Friday, September 29, 2006

Moblogging at glorieta

Kaninang umaga, palaisipan sa akin kung paano ako papasok. Brownout pa rin kasi at wala pa ring tubig. Alangan namang pumasok ako nang di naliligo. Around 8am, nakarinig ako ng lagaslas ng tubig. May tubig pa pala yung tangke dun sa boarding house namin. Hayun, naghakot kami ng tubig, kaya nakapasok pa rin ako. Pagdating sa office, brownout pa rin, at mukhang hindi pa magkakakuryente sa dami ng mga natumbang poste ng meralco. At dahil sa wala din naman kaming magagawa kapag walang kuryente, pinauwi na rin kami. Andito ako ngayon, sa glorietta, nakatambay. At least, aircon dito. Mamayang gabi, uuwi na ako sa batangas, kasabay ko si penoi. May kuryente na kasi sa opisina nila. Hintayin ko na lang syang lumabas para may kasabay ako pag-uwi sa batangas, mahirap din kasing magdrive ng solo. "Moblogging" pa rin ako
ngayon.

yun lang!

Thursday, September 28, 2006

Hagupit ni milenyo

Grabe, ang lupit ng bagyo. Ang daming sinira, ang daming winasak. Ang daming punong natumba at billboard na nagbagsakan. May isa pa ngang bus dun sa may magallanes ang nabagsakan mismo ng billboard. Ang dami ring naestranded na pasahero. At ang matindi, buong Luzon, nagbrownout! Tinamaan daw yung Luzon grid ng Meralco, at ang sabi sa balita, it will take 45 hours bago maibalik ang kuryente. Ang init nga dito sa boarding house ngayon, walang kuryente, wala pang tubig! Bukas, walang pasok ang mga estudyante, public and private. Yung mga empleyado ng gobyerno, wala ring pasok. Pero kaming nasa pribadong sektor, back to normal na bukas. Sana lang ay magkakuryente na dahil hindi naman de-pedal yung computer namin sa opisina. Hehe. Sige, adik talaga ako sa pagboblog. Gprs ulit gamit ko eh, at nakinig ako ng news sa radyo.

Yun lang!

bagyong milenyo at angel locsin

Mobile blogging. Yan ang trip ko ngayon dahil wala akong pasok. Signal number 3 kasi, andyan ang bagyong milenyo. Ang problema, brownout dito. Wala ring magawa. Im posting this using gmail account na inaccess ko via smart gprs. Hehe. Hayan, libre advertisement na naman sila. Mahaba haba rin pala ang pwede kong ipost dito. 1000 characters eh. Nasa kalahati pa lang ako. Maipost kaya ito? Tingnan ko na lang sa computer shop mamaya kapag tumila na ang ulan. Baha kasi dito sa harap ng boarding house namin. Pero kanina lang, lumabas kami ni penoi, andito kasi malapit sa amin, may commercial shoot si Angel Locsin! Ang daming tao lang, kahit bumabagyo, naglabasan kami sa lungga namin, makita lang si Angel. Hehe. Kaso, busy pa sya, hindi kami pinapansin.


Hehe. Ok lang. Sige, mag-almusal muna ako!

Yun lang!

Wednesday, September 27, 2006

Chinese Herbs for Diabetes

By Farah Khan

In Chinese Medicine, diabetes is considered to be a condition of disharmony in the body called Wasting and Thirsting Syndrome. Diabetics can often experience symptoms of severe thirst and hunger while losing weight. The ancient Chinese noticed these tendencies, and identified the condition according to its external symptoms, in spite of the fact that they could not determine a person's blood sugar levels at the time. There are many Chinese herbs that have been traditionally used for Wasting and Thirsting Syndrome. The beneficial effects of these herbs for diabetics are now being borne out by modern research being done in China.

One Chinese herb that shows promise in the treatment of diabetes in called mai men dong or ophiopogon. Research done in China has demonstrated that it can potentially stimulate regeneration of cells in the Islets of Langerhans in the pancreas. The cells in this part of the pancreas are responsible for the proper production of insulin, and therefore the proper processing of blood sugar in the body. Stimulating regeneration of these cells can potentially reverse diabetes in adult-onset diabetics.

Another Chinese herb that shows promise for people with high blood sugar is tian hua fen or trichosanthis. Tian hua fen has been shown to reduce blood sugar levels in Chinese research studies. It is very commonly used in herbal formulas for diabetics. Other commonly used herbs include astragalus and Chinese wild yam.

An Asian vegetable which is also used as an herb, called bittermelon, or momordica charantia, has also been shown to lower blood sugar levels in diabetics in studies done in China and in Thailand. This vegetable also may have antibacterial and antiviral properties. In Asia, it is being considered as a potential treatment for AIDS, HIV, and hepatitis C.

There are also other Chinese herbs that can be useful for the many symptoms associated with diabetes. The Chinese herbal formula Ming Mu Di Huang Wan is used in China for the vision problems that diabetics often experience. Other herbs can be used to improve blood circulation and stimulate healing. This can be very beneficial since diabetics often heal more slowly from cuts, wounds, and other injuries and also because they tend to have poorer circulation. Many of these herbs may be beneficial for diabetic neuropathy. Diabetics often have nerve pain or uncomfortable nerve sensations that can be alleviated with the use of herbs. Acupuncture can be beneficial for this as well.

As you can see, although the ancient Chinese could not easily monitor blood sugar levels in diabetics, many of the herbal treatments they used for people who exhibited the symptoms of this condition are being shown to be effective in modern research trials in other countries.

If you are diabetic and you are taking medication to control your blood sugar levels, it is best to have your blood sugar monitored while taking these herbs, and have your doctor adjust the dosage of your medications accordingly, so your blood sugar doesn't drop too drastically. It is likely that you will eventually be able to taper off of the herbs and medication, until you can control your disease primarily through diet and exercise.

