Monday, August 07, 2006

post na walang pamagat

nagreset na yung bandwidth count ng fileden, woohhooo! pero para hindi na maulit yung bandwidth exceeded, inalis ko na yung autostart sa mediaplayer ko. kung gusto nyong marinig yung mp3 music, just click the play button. hindi na yan kusang tutugtog unless iplay nyo. madali namang hanapin yang media player ko. bulag lang ang hindi makakakita. hehehe.

o, para maengganyo kayong pindutin yung play, nag-upload ako ng bagong mp3. hindi muna ako magpopost ng lyrics, bukas na, tinatamad pa eh.

kung gusto nyo ng "blogtimized" template para sa blogger blog nyo, daan lang kayo doon sa blogtimizer para malaman nyo kung paano makakuha. libre lang ito.

sige, magtrabaho na muna ako.

yun lang!

Friday, August 04, 2006

bida ang smart

kung kahapon ay magandang publicity ang nabasa nyo tungkol sa smart, ngayon ay mukhang hindi sila masisiyahan sa isusulat ko.

natuloy ako kahapon sa pagpunta sa Smart Wireless Center doon sa tapat ng La Salle Taft at doon ko nakuha ang aking bagong SIM card. Doon kasi ako pinapunta ng Smart Wireless Center Robinson's Manila branch dahil doon daw may available na SIM. Ipinagreserve na daw nila ako. I submitted the following documents: Affidavit of Loss, 2 Valid ID (SSS ID and Driver's License ID) and Proof of Ownership (Smart Money Card). Nagbayad ako ng Php 99 para doon sa bagong SIM, tapos, ang sabi sa akin noong Customer Care Representative nila, within 2 hours daw, magkakaroon na yun ng signal.

lumipas ang dalawang oras. wala pa ring signal. SIM Card registration failed. yan ang error. meaning, hindi pa rin ayos yung registration nung SIM Card dun sa system nila. (parang pinaikot ko lang ah). ok lang sa akin. isip ko, talagang ganyan, Filipino time, siguro naman, mamaya, ok na ito. lumipas ang isang oras pa. alas diyes na ng gabi. aba, at wala pa ring signal. same error pa rin. ilang beses ko na pinagpatay-buhay yung cellphone ko, wala talaga. So, siguro naman, reasonable na para tumawag ako sa Customer Care nila. using other SIM card syempre, i dialled *888, their toll-free hotline number.

babae ang nakasagot ng tawag ko. ikwinento ko ang nangyari. pinaghintay ako ng 2 minutes on hold dahil ichecheck daw nya sa technical support nila. after 2 minutes, binalikan nya ako. kinuha yung mga numerong nakaprint sa likod ng SIM card ko. kinuha yung location ko. tapos, pinahintay ulit ako ng another 2 minutes on hold. pagbalik nya, sabi nya, ginawan daw nya ng report sa technical. tapos, kinuha yung contact number ko so that they can contact me kung may tanong pa sila sa akin. tapos ang usapan, hang-up. natulog na ako expecting na paggising ko kinabukasan, kapag naikabit ko na ang SIM card, may signal na ang cellphone ko.

kaninang umaga, around 6:30AM. syempre, chineck ko muna yun. aba, same error pa rin. SIM card registration failed. agang-aga, tawag ulit ako sa *888. babae ang nakasagot, shirley daw ang pangalan nya. ikwinento ko ang nakaraan, at ang sabi sa akin, kung natry ko raw gamitin sa ibang cellphone. eh hindi ko pa nga natry, so, sabi nya, itry ko muna sa ibang cellphone, tapos tawag ulit ako. pinatest ko sa cellphone ng kasama ko sa boarding house. wala ring signal.

tawag nga ulit ako. ibang agent ulit ang nakasagot. lalake naman, hindi ko matandaan ang pangalan. tapos, parang engot. kung sigurado raw ba ako na same number yung kinuha kong SIM. pinagmumukha nya pa akong tanga. kailangan ko pa ba ng affidavit of loss kung kukuha lang pala ako ng ibang number? hello! pinaghintay nya ako ng 2 minutes. nakita daw niya yung report kagabi, at ayon daw doon sa report, wala naman daw problemang nakita yung technical nila. huh?? ganun? at hindi man lang nila ako tinawagan kung wala nga talagang problema? they closed the issue without my confirmation! ang pinagawa naman nito sa akin, ikabit ko raw sa ibang cellphone yung SIM card ko, tapos, patawagan ko raw yung number ko para magregister sa system nila ang bagong transaction. kailangan lang daw magkaroon ng transaction para maactivate yung SIM. eh di sunod rin ako. kaso, dahil nga walang signal, alangan namang makontak ko yun? ang sabi ng system nila, out of coverage daw.

