Thursday, November 03, 2005

so be it

blog ko to. isusulat ko kung anong gusto kong isulat. at wala akong tinatago, except sa love life, pero paminsan-minsan, nababanggit ko dito, but i don't go into details. ayoko kasing pag-usapan.

unlike other blogs na puro positive about themselves ang sinusulat, ako hindi. ikinikwento ko ang buhay ko. bare it all. kung nanuhol ako ng traffic enforcer, kung nagpunta ako sa bar na may nagsasayaw na walang saplot, kung gusto kong sumali sa pinoy big brother, kung bad trip ako sa boss ko, kung nauutot ako sa loob ng taxi... lahat sinusulat ko. bakit? kasi nga, blog ko to, and i consider this as my online diary, a reflection of who i am. sabi ko nga dun sa you blog addict, yung pagdating ng araw na mamatay ako at mabasa ito ng mga apo ko, makikilala nila kung sino talaga ang lolo nila.

bakit ko ba sinasabi ito? someone just told me lately na magkaroon naman daw ako ng respeto sa sarili ko. magkaroon naman daw ako ng privacy. kawalang respeto ba sa sarili ang pagsusulat ng buhay ko sa blog na ito? kawalan ba ng respeto sa sarili kung nagpapakatotoo lang ako dito? e nagpunta ako sa bar, sinulat ko dito, e ano ngayon? alangan namang sabihin kong nagsimba ako? nanuhol ako ng mmda, sinulat ko dito, e ano ngayon? alangan namang sabihin kong buong puso akong nagpahuli at nagmulta, e nanuhol nga ako. bad trip ako sa boss ko, sinulat ko dito, e ano ngayon? yun ang totoo eh. e bakit ko nga sinusulat kahit negative? hindi mo ako makikilala kung yung positive lang ang alam mo sa akin. this is my blog, and i want it to reflect who i really am. kung puro positive lang mababasa nyo dito, baka isipin nyo, isa akong santo. kung may mga nasagasaan ako, pasensya. kung sa tingin nyo, minsan, naaapakan ko pagkatao nyo, dahil somehow you are related to me, pasensya. kung kahihiyan sa inyo or sampal sa pagkatao nyo na you are somehow related to me, sa taong nanuhol ng traffic enforcer, sa taong nagpunta sa bar na may nagsasayaw ng walang saplot, pasensya na. i am just being me. talagang ganito lang ako, so be it.

yun lang.

Wednesday, November 02, 2005

yes i am

so you think i'm idiot for going to that place? so be it.

buti na lang

did some little tweaking on my blog... inalis ang mga non-sense ads and links dyan sa sidebar, nagdagdag ng additional links, nagpalit ng background... etc. ilang buwan nang ganito ang itsura ng blog ko... parang gusto kong magpalit ng template. pero wala akong time. so, ngayon, pagtyagaan nyo muna yan... anyway... it's the post that counts naman, di ba?

last friday, naisip ko, kung yung big boss ko ngayon ang big boss nung mag-apply ako dito, hindi siguro ako natanggap. masyado syang pihikan, entry level programmer lang ang hinahanap namin, regional champion na sa programming sa kanilang paaralan, nireject pa nya. gusto ata, maboka. or graduate ng school niya. a ewan, bahala na. tapos ako pahihirapang maghanap... hay buhay... naiisip ko kung sya yung nagbabasa ng resume ko nung nag-apply ako 3 years ago dito... ganito siguro yung reaction nya....

hmmm... sino ito? anong school yan? BSU? saan yan? may alam ba yan? ang daming graduate dito sa manila, pagttyagaan ba natin yan?

tapos, pag ininterview nya ako tapos marinig yung accent ko...

hhmmm... may punto sya. hindi pwede, may punto english nya. hanap na lang tayo ng iba.

buti na lang, hindi sya ang big boss 3 years ago. hehehe

yun lang!

windows and office live

narinig nyo na yung Windows Live at Office Live? Hindi pa? Ako, kanina lang, nagpresent nga si Bill Gates eh... pansin ko lang, ang cute ng buhok ni Bill Gates, talagang ang yaman yaman na, ginagaya pa ang style ng buhok ko... hahaha! see his presentation here.