Dr. Farah Khan, DOM is a Doctor of Oriental Medicine practicing in Albuquerque, New Mexico. She offers information and products related to different health conditions at her web site at http://www.yinessence.com. Her product, GlucoSupport, can be found at http://www.yinessence.com/catalog/item/1142101/1374330.htm.

isulong seoph

dahil nalalapit na ang pagtatapos ng isulong seoph contest, heto, at humahabol ako ng link. gusto ko lang namang tulungan si major. kasi naman, nung icheck ko, nasa 4th place sya. konting tulong pa, mga kaberks at kablog. alalahanin, magpapablow-out daw si major kapag nanalo sya. hehehe. kaya heto, todo campaign ako ngayon. help major win the isulong seoph contest. paano? gawa kayo ng post na ganito. dali, kahit icopy paste nyo na lang ito. hayan, kalat dyan ang link ni major, puro isulong seoph. isulong seoph, isulong seoph. ang saya saya. kung tutulong kayo, dapat ngayon na, kasi, 3 days na lang. para abot pa, may time pa na maindex ni papa google. hehehe.

so heto na ang huli kong tulong kay major: isulong seoph. isulong seoph. isulong seoph!

smart gprs

dati, i used smart gprs for checking my yahoo mail kapag emergency lang. yun bang may hinihintay na e-mail at tinatamad akong magpunta sa internet cafe. sira kasi ang computer ko sa bahay. medyo mahal kasi noon ang gprs, per kilobytes yung rate nya. 25 centavos yata per kilobyte. kaya minsan, magcheck lang ako ng e-mail for 5 minutes, 30 pesos na kaagad yung nabawas sa load ko. naka-off pa yung images nun, puro text lang talaga.

well, here is the good news. kagabi ko lang nalaman, pero since May 1 pa pala naimplement ito. 10 pesos / 30 minutes na ang rate ng gprs nila. regardless of how many kilobytes yung nadownload mo, 10 pesos lang for 30 minutes. medyo ok naman yung speed nila, wag nyo lang icocompare sa dsl. hehe. so, kagabi, sinubukan ko magcheck ng e-mail sa yahoo, and even chat on yahoo messenger on my phone. sa 30 minutes, nabasa ko nang lahat yung e-mail ko at nakapangumusta pa sa online friends ko. ok na ok. sampung piso lang.

for more details on setting smart gprs on your phone, visit this. hayan, nakalibre advertisement na naman ang smart sa akin. kelan kaya nila maiisip na magbayad sa blogger para iadvertise sila? hehehe.

yun lang!

Tuesday, September 26, 2006

1st philippine blogcon

natuloy ang blogcon, at syempre, umattend ako. umattend kami ni penoi. medyo kabadtrip lang dahil yung aking circle of friends na nakalistang darating ay hindi dumating. hayun, ang nangyari, medyo OP kami ni penoi, kasi naman, mukhang magkakakilala na silang lahat. hehehe. pero ok lang, ang sarap ng foods, wantusawa ang iced tea, at ang dami kong natutunan, at lalo akong nainspired sa blognetization. anak ng teteng, kung nalaman ko lang sana yang adsense na yan noon pa, eh siguro eh kasing yaman na rin ako ni yuga. hehehe. anyway, huli man daw at magaling, nakakahabol rin. nakita ko naman sa graph na ipinakita ni yuga, i'm following their track. hehehe. andun kasi, after 3 months, nakaabot ng P5000 yung earning nila sa adsense eh. so, tama lang, 3 months pa lang naman ako.

yung tips ni seo guru, ok na ok. yun nga lang, puro sa wordpress yung tips nya. hehe. pero ok lang, medyo napag-aralan ko na naman itong Blogger and I already implemented some of his tips. sa mga blogspot user na umattend, you can check my blogtimizer blog para malaman kung paano gawin yung mga tips na sinabi ni marc. tweaking the title tag, you can read it here. yung tungkol sa description meta tags, gagawan ko pa ng post, pero na-implement ko na rin dito at sa lahat ng blog ko. you can check my meta description and you will find that they are already unique on each page. heavy internal linking, hindi ko alam kung gaano kaheavy yung internal linking ng blogspot. hehehe. pero for putting related posts, there is a hack here. yun nga lang, hindi sya kasing galing nung related post ng wordpress. as i see it, yung title lang ng post ang tinitingnan nya eh, kapag may magkapareho, related post na daw. anyway, better than nothing, di ba? hehehe.

anyway, salamat sa nakaisip nito, salamat sa sponsor at salamat sa lahat ng speakers for giving us inspiration to keep on blogging. salamat sa inyong mga tips.

pictures? hanap na lang kayo dun sa blog ng mga umattend. hehehe. wala akong camera eh.

napansin ko lang... si marc at si yuga, parehong kalbo. parang gusto ko na ring magpakalbo ah. hehehe.

yun lang!

Update: naupdate ko na yung blogtimizer about tweaking the meta tag description. just follow the link ;)

Monday, September 25, 2006

blog money

there's an interesting article on the business world weekender about blogging. doon ko nalaman na si abe of yugatech is earning $100/day sa Google Adsense, or $3000/month! Lupet! That's P150,000 per month! putek, limang buwang sweldo ko na yun ah. read the article here. kaya naman tuloy ang aking blogtimization, hehehe. $142 na yung kinita ko mula nung magblogtimize ako last june... and traffic is increasing pa rin. maximum earning ko in a day was last friday, $8 lang naman. sana, araw-araw, $8, hehehe. kaso, hindi pa, sinwerte lang nung araw na yun. sa last week ng november, matatanggap ko na ang first Google Adsense paycheck ko, amounting to P7000+, depende kung hanggang magkano ang kikitain ko pa till the end of this month.

yun lang!

Friday, September 22, 2006

wapot avatar blogcon picasa

nakablock ang chikka dito sa aming office. pati na rin ang gmail at yahoo mail. buti na lang at yung Blogger ay buhay pa rin. hehehe. anyway, kung iboblock ang blogger, i can still post by sending e-mail.

i found an alternative to chikka na hindi nakablock sa aming office. At mas mura sya sa chikka, piso lang or kung naka-unlimited ka, libre lang ang reply. May iba't iba silang access numbers. Kung smart number yung pinadalhan mo ng text, sa smart sila magrereply, so, pasok yung unlimited. Kung globe yung pinadalhan mo ng text, globe number naman yung rereplyan nila, kaya unlimited rin. Meron din silang access number sa TM at Sun. At wala pang limit to the number of text messages sent per day! Wala kang iinstall na software sa computer mo. Too good to be true? Eh di subukan nyo. Click here. Dapat, bayaran nila ako sa advertisement. hehehe. Ok lang, nakakalibre naman ako ng text. Kapag dumami ang gumagamit, ewan ko lang kung kayanin ng server nila. Tingnan na lang natin, hehehe.

sa kakablog-hop, nakarating ako sa forum ng the man blog at natawa ako sa forum nilang ito! pabadingan ng yahoo avatars.

ang dami na palang aattend ng blog con sa monday. nahihiya tuloy ako. pakapalan na lang ito ng mukha. hehehe. sa mga aattend, kita kits na lang sa monday. bawal ang isnabero. hehehe.

sa mga photoblogger na gumagamit ng latest version ng picasa. try nyo i-press ang Ctrl+Shift+Y. May lalabas na teady bear.

yun lang!

Thursday, September 21, 2006

interview with textmates

feeling celebrity, kunwari, ininterview ako ng taga Philippine Web Awards. Hahahaha!

Bakit textmates ang title ng blog mo, eh puro text messages naman ang nakasulat, wala naman akong makitang pwedeng textmates? Ganito kasi yun, saan ba kayo kumukuha ng mga forwarded text messages? Hindi ba, sa mga textmates nyo? So, yung blog na yun, sya yung textmates nyo sa internet. hehehe. kaya kapag may nagtanong sa mga readers ko kung saan nila kinukuha yung text messages nila, simple lang ang sagot. "sa textmates ko sa internet."

Bakit walang categories yung text messages mo? Una, hindi kasi supported ng Blogger ang categories, at tinatamad akong maglagay. Isang paraan na rin yan to encourage my visitors to use the Google Search, di ba? Sayang naman yung paglagay ko nun doon kung hindi naman nila mapapakinabangan. Madali lang namang makita yung hinahanap nila. Kung gusto nila, friendly text, search lang nila, friend. Kung gusto nila, love quotes, search nila, love. Kung tungkol kay God, search nila God. Ganun lang kasimple. Magpapakahirap pa akong magcategorize, e andyan naman ang google to make our life better. Kung jokes hanap nyo, try nyong isearch yung =) usually kasi, nilalagyan ko nyan kapag natatawa ako. Idol ko si Google eh, kita nyo naman, bakit hindi nila kinategorize ang buong internet? Magpapakahirap pa nga naman kayong magbrowse... just type what you want and press search, at lalabas na ang gusto nyo.

Bakit 40 text messages per week lang ang ipinopost mo? Actually, hindi naman 40 lang yan, may mga pagkakataon, 50, meron naman, 5 lang, depende sa mood ko. Pero kalimitan na nga ngayon, 40 text messages per week. Bakit nga ba? Because life begins at 40. Matapos nyong mabasa yung 40 text messages for the week, umpisa na ng buhay nyo. hehehe. Wala lang talaga akong maisip na dahilan.

Bakit ganoon ang arrangement ng text messages? Ganun talaga, seryosong english muna, seryosong tagalog, tapos joke na english, joke na taglish hanggang sa balahurang tagalog jokes na sa dulo. Trip ko lang, para naman nag-umpisa kang seryoso, nagtapos kang parang loko. hehehe.

How many text messages do you receive in a day? Depende sa mood ng contributors. Kapag naka-unlimitext sila, hayun, pinauulanan nila ako ng text messages. Kada forward ata, kasama na yung number ko. Hehehe. On the average, 5 to 15 messages, pero kung kasagsagan ng unlimitext, minsan, nakakatanggap ako ng 30 messages in a day. Minsan nga, nagreply na ako, sabi ko, pwede, bukas na ulit, puno na inbox ko. Hehehe.

How do you encourage people to send you the messages? Wala lang, automatic na kasi yun sa kanila. Kapag natuwa sila sa blog ko at meron silang magandang message, ipinoforward na lang nila sa akin. Masaya na sila kapag nakita nila ang name nila or link ng blog nila doon sa contributors list. Yung mga text message na narereceive ko, usually, in 2 weeks time ko naipopost sa dami na ng nakaqueue. First come first serve kasi, and I also need to check for duplicates. I guarantee you, wala kahit isang text message doon ang magkapareho. Merong halos pareho, pero magkaiba pa rin.

What are your future plans? Kapag nareceive ko na yung first Adsense paycheck ko, parang balak ko nang magpasubhost. Ewan ko rin, bahala na.

How about publishing a book? I'm open for that. Why not, di ba? Pero kokonti pa yun eh. Siguro, after 1 year, kapag libo-libo na yung text messages dun, pwede nang gumawa ng libro. Tsaka ang dami ng text message book sa bookstore eh. Baka amagin lang yung aklat na yun.

Final words? Keep on texting and I will keep on posting.

yun lang!

Wednesday, September 20, 2006

sick leave, textmates at blogcon

bakit ba walang update ang blog na ito nitong nakaraang monday and tuesday? sapagkat ako ay absent na naman, ngayon lang pumasok. dalawang sick leave na naman ang nagastos ko. kakaasar nga. pero ok lang, at least, buhay pa ako ngayon, back to work, back to blogging.

after 3 months in operation nung textmates blog ko, sumikat na sya kaagad. averaging 300 page views per day and 150 unique hits. salamat sa tulong ng mga kaibigan ko sa yahoo, google at msn. hehehe. dahil sa mga search engine na yan, ang dami ko tuloy bisita sa blog na yun. totoo nga, na kapag search engine optimized yung website mo, dadami ang bisita mo. i found a similar blog doon sa philippine web awards, mga text messages din ang ipinopost nya sa blog nya, and he started last april pa! pero check his statistics, wala pang 3000 yung visitors nya. anong kaibahan? dahil ba mahilig lang ako sa blog hopping? nope, dahil nga po search engine optimized ang blog ko na iyon. number 1 na sya sa google at yahoo kapag sinearch nyo ang word na textmates. hehehe. sa msn, number 3 sya.

naghire ako ng public statistician... hehehe. para makita nyo naman na totoo ang pinagsasasabi ko dito. nag-umpisa syang maggather ng statistics last september 12 lang. one week pa lang ang nakalipas, pero makikita nyo na doon kung gaano kaeffective yung search engine optimization. you can view the statistics here. Ang galing nila, may pie graph pa if you view the Breakdown for a day, a week, a month or a year. Libreng tools lang. hehe.

Sige, magtatrabaho muna ako. Sya nga pala, if you want to meet me in person, sali kayo sa Blogcon. See details here.

yun lang!

