Saturday, April 07, 2007

Hagikhikan Sa Dasalan

Kagabi lang ako nakapanood ng PBB. Tsk! Naghahagikhikan (impit na tawanan) ang ilan sa kanila habang nagdadasal! Abangan ang first year highschool picture ni Boy Gapang!

Monday, March 12, 2007

Pinoy Big Brother: Royal Rumble Style

Ang pinakaayaw ko sa WWE, yung Royal Rumble. Yung isa-isa, pinapapasok yung mga wrestler after every 90 seconds, at yung matitirang wrestler sa loob ng ring ang idedeclare na panalo. Ayaw ko nang ganyang format dahil kawawa naman yung unang papasok, lahat makakalaban nya para manalo sya. At swerte naman yung huling papasok. It's unfair, di ba? Mas maganda sana kung sabay-sabay na lang silang pumasok.

Kagaya rin ng format ng PBB ngayon, ang gulo. Unfair yung format. Pero hindi pa rin natin alam kung sino ang llamado at dehado sa ganoong format. Llamado ba ang mga unang pumasok dahil nakapagbonding na kaagad sila? Or pwede rin namang dehado sila dahil 1 week ahead sila sa loob, kumbaga, exhausted na sila sa mga task ni kuya on the first week, samantalang yung mga bagong dating ay fresh na fresh pa. Pwede rin naman na llamado ang mga nauna, dahil they got a week advantage na nagkaroon na kaagad sila ng simpatya ng mga manonood. Kumbaga, may fan base na kaagad sila, kumpara sa mga housemates na papasok pa lang ngayon.

A, ewan. Basta, mas maganda sana kung sabay sabay na lang silang pinapasok. Pero wala tayong magagawa, taga panood lang naman tayo eh. Sila pa rin ang masusunod. Good luck na lang sa mga housemates!

Yun lang!

Friday, March 09, 2007

Bagong Salta.. Api!!???

Nakakaawa naman itong si Jasmine na bagong salta sa bahay ni kuya(?) naaapi agad ng housemates niya.. minsan kasi kapag alam na alam mo ang isang bagay.. nakakalimutan mo na ang limitasyon mo.. tulad ng isang task na kung saan magluluto sila...feeling ni jasmine hindi pinakikinggan ang mga suggestion nya sa pagluluto... yung mga housemates naman nya.. feeling na sapaw sa eksena si jasmine.. lalo na si wendy.. bwehehehehe...

Wednesday, March 07, 2007

Half-Pinoy Big Brother

Napansin ko lang, puro half-Pinoy, half-something ang mga pumapasok ngayon sa bahay ni Kuya. Wala na ba silang makuhang purong Pinoy na deserving pumasok sa bahay ni Kuya? Kahit half-Pinoy, half-Pinay?

Yun lang!

Friday, March 02, 2007

PBB = Plastikan Big Brother ????

Ilang araw pa lang sa bahay ni Kuya(?), naglalabasan na agad ang mga tunay na ugali ng mga housemates. Nakikita mo na agad kung sino ang plastik sa loob ng confession room. Feeling ni Gee-an pinagkakaisahan siya ng dalawang babae. Aba feeling api na agad, nakabasag lang ng vase eh feeling niya tinuturn down daw nya ang kanyang family at si kuya... hello!!!! vase lang yan noh.. nagpapaawa ba siya para makakuha ng boto or talagang may sayad.. ewan ko lang ha... napapaisip kasi ako kapag nakikita kong hawak hawak nya lagi ang kanyang doll...
enyweiz, lumabas din agad ang pagka boy popoy ni Nel, at take note, yung housemate na malaki ang ...... agad ang napili... hehehehehe...
paano nga ba malalaman ang oras na wala kang relos... gawa ka ng iyong improvised sundial ... sa probinsya kasi.. madalas ang mga magsasaka ay walang mga relos.. pero nalalaman nila kung ano ang oras sa pamamagitan ng pagtingin sa araw or sa kanilang anino.. disadvantage lang ay kapag kulimlim.. eh di take turns na lang sa pagbibilang ng segundo.. heheh.. magbibilang na ako.. makakain lang...