H sa gitna

yan daw ang ibig sabihin ng name ko... sabi na nga bang napakahalaga nung letter H sa gitna ng name ko eh, kita nyo naman ang ibig sabihin... hehehehe. Yan, madali nang tandaan ang spelling ng pangalan ko M-A-R-H-G-I-L... madaling tandaan, may H sa gitna... ok? salamat sa nagbigay ng link... nakita ko sa blog ni shella. yun lang!

MMagical
AAwkward
RRefreshing
HHandsome
GGoofy
IIdeal
LLucky

Name / Username:


Name Acronym Generator
From Go-Quiz.com

himutok

this is my 500th post... bakit ko ba natripang magbilang? wala lang, natutuwa lang ako, biruin nyo, naka500 post na ako? 500 posts ng kung ano anong pumasok sa kukote ko, kung ano ano lang naman na naisipan kong isulat.

unang araw ng pasok para sa week na ito, gumising ng maaga, lumuwas ng manila para pumasok. bukas, last day of work for this week, at uuwi na naman. para lang akong tangang nag joyride from manila to batangas and vice versa. ano bang gagawin ko dito sa office? meron naman, magbabasa ulit ng mga resume at magpapaexam bukas. ewan ko ba, lahat nung nakita kong qualified na nakapasa sa aking exam e bumagsak naman kina bossing. maghanap pa raw ako ng iba... e di maghanap.

tindi talaga ng epekto ng evat na yan... nagpagas ako kanina, 38.36 pesos na yung unleaded... naalala ko, nung magstrike ang jeep at natuwa sila sa 7.50 na pamasahe, 29 pesos pa lang yung unleaded... ewan ko kung magkano yung deasel. e ngayon, 38 na yung unleaded, yung diesel, tumaas na rin siguro ng ganyan... 9 pesos! sigurado, hihingi na naman ng dagdag pasahe ang mga jeepney driver. dagdag pasahe, na agad-agad namang pagbibigyan ng gobyerno. tapos, anong mangyayari? yung mahihirap, lalong maghihirap. syempre, taas ng gasolina... yung mga paninda naman sa palengke ay hindi pwedeng lumipad na lang sa palengke, isasakay mo rin yan sa mga sasakyang de-gasolina... tataas ang presyo ng bilihin. kapag tumaas ang presyo ng bilihin... ewan ko, palubog na nga ata ang pilipinas... sabi nila, maganda raw ang evat... kasi, lalago ang pera ng bansa. lumago nga ang pera, pero ang pinahirapan naman nila, yung mahihirap. yung mga kapitalista at negosyante na tinaasan ang vat, di ba, sa mga consumer naman ipapasa yung vat? so, mahirap lang talaga ang pinahihirapan. di bale sana kung yung nakokolekta ay magagamit nila sa pagpapaunlad ng bansa, eh sa dami ng buwaya sa gobyerno, sa bulsa lang din nila mapupunta yun! kung gusto nilang tumulong, yung mga expedition nilang sasakyan... ibenta nila at bumili na lang sila ng kia pride... e di ang laki ng kita! ilan ba ang congressman sa pilipinas? kung yung kaginhawahan nila e ipagsantabi muna nila, maraming paraan, kaso, sa kanila, maghirap na kayong mahihirap, basta, kami, maginhawa.

ewan ko... nakunsume na naman ako... sigurado, kahit presyo ng kandila, nagmahal, kaya hayan, pinalitan ko na yung kandila ko. buwan na lang nilagay ko para libre!

yun lang

Tuesday, November 01, 2005

499

this is my 499th post... isa na lang, 500 na! grabe, dami ko na palang naisulat. and for my 499th post, ano bang isusulat ko? eto, magkwento na lang ako...

