uy, alas sais na, lumipas na naman ang isang araw. apat na araw na lang, weekend na uliT!!! hehehe. pero hindi pa ako umuuwi. andito pa ako sa aming opisina, nagpapalipas ng oras, nagboblog-hopping, at ngayon nga ay nagtatype ng pang post sa aking blog.
"eden muna bago eba." yan ang kadalasan kong marinig sa aking mga magulang noong ako ay nag-aaral pa. i guess, you already know what it means, kung hindi pa, ay eto po... bago ka raw humanap ng mapapangasawa, iprepare mo muna yung "eden". so, tapusin muna daw ang pag-aaral, have a good job bago mo hanapin si "eba". may punto naman sila doon, di ba? (batangenyo sila eh... hehehe) ewan ko, di pa naman ako nag-aasawa. and it seems that i am following that philosophy. kung pilosopiya nga yan. nung marinig ko kasi yan, nakaisip kaagad ako ng pangontra eh, may pagkapilosopo din kasi ako... obvious ba? eto pangontra ko... sino ba naghanda ng eden? si adan ba o ang dyos? di ba ang dyos? so, ang sa akin, bahala na ang dyos sa eden... hahanapin ko na si eba... hehehe. anyways, nakita ko na sya. ;)
sige, tutulog muna ako. hanggang madaling araw pa ako dito sa opisina. may kailangan kasing isupport na client dahil sa may problema sila, eh hindi daw kaya ng powers nila, kaya humingi na sila ng tulong... sana, makaya ng powers ko!
yun lang.
1 comment:
Hehehe...ang coolit mo tlaga!
Post a Comment