tawag ulit ako. babae naman ang nakasagot. iced daw ang pangalan nya. ikwinento ko na naman ang aking nakaraan hanggang doon sa suggestion nung lalakeng agent. sabi ko, patatlong tawag ko na yun ngayong umaga. hayun, inihold na naman ako for 2 minutes. kumontak daw sya sa technical support. pagbalik, kinuha na naman yung number at location ko. tapos, sabi nya, gagawan daw nya ng report. sabi ko, bagong report na naman? pwede bang iupdate na lang nila yung report ko kagabi? kasi nga, hindi pa naman nasolve yun. i know these kind of systems, syempre, new report, eh di mapapalagay na naman yan sa dulo. sabi pa sa akin, within 24 hours daw ang response time nila. ipagpilitan ba sa akin na bagong report daw yun? yung kagabi raw ay activation request, at yung ngayon daw ay activated na, kaso, may error pa. sabi ko, i did not make an activation request last night. it's a complaint already. dahil yung activation request ay hindi ko kailangang iinitiate after 3 hours na makuha ko yung SIM card. activation request should be done by Smart Wireless Center na binilhan ko nung SIM, di ba? pilit ko mang ipaupdate yung dating report, e closed issue na raw yun. (sa taga Smart, hello! bakit nyo ikiclose ang isang issue ng walang confirmation ng customer? mga engot ba kayo??) kaya hayun, pumayag na lang ako na bagong report. kinuha ko yung report number at ifofollow-up ko na lang sa e-mail ngayon.

ngayon, alas dyes na, tatlong oras na naman ang nakalipas. wala pa rin akong signal. ang saya saya! mamaya, mag-eemail ako, kasama sa e-mail ang link ng post na ito. hahaha! para naman makita ng mga taga Smart na bida sila sa blog ko ngayon. kung may choice lang sana ako eh, hindi ako magtatyaga sa inyo. smart lang kasi ang may matinong signal doon sa barangay namin sa batangas eh.

yun lang!

Update (12:00PM) : Sa wakas, hindi ko na kailangang magemail. nagkaroon na rin ng signal! Salamat sa mga nakakulitan kong tech support ng Smart! Sa uulitin!

Thursday, August 03, 2006

smart sideline

mamaya ay makukuha ko na ang aking bagong prepaid Smart SIM card with the same number nung nanakaw kong SIM kasama nung cellphone. kung meron lang sana kahapon na available sila ay nakuha ko na sana, kaso, wala daw kaya ipinagpareserve pa nila ako. it's nice to know na yung prepaid SIM card pala ng Smart ay pwede mong maretain ang number kapag nanakaw yung SIM. yun nga lang, kailangang gumagamit ka ng Smart Money para magrant yung request mo. Ginagamit ko lang naman yung Smart Money ko sa sideline kong prepaid pinoy. kaya doon sa mga retailer ko, bukas, tuloy na po ulit ang business nyo, pero hintayin nyo muna ang text ko bago kayo magdeposit ng pera, ok? pasensya na kung medyo natagalan bago ko naayos at medyo may katagalan talaga.

kung meron sa inyong interesadong makisideline doon sa sideline ko, open pa rin ako. ang dami rin kasing retailer ko na tumigil na dahil hindi marunong magbenta, lahat na lang, ipinautang, hindi naman pala makulit maningil. kaya hayun, naubusan ng puhunan. kaya nga prepaid eh, bayad muna bago gamit, tapos, ipapautang nila. buzz me na lang sa yahoo kung interesado kayo. andyan sa sidebar ko, makikita nyo naman kung online ako.

patalastas: may bago sa textmates!

yun lang!

Wednesday, August 02, 2006

kalokohan?

wala daw nagkapera sa Google Adsense. isang malaking kalokohan lang daw ang paglalagay ng advertisements sa mga blog, yan ang malimit na mabasa ko, lalo na doon sa mga nagmamagaling na mga reviewer ng blog ng may blog. kalokohan nga lang ba? wala ka ba talagang kikitain? basahin nyo na lang ang post ko doon sa blogtimizer. permalink is here.

agosto na, at sa august 6, anim na buwan na ako dito sa aming kumpanya. hmm, maregular kaya ako? abangan. malapit na rin ang birthday ko. sana, may magregalo ng cellphone. hahaha!

yun lang!

