Tuesday, December 27, 2005

dollar at pyroolympics

kanina, nagpapalit ako ng dollar sa money changer doon sa may buendia corner taft.. tabi-tabi kasi ang money changer doon.. pagpasok ko dun sa una...

ako: magkano po ang palit ng dollar.
sya: 53, magkano ipapalit mo?
ako: 100 dollar (binigay ko yung dollar)
sya: (kinilatis yung dollar) series 1996 po ito... mas mababa ang palitan, 52 lang po ito
ako: bakit ganun, pareho lang namang 100 dollar yan
sya: talaga pong ganun
ako: sige, sa iba na lang ako magpapapalit (sabay kuha ng dollar at alis, walang lingunan)
sya: sir, pwede po hanggang 52.50, yun na po ang sagad
ako: (tuloy tuloy umalis) hehehe

pagpasok ko dun sa katabing money changer

ako: magkano po ang palit ng dollar.
sya: 53, magkano ipapalit mo?
ako: 100 dollar (binigay ko ulit yung dollar)
sya: (kinilatis yung dollar) series 1996 po ito... mas mababa ang palitan, 52 lang po ito
ako: bakit ganun, pareho lang namang 100 dollar yan
sya: talaga pong ganun
ako: sa kabila ko na lang ipapalit... 52.50 ang bigay nila sa akin dun (sabay kuha ng dollar)
sya: sir, dito na lang... ibibigay ko sa inyo ng 52.80.
ako: sige.. payag... hehehe

at dun nagtatapos ang kwento ko.

pahabol... kagabi... malapit ako dito (i call it as the modern way of burning your money.. hehehe) kaya napanood ko rin kahit hindi ako nagbayad ng ticket... di naman nila pwedeng takpan ang mga mata ng mga tumatanaw lang.. hahaha. actually, ivinideo ko pa nga... ang masasabi ko.. ang ganda! amazing! nood kayo, ang dami pang araw na natitira. hint: sa mga gustong makapanood ng libre... tambay lang kayo sa Blue Wave sa may Macapagal at around 9:00PM, punta kayo ng mas maaga, kasi, sobrang traffic to the maximum power... hehehe

isa pang pahabol para kay insang nao na andito na sa pilipinas... insan! magparamdam ka naman! hahahaha!

yun lang!

Saturday, December 24, 2005

christmas

happy holidays sa inyong lahat! i've been asked so many times.. daming kakilala ang nagtatanong. bakit hindi kami nagcecelebrate ng christmas? well, here is the reason. wala lang, i don't want to inflict anything here or to start a debate. i'll just show you our side, hindi ko kayo pinipilit na maniwala... whatsover. may kanya kanya tayong pag-iisip, so, it's up to you whether you believe it or not. kayo na lang magdecide. i turned off the comment box for obvious reason, ayokong makipagtalo, ok?

happy holidays to all of you!

Friday, December 23, 2005

crazy in love


i don't post articles of this kind here in my blog, pero hindi ko na kaya. i need to release this, kung hindi, baka maloko ako. the identity of the person involved was kept secret, sa akin na lang yun. anyway, she knows who she is. ok? ok. senti mode ako ngayon...

nakilala ko sya sa blogworld. the usual link exchange after nyang madalaw sa blog ko. and then, from blogmates, we became chatmates. and then, naging textmates.

first time naming nagkita, sabi ko sa sarili ko... maganda sya. this will not be the last na magkikita kami. after naming magkita, tuloy ang texting at chatting nang mga sumunod na araw. and then, sunod naming pagkikita, we went to *nch*nt*d k*ngd*m. a friendly date, since pareho naming first time na nagpunta doon. we stayed there from around 3PM till closing, i.e. 12MN. it was one of the happiest day in my life. ewan ko ba, kahit 2nd time pa lang naming nagkasama, parang ang tagal na naming magkakilala. i enjoyed that day, sobra, as in.

nasundan pa ang mga pagkikita. pumupunta ako malapit sa boarding house nya, lumalabas kami, eat out, and talk for the rest of the night. as in magdamagan kaming nag-uusap. kahit kung ano-ano lang naman ang pinag-uusapan. hindi nauubusan ng pinagkekwentuhan. lumalabas kami at least once a week. either we eat somewhere, drink coffee at starbucks, or nagkekwentuhan lang sa parking lot ng isang building. masaya ako, masaya sya. masaya kami.

may problema lang. may boyfriend sya. i know from the very start na may boyfriend sya. so what? wala pa naman syang asawa. during that time, nagkakalabuan na sila. at dumating yung point na nakipagbreak na sya sa boyfriend nya. oo, nakipagbreak sya. after the break-up, tuloy ang pagkikita namin. at abot tenga ang ngiti ko coz finally, i can legally court her.