kagabi, dahil siguro wala ring magawa, tinawagan ako ng dati kong classmate, si morlan. labas daw kami kasama yung dalawa ko pang classmate. so lumabas kami, bahala na, kung saan dalhin ng aking kotse. e narinig namin sa 99.9 gv fm, fm station dito sa batangas, na may halloween party sila sa el calicanto bar and restaurant. e di dun kami nagpunta... ok lang, daming tao, may mga nakacostume, kami, wala. ok lang, mukha na siguro kaming panghalloween kahit walang costume kaya pinapasok na rin kami... hehehe. ok sa loob, may banda. live music, mausok dahil sa mga nagyoyosi. order lang kami ng san mig light and enjoyed the live music. sayawan sila, kami, nakaupo lang dun, di ko talaga trip magsayaw. yung isang nakamaskara, talagang hataw, nagwawala, palibhasa, di sya kilala... hahaha. siguro, around 1:00AM, nagkasundo na kaming umalis dun, lipat daw kami sa ibang lugar.

sabi nila, punta daw kaming pl*ym*tes. ano bang meron dun? ewan ko, di pa naman ako nakarating dun, so nagpunta kami. basta ang pangalan nya, pl*ym*tes, ktv bar and restaurant... so what do we expect... e di ktv bar and restaurant. 50 pesos ang entrance... pagpasok namin, bungad pa lang... may nagsasayaw na babae, walang saplot. kung doon sa kabila may costume party... mukhang dito.. costume-less party.. as in walang saplot, kita ang kaluluwa. yun pala yun, front lang yung ktv. e andun na, pasok na lang kami, nanood. order ng beer. inom ng konti... gusto ko sanang picturan yung sumasayaw, kaso, basta iopen ko yung cellphone ko... may lalapit na kaagad na guard sa likod, nagmamanman... so di na ako naglakas ng loob na picturan at baka ako ay mabugbog pa. hehehe. pagkatapos nun, umuwi na kami.

well, it's not my first time para makapanood ng ganun.. pero first time ko sa batangas. totoo pala yung naririnig ko na merong mga ganoong show sa batangas, at kagabi ko lang napatunayan. nakakapagtaka lang bakit hindi nareraid yung mga bar na yan... e ang daming ganyan sa manila... doon lang sa quezon ave... ang dami, tabi-tabi. doon sa batangas, siguro, yung mga katabi nyang bar... ganoon din. pero bakit walang nariraid? siguro nga, may lagay ang pulis... may lagay si mayor... alam nyo naman ang nagagawa ng pera, natatakpan na ang mata ng mga may kapangyarihan, nabubulag na ang batas. well, im posting this para patunayan sa inyo na hindi ako bulag, pero anong magagawa ko? sino ba ako para pakinggan nila... kung ireport ko yan, e di baka ipapatay lang ako ng mga yan. kung may makabasa nitong tagapagpatupad ng batas... isa lang masasabi ko sa inyo... HOY! GISING!

maiba ako, kakabadtrip yang SHELL sa batangas... lahat ng branch na nadaanan ko dito sa batangas, sarado kagabi, e balak kong magpafulltank dahil nga magtataas sila pagpatak ng 12Midnight. hayun, wala akong napagkargahan. ngayon, open na sila, from 36.10... 38+ na daw yung unleaded. grabe tinaas dahil sa evat. galing talaga ni GMA.... she should step down na talaga.

yun lang.

Monday, October 31, 2005

ingat

ang dami na talagang masamang tao sa mundo. kanina lang, tumawag yung kapatid kong nasa lipa, yung kapatid raw ng ninong nya... patay. pati yung asawa at gwardiya. lending shop ang negosyo nila sa calamba... hayun, siguro, pinaginteresan yung pera nila. binaril yung gwardiya, pati yung mag-asawa... sa ulo ang tama. tinangay yung pera at sasakyan... tsk tsk tsk. ingat na lang po tayo palagi.

Sunday, October 30, 2005

lactacyd

while watching PBB, natawa lang naman ako sa bagong commercial ng lactacyd featuring aga and charlene muhlach. natawa lang dun sa sinabi ni aga na "fresh and clean kaya love ko." bastos talaga ang nasa isip ko... hehehe, di ba, feminine wash yung iniendorse niya? hehehe, ano yun, testimonial to charlene's tutut?? a ewan.

Saturday, October 29, 2005

cellphone sa vending machine

natuwa ako sa balita sa internet... cellphone, ibebenta na sa vending machine? talaga? oo, totoo. pakana ng vodafone sa uk. ayokong maglagay ng link, kayo na lang maghanap.. hehehe. yun lang.