Tuesday, August 01, 2006

aalog-alog

nung saturday night, nakapanood ako sa abs-cbn ng aalog-alog. siguro, sa mga tagalog at sa mga hindi nakakaintindi ng bisaya, walang katawa-tawa doon sa napansin ko. pero sa mga bisaya, i'm sure, natawa din sila, or maybe, naasar kung nanonood ang mga anak nilang below 18 years old. alin yun? yung si gerald, tinawag ni pokwang na jerjer nung maging magsyota sila. as in... buong eksena, puro jerjer at jerjer na lang ang maririnig mo. e ano ba naman ang salitang jerjer? ano bang ibig sabihin nun sa bisaya? itanong nyo na lang sa mga kababayan nating bisaya. at hindi ko alam kung bakit nakapasa yun sa mtrcb. dahil wala namang ibig sabihin? will you react kung ang pangalan ng isang character sa tv, bulbulito bayagbag?? (i got this name from a joke from my officemate)

yun lang!

kasal na palipat-lipat

natuloy ang kasal ng pinsan ko with my car as their bridal car last sunday. isa lang daw kasi ang oposisyon eh, yung tiya kong sobrang mapamahiin. and since yun ang gusto ng ikakasal at wala namang kumontra sa magkabilang panig maliban na nga dun sa tiya kong isa, wala syang nagawa. ako ang kanilang naging driver papunta sa simbahan. hindi ko pa ma-upload yung picture, kasi naman, medyo low tech ngayon ang cellphone ko, walang memory card support, infrared lang ang way para mag-upload ng picture sa computer, eh wala naman akong infrared sa computer ko. kaya imagine nyo na lang muna yung kotse ko na naging bridal car. talagang pinicturan ko sya, kasi, minsan lang mangyari yun. ewan ko kung may kukuha pa nun sa susunod.. hehehe.

medyo matagal ko nang gustong iblog to, pero ngayon ko lang maiblog, kasi, naging busy ako last week sa pag-aayos ng aking nanakaw na yahoo id. last week kasi, lumipat na kami sa bagong office. mas malaki, mas malawak, mas maganda ang pwesto ko. kung dati ay pagpasok ng bisita sa main door, kitang kita nya kaagad ang ginagawa ko sa pwesto ko, ngayon, hindi na. nasa isang sulok na ako ngayon. hehehe. napansin ko lang na mula nang mag-umpisa akong magtrabaho, lahat ng kumpanyang napagtrabahuhan ko ay nagrerelocate. una, yung AMA Batangas. months after my resignation, lumipat sila doon sa may Alpa Hotel at ngayon, andun na sila sa Caedo Commercial Center sa Batangas City. Ikalawa, yung dati kong kumpanya na during my job application, umexam ako sa isang office at nung interview, lumipat na sila sa kabilang building. and months before I resigned, nagrelocate ulit sila from one unit to another. Tapos ngayon, ang present employer ko... kita nyo, lumipat din. Hmm, may pattern ah. Hindi lang ako ang palipat-lipat, yung mga kumpanyang aking nilipatan, nagpapalipat-lipat din.

yun lang!

Monday, July 31, 2006

umuulan

natuloy po ang aming EB, though sa halip na grand EB, naging mini-EB dahil tatlo lang kaming blogger na nagkakitaan sa mata. hindi nakarating yung iba due to some reasons. hala! kayo na po ang bahalang magpaliwanag kay insan! =) anyway. kahit tatlo lang kami, ok lang, the EB must go on. hehehe. hindi na ako magpopost ng pics, dahil meron nang post doon sa kabila, magdodoble-doble pa. hehehe. basahin nyo na lang ang post ni pao doon sa mansyon. click here. magpopost din daw si jamie ng kanyang pictures, so abangan nyo na lang. wala akong maipost na pics dahil wala akong digicam at nanenok yung cellphone ko. kaya hayun, doon na lang nyo busugin ang inyong mga mata sa mga post nila. =)

updates... ibinalik ko na yung shoutbox. pinalitan ko, kasi, yung sa saybox, naglagay sila ng pop-up advertisement. i hate pop-ups, kaya pinalitan ko ng cbox.

nagpost ako ng bago sa blogtimizer at tinapos na yung bitin ko raw na kwento. hehehe.

yun lang!

Friday, July 28, 2006

kukote will meet the beauties

friday na naman! at maaga akong mag-oout dito sa office. bakit ka 'nyo? because tonight, kukote will finally meet the beauties, in person! yep, may grand EB kami! kita kits na lang sa mata!

happy weekend everyone!