Friday, September 15, 2006

todo tipid

byernes na naman! TGIFAS! Thank God It's Friday And Swelduhan! hehehe. nakahinga rin ako ng maluwag. nito kasing nakaraang dalawang linggo, talagang lahat ng klase ng pagtitipid ay ginawa ko magkasya lang ang budget ko. paano naman kasi, nagkasunod-sunod ang gastusan. blow-out sa birthday, gastos sa gasolina dahil sa ilang beses na pabalik-balik sa batangas nung lamay ng lola ko, at ang matindi, nakaltasan ako ng 1 day salary ko dahil hindi ko pala naifile yung birthday leave ko. as in, saktong sakto lang talaga yung sweldo ko sa mga gastusin ko, nabawasan pa. eh nahihiya naman akong humingi pa ng pera sa bahay, kaya hayun, todo tipid.

kung dati, kumakain ako sa kenny roger's bago umuwi sa boarding house, nakuntento na lang ako sa skyflakes bilang hapunan. minsan, punta rin ako sa jollibee, kung dati, supermeal ang inoorder ko, ngayon N3 na lang, yung spaghetti ang burger na lang. kung dati, halos gabi-gabi, tumatawag ako sa gf ko, hayun, text-text na lang, minsan pa ay hindi na nagtetext dahil naubusan na ng load, patrenta trenta na nga lang ako ng load sa cellphone. itanong nyo pa kay yax. hehehe. sa kanya ako bumibili eh. kung dati, basta may makita akong libro na magustuhan ko sa national bookstore, bili agad ako, ngayon, dun ko na muna binabasa. hehehe. nung isang araw ko pang gustong bilhin yung Guinness 2007 sa national bookstore, hindi ko talaga binili. ayaw ko na kasing gamitin yung credit card ko, dahil mas mahirap magbudget, ready na ang pambayad, nagagastos pa minsan.

dahil sumweldo na ngayon, back to normal buhay na ulit ako. yung kinaltas sa akin dahil sa hindi ko naifile na birthday leave, ibinalik na ngayon, buti na lang at maabilidad ang aming accountant. hehehe.

mamaya, uuwi na kami sa batangas. kasabay ko si penoi at saka yung isa ko pang kasama sa bahay. ngayong gabi na ako uuwi para may kasabay naman ako sa byahe, ang hirap din kasing magdrive ng solo.

patalastas muna, bagong bihis yung photoblog ko. nakakita kasi ako ng magandang template, kaya hayun, binihisan ko ng bago. nag-update na rin ako sa blogtimizer at sa textmates. sa mga may google adsense, try nyong gawin yung latest post ko dun sa blogtimizer, totoo yun.

yun lang!

Thursday, September 14, 2006

dalawampung tanong, dalawampung sagot

tag ni des...

1. How often do you blog? dito sa blog na ito, at least once a day during weekdays. sa blogtimizer, at least once every 2 weeks. sa photoblog ko, kapag may bagong picture. sa mansion, at least once a month, sa textmates, at least once a week. whew! hindi naman ako blog addict no? obvious ba? hehehe.

2. Online Alias: kukote, textmates, blogtimizer. yan ang gamit ko kapag nagboblog hop depende kung anong inaadvertise na blog. hehehe. pero sa mga forum, kukote ang gamit ko. sa ym, marhgil gamit.

3. Have you ever stood up for someone you hardly knew? di ko nagets, pakitagalog nga. hehehe.

4. What do you do most often when you are bored? surf the net. manood ng palabas sa tv. magbasa ng aklat.

5. When bathing, which do you wash first? face

6. Have you ever been awake for 48 hours straight? oo ata, during the thesis days...

7. What color looks best on you? ewan ko. i prefer dark colors, maputi daw ako eh.

8. What is your favorite alcoholic drink? green cross. joke! no favorites, di na ako masyado umiinom. tikim tikim na lang. bad sa health, baka maaga akong mamatay.

9. Do you believe in heaven and hell as a real place that each of us will go to after death? yes, don't you?

10. Do you find that you have more online friends than offline friends? no.

11. What was your favorite subject in school? math and computer subjects, isama nyo na rin yung filipino.

12. Are you a perfectionist? hindi naman, basta kailangan,walang mali. hehehe

13. Do you spend more than you can afford? nope. sakto lagi sa budget.

14. Is it better to have loved and lost than never to have love before? yup.

15. Do you consider yourself creative? i think so.

16. Do you give yourself the credit you deserve? ano ba ibig sabihin nun? pinapautang ko ang sarili ko? hehehe. siguro.

17. Do you donate time or money to charities? sometimes.

18. Have you recently done something that you've criticized others for doing? yes.

19. What's on your mind? iniisip ko ang isasagot sa tanong na ito.

20. Say one nice thing about the person who tagged you and the five people that you are going to tag. si Des, makaDiyos.
Now, I'm tagging the first five people who will comment on this post, syempre, excluding Des. hehehehe. kapag walang nagcomment, takot matag. hahaha!

yun lang!

Wednesday, September 13, 2006

sticker sa kotse ko

have you seen my car lately? siguro hindi, dahil hindi nyo naman ako kilala at hindi naman ako nagpopost ulit ng kotse ko dito. tapos na kasi yung mga panahong wala na akong ginawa kundi ipost lang sa blog na ito ang tungkol sa kotse ko. hehehe. i remember, sabi ni insang nao, kapag nagkita kami, papasabugin daw nya yung kotse ko dahil nga lagi na lang yun ang ikwinento ko sa blog ko.

ok pa naman sya, umaandar pa rin. hindi ko na lang dinadala kapag pumapasok sa trabaho, mabigat kasi. hehehe. actually, ang mahal na kasi ng gasolina, ang mahal pa ng parking fee. so, nagdyidyip na lang ako araw-araw pag pumapasok dito sa office. ginagamit ko na lang sya kapag luluwas ako ng manila at kapag uuwi ng batangas, at kapag gigimik sa kung saan. kaya kailangan, scheduled yung gimik, para dala ko yung kotse kung magyayaya sila. the whole week, andun sya sa parking space ng boarding house namin, nakatambay, naghihintay ng ulan para malinis, o kaya naman ay nagpapaalikabok, or naghihintay ng carnapper. wala kasing bubong yung parking space namin.

last week, nilagyan ko sya ng sticker sa likod. advertisement lang naman. kaya kapag nakakita kayo ng altis na ganito ang likod, akin yun, at malamang na ako ang nagdadrive nun. ok? hayan, pwede kayong magpaautograph kung gusto nyo. hahaha!

yun lang!