Thursday, March 01, 2007

Ang Mga Kaganapan

Maaaring isipin nyo na huli sa balita ang blog na ito kumpara sa ibang blog about Pinoy Big Brother. Oo, tama kayo, dahil hindi naman kami nakasubscribe sa 24/7 live feed nila. We are blogging based on what we see and hear on Channel 2 only. Wala nang iba. Majority of the Filipino people who watched PBB ay mga mahihirap. Kaya dito nyo mababasa ang pananaw naming mahihirap sa palabas na ito, base na rin sa aming napapanood sa channel 2, at hindi sa kung anumang live feed na may extrang bayad. Ok?

So, anong nangyari kagabi? Hindi na nga sila pinakain ng tanghalian ni Kuya dahil sa lumampas na yung 12:30, pinarusahan pa sila at pinagbuhat ng 30 sako ng buhangin. Ang saya talaga. Hehehe. Kawawa naman sila. Eengot-engot kasi eh, sabi nang kapag tumugtog yung Pinoy Ako, magbibihis sila dapat ng beach wear at gagawin yung sand castle, sukat ba namang ituloy ang kanilang samba dance? Kaya hayun, puro parusa ang inabot ng mga housemate.

Tanong ko lang... paano mo malalaman na 12:00 to 12:30 na kung wala ka namang relos? Di bale sana kung may alam sila sa pagbasa ng oras sa pamamagitan ng pagtingin sa anino. Ewan ko lang kung makapagtanghalian sila kung hindi tutulungan ni Kuya kagaya nung ginawa sa kanila the next day.

Ano pa ba? Successful si Saicy sa pagtuturo ng Samba dance sa mga housemate nya. Nagsorry si Ezekiel sa mga kasama nya dahil sa kanyang katangahan kaya hindi sila nakapagtanghalian. Lumalabas ang pagiging usisero ni Nel. Sabi nga sa isang forum thread, para daw syang gay. Parang gusto ko nang maniwala. Hehehe.

Yun lang.

Wednesday, February 28, 2007

PBB: Teleserye ng Pekeng Buhay?

PBB, teleserye ng totoong buhay? O teleserye ng pekeng buhay? Napansin ko lang ha, parang pinepeke tayo ng PBB. Umpisa pa lang nagsinungaling na sila nang ipasok nila si Mickey at palabasing hindi ito marunong magsalita ng Tagalog at English. Kumpletos rekados pa sila with matching interpreter pa, pati yung video ni Mickey, may subtitle-translation pa! Tapos, yun pala, isa itong secret task ni Mickey.

Isipin nyo. Si Mickey lang kaya ang binigyan ng secret task ni Kuya? Sya lang kaya ang kinausap bago pumasok sa bahay na ganito/ganun dapat ang gawin nya sa loob? At yung iba, sige, pasok lang kayo, walang special assignment?

Iniisip ko lang. Totoo bang ignorante lang si Ezekiel nang isipin nya na yung alas dose ay 2:00PM? Or is it one of his hidden tasks? Yung pagiging jologs ni Nel, totoo ba ito? Or binigyan lang sya ng specific instructions bago sya pumasok sa loob? Bago sila pumasok sa bahay ni Kuya, totoo ba lahat ng personal background na sinabi nila? Yun ngang si Mickey, napaniwala nya ang buong sambayanan sa umpisa na German lang ang alam nyang language, complete with interpreter pa nga sya eh. Sa palagay nyo, totoong 15 years old na yung weird na manika ni Gee Ann? We really don't know. Umpisa pa lang, nagsinungaling na sila, paano pa ako maniniwala sa kanila?

And they are teaching the viewers wrong values. Na ok lang magsinungaling makuha mo lang ang gusto mo. Na ok lang paglaruan ang mga tao sa paligid mo, pretending na hindi ka marunong mag-Tagalog mapahirapan mo lang ang mga kasama mo. Ok ba yun? Ewan ko.