Thursday, July 27, 2006

magpakailanman

nakakapanood ba kayo ng Magpakailanman ni Mel Tiangco sa channel 7 tuwing Thursday ng gabi? Obviously, ginawa yun pangtapat sa Maalaala Mo Kaya ng channel 2. Right? Tapos, biglang umiwas ang channel 2 at inilipat yung Maalaala Mo Kaya sa Friday. Magaling naman yun para hindi palipat-lipat ng channel ang manonood, pareho ngayon nilang mapapanood ang mga ipinapalabas nila.

Pareho pa silang may gimik. Ang Maalaala Mo Kaya, pahulaan ng title. Kasi, kakaiba silang magpamagat ng kanilang episode, sa katapusan sinasabi ang title. Ang Magpakailanman naman, aabangan mo kung sino sa mga characters ang magsasabi ng magic word na Magpakailanman. Hehehe. Naisip ko tuloy, para pala mapafeature sa Magpakailanman ang buhay ko, kailangan, ginagamit ko ang word na yun. Hehehe. Kasi, kung hindi ko gagamitin, eh di nagsinungaling sila kapag ipinalabas na nila yung buhay ko tapos magsasalita ako ng "Magpakailanman". Hehehe. Kaya ngayon, from time to time, kapag may masaya or malungkot na nangyari sa buhay ko, dapat, gamitin ko ang word na yun. Example: Sh*t, naloko ako ng dura boys! Nasalisihan ako. Hindi ko kayo tatantanan hangga't hindi kayo nahuhuli ng pulis! Ipapahanap ko kayo, Magpakailanman! O eto pa... Andito lang ako, walang indianan! Maghihintay ako, magpakailanman! At kung ano-ano pa! Hay, kung ano na naman naisip ko. Hehehe.

Anyway, since napag-usapan na rin ang Magpakailanman, ang ganda ng kantang ito ng Rocksteddy. Hindi ito ang theme song nung kay Mel Tiangco, nagkataon lang na pareho ang title. Hehehe. Kung gusto nyo ng mp3, hanapin nyo sa digital pinoy. Hayan yung lyrics.

Magpakailanman
Rocksteddy

Darating din ang araw
Na tayo’y tatanda
Babagal ang mga paa
At manlalabo ang mata
Hindi mamamalayan
Ang pag-ikot ng mundo

Darating din ang panahon
Na malalagas ang buhok
Balat ay kukulubot
At makukuba ang likod
Hindi malilimutan
Ang pag-ibig ko sa’yo
Magpakailanman

Panahon ay lilipas din
Mga araw ay daraan
Ang mundo ay papanaw din
Ngunit hindi ang aking puso
Ngunit hindi ang pag-ibig ko sa’yo

Darating din ang bukas
Na tayo’y kukupas
Ang buhay ay magwawakas
Kasama ang gunita
Ngunit hindi malilimutan
Ang pag-ibig ko sa’yo
Magpakailanman

Panahon ay lilipas din
Mga araw ay daraan
Ang mundo ay papanaw din
Ngunit hindi ang aking puso
Ngunit hindi ang pag-ibig ko sa’yo

Habang buhay kitang mamahalin
Habang buhay kitang hihintayin
Habang buhay kitang mamahalin
Magpakailanman

Panahon ay lilipas din
Mga araw ay daraan
Ang mundo ay papanaw din
Ngunit hindi ang aking puso

Panahon ay lilipas din
Mga araw ay daraan
Ang mundo ay papanaw din
Ngunit hindi ang aking puso
Ngunit hindi ang pag-ibig ko sa’yo

Sa’yo
Sa’yo
Sa’yo
Sa’yo
Sa'yo
Sa'yo
Sa'yo


yun lang!

blogtimize!

meron akong bagong blog! na naman?? oo, na naman. naisip ko lang kasi na tutal, from time to time ay may nakikipag-YM sa akin na nagpapaturo sa pagboblog dito sa blogger.com, eh di gumawa na lang ako ng blog tungkol dito. para hindi ako paulit-ulit ng pagtuturo. hehehe. seperate blog para naman magkakasama sila, hindi nakahalo dito.

ang pangalan ng blog, blogtimize! and you can find it here. plano ko lang namang isulat dyan from time to time ang mga natutunan ko sa pagboblog, pati search engine optimization at adsense optimization na bago kong pinagkakaabalahan, isusulat ko rin dyan. wala lang. para meron akong online resource kapag may gusto akong gawin na nagawa ko na pero nakalimutan ko kung paano. online resource sa akin, online resource na rin sa inyo. basta, yun na yun.

wala pa namang masyadong nakasulat doon. umpisa pa lang eh. ginawa kong english yun, para naman mahasa din ang aking mga daliri sa pagpindot ng mga english words. hehehe. at para naman practice na rin sa akin, baka kasi mahawahan na ako ng mga thai eh. hehehe.

yun lang!