bar exam 2006

do you ever wonder kung anong klaseng exam ang ibinibigay sa mga nag-aabogado? is it multiple choice question? true or false? essay? gaano ba talaga kahirap ang bar exam? curious kayo?? ako rin, curious eh. curiosity killed the cat. pero sorry, hindi naman ako pusa. hehehe. nga pala, nanganak na yung pusa namin sa batangas, isa na syang pusang ina! hahaha! hayan, nalayo na ako. kung curious kayo kung gaano kahirap at anong klaseng tanong ang itinatanong sa bar exam, aba, ay nalaman ko na naka-upload na pala sa supreme court website ang mga questionnaire nitong nagdaang bar exam. apat na exam yung andoon. magandang reviewer yan para sa mga nagbabalak kumuha ng exam next year. uy, hinihintay nya, asan na yung link? o eto na. click here. dinownload ko rin, tingnan ko lang kung sakaling magaabogasya ako ay makakapasa kaya ako? ewan, bahala na. magboblog na lang ako.

nakakatuwa naman yung pamangkin ko. she's 4 years old, at pumapasok na sya, nursery. nung umuwi ako last saturday, balita kaagad sa akin, perfect daw sya sa exam sa math. aba, ayos, mana sa tito nya. hehehe. perfect din daw sa science at english. kaso, ang problema, bagsak sa filipino?! ha? ewan ko, dun pa nahirapan sa filipino. nalilito daw sya eh. pero ok lang, konting turo pa siguro at makakapasa na rin sya dun. sabi ko nga sa kanya, amerikana ata sya? hehehe. bakit nahihirapan sya sa filipino subject? weird.

sa mga naghihintay ng bagong post sa textmates, maghintay kayo hanggang friday. medyo busy lang sa trabaho. di pa ako makapag-encode eh. natambakan na nga ako, 100+ na yung nasa inbox ko.

yun lang!

Tuesday, September 12, 2006

pinindot na link

i hate mondays. tinamaan na naman ako ng sakit ng ulo. ewan ko ba. ang hirap talaga ng diabetic. napasarap lang ng kain nung linggo, tumaas na kagad ang sugar ko kinabukasan. ang sarap ng pinindot eh. may nagbigay kasing kapitbahay. ang daming atang asukal nun. pero masarap talaga sya, promise. yun nga lang, isang sick leave ang aking nakunsumo dahil sa pinindot na yun.

may nag-email sa aking amerikano, asking for a link to his website dito sa blog na ito. PR4 na kasi ang blog na ito, at malamang, ang sa inyo rin. pero ayaw nya ng reciprocal link, ayaw nya maglink sa akin, babayaran na lang daw nya ako ng $50. isang text link dyan sa sidebar for 1 year, $50 daw. ok ba yung deal na yun? aba, P2500 din yun. sige na nga, payag na ako, magrereply na ako sa kanya mamaya. ang bayad ay thru western union. madali lang naman yan, ililink ko yung website nya. kung hindi dumating ang bayad, ay di tatanggalin ko. hehehe. kung dumating, salamat ng marami. may pera talaga sa blog. hehehe. o, sino pa sa inyong gustong magpalink? libre lang kung link exchange, pero kung walang reciprocal link, bayaran nyo rin ako, ok? hehehe.

siguro, naiisip nyo, bakit sila gumagastos ng ganun sa simpleng link lang? dahil nga po sa search engine marketing. they realized the value of a link. isang link kasi sa isang website na mataas ang PR can boost their ranking on search engine. pagtaas ng ranking sa search engine, syempre, pagdami ng bisita, pagdami ng kliyente nila. yung nagpapalink sa akin is an insurance company sa uk. nacute-an ata sa blog ko. hahaha! target daw nya is to get a thousand links from different blogs. if you have a PR4 blog at interesado kayo sa kanyang offer, e-mail me at ibibigay ko ang e-mail address nya, aba, sayang din yung P2500 di ba? hehehe. note: you can check the PR of your blog here.

sige, back to work na ako at may mga dapat tapusin.

yun lang!

Friday, September 08, 2006

mall of asia, flexi-time, qa, eat bulaga

byernes na naman, uuwi na ako bukas sa batangas. saan kaya makapunta mamaya? sa Mall of Asia? baka andun pa si batista. bahala na, kapag tinamad ako ay uuwi na lang ako sa boarding house at manonood na lang ng love story in harvard.

flexi-time na pala kami ngayon dito sa opisina. semi-flexi actually. pwede kaming pumasok between 7:30am to 9:30am, syempre, kailangan, 8 hours per day excluding lunch break. kung dumating ka ng 8:00am, pwede ka nang umuwi ng 5:00pm. dumating ako kanina, 9:15am, kaya till 6:15pm pa ako.

sabi kanina sa akin ni francis habang kachat ko sya... "nagpoprogram ka pa ba dyan? or nagboblog na lang?" hehehe. actually, hindi pa ako nagpoprogram. QA pa ngayon ang trabaho ko ngayon. binubusisi ang application na ginawa ng mga kaibigan naming thais. hanggang monday pa ako magQA. tapos, by next week, programming na malamang ang work ko, kaya di na ako masyado magboblog. siguro, singit na lang sa lunch break.

lastly, kagabi ko napanood ang mga videong ito, nakakatawa, sobra. hindi naman kasi ako nakakapanood ng eat bulaga dahil nga nasa trabaho at makawowowee ang mga tao sa amin sa batangas. ipinalabas daw ito last weekend. o, sige, panoorin nyo na. here are the links... Part1, Part2, Part3.

yun lang!

si batista, si asia at ang google adsense

napanood ko kagabi sa balita, batista is here! oo, andito si batista ngayon sa pilipinas to promote smackdown na gaganapin sa october 21. kagabi dumating, mga 11pm. may mall tour daw, sabi sa balita, pupunta daw sa MOA ngayon eh. ewan ko lang kung anong oras. sinong may alam? pakisabi naman sa akin, baka makapunta at makapagpapicture. hehehehe. well, sa mga bago dito, hindi nyo lang alam, i'm a certified wwe fan. kahit scripted pa yun! hehehe. bakit? basahin nyo na lang itong post ko na ito.

masaya ako ngayon. bakit? kasi naman, pagbukas ko ng Google Adsense account ko, naka $100 na ako! oo, iniexpect ko, next week pa eh. ito yung ebidensya. sulit talaga yung pagsali sa philippine web awards. unti-unting dumarami yung bisita ko dito at saka doon sa textmates. slowly, umaakyat na ulit yung ranking ng blog na ito sa pinoytopblogs, nasa 105 na kanina. sana, by next week, balik na sa top 100. yung textmates, top 67 na, unti-unti ring tumataas, from 75 yata last week. sana, in two weeks, makapasok na sya sa top 50. =)

kagabi, nanood ako ng magpakailanman. marunong din palang umarte si asia agcaoili? ayaw pa raw nyang mag-asawa dahil ang dami nya pang pangarap. ayaw nya pa ng commitment. sex guru na dalaga? and she's proud of it! i wonder kung ilang lalake na ang dumaan sa kanya.

yun lang!

