This is Marhgil Macuha's blog before he got his own self-hosted blog. He occassionally posts here, kapag natitripan. :)
Tuesday, March 29, 2005
pacquiao-murad conflict
just like to comment on pacquiao-murad conflict.. na kesyo mas malaki daw ang kinita ni murad kesa kay pacquiao... natural lang yun di ba?? kasi, sya ang promoter. mas malaki talaga ang kinikita ng promoter kesa sa worker... hindi na ito bagong bagay. kahit sa mga company, sino ba mas malaki sweldo? yung programmer na syang nagpapakahirap gawin yung application o yung sales? mas malaki ba ang kita nung mga crew sa jollibee o si Aga na promoter ng Jolibee??? talagang ganyan ang buhay... the more physical your work is... the lesser your pay.. pero yung mga nakaupo lang sa office, pameeting-meeting, pa-utos-utos... yun ang malaki ang sweldo. di ba? brain is more expensive... lalo na pag ginagamit.
Monday, March 28, 2005
road map
ang hirap pala magdrive dito sa manila, lalo na sa makati, kapag nagkamali ka ng pasok sa kalye, hirap na balikan, kagaya nung papunta sana akong glorieta, e hindi ko napansin na kanto na pala ng ayala at buendia, hayun, nagtuloy tuloy ako sa buendia... hanap ako ng u-turn para bumalik, wala naman akong makita, so, tuloy lang ako nang tuloy, bigla nakita ko, may mga nagleleft-turn, sumunod ako, hanap pa rin ng paraan para makabalik, pero habang tumatagal, nalalayo ako... kung saan saang kanto ako dumaan, syempre, lagi naman akong may sinusundang sasakyan bago pumasok ng kanto para sigurado ako na hindi 1-way yung pinapasok ko... hanggang makarating ako ng rockwell... tuloy tuloy na rin pagdadrive ko hanggang sa marating ko yung EDSA! yun, from EDSA, nakabalik ako sa Buendia at nagtuloy tuloy hanggang kanto ng ayala, mula dun, no left turn naman, so hanap na naman ako ng paraan para makarating sa ayala, anyways... nakarating din ako sa glorieta... huh! kailangan ko na nga yatang bumili ng road map dito sa manila... hehehehe
yun lang
yun lang
Tuesday, March 22, 2005
talo
pacquiao lost... dami natalo sa pustahan.... hehehe. pero tama hula ko, if it is not a KO, then it will be morales by unanimous decision.
talagang bahagi ng buhay ang matalo... sabi nga sa isang patalastas... bilog ang mundo, minsan nasa ibabaw, minsan nasa ilalim... yun lang, tinatamad na akong magtype.
talagang bahagi ng buhay ang matalo... sabi nga sa isang patalastas... bilog ang mundo, minsan nasa ibabaw, minsan nasa ilalim... yun lang, tinatamad na akong magtype.
Friday, March 18, 2005
marhgil learns to rock (nang matutong bumato si marhgil)
kaibigan.... tunay ka ba???? wala na ba ngayon ang samahan natin??? wala na bang kwento??? ang tahimik naman dito... tumatawag.... walang sumasagot.... nagsisisi.... he... may kasalanan ba ako??? habang ikaw ay.. nandito... kaibigan.... tunay ka ba??? tulungan nyo ako upang magising ang natutulog kong mundo.... ang natutulog kong mundo... ang natutulog kong mundo.... ang natutulog kong mundo....... huh!!! yan ang lyrics ng kantang pinakikinggan ko habang tinatype itong blog na ito... siguro, yan ang aawitin ni morales pag napatumba na sya ni pacman... hehehehe.. natutulog kong mundo...
friday na naman... uuwi na sana ako, kaso, punta pa kami sa isang client... taga US kasi yung tech support... may ireremote dun para maayos na yung problema. bukas, siguro, hapon na ako uuwi. syempre, puyat eh.
huuu! ayaw ko nang magsorry.... huuuu! sawa na akong magsisi... pasensya ka na... mabilis lang akong mataranta... ako ang hari ng sablay... ako ang hari ng sablay... hinding hindi makasabay... sabay sa hangin ng aking buhay... hari ng sablay.. ako ang hari ng sablay... ako ang hari... ako ang hari....
ang awiting inawit ng banda ng mga diabetic... sugar free... hehehehe... yan ang aawitin ni morales pag napatumba na sya ni pacman.. hehehehe
anyways... naalala ko yung entry ko sa diary ko dati... yung challenge ko sa mga manghuhula. ngayon, gusto ko ulit magbigay... hulaan nga nila kung sino ang mananalo sa darating na boxing, at anong round matutumba si morales??? parang sigurado na akong si pacquiao ang mananalo ah... ang prediction ko... KO by pacquiao or morales on unanimous decision.

Monday, March 14, 2005
kotse, swimming, sofa
ibang iba pala kung brand new car ang drive mo at tinted (light tint yung sa akin), lalo na kung wala pang plate number. una, walang coding, kahit anong araw, pwede kang magpunta sa manila. hindi ka basta basta huhulihin ng pulis kapag may violation ka, kasi nga, tinted yung car mo, medyo hesitant daw sila manghuli nito, baka daw kasi si mayor ang sakay.. hehehe. ano pa? sa trapik, walang manggigitgit sa iyo. takot na lang nilang magasgasan yung kotse mo. kung ikaw ang sisingit, pagbibigyan ka, aatras pa yan pag medyo alangan. at pagdaan ng sasakyan mo, lalo na sa inyong barangay, habol ang tingin ng mga tambay, siguro, iniisip nila, paano kaya naloko ni marhgil yung toyota at nakakuha ng car loan? hehehe. isa pa, nung magbestman ako sa kasal ng kapatid ko at nakita ako nung isa nyang ninang na dala yung bagong car, inirereto kaagad ako sa anak nya. sabi ko lang, sori, taken na po ako. gumagwapo nga naman kapag nakakotse.. hehehehe.
kahapon, nagpunta kami sa "tagong paraiso" sa bayanan, batangas para magswimming sa swimming pool nila. talaga nga palang tago, yung kotse kong bagong car wash, pagdating dun, ang dumi na. e hindi pa kasi sementado yung kalye, malayo pa sa kabihasnan.. puro alikabok.
medyo lugi lang ako sa bahay ngayon, tatlo lang kasi yung kwarto. sa isang kwarto, ang inay at tatay, dun sa isa naman ay yung bunso kong kapatid, asawa at mga anak nya, yung isa naman, ang kuya at ang kanyang bagong asawa ang natutulog. E saan ako? dun sa sala, sa sofa.
that's all for now.

Wednesday, March 09, 2005
kasal, kotse at iba pa
nag-iisip siguro kayo kung bakit hindi ko yata ikinikwento kung anong nangyari sa kasal. wala namang bago eh, nag-I-DO sila, bestman nga ako, pagkatapos nun, kainan sa reception, tapos, uwian na. a typical INC wedding. yung gustong malaman kung anong itsura ko nung magbestman ako, sori, wala akong picture eh, nagpunta sana kayo para nakita nyo ako.. hehehe. pag nadevelop na yung picture, magpost siguro ako dito ng isa.
regarding the car, hindi ko pa sya magamit dito sa manila. 2 weeks pa kasi ang tatay dito sa pinas, and since 75% ng down ay sya ang nagbayad, sya muna daw ang gagamit. after 2 weeks ko pa madadala dito sa manila. sa mga gustong sumabay sa akin pagluwas ng manila every monday morning, text nyo lang ako, dapat, mabilis kayong tumakbo para makasabay kayo hehehe... bigyan nyo lang akong Php100 panggas at pasasakayin ko kayo. 4 passengers lang ha, kung madami kayo, e di magschedule na lang kayo. hehehe. nakatipid na kayo sa pamasahe, naka-Altis pa kayo! pag-uwi naman sa batangas, every friday night, uuwi na siguro ako, yung gustong sumabay, tagpo na lang dito sa office, schedule lang din ulit, ihahatid ko kayo hanggang bauan lang. yung interesado sa offer ko, text nyo na lang ako.
ano pa? maghihiring yata kami dito sa office... entry level programmer. dapat, marunong magprogram. yun lang

Monday, March 07, 2005
altis ulit
Subscribe to:
Posts (Atom)