hanggang sa malaman ng ex nya ang aming paglabas-labas sa gabi at magsumbong sa parents nya. ewan ko ba, siguro, ganun na kaclose yung ex nya sa parents nya. after that, nagbago na ang lahat. naging madalang ang text at chat. at yung pagkikita, hindi ko alam kung masusundan pa. bigla pa syang nagtext sa akin na all she can offer for me is friendship daw, nothing more. ang masakit pa, nakipagbalikan pa sya sa ex nya! putek!

ang dami kong tanong. hindi naman nya sinasagot. mahirap daw ipaliwanag. ano ba talaga ang nangyari? hindi ko alam, as in. right now, we still text each other. pinagbawalan syang makipagtext sa akin, pero after less than a day, hindi sya nakatiis. and now, ganun na ulit ang setup. we text and chat. pero yung pagkikita, hindi ko alam. almost two weeks na kaming hindi nagkikita. damn! i miss her. tinamaan talaga ako eh. magkikita pa ba kami? ewan ko. i miss those moments na magkasama kami, magkausap, nagkekwentuhan. as in.

mahirap talaga kung ikaw ang third angle sa love triangle. minsan, naiisip kong lumayo na lang. forget her. idelete lahat ng ala-ala, kalimutan na ang lahat and go on with my life. but still, hindi ko maintindihan ang sarili ko. umaasa pa rin ako na magkikita kaming muli. magkikita at magkakasama. at magiging kami. hanggang kelan ako maghihintay? hindi ko alam. nababaliw na ata ako. oo, baliw ako ngayon. as in, i'm totally crazy. crazy in love. why? why not?

yun lang po.

Thursday, December 22, 2005

inaantok ako

wala akong pasok. kahapon pa. nung magpunta kasi ako sa office, wala pa palang kaayos-ayos yung office. as in, nag-uumpisa pa lang si company. kinausap ako ni CEO. kaya daw nya ako hinire kahit december na ay dahil nga may activity sa client na kailangang tapusin. e ang nangyari, nung first day ko, natapos na namin yung dapat tapusin. so, wala na syang maipagawa sa akin. hindi pa naman ako pedeng mag-opisina dahil inaayos pa nga ang opisina, by january pa maaayos yung office, at doon pa lang magstart yung operation ng company. sabi sa akin ni CEO, just stay at home dahil wala naman ngang gagawin, tatawagan na lang daw nya ako kung may dapat ayusin doon sa client na pinuntahan namin. so, work at home ako, standby mode... tuloy naman daw ang sweldo ko after 15 days. so, tambay mode ako... pero hindi pa rin.

hindi ko pa kasi nauumpisahan yung project ko, yung ipinaoutsource sa akin. isang documentation pa lang ang naisubmit ko. hinihanapan na nila ako ng output ulit... so, ginawa ko na yung application kagabi. nagstart ako after ko manood ng balita ni mike enriquez kagabi... natapos ako kaninang 6AM. ngayon, andito ako sa company at isinubmit ko na yung application. kinaya ko nga ng isang upuan, parang gumawa ng isang school project. hehehe. tamang tama, makakasingil na naman ako.

habang pinapasweldo ako ng bago kong company sa pagtambay dito sa manila... ginagawa ko naman yung project ko. di na masama... tumataba na naman ako, ang daming pangkain eh. hahaha!

tama na. ang yabang ko na. humahangin na ang kapaligiran... marhgil. behave. salamat sa panginoon sa lahat ng biyayang kanyang ipinagkakaloob.

kanina pala sa wowowee... sabi nung isang contestant... "nagpapasalamat ako sa lahat ng TFC screwdrivers!!!" hahaha! TFC subscribers dapat. e loko si willie, pina-ulit-ulit pa. ang saya!

yun lang.

Tuesday, December 20, 2005

first day funk

ang unang araw ko sa kumpanya ay nakakaloko, hehehe. hindi pa ako nakakarating sa office nila, pinapunta na kaagad ako sa client site, doon na raw ako tumuloy at doon kami nagkita ni CEO. Pinaghintay lang naman nya ako ng 1 oras bago sya dumating. Pagdating nya, bago kami nakapasok doon sa server room...hinanapan ako ng company id. e wala nga ako, kakaumpisa ko nga lang eh. pero pinapasok din kami. pagdating doon sa loob, inexplain nya yung setup nung system sa akin. medyo di ko maintindihan yung iba... kagaya ng sinabi nya na "there are 2 e1, on 1 e1, there are 15 rand ryn" naguluhan ako at napakunot ang noo, sabi ko, "sorry, i don't know what rand ryn is..."... yun pala ay land line.hehehe. ang mga koreano pala ay mahilig sa R. parang ako...sangkatutak na R ang laman ng bibig. hehehe. after some discussions at nang magkaintindihan na kami, nagsetup kami ng isang server under Windows 2000. Ang problema,Korean version...di ko maintindihan. Iniimagine ko na lang yung mga message kung ano sinasabi sa English version... hehehe. successful din naman, nakapagformat at nakapag-install din ng Windows 2000. after namin masetup, umalis na kami,sabi sa akin ni CEO, 10AM daw ang pasok ko kinabukasan.... yung nangyari kanina, bukas ko na lang ikekwento.