Thursday, September 07, 2006

online tindero ng aklat

online tindero na ako ngayon. hehehe. bili na kayo ng aklat sa pamamagitan ng pagclick dyan sa ads, para may porsyento ako.

recently, i signed-up for amazon's affiliate program. lahat na ng pwedeng pagkakitaan sa blog, papasukin ko. sayang naman ang kita. hehehe. hmmm, baka isang araw, pagbukas nyo ng blog na ito, puro ads na lang, wala nang post? hehehe. hindi naman mangyayari yun. ok lang naman na ad-infested itong blog, ang mahalaga, nababasa nyo pa rin ang mga post ko. bumagal ba yung loading? sa akin, walang ipinagbago eh. kung bumagal sa inyo, pasensya na, galit ako sa pera nyo eh, gusto kong kunin. hehehe.

ang kaibahan ng amazon sa google adsense, kahit isang libong beses mong iclick yung ads ng amazon, wala akong kikitain kung hindi ka bibili. sa amazon din, ikaw ang pipili ng keywords para sa mga ads na ididisplay. kagaya sa blog na ito, puro aklat tungkol sa pagsasalita ng tagalog at tungkol sa pilipinas kong mahal ang pinili ko. natural, para kung may maligaw na gustong matutong magtagalog, baka magkakainteres syang bilhin yung aklat, dahil wala syang maintindihan sa blog na ito. hehehe. dun sa textmates, ang nilagay kong ads, mga libro ng quotations. doon sa blogtimizer, mga aklat tungkol sa search engine optimization at google adsense. sa photoblog ko naman, tindahan ng digital cam. hehehe. so, kung balak nyong mag-online purchase, daan muna kayo dito. may search box dun sa textmates at blogtimizer, search kayo dun ng gusto nyong bilhin, para may porsyento ako. ok? ok.

naipublish na pala yung blog ni batjay, ginawa nang aklat. ang galing naman nya. may mga koneksyon kasi. yung publisher na kausap ko dati, after several weeks na dumaan sila dito sa blog ko at magpakasasa sa pagtawa sa mga sinulat ko, biglang nireject. walang kwenta daw. hahaha! ok lang. wala naman talagang kwenta, puro kwento lang. eh sa ayaw nila eh, di wag. ako pa. huwag lang silang hahabol-habol kapag sikat na ako at nanalo na sa philippine web awards! (asa pa!) hahaha!

yun lang!

UPDATE: Nagtayo na ako ng sarili kong pwesto. Hehehe. See Kukote's Online Sari-Sari Store here! Lumabas na pala yung Guinness 2007, kaso, wala pa akong makita sa National Bookstore. Dito na lang kaya ako bumili?


blogger vs author

nitong mga nakaraang araw, sa kakablog hop, napadpad ako sa isang blog complaining about an author na ninakaw daw yung web design concept nya. tatlong araw ko nang sinusubaybayan ang mga pangyayari, nakikiusyoso baga, at iniisip kung saan kaya ito hahantong.

ang nangyari kasi, nagpadesign daw sa kanya yung author, nagbigay ng 50% down payment, nagdemo sya at nagkaroon ng kopya si author, tapos, humingi ng full refund si author dahil nagkaroon ng issues between them. narefund naman yung bayad, full refund. ang problema, after several weeks, nakita nya na yung website ni author, yung design concept na nya ang nakalagay. anak nga naman ng teteng, ano? kung susubaybayan nyo yung kwento, yung author pa ngayon ang may ganang magbanta kay blogger na kakasuhan nya daw kung hindi nya ireretract ang mga sinulat nya sa blog nya. ano kayang mangyayari?

opinyon ko... one-sided kasi yung kwento, just the blogger's side. pero yung side nung author, hindi ko alam. malay ko ba kung ano ang kwento nya? it's hard to judge by just looking at one side. sabi nga sa kanta ng eraserheads... there are b-sides to every story. ang problema, hindi naman blogger itong si author. ang mababasa mo lang sa blog nung isa, yung reklamo nya at yung pagbabanta ni author. ito kasi yung mga tanong ko...

kung talagang at fault si author, bakit hindi na lang idemanda ni blogger para makuha nya yung bayad for the design concept or kung anumang perang kailangan nya, or kung gusto nyang ipakulong, that's the best way, di ba? bakit iblinog lang nya? using the power of blogging to get even? bad pr nga naman yun para dun sa author, sino pang bibili ng aklat nya? pero bakit si author pa ang may lakas ng loob manakot na magdemanda? sana, kung talagang nasa tama si blogger, settle it in court, not here in blogosphere, naguguluhan tuloy ang kukote ko. hehehe. hindi ko naman sila mga kilala ng personal, nakikibasa lang. gusto ko lang isulat ang laman ng kukote ko about it. i don't think na magkakaayos pa sila at tuloy na talaga yun sa demandahan. may abogado na namang yayaman dahil sa sigalot na ito.

asan ba yung tinutukoy ko? hanapin nyo na lang. blog hop lang kayo, i'm sure, makikita nyo rin yun, since mga kababayan din natin ang involve dito. or kung talagang gusto nyong malaman, chat mo na lang ako sa ym. hehehe. bibilangin ko lang kung sino talaga ang mga totoong usiserong kagaya ko. hahaha!

yun lang!

Wednesday, September 06, 2006

philippine web awards

Philippine Web Awards included a Blog category in their awards, let me quote the latest news on their What's Up page...
9th Webbies to honor best Weblog

WITH a few months to go before it unveils the 9th edition of its annual Philippine Web Awards (Philippine Webbies), event organizer Media G8way Corporation (MGC) has already bared that one of the many changes it is implementing in this nearly a decade-old event is the inclusion of a "Blogs" category. Continue reading here.

At dahil dyan, isinali ko ang aking textmates blog at syempre, itong blog na ito. May bayad nga lang yung pagsali, pero ok lang. P250 lang per blog, manalo man o matalo, ok lang, extra traffic din yan. tamang pamparami ng hits, additional web presence and advertisement. alam nyo na, extra traffic, dadaming hits, dadami ang posibleng magclick ng adsense, bibilis lumaki ang adsense kita ko. hehehe! sana, makapasok kahit sa semi-finals man lang. para masaya ako at masaya tayong lahat! ang gaganda pa naman ng blog nung mga kalaban ko, parang ako yata ang unang mapapatalsik? hehehe. bahala na. sana, dun sa mga judges, basahin nyo munang lahat yung entry ko bago nyo ako patalsikin, ok? hehehe, isang libong mahigit yan!

yun lang!

usapang adsense

kahapon, nagtext sa akin ang father ko. sabi nya, "may dumating kang sulat dito, galing US, from Google!" well, tama nga sila, it takes 3 to 4 weeks bago mo mareceive yung sulat nila, sa akin, 3 weeks. ano bang sulat yun? no, hindi pa yun cheke dahil hindi pa naman ako nakakaabot ng $100. $94 pa lang ngayon eh. e ano nga yung sulat na yun? yun lang naman po yung PIN code ko. sabi kasi ng Google, magpapadala daw sila ng PIN sa postal address mo after your balance reached $50. it happened 3 weeks ago, at kahapon ko nga natanggap yung PIN nila. to know more about Google Adsense PIN, read this. Anong itsura nung sulat nila? hayaan nyo at scan ko next week. hehehe. pero ganito daw ang itsura. click here.

for the past 2 months, puro Google Adsense onpage optimization ang ginagawa ko sa blog ko, kaya medyo napatigil ako ng blog hopping. kita nyo naman at bumagsak na sa pinoytopblogs itong blog na ito, wala na sa top 100. ok lang, at least, yung textmates blog ko... andun pa rin, top 73 na sya ngayon. so far, sa tingin ko, ok na yung ad placement ko. puro experiment kasi ang ginawa ko doon, syempre, para malaman kung saan magandang ipwesto yung ads para takaw click. hehehe. at dahil optimized na sya, kailangan ko na lang ng maraming traffic. and starting yesterday, nag-umpisa na naman akong magblog hop at nakikipagexlinks, using that textmates blog. mas maganda kasi yung kinabukasan ng blog na yun sa google adsense. e dito naman sa blog na ito, puro na lang charity yung ads nila, wala kasi silang makuhang targeted advertisement, kasi naman, tagalog ito. kaya wala akong masyadong kita sa blog na ito. hhmmm, naiisip ko tuloy, mag-english kaya ako dito? kaso, hindi ko feel. hehehe. dun na lang ako sa blogtimizer mag-eenglish, kahit trying hard, ok lang, ang mahalaga, importante, natuto sila sa mga sinasabi ko dun.

sige, magtrabaho muna ako. kahapon pa akong nakikipagkulitan sa mga thai eh, hindi pa rin maayos yung problema ko sa kanila. sana, maayos na ngayon. asar na rin siguro sila sa kakulitan ko.

yun lang!

Tuesday, September 05, 2006

crocodile hunter: deal or no deal?

sinilip ko dun sa technorati kung ano ang pinakamainit na pinag-uusapan ngayon sa blogosphere, at kung ano ang hinahanap ng mga tao. eh ano pa nga ba? eh di yung tungkol sa pagkamatay ni steve irwin aka crocodile hunter... namatay daw dahil sa stingray. actually, minsan ko lang naman sya ata napanood, pero ang limit kong makita sa commercial ng discovery channel yata yun, or animal planet?

i tried googling his name, at yun, may official website pala sya, at naku, sobrang bagal. sa dami siguro nang bumibisita para makiramay? or makiusyoso? ako, nakiusyoso lang. ok, nakikiramay na rin ako. thanks for giving us the fun of watching you play with those crocodiles. hay, ang hirap naman kasi ng trabahong pinasok nya. pana-panahon lang yan, hayun, dumating na ang kanyang oras, kaya minalas na sya. hindi naman kasi araw-araw ay linggo, hindi araw-araw ay aamo sa kanya yung mga wild animals na yun.

maiba ako, nagtext ako kahapon sa Deal or No Deal. Wala lang, pilit akong pinapasali ng tatay eh, eh di magtext. Wala namang mawawala kung sakaling makasali nga ako dun. Pinakamababa kong makukuha, piso! At least, siguradong panalo. hehehe. Paano ba sumali sa Deal or No Deal? Ano bang itetext? Naghanap ako sa internet, wala akong makita sa umpisa, hanggang sa naligaw ako sa site na ito. Andyan nakasulat kung paano sumali. Text DEAL to 2331 for Globe, TM and SUN and to 231 for Smart and Talk & Text subscribers. So paano, text na kayo? Kitakits na lang sa finals? hehehe. sana, mapili ako, nang makita ko naman ang sarili ko sa nationwide tv na nakikipagbolahan kay kris aquino.

yun lang!

the good samaritan law

one of the best episodes sa love story in harvard ang napanood ko kagabi. that is when dustin defended allison on the disciplinary committee. here is a transcript of his speech na inextract ko sa youtube.. hehehe.
"There is a law called The Good Samaritan Law. The person provided emergency treatment should be protected by the law. No matter how the result turns out to be when the treatment was given in a clear intention to save the life without asking for any compensation at an urgent situation. On the day of the incident, when the patient collapsed, Allison performed the treatment being well aware of the problem it will cause. Knowing this will bring a great disadvantage on her side. Doing exactly what one believes in... sometimes, it might seems foolish yet not everyone can do this, i'll dare to call this courage. See, Allison's treatment was given out of courage, considering other's welfare first even before her own. Her action should be protected by the Good Samaritan Law."
other quotable quotes...

from professor keynes.. "What is law? Law is the effort of humanity to create principles. So it is difficult to find law that applies to every situation. Focus on principles, not cases..." sinabi nya ito matapos isoli ni Dustin yung libro dahil wala syang makitang kaso na related doon sa kaso ni allison.

i also like this part... ang depensa ni allison sa sarili nya.
Disciplinary Commitee: What will you do if the same situation presented itself again? Answer me please.

Allison: I will still perform the same procedure if I were in the same situation.

Disciplinary Commitee: Then you are saying you have no regrets at all?

Allison: I feel sorry for the concerns that I have caused my professors. But the value of human life is most important to me. I have no doubts that I will do whatever it takes to preserve life.
ang sama palang mag-english ni dustin, kaya pala kahit english na yung usapan ay dubbed pa rin at hindi yung original na boses ang ginamit. panoorin nyo yung episode kagabi dito.

yun lang!

