Wednesday, February 07, 2007

Ituloy Angsulong Ng Walang Hanggang Yakapan

Walang hanggang yakapan, the eternal embrace, yan ang headline sa Yahoo News kanina pagsilip ko sa Yahoo para makita kung pang-ilan na kami sa ituloy angsulong. Nagkataon lang naman na nakahukay ang mga archaeologists sa Italy nang dalawang skeleton na magkayakap, around 5000 years old na daw. Wow, paano kaya nangyari yun? Inilibing silang magkayakap? Ang sweet naman nun. Hindi pa lang matiyak kung babae at lalake ang skeleton, naku, kapag parehong lalake yun, magdiriwang ang mga bading. Hehehe. Proof na 5000 years ago, may brokeback na. Hehehe. Well, abangan na lang natin ang resulta. Basahin ang buong istorya ng kwentong ito dito.

Love is in the air. Magvavalentine's na nga. Kaya tadtad na ng valentine quotes yung textmates blog ko. Hehehe. In preparation for the valentine's day. Dadagsa na naman ang visitors sa blog kong yun sa February 14.

Ituloy Angsulong ng walang hanggang yakapan! Ituloy!

No comments: