. so far naman, in my 25 years of living, kahit may mga pagkakataon na minamalas ako, mas lamang pa rin ang swerte sa buhay ko. so, that's the reason. why will i migrate? e kaya ko pang umunlad at mabuhay ng maayos dito sa Pilipinas?

Adios.

dugo

nakakatakot palang magpasalin ng dugo, dapat talaga, kilala mo yung donor. kahit red cross sa canada, nagkamali. 3000 na yung namatay since 1980 dahil sa dugong may HIV na nanggaling sa kanila. kawawa naman ang mga yun, ang tanging nasabi lang ng red cross, sorry. see details here.

stocks

speaking of stocks, read this! see how Microsoft's stock holders benefited from Microsoft... grabe, daming pinayaman ni Bill Gates! stock options... stock options... abot kamay ko na, pero di pa ipagkaloob, kelan kaya? nakalimutan na yata, pustahan, pag may nagresign, mababanggit na naman.

extra traffic

this blog entry and www.metaeureka.com are giving this blog some extra traffic. most traffic came from that site if someone search using the keywords "nude photos." hehehe, daming maniac sa mundo. nabanggit ko lang naman yung words na yun because of that yahoo lawsuit news.

yun lang. kakagaling ko lang sa meeting. daming gagawin, need to prepare for my jordan trip. geh, bak to work.