Let's just enjoy the show at panoorin ang teleserye ng pekeng buhay. Tell your children na yung napapanood nila is fiction, para hindi malihis ng landas ang inyong mga anak.

Yun lang!

Tuesday, February 27, 2007

Welcome to PBBB!

Welcome to Pinoy Big Brother Blog! PBBB! Mula ngayon, mababasa nyo rito ang aming mga saloobin at pala-palagay tungkol sa kung anoman ang nangyayari sa loob ng bahay ni Kuya. An honest to goodness post about this famous reality tv show. Dahil dito, magiging kapamilya na ako ngayon, goodbye Jumong! Hehehe.

Yun lang!

My Ituloy Angsulong Experience

Joining an SEO contest is fun. For the past few months, we were hooked on optimizing this blog instead of doing unproductive stuffs (chatting, lurking, watching porn) on our idle times.

Nabubulunan talaga ako at dumudugo ang ilong ko kapag nag-eenglish ako sa blog. Kaya magtagalog na lang ako. Hehehe. Ok? Well, hindi naman ako baguhan sa SEO. Pero hindi rin naman ako expert. But I was not expecting to grab that 2nd cummulative ranking. Kumbaga, sumali lang kami just to test my SEO skills, kung pwede na ba ang aking kaalaman para mag-optimize ng website. With a competition as big as this, I'm just like David trying to conquer Goliaths of the SEO world.

Joining Forces
Una kong strategy is to talk to Boy Popoy and Boy Dapa. Sabi ko sa kanila, kung sasali din sila sa SEO contest na yun, it's better if we join forces. Since we have common friends sa blogosphere kasi, sayang naman yung mga links kung mahahati pa sa aming tatlo. So, hayun, kaya nabuo ang tatlong itlog Ituloy Angsulong Movement.

Selecting Our Contest Entry
Wala sa aming nakaattend ng launching nung contest. Kaya wala kaming idea kung ano ang keywords na iooptimize. Monday pa lang namin nalaman na ituloy angsulong nga ang keyword. We only communicate via chat, kaya nung malaman namin ang keywords, conference kaagad kami. I clarified everything muna kay Sir Marc Hil lahat ng questions ko before we submitted our contest entry. Balak namin talaga is to have a keyword rich domain name, pero dahil halos lahat ay taken na, we've decided to use blogspot. And since old domain names are allowed, we decided to use this blog instead of starting from scratch. Bakit kami mag-uumpisa sa PR0 na contest entry if we are allowed to use a PR5 blog for our entry? And since nakatiwangwang na ang blog na ito dahil lumipat na nga ako sa macuha.com, we decided to use this blog. I believe kasi na talagang may advantage yung keyword-rich domain name, but it's just one part of the ranking algorithm. Ang dami pa namang ikinoconsider ng mga search engines, babawi na lang kami sa ibang aspects.

Our Strategy
I will not reveal everything, syempre. Secret pa rin yung iba. Ganito lang naman ang strategy namin. Keep on posting, and keep on building links. We focused on the content. We decided to create a funny blog. Yung blog na tipong babalik-balikan ng mga mambabasa. Yung blog na tipong makita lang ng isang blogger, maiisip na lang niya, "This blog is cool and I will give it a link love!" Almost 90% of our links came from blogs. And these links push us up on Googel, MSN and Yahoo SERPs. We even had the all-time high ranking among the contestants last December at 2-1-1. Number 2 on Google, Number 1 on Yahoo and Number 1 on MSN.

The Google Penalty
By the end of December, Google penalized our site. Hindi ko alam kung bakit. Siguro, sa dami ng links na naaccumulate namin, Google thought that this is a spam blog. Or siguro, someone out there reported us to Googel. We really don't know. Basta, ang sama ng araw na yun. Magnenewyear pa naman, bigla kaming inihagis ng Google sa kamotehan. We were shocked. Really. As in, iniisip ko, ano ba ang ginawa naming mali? Bakit nagkaganun ang ranking? It really hit us badly. Tinamad na kaming mag-update. Tinamad na kaming maglink building. Sino ba namang matutuwa na after our efforts, we were penalized? As in, bakit kami? At bakit kami lang?? Still, these questions are unanswered. And since tinamad na kami, our Yahoo ranking slowly went down too. Unti-unti, lumayo kami nang lumayo, hanggang sa umabot kami sa rank 23. Si MSN lang ang nanatiling loyal sa amin, na despite of lack of updates and activity on our blog, we remain on the top spot. Why? I don't know why.

The Great Comeback
Ngayon, paano kami nakabalik sa Google? Nagchat ulit kaming tatlo, at sabi ko, let's start posting again. Kung ano yung ginagawa namin nung December, ibinalik namin. Araw-araw post ulit kami. Well, nakita naman namin ang improvement sa Google. From rank 110, after doing the usual thing, unti-unti kaming umaakyat. From 110, napunta kami sa rank 80, 70, 110 ulit, etc. Basta, dun lang kami nagsasayaw ng ranking sa Google. And then, later, since almost everyone is doing it, I did some 301 redirects. After that, nagulat na lang ako one Saturday morning at napalukso sa tuwa nang magtext sa akin si Boy Popoy. Sabi nya, no. 5 tayo sa Google! At dahil nga sa nangyaring yun, lalo kaming ginanahan. Tuloy ang pagpopost, tuloy ang paglilink building.

The Tight Race To The Finish Line
February 23 na nang umaga, hindi pa rin namin alam if we will finish first or second. Ang tindi talaga ng laban. This is due to the fickle-mindedness of Yahoo and MSN. Naglalaro yung cummulative ranking namin ni isulongseophil on 27 and 28 na total. Minsan, 27 ako, 28 sya. Minsan naman, 28 ako, 27 sya. Minsan, pareho kaming 27. Bakit nagkakaganun? Kasi, minsan, we rank 23 or 22 on Yahoo. Si isulongseophil naman ranks either 13, 14, 15 sa MSN. So, talagang it was a close fight. Nung papunta na kami sa venue, usapan na lang namin, bahala na. Kung ano ang desisyon ng mga hurado, eh di ayon. We'll just enjoy the program, enjoy the food and enjoy the money that we will receive, magkano man iyon. Well, it ended up na second kami, 2 points lang ang lamang sa amin ni isulongseophil. Our cummulative rank is 28, at sya ay 26. So, second prize, hindi na masama.

What I Learned On This Contest
Meron ba? Oo naman. Ang dami. Like, you cannot please everybody. Marami ang natuwa at nakipagexlinks sa amin, at meron din namang nagalit at inispam daw namin yung blog nya. Sa SEO naman, importante ang keyword sa domain name, but still, it's just one part of the equation. Links and contents are still king. Lastly, MSN simply loves blogspot. Bakit? I really don't know.

Acknowledgements
Kami po ay buong pusong nagpapasalamat sa lahat ng naglink sa amin. Salamat sa inyong suporta. Salamat kay insan for giving me the permission to redirect some of her hosted sites to this blog. Salamat sa mga nagblog tungkol sa amin. Salamat sa lahat ng sponsor! At higit sa lahat, salamat kay tukayo for making this contest possible. As a token of gratitude sa mga sponsors, I will not remove the links for another one month.

Pictures
Hindi pa naupload ni Boy Popoy yung mga pictures eh. Pero here is a nice photo collection na nakita ko sa Youtube courtesy of pixiimedia.




Update: Andito na ang picture namin na nahagilap ni Boy Popoy. Click here.

What's Next?
We're back to our regular life. I'll be blogging at macuha.com. Boy Popoy at PenoyCentral at Boy Dapa at Qroon. At anong mangyayari sa blog na ito? Pag-iisipan ko pa.

Yun lang!

Friday, February 23, 2007

Breaking News: Panalo Tayo!

Salamat sa mga tumulong! Salamat sa mga Ex namin (ex-link)! Number 2 po kami! Abangan ang mga larawan ng tagumpay! Coming soon, Awards Night pictures. Google rocks (nanalo ako ng Google Mug)! At maganda si Aileen Apolo :)