Monday, September 04, 2006

ginupitan ni textmates ang adsense deal

ang ganda ng lunes ko. unang una, ang gwapo ko na ulit. hahaha! naisipan ko lang na magpagupit na para idonate ang aking buhok sa guimaras oil spill. hehehe. nope, actually, talagang matagal ko nang balak magpagupit dahil sa tuwing may makakakita sa akin na mga kakilala ay laging ang topic ng aming usapan ay ang aking mahaba, kulot at magulong buhok. hehe. kaya hayun, kahapon, nung dumating sa bahay yung pinsan kong barbero na hiniram yung kotse naming puti para mag-aral magmaneho, sinabi ko na gupitan naman nya ako matapos nyang magpractice. nakalibre pagupit pa ako. may isang kilo ata ng buhok ang natanggal sa akin. hehehe. kakapanibago, nagugulat pa rin ako kapag humaharap sa salamin, "Ako ba talaga itong gwapong ito?" Nyahaha!

pangalawang-pangalawa, ang saya ko pagsilip ko sa Google Adsense account ko. $91+ na! konti na lang, $100 na! yun nga lang, by end of october ko pa makukuha yung first check ko. kasi, every end of the month yung cut-off. so, till september 30 pa. i earned $16 from August 2005 till June 2006 nung hindi pa ako nagboblogtimize, then, $27 last july, $48 last august, magkano kaya ngayong september? unti-unting lumalaki ang kita every month, sana lumaki pa ulit. sana, totoo yung snowball effect na sinasabi nung mga nagAadsense, na parang snowball daw yan, ibinato ng maliit hanggang sa lumaki nang lumaki habang gumugulong sa snowy field. basta, with the current rate, sigurado, by september 30, nalampasan ko na yung $100 nila. kung hindi kayo makarelate sa sinasabi ko, basahin nyo yung blogtimizer blog ko. i'll be posting more tips in the near future.

pangatlong-pangatlo, ang dami ko na namang pangpost sa textmates. 80+ na yung nasa inbox ko eh. salamat sa lahat ng contributors! i'll try my best to make it as accurate as possible, walang duplicate entries. siguro, by thursday pa ako magpost, unti-unti lang naman kasi pag-eencode ko eh. 10 messages per day., or around 10 minutes per day.para hindi masyadong time-consuming, hindi masyadong nakakaabala sa trabaho. biruin nyo, by just allocating 10 minutes per day for four days sa blog na yun, kumita ako sa adsense ng $30 last month just for that blog? yung ibang blog, maliit pa ang kita, itong textmates ang mabenta eh, ang dami kasing text addict. hehehe.

pang-apat na pang-apat, nareceive ko sa e-mail kanina. maglaro tayo ng deal or no deal! click here.

huling-huli, yun lang!

Friday, September 01, 2006

love story in harvard

may pumalit na kay jang geum sa puso ko, hehehe. sino pa, eh di si allison (tama ga ang spelling?). well, medyo nakakatuwang panoorin kasi yung love story in harvard sa gma 7. maganda yung setting, sa harvard law school. mapapanood mo kung paano ang buhay ng isang estudyante doon sa school na yun, kung paano magturo yung kanilang guro, at kung paano yung discussion. at nakakatuwa yung love triangle, yung asaran nina alex at dustin na magkasama pa sa bahay, magkaklase at parehong inlove kay alyson (di ko alam spelling eh!).

nag-update na naman ako ng background music. syempre, eh di yung soundtrack nila. yung hindi ko na kayang masaktan pa nina ogie at regine. isearch nyo na lang ang lyrics dyan sa internet, kalat na kasi yung lyrics kaya hindi ko na ipopost dito. yung mp3, as usual, doon nyo mahahanap sa digital pinoy. just search "harvard" at makikita nyo kaagad yun.

o hayan, picture, wala lang, gusto ko lang ipost.

love story in harvard

koya's kuya carinderia

unang una, nagpapasalamat ako sa lahat ng nakiramay sa amin at sa buong pamilya sa pagkawala ng aking nanay. maraming salamat. awa naman ng Diyos ay naihatid na namin sya sa huling hantungan noong nakaraang miyerkules. salamat sa lahat ng nakipaglibing. salamat sa lahat nang barangay officials ng ilat south, kasama na ang mga barangay tanod na tumulong sa pagsasaayos ng traffic. maraming salamat sa inyo.

noong nakaraang miyerkules din, minalas na naman ang kotse ko. noong libing kasi, naglakad na lang ako, at yung kotse ko, ang tatay ko ang nagdrive. ok naman, dahil talaga namang usad-lakad lang yung takbo nung sasakyan. ang problema, nung tapos na ang libing at pauwi na kami. nabangga lang naman ng tatay yung isang pader ng tapat-bahay namin habang ipinapark nya yung kotse. ok lang, hindi naman nasira, nagasgasan lang, medyo malaki ring gasgas. pero ok lang din... dahil ang tatay ko ang nakagasgas, sya ang magpapaayos. kaya bukas ay maaga akong uuwi ng batangas sapagkat dadalhin daw sa pagawaan.

ineng's quotable quotes noong lamay sa amin...
ineng (pamangkin ko, 4 years old, nakita nya yung mga ilaw sa harap ng kabaong, nagandahan ata) : daddy, kapag namatay ako, may ganyan din?
daddy nya (kapatid ko) : (nagulat) ano ka ba naman? tumigil ka nga!

-----

ineng (kumakanta, ewan ko kung sinong nagturo) : natutulog, natutulog, si nanay, si nanay! atin nang gisingin, atin nang gisingin, oras na, oras na!

-----

ineng (nakita yung abuloy sa ibabaw ng kabaong ng nanay) : inay, bakit ang daming pera ng nanay? aanhin nya pa yun e patay na sya?
inay : (nag-iisip ng isasagot)
ineng : kami, wala kaming pera.

maiba ako... dito sa opisina, medyo nakatipid ako ngayon sa lunch. kung dati ay nasa P100 ang lunch ko, ngayon ay nasa P50 na lang! salamat sa koya's kuya carinderia. hehehe. dahil nagdedeliver na ng pagkain si koya galing sa carinderia ng kuya nya, nakatipid ako ngayon. sing sarap, pero di sing mahal! wais. hehehe. si koya po ay officemate ko.

yun lang!