Monday, December 19, 2005

first day

my first day of work sa bagong company... habol pa sa christmas party nila... hahahaha! may 13th month pay pa kaya ako at bonus?? hehehehe.

Friday, December 16, 2005

abat garci

natatawa na lang ako sa mga balita ngayon, lalo na sa pulitika. circus na ang nangyayari. kanya kanyang eksena. yung recent development kung saan pinatulan ng gobyerno ang kababawan ni abat, natawa talaga ako. hindi raw sila natatakot kay abat, pero pinatulan nila at hinuli. at natatawa rin ako sa gimik ni abat... kumpleto paraphernalia pala sila... may mga sticker pa ng we love gen abat. hahaha. sabi ni penoy kagabi... saan kaya makakakuha ng sticker nun.. ehehehe. saan nga kaya? makisakay kaya ako at maidikit sa kotse ko... hahaha. baka hulihin din nila ako. wag na. pero ok din yung ginawa ni abat... biruin mo, nawala sa eksena si garci. nawala din ang mga oposisyon na sina escudero... ang laman ng balita, tv man o dyaryo.. si abat. hahaha! at least, naging sikat sya sa pilipinas kahit papaano.

natawa rin ako kay garci. sumusulat daw sya ng aklat ng kanyang buhay. para daw maisapelikula... hahahaha. sige, ituloy mo, nang magkaroon na ng starring role sa pelikula si bentong. hahaha. di ba, magkamukha sila.

yun lang

Thursday, December 15, 2005

google desktop search

if you are surfing the net on a computer shop like what i'm doing... mag-ingat sa Google's Desktop Search. Basahin ito kung bakit. malaki ang posibilidad na mahack ang account mo. napansin ko kasi, nakainstall yang application na yan dito sa ginagamit ko ngayon. buti na lang, alam ko na yan noon pa, so... stop ko muna yung application before i start doing anything. if you found this icon on the status bar (nasa lower right corner ng desktop mo na katabi ng orasan at kung ano ano pa)... simply right click on it and click stop... para safe ang accounts mo while using the internet. ok? ok.

ewan ko if it was installed there on purpose. basta, pag-upo ko at nakita ko yun, stop ko na kaagad sya.

yun lang. happy internetting!!! hehehe

muntik na

it was a near hit. muntik na kaming paglamayan ngayon. buti na lang at nasa katinuan pa ako sa pagdadrive kagabi at madasalin ang kasama ko. nope, wala akong inom. alcohol-free ako kagabi. anong nangyari? ito ang aking pagkakaalam. three-lane yun. nasa gitna ako. may dyip sa kaliwa ko at may kotse sa kanan. pareho silang ahead ng konti sa akin. hindi yata nakita nung driver nung jeep ang concrete barrier doon sa kalye... yung mga barrier sa u-turn slot. nung mapansin nya, malapit na syang mabangga, so, ang ginawa nya, kumabig sya ng bigla sa kanan. buti na lang at ahead sya ng konti, at nakaiwas pa rin ako sa kanya... kumabig din ako sa kanan, at buti na lang... ahead sa akin yung kotse sa kanan ko kaya hindi ko sya nabangga. buti na lang. kung hindi ako nakaiwas... bangga ko sya, or kung katabi ko mismo yung kotse sa kanan, bangga ko rin sya nung bigla akong umiwas sa dyip. buti na lang.

sa nakita ko, ang may kasalanan... ang MMDA! i know those barrier were put there to serve a purpose. kung bakit ba naman hindi nilalagyan ng ilaw yang mga barrier na yan na nakaharang dyan sa mga u-turn slot. e kapag gabi at medyo umuulan, hindi na basta basta nakikita yan. madilim po kasi kapag gabi. at hindi po lahat, kasing linaw ang mata ni bayani fernando. ang dami nang naaksidente dyan, at kagabi nga, muntik na rin kami. buti na lang at hindi pa namin oras yun. buti na lang. hihintayin nyo pa bang magkaroon ng malaking aksidente bago nyo ayusin yan??? kung wala kayong pambili ng ilaw... kahit reflector, lagyan nyo! mura lang ang ilaw.. kahit yung isang buwang tax ko, dyan nyo na lang ilaan kesa sa kurakutin pa ng mga pulitikong corrupt.

yun lang.

Wednesday, December 14, 2005

traffic at gameknb

andito na ako sa manila. umalis ako ng 1:30PM, andito na ako around 4:30PM, dumiretso na ako sa nagpapaoutsource sa akin. tatlong oras din na byahe, traffic kasi. may aksidente sa SLEX, may nabanggang kotse, ewan ko lang kung anong lagay nung driver, may ambulansya eh. yung kotse, wasak na wasak. tatlong beses na nagpa-ulit-ulit yung ultraelectromagneticjam habang nagdadrive ako at naipit sa traffic. buti at hindi sila namalat sa kakakanta. syempre, yun muna ang pinakinggan ko, itinago ko muna yung halina sa parokya at mga album ng mymp at pinagsawaan nga ang album na yun. hindi pa rin ako sawa... hehehe.

kanina, nanonood ako ng gameknb, tapos, pinalipat nung mother ko sa channel 7, sa eat bulaga, may kilala daw kasi syang kasali ngayon sa laban o bawi. pag lipat ko sa eat bulaga... may game show sila. hindi ko alam kung anong title. since hindi pa naman laban o bawi, sabi ko sa mother ko, ilipat ko muna sa gameknb. wala kasing kabuhay-buhay maghost si joey de leon. ewan ko, nakakaantok eh. ibang-iba dun sa paghohost ni kris sa gameknb. siguro nasanay lang ako sa paghohost ni kris?? siguro nga.

Tuesday, December 13, 2005

ultra electro magnetic jam

saw this post of penoy about ultraelectromagneticjam... a tribute to eraserheads. actually, meron na syang mp3, nakita ko doon sa bahay namin, housemate ko kasi si penoy, pero mas gusto ko pa ring bilhin yung orig. trip ko lang talagang bumili ng orig kapag lahat ng kanta nung album ay pwede kong pakinggan. in support na rin sa mga opm artists natin. pero kung isang kanta lang ang sikat sa album, hindi ko talaga binibili. pero itong album na ito, i have to have this. kaya nang maligaw kanina ako sa sm batangas, nagpunta agad ako sa odyssey at ito agad ang hinanap ko. hayan, may album na ako. 300 bucks, ok lang. di na masakit sa bulsa, makakasingil na naman ako bukas, downpayment para doon sa outsourced project. hehehe. ang comment ko sa album.. wala lang, cool sya! hindi naman ako lugi. e-heads fan kasi ako since high school eh. though syempre, iba pa rin yung orig na sila ang kumanta, e wala na sila eh, nagkawatakwatak na eh... pero despite that.. their music lives on. sarap pakinggan ng Spoliarium... rendition ng Imago. tsaka yung Huwag Mo Nang Itanong ng MYMP. yun lang muna, sound trip muna ang drama ko ngayon. hehehe. sa gustong magkakopya nung album... go to the nearest music store... hehehe. or abangan nyo, kapag nagsawa na ako.. baka ipabidding ko dito. kung magsasawa ako... malabo eh.

Monday, December 12, 2005

half half

mahirap nga namang pag-aralan ang english. kung gagawa ako ng isang text-to-speech application para sa pagbabasa ng tagalog language, mukhang simple lang. kasi, kung anong basa, syang sulat, di ba? pero sa english, ang gulo, ang labo. basahin nyo nga ito ng tuloy-tuloy, mabilis, babaguhin ko lang ang unang letter, pero mag-iiba na ang pronunciation.

one
bone
cone
done
fone
gone
lone
none
tone
zone

di ba, ang gulo? unang letter lang ang binago, iba na ang pronunciation.

is the glass half-full or half-empty? minsan, itinatanong sa akin yan. ang alam ko, ang sagot dyan, depende sa sitwasyon. example, umiinom ka ng tubig, sabi ng mother mo.. "ubos mo na ba yung tubig mo?"... syempre, sasabihin mo, "malapit na po.. half empty na po." pero kung nagpapakuha ng tubig sa baso ang mother mo at tinanong ka nya... "hindi pa ba puno yang baso? uhaw na ako.", isasagot mo naman.. "sandali lang po... half-full na sya"

tama ba? a ewan. wala lang akong maipost kaya sinulat ko yan. ehehehe.


sore eye

nothing unusual, kain tulog lang ako dito sa bahay. nanood ng tv maghapon. inumpisahan sa home boy, tapos, rubi, gameknb, tapos wowowee. mukha bang kapamilya ako? ewan. nanonood rin naman ako sa kapuso eh. pero mas trip ko panoorin sa gabi, HBO... or Cinemax, kahit anong pelikula. ehehehe. kakasawa din pala ang tumambay maghapon, hindi ako sanay. lalo tuloy akong nagmumukhang santa claus. lumalaki ang tyan.. hehehe.

parang may sore eyes ata ako. sore eye, isang mata lang eh. itong kaliwa kong mata, ang kati. luha ng luha. sino kaya ang kumulam sa akin? hehehe. hindi tuloy ako nakapagfocus sa aking project. puro panonood na lang ng tv ang inatupag ko. siguro, bukas, uumpisahan ko na para may maisubmit na ako sa wednesday.

someone asked me kung may sun cellular number daw ako. dati, meron. pero nawala yung SIM ko at mula nun ay hindi na ulit ako nakabili. dito sa baranggay namin sa batangas, walang gumagamit ng sun cellular. dead spot kasi ang sun cellular dito. smart at globe lang ang umaabot na signal dito. at ang landline, globe lang. wala atang balak maglinya ang pldt.

nag-iisip akong magtayo ng computer shop dito sa barangay namin. lapit lang kasi sa barangay high school itong aming bahay. ang mga estudyante kasi, nagpupunta pa doon sa bayan makapagcomputer lang. yun ang sabi ng mga pinsan kong doon pumapasok. e kung meron dito, hindi na sila mamamasahe ng 15 pesos makapagcomputer lang, di ba? hhmmm.. pag-isipan ko. para naman magkaroon ng trabaho ang kapatid ko, sa halip na nagpapasada ng dyip, magbantay na lang sya ng computer shop. siguro, mid 2006, kung makakaipon ako ng sapat na halaga, itutuloy ko ito. syempre, pakakabitan ko rin ng dsl line, di ba? pumapasok na rin naman ang kabihasnan dito sa baranggay namin... natututo na ring mag-internet ang ilan sa mga tao. kahit ang iba ay kuntento pa rin sa patambay-tambay na lang, pero ang mga kabataan, marunong na ring mag ragnarok. hehehe.

yun na lang muna. tuloy pa rin ang pagtetext ko sa gameknb. ayaw pa rin akong tawagan. ayaw yatang may manalo ng 1 million nila. hehehehe!

Sunday, December 11, 2005

sunday post

talo ang bet ko sa pbb, pero ok lang. 2nd naman sya.. hehehe. and nene deserves to win. nagulat ako, biglang ipinakita yung total votes sa halip na percentage lang kagaya ng nakaugalian nila. buti naman.

bukas, lunes, hindi muna ako luluwas ng manila. dito na lang muna ako sa batangas. dito ko na lang gagawin yung project ko. sa wednesday na lang ako punta sa manila.

nanonood ako ng rated K sa channel 2, biglang naisip ko, makapagsideline din nga. santa claus for hire. hehehe. kaso, ang mura naman ng bayad, 200 per day.

nagpunta kami kanina doon sa kapatid ko sa lipa, para mabisita na rin ang pamangkin ko. habang tumatagal, gumagwapo si totoy, mana ata sa tito aga nya. hehehe. ito ang latest picture nya...



namamana ang kagwapuhan... hehehe!!!



Saturday, December 10, 2005

the big night

tonight is the big night... pinoy big brother big night kung saan iaanounce na ang big winner sa pinoy big brother. ang bet ko... sino pa, eh di ang aking kababayang si JASON! ala eh, batangenyo yata ire, at malapit laang dine sa amin ang bahay nila, sa bolbok, batangas city laang eh. sya ang bet ko, pero kahit isang text, hindi ako nagtext... hehehehe. wala lang, 1 vote will not make a difference. still in doubt pa rin ako kung gaano kaauthentic yung results, dahil hindi naman pinapakita yung total votes casted. porsyento lang. ang daling imanipulate kung gugustuhin nila. kaya manonood na lang ako and will just enjoy the show, pero magtetext ako para bumoto? never. itetext ko na lang sa gameknb para maging studio contestant ako. hehehe. halos araw-araw akong nagtetext, di pa rin ako tinatawagan. panay pa naman ang practice ko noong mga nakaraang araw na nakatambay lang ako sa bahay. hehehe.

yan, umpisa na. manood muna ako.

imagine

Imagine
John Lennon

Imagine there's no heaven
It's easy if you try
No hell below us
Above us only sky
Imagine all the people
Living for today...

Imagine there's no countries
It isn't hard to do
Nothing to kill or die for
And no religion too
Imagine all the people
Living life in peace...

You may say I'm a dreamer
But I'm not the only one
I hope someday you'll join us
And the world will live as one

Imagine no possessions
I wonder if you can
No need for greed or hunger
A brotherhood of man
Imagine all the people
Sharing all the world...

You may say I'm a dreamer
But I'm not the only one
I hope someday you'll join us
And the world will live as one

Friday, December 09, 2005

size 10

uuwi na dapat ako sa batangas kanina, tutal, wala na naman akong gagawin dito sa manila at sa dec 19 pa ako magstart sa bago kong work. yung pinapaoutsource naman sa akin ay pwede kong gawin sa batangas at email ko na lang sa kanila yung source code. kaso, pag labas ko ng bahay kanina, umuulan. tinamad tuloy ako, nakakatamad magdrive kapag umuulan tapos solo ka. bukas na lang ako uuwi, baka may makakasabay pa ako sa aking mga housemates.

ang ginawa ko maghapon, inumpisahan ko na yung pinapa-outsource sa akin. mga documentation muna, yun kasi ang madaling gawin, may pattern na kasi ako ng mga documentation, edit edit na lang.. hehehe. apat na documentation ang kailangan kong isubmit by the end of the project, tinapos ko na yung isa kanina. 3 more to go. tapos, saka ko gagawin yung application, madali lang naman nga yung application, kaya ng 24 hours, para lang nagrush ng isang project sa school. hehehe.

2 weeks na akong tambay, at next week, tambay pa rin. pero ok lang, kahit tambay ako. buti na lang at may nakuha nga akong project. biruin nyo, yung nakuha kong project, mahigit pa sa doble sa monthly salary ko ang bayad, na gagawin ko lang ng 1 week. well, talagang swerte lang siguro ako. mabait pa rin si lord sa akin kahit paminsan minsan ay hindi ko nasusunod ang kanyang mga utos. on dec 18 will be our thanksgiving day sa church namin. ang dami ko talagang dapat ipagpasalamat.

since ang dami kong pinagpasahan ng resume, tuloy pa rin ang tawag ng mga nag-aapply na maging boss ko.. hehehe. hindi pa rin nawawala yung mga unprofessional na hr na nag-iinvite ng exam or interview thru text, na hindi ko naman pinapansin. if you can't afford to call me thru phone for the interview, i'm sure you can't afford my expected salary, di ba? hehehe. napakadelikado ng panahon ngayon, bakit ako pupunta sa isang lugar dahil may nagtext lang sa akin na hindi ko naman kilala? malay ko ba kung ano talagang pakay nila... baka marape pa ako. hahaha!

yung title ng post na ito, wala lang. baka may gustong magregalo dyan sa inyo ng sapatos... yan ang size ng paa ko. hehehehe!

yun lang.

Thursday, December 08, 2005

antz

noong linggo ng gabi, may napansin akong kakaibang pangyayari doon sa dingding sa kusina ng bahay namin sa batangas. may mga langgam lang naman na dumaraan, isang mahabang linya. pero kakaiba, unlike the ordinary langgam line na isang tuwid na linya kung saan sila ay nagsasalubungan... kakaiba itong nakita ko. may mga gwardyang langgam na nakapwesto in parallel and in between them, doon dumaraan ang mga langgam, sa pagitan ng dalawang linya ng mga langgam. parang may kalye ng mga langgam at sa gitna dumaraan ang maraming langgam. hirap ipaliwanag. ito na lang tingnan nyo, dahil sa natuwa nga ako, ivinideo ko using my cellphone. you can view it using real player or quicktime. ito na yung link.

glorietta

wala akong magawa sa bahay kaya nagpunta ako dito para magpalipas oras, tambay.

Wednesday, December 07, 2005

masaya ako

medyo inedit ko lang itong blog ko at inilagay yang google search sa itaas. para mukhang google din, may blog nga lang sa ilalim at medyo madilim. wala lang, kung may gusto kayong isearch, sa halip na sa google kayo magpunta, dito na lang sa blog na ito. pareho din naman ang resulta... nakatulong pa kayo sa may ari ng blog na ito, bakit? magsubscribe kayo sa google adsense para malaman nyo kung bakit. paano? click nyo lang yung link sa footer ng blog na ito. ok?

wala lang, masaya lang ako. i have 1 week project worth $****, naiclose ko na. at magstart na ako sa bago kong work sa dec 19. di ba, ang saya? hehehe.

mission accomplished

tapos na ang job hunting ko. oo. tapos na. got the job i want at the salary i want. someone from pl*t referred me to this company. nagkita kami kanina nung CEO, lunch meeting, kinausap ako, and since impressed siya sa resume ko, pinag-usapan na lang namin ay yung sweldo ko at kung kelan ako magstart.

to give you an idea, company sya sa korea na nagstart pa lang ng business dito sa philippines. pero nakapagclose na sila ng deal sa pl*t. may income na. ang mga programmer nila ay from korea, yun ang unang project nila with pldt. since magastos na mga programmer pa nila ang pupunta dito to do the programming and technical support, gusto nya, maging independent sila. hayun, at naghahanap nga sila ng magagaling daw na programmer... hehehe. at nagtagpo nga ang aming landas. i'll start as system analyst daw, pero sa totoo lang, ako pa lang ang programmer, ako ang mag-uumpisa ng development team. ako magiging team leader. ako ang didiskarte ng lahat. ako daw bahala maghanap ng mga programmer ko. hahahaha! mukhang mamimirata ako ng magagaling na programmer doon sa dati kong company. hhmmm.

ngapala... isa syang malaking kakumpetensya nung dati kong company, same product lines. hehehe. ginusto pa nilang yung mga natutunan ko sa kanila ay pakinabangan ng iba. pinakawalan nila ako eh, sorry na lang sila.

sa december 19, umpisa na ako. sana ok ito!

Tuesday, December 06, 2005

take it or leave it

nagquote ako, 70-30. nagreply sila... grabe namang tumawad... gusto, 17% sa akin, sa kanila, 83%. ano ako, bale? nagreply ako, 50-50, take it or leave it. wala pa silang reply. kung ayaw nila, e di wag, hindi naman ako ang maiipit sa client, hindi ko naman kawalan. e di maghanap sila ng ibang programmer, or dagdagan na naman nila ng trabaho ang mga programmer nila para maburaot na rin sa kanila at magresign na din. hehehe.

ano ba itong sinasabi ko? just read my previous posts para maintindihan nyo.

yun lang!

Sunday, December 04, 2005

may pera sa blog

kung mapapansin nyo, medyo naglagay ako ng ads dyan sa sidebar ko at konti doon sa footer. nagkaroon na rin ng google search bar dyan sa sidebar ko at sa footer ko. di naman masyado nakakabagal ng pagloload ng blog, medyo trip ko lang maglagay dahil may bayad pala yan, depende kung gaano karami ang bumibisita sa blog mo at kung gaano karami gumagamit nung search bar. medyo nasa ilalim lang yung mga ads ko, pero kapag nagcomment kayo, makikita nyo, di ba? kung trip nyong magdownload ng firefox, click nyo lang yang link sa baba, kung gusto nyo ring magkaroon ng ads yung blog nyo at mabayaran for displaying their ads, click nyo rin yung link sa baba, yung tungkol sa adsense. magkano ba kinikita? ewan ko, yung adsense account ko, nung umpisahan ko ito nung friday, meron na akong $0.13 sa account ko. ipapadala daw yung cheke kapag naka $100. ok lang di ba? wala namang kahirap-hirap, nilagay ko lang yung konting ads nila sa baba. kelan kaya ako makaka $100? 10 years from now? ok lang, hehehe. sabi ko nga dun sa officemates ko dati, kung magsesearch kayo sa google, dito na lang sa blog ko kayo magpunta, same din naman yung search results, nakatulong pa kayo sa akin. kung gusto nyo ring magkaroon ng adsense account, click nyo lang yung link sa footer ko at magopen ka ng account. paulit ulit na ako. sige, tapos na.

yun lang.

paano ka maghubad

this is a forwarded e-mail from a friend in kuwait... parang totoo kaya ipinost ko... ok... read on..

You thought the way you dress reflects your personality . . . you were right to some extent . . . 'coz the way of Undressing too Reflects ur personality !!

So, go on and indulge in self-exploration. Throw, dump, remove, just do your own thing...

1. If you throw your clothes all over the place, you're a friendly, life-of-the-party type. You are free with your thoughts and opinions, not caring much about what others think of you.

Your parents might think your room looks like a cyclone's hit it? But it actually represents your happy, individualistic nature! Stay that way!

2. If you remove each piece of clothing and put it away carefully, you are a serious person who likes life to be very calm. You are comfortable with
routine work. And you believe that the best way to deal with life's problems is to prevent them in the first place.

You are a perfectionist. By nature you are quite shy. You're dependable and sometimes intense. You think carefully before making decisions. You go about your tasks methodically, with concentration.

3.If you take off the shirt, and ten minutes later get around to the pants, you are an extremely self-confident person. You are naturally bright and
intellectual.

You are also a deep thinker who loves to ask questions and ponder over the meaning of things. You hate being rushed and you do not like to be hassled. Usually you like a lot of free time for yourself.

4.If you get out of your clothes as quickly as possible, you are concerned about others and what they expect from you, but you're worried about your
own needs.

You are family-oriented, and stay extremely busy. You often feel stressed, but most of those heavy expectations come from your own head! Give yourself a break, you don't have to be perfect!

5.If you take off your rings, earrings, necklace, watch, etc before anything else, you are a warm and sensitive person.

You are considerate and thoughtful, and you give good advice to your friends. You are a natural born romantic. Helping friends or anybody for that matter is your second nature. You hate liars and you would love the world to become a better place.

6. If you don't have an undressing routine and you never do it the same way twice, you are a very curious and interesting person. You enjoy a broad
range of activities. You take risks and enjoy fun and adventure. The word monotony cannot dampen your spirits at any cost, as you live life
kingsize. Having fun is as much a part of your routine as slogging it out at office.

Thursday, December 01, 2005

latest computer innovation


kinuha ko sa forwarded email. natuwa lang ako kaya pinost ko.

ang masamang balita

nareceive kong forwarded e-mail kanina lang, di ko kilala kung sino ang author, just want to share it with you, nakakatawa kasi... eto na...

KUMIRIRING ang telepono nang madaling araw....

"Hello, Master Carlos? Si Arnaldo po ito, 'yung katiwala niyo sa bahay-bakasyunan niyo."

"O, Mr. Arnaldo, ikaw pala. Ano't napatawag ka? May problema ba?

"Um, napatawag lang po ako para abisuhan kayo na namatay ang alaga niyong parrot."

"'Yung parrot kong si Pikoy, patay? 'Yung nanalo sa bird show?

"Opo, Master Carlos, 'yun na nga po."

"Putris ... sayang! Ang laki pa naman ng nagastos ko sa ibong 'yon. Hay, buhay! Teka, ano nga ba ang ikinamatay niya?"

"E, kumain po kasi ng bulok na karne...."

"Bulok na karne? At sino namang salbaheng tao ang nagpakain sa kanya ng bulok na karne?"

"W-Wala po. Nanginain po siya ng karne ng isang patay na kabayo."

"Patay na kabayo? Anong patay na kabayo, Mr Arnaldo?"

"E, 'yun pung mga thoroughbred horses niyo, Sir. Namatay po kasi lahat sila sa pagod, kahihila ng kariton ng tubig."

"Nasisiraan ka na ba ng bait? Anong kariton ng tubbbiiiiggggg?"

"'Yun pong pinampatay namin ng sunog."

"Diyos ko po! Anong sunog naman 'yang pinagsasasabi mo?"

"'Yun pong halos tumupok sa bahay niyo.... Tumumba po 'yung isang nakasinding kandila, tapos nagliyab 'yung kurtina at mabilis na kumalat ang apoy...."

"Ano? Puuut.... E, may kuryente naman diyan sa bahay-bakasyunan, a. Para saan 'yung kandila?"

"Para sa burol po."

"Ano? Kaninong burol?

"Sa nanay n'yo po, Sir. Bigla kasi siya dumating dito nu'ng isang gabi, walang kaabi-abiso. Lampas hatinggabi na. Akala ko po magnanakaw. Binaril ko."

catch me if you can

mga joke na narinig ko sa pakikisalamuha sa araw-araw.. hehehe.

sabi nung kasama ko sa bahay sa isa pang kasama ko sa bahay... ok lang yan na nakasabit lang yan dyan... yan naman ay dyan lang pansamantagal.

kwento ng kasama ko sa bahay tungkol sa boss nya.. nagroll call daw sa meeting, nasa building sila... tinawag yung isa... "pedro." may sumagot... "bumaba ho at may binibili lang" sagot nung nagrorollcall... "ha? bumabaho na sya? kelan pa???"

narinig ko sa love radio nung isang araw... bakit daw mas matataba ang lalaking may-asawa kesa sa mga binata? ang sagot nya... ang binata, pag dating sa bahay, sisilipin ang ref, kapag walang laman, matutulog na lang sa kama. samantalang ang lalaking may-asawa... pagdating sa bahay, sisilipin ang kama, kapag nakita si misis... pupunta na lang sa kusina at pagdidiskitahan ang laman ng ref. hehehe.

tanong sa akin sa interview... bakit ka nagresign? gusto ko sanang sagutin... bakit hindi? hehehe.

nakita ako nina francis ngayon dito sa office, comment nila... gumagwapo ka yata ngayon. hehehe. sagot ko... kelangang akitin ang HR para madaling matanggap. hahaha!

yun lang muna. wala na akong maisip.

freelance programmer

andito ako sa company na magpapaoutsource sa akin. nakausap ko na. ibinigay sa akin ang requirements... hhmmm. 2 weeks development. deadline ko is on dec 16. pero bago yun, syempre, kailangang pag-usapan kung magkano.

sabi ko, i'll send the timeline by monday. pati yung presyo. but they gave me a hint. ang ibabayad daw nung client for that particular software na gagawin ko is $****. just for that software. di kasama yung hardware at kung ano ano pa. i don't know if they are telling the truth... pero syempre, dyan ako magbebase ng presyo ko. babayaran sila ng $****, ang gagawin nila, ipapagawa sa akin ang lahat. magkano kaya sisingilin ko? someone suggested, 50-50 daw. merong nagsabi, 60-40 syempre 60 sa akin. well, di pa rin ako makapagdecide, pero naiisip ko, ipropose ko 70-30, kapag tumawad sila, i'll go down hanggang 60-40. less than 60-40, hanap na lang sila ng iba, kung may makikita sila. hahaha. i think, that's fair enough, ako naman lahat ang gagawa eh.

parang gusto kong mag-pakafulltime free lance programmer na lang. kung ganyan ba naman ang magiging project ko lagi eh, kahit di ako magkatrabaho ng 3 months, ok lang. ewan ko, bahala na. by the way, pwera yabang, i can finish that project in 24 hours straight, isang upuan. hhhmmm, hindi na masama, di ba? ehehehe