Marhgil Macuha



mrs kukote reacts!

Sunday, July 31, 2005

by kukote

natawa na lang ako nung mabasa ko ang post ng aking future misis... hehehe. blogger din po sya, kaso, madalang pa sa patak ng ulan sa saudi kung sya ay mag-update, masyado kasing busy. ito yung tinutukoy kong post nya. sabi ko... hindi sya pedeng maging presidente... first lady nga sya eh. hehehe.

yun lang



posted by Marhgil, 10:21:00 PM | permalink | 8 komento |

d anothers

by kukote

d anothers... ang pelikulang pinanood ko kanina. payo ko lang, yung ibibili nyo ng ticket, ipangrenta nyo na lang sa internet at bumisita kayo sa blog na ito, mas nakakatawa pa yata ito... hehehehe. mas corny pa sa blog na ito eh, recycled jokes eh...

pero kung trip nyo pa rin at kasing bagot ko kayo kanina, go on. pera nyo yan, anong paki ko... hehehe. ito lang ang dapat nyong abangan... yung artistang ang bahay ay katapat lang ng boarding house namin... kontra bida doon... si jhong hilario ba yun? abangan nyo na lang yung kissing scene nya with bella flores... yyuuucccckkk! kung kabarkada ko lang yun, sarap asarin... hehehe. kaya hindi talaga ako mag-aartista. hehehe.

yun lang.



posted by Marhgil, 12:29:00 AM | permalink | 7 komento |

sa national bookstore, jennifer aniston and friends

Saturday, July 30, 2005

by kukote

after watching d anothers... gumala muna ulit ako at napadpad muli sa national bookstore. wala akong balak bumili until i saw the guinness world records 2005 book. since 2001, bumibili na ako nyan eh, dagdag kaalaman ba... problema ko lang, kagaya nung harry potter books ko... nasa ex ko rin yung mga guinness books ko! talagang puno sya ng memorabilia ko aH! hehehe.

so ganito yung nangyari... i asked for a hard-bound copy, and since the price difference is just 200 pesos, yung hard bound na binili ko. pagdating sa cashier, sabi ko, i will use my banco de oro card. ang sagot agad nya, "sir, hindi po namin yan tinatanggap dito." sagot ko... "ha? bakit? e tuwing magsashopping ako sa SM, yan yung ginagamit ko, sigurado ka? ibinenta na ba ni henry sy yung banco de oro?" hehehe. tapos sabi ni cashier, "sandali po, di ako sure, itanong ko sa boss ko.." tapos kinuha yung card ko. after 5 minutes, bumalik sya, "sir dun tayo sa kabila, pede pala yan." so sunod naman ako... tapos nung binabasa nya yung card ko... bigla ba naman akong tinanong... "sir, Buendia Avenue ang pangalan nyo???"... talagang pinigilan ko na lang ang pagtawa!!! shet... napagkamalan ba namang Buendia Avenue yung pangalan kong nakasulat doon sa banco de oro card? yung card ko kasi, wala akong name na nakaprint... card number lang, then, BRANCH NAME. huwwwaaaww... !!! si mr buendia avenue na pala ako ngayon... hehehe

natapos din naman yung transaction at nabayaran ko yung book. bumili din nga pala ako nung "brain twister" na puzzle, yung may apat na shapes na kung ano-anong shape na mabubuo. paglabas ng national bookstore na lang ako tumawa nang tumawa.

ok... ito nabasa ko ngayon sa guinness... yun palang sina jeniffer aniston, courtney cox at yung iba pang babaeng cast ng friends... they are the highest earner pagdating sa tv sitcoms... earning $1 million per episode! shet... isang episode, $1M! ilang episode na ba yun??? e parang naglolokohan lang sila doon, at 30 minutes lang ang isang episode nila, di ba? ang swerte talaga ng mga artista. pero kahit ganun... ayaw ko pa ring mag-artista... masunurin akong anak.. hehehehe

yun lang



posted by Marhgil, 11:32:00 PM | permalink | 7 komento |

sa kasalan

by kukote

hindi na kami umattend ng kasal sa simbahan, diretso na kami sa reception. mukhang pagkain lang habol a... hehehe. there are around 300 guests, buffet ba yung tawag dun, yung pipila kayo para kumuha ng pagkain nyo??? basta ganun, so nung mag-umpisa na yung pagpila, tinatamad akong pumila, sobrang dami kasi ng taO! e nataong malayo pa kami doon sa mga pagkain, sa bandang huli pa ako mapapapunta. sabi ko sa sarili, mamaya na lang ako pipila kapag maigsi na yung pila. yung mga kasama ko ay pumila na, ako na lang naiwan sa table... so tambay lang ako dun, nang walang ano-ano, lumapit sa akin yung tiya kong taga-olongapo, nauna kasi sya sa pila at ang daming kinuhA! sabi sa akin, "marhgil, hindi ko naman ito kayang ubusin eh, kuha ka na para makakain ka na." yun, sinwerte, yung pinggan nya, kalahati lang itinira ko... hehehe. kumpleto rekado, may leche flan pa. after around 15 minutes, dumating na yung mga kasama ko. at tapos na akong kumain, nagtitinga na... hehehehe. sabi sa akin... "at saan ka naman kumuha nyang pagkain mo?? tagal-tagal naming nakapila, naubusan na kami ng leche flan!" hehehe... mas marami pa akong nakain sa kanila! may nagagawa rin palang kabutihan yang katamaran... hehehe, lumalapit ang grasya?

something funny happened to me at national bookstore kanina.. sa next post ko na lang ikwento.



posted by Marhgil, 11:18:00 PM | permalink | 2 komento |

konting kwento lang

by kukote

after the open forum kung saan nasira na naman ang gabi namin dahil kung ano ano na naman ang lumabas na issue nung malasing na ang mga tao, parang lalong gumulo ang mundo.

nagpunta kami sa gilligans dyan sa glorieta. konting inom lang... di naman ako pede magpakasasa at baka kami ay mabangga pag-uwi. 3 san mig light lang nainom ko nung gabing yon, wala, nabusog lang, walang tama. kwentuhan ng konti... tapos umuwi na. nakauwi yata kami ay 1:00AM na.

gising ako ng 6:00AM, tapos umuwi ng batangas. may hinabol kasi akong kasal, kasal ng aking pinsan... ayos naman yung kasalan, lahat yata ng nakita ko dun, kamag-anak ko. nag-uwian ang mga tiyo ko from olongapo. isa isa na silang ikinakasal!

next entry ko na ipost ang mga nangyari sa kasalan. andito ako sa netopia sa sm batangas, nagcheck ng mail, nagblog hop at nagpost nito. sobrang init sa bahay, parang may mina ng langis ang katawan ko, pawis ng pawis. kaya heto, lumabas at nagpunta sa sm... 20 minutes drive lang naman ito from our house, kung alam mo kung saan ang tamang daan para umiwas sa traffic.... hehehe. kung hindi mo alam yung tamang daan at sa dating daan ka daraan, e aabutin ka ng sampu-sampu! tama, mas matindi pa sa syam-syam. hehehe.

yun na lang muna, makapagsine muna ng d anothers... wala lang, talagang bagot lang ako kaya itong pelikulang ito ay pagtatyagaan ko nang panoorin... hehehe



posted by Marhgil, 3:59:00 PM | permalink | 4 komento |

mga payo

Friday, July 29, 2005

by kukote

si pinsang sherwin ay tuloy na tuloy na ang pagpunta sa ibayong dagat, doon sa gitnang silangan, sa linggo na ang lipad nya! dalawang taon yata ang kontrata nya, autocad, designer daw sya dun... ang payo ko sa kanya... "ubusin mo na yung homesick mo dito para hindi ka na nahohomesick dun..." hehehe.

si leonkyo naman na kasama ko sa bahay ay nanalo ng ipod shuffle sa paraffle ng kickers. sabi nung kasama ko sa bahay... "habang maswerte ka pa ngayon, payo ko lang, manligaw ka na." hehehe.

mukhang mabenta yung dimples ko ah! for the first time on the history of my blogging... i hit 415 page views as of 7:30PM today! isang araw pa lang yan... araw-arawin ko kaya ang pagpopost ng aking mga picture? wag na... baka madiscover pa ako, ayaw na ayaw ko pa namang magshowbiz... hehehe. sabi kasi ng inay ko... "anak, kahit anong trabaho, pwede mong pasukin sa manila, pero wag na wag kang mag-aartista... magulo yun." hehehehe


yun lang!



posted by Marhgil, 7:31:00 PM | permalink | 4 komento |

ang owen

by kukote

madali lang pala, natapos ko na yung pinapagawa ni bossing... kaya eto... back to work... este... back to blogging.

may nareceive lang akong email kanina, email ng aking kaibigang si owen... may attachment na picture nung kasal nya, pati nung mag-kita-kita kami sa bahay nila bago sya ikasal, ano nga bang tawag dun? yung puro kayo lalake, tapos, ikakasal yung isa? ewan ko... basta, yun na yun. nag-inuman lang naman sila at kumain ng masarap na pagkaing inihanda nya. ito yung picture namin... hindi pa sila lasing dyan... bilangin nyo kami, bilangin nyo yung beer... bakit kulang ng isa? sila nga lang ang uminom eh, ako ang kumain ng pulutan...kita nyo, ubos na! naligpit na! hehehe



click the picture to see a larger view




posted by Marhgil, 5:43:00 PM | permalink | 2 komento |

isang oras na lang

by kukote

at 5:00PM, nakareceive ako ng email from my boss...

marhgil,

(may pinapagawa)
....

kindly submit it by TODAY!

regards,
boss ko


syet na malagkit, isang oras na lang at tapos na ang isang linggo, may pahabol pa! e kung isagot ko kaya, i'm not kind enough to submit it by today?? hehehe... di ko kayang gawin yun... kailangan ko pa ng trabaho! offline muna ako, tapusin ko muna to!



posted by Marhgil, 5:12:00 PM | permalink | 0 komento |

ang horoscope

by kukote

bakit tumatama ang horoscope, nagkakataon lang ba o talagang magaling silang manghula??? ok, magmath muna tayo... sa pilipinas na lang...

our population is approximately 80 million.


there are 12 zodiac signs.

for each zodiac sign, there is approximately 80M/12 = 6,666,666 people.

let us say, there are 6 Million Leo on the philippines.

kapag nanghula si madam auring sa leo ng... "mag-ingat sa holdaper, mahoholdap ka ngayon." 6 Million people yung hinuhulaan nya! napakaswerte naman kung out of 6 Million, wala kahit isang naholdap sa araw na iyon! di ba???

let us assume na yung accuracy na tumama yung hula nya... 0.0001%, napakaliit na nyan, dehadong dehado na sya, di ba?

given a .0001% accuracy = 6M x .000001 = 6.

imagine, kahit ganyan kaliit yung percentage na tumama yung hula nya... may anim na tao pa rin na magsasabing ang galing ni madam auring, tama yung hula nya sa akin...

do you get my point? it's just a matter of probability and statistics. ang dami ng hinuhulaan, malaki talaga yung chance na tumama yung hula, di ba? kahit ako, pwedeng manghula at sigurado ako, sa 80 million na filipino, may tatama sa hula ko, di ba?

yun lang.



posted by Marhgil, 3:59:00 PM | permalink | 1 komento |

midnight sale

by kukote

totoo palang may midnight sale sa glorietta!!! makapunta! punta kayo! EB tayo!!! hehehehe... andun lang ako mamaya, wala lang, makikigulo!!!



posted by Marhgil, 3:21:00 PM | permalink | 0 komento |

tiis muna

by kukote

shet! pagpasok ko ng cr... akala ko, mali yung napasok ko! may maiingay kasi! yung mga bading sa call center sa kabila!!! shet!!!! nagpopowder!! tuloy balik ako sa office namin... mamaya na lang, kaya pa namang tiisin!! shet!



posted by Marhgil, 1:48:00 PM | permalink | 2 komento |

sama ng loob, pinsan at tatay

by kukote

ang saya dito sa office, may open forum daw kami, magpapainom si boss. ngayon pa lang ay nagpaorder na kung anong gustong pulutan... hehehe. maglabasan na daw ng sama ng loob. para daw maging maayos ang takbo ng buhay dito sa opisina. ayos din naman ang naisip na ito no? labasan ng sama ng loob... ano kayang mailabas?? hehehe. wala naman akong sama ng loob sa kanila kahit hindi nila ako inincreasan... wala naman akong sama ng loob sa kanila kahit isang tambak yung trabahong ibinibigay nila sa akin, nakakapagblog pa rin ako... hehehe, wala akong sama ng loob sa kanila dahil kahit lagi akong late at absent pag lunes, hindi nila ako binibigyan ng memo... wala akong sama ng loob. siguro, sila ang may sama ng loob sa akin... waaaa!!!

kanina pala, tumawag ang aking "pinsan" sa canada... ehehe. nagkaroon tuloy ako ng pinsan sa canada dahil sa pagbblog... hehehe. may tatay ako sa new zealand, may pinsan ako sa canada... hehehe. may US line kasi kami dito sa office, local call lang sa kanya yun. yung linya namin sa US... itinap namin diretso dito sa manila... kaya nyo yun??? hehehehe.



posted by Marhgil, 1:40:00 PM | permalink | 1 komento |

dimples

Thursday, July 28, 2005

by kukote



may dimples din naman ako ah!!!





posted by Marhgil, 8:48:00 PM | permalink | 15 komento |

ang wrestling

by kukote

yeah, totoo pala, na filipino yung si Batista. basahin nyo yung FAQ dito sa official website nya.

speaking of wrestling, i remember some people commenting na bakit daw ang daming nanood nun? e scripted naman yun... hehehe.

ako, i am a fan of WWE rin, at ito ang sagot ko...

yung pelikula ba, hindi scripted? bakit ang daming nanonood? hehehe. may take 2, take 3 pa nga yun. ito, i know, it is not a sport... it is an entertainment, kaya nga WWE. yung E=entertainment, di ga? parang sine. kita nyo naman, may kwento pa. talagang scripted... pero bakit hindi ko papanoorin?? yung pelikula nga, scripted rin, pinapanood nyo, di ba? ang maganda dito, kahit scripted yan, walang take 2. alam ko, medyo bayolente yan... pero ok lang, di naman ako yung tinatamaan, sila naman yung nagbubugbugan... hehehe. ang maganda dun, walang daya, walang take 2, kung mabukulan sya, walang take 2, di ba? ok? mahirap dayain yung hinahampas ka ng steel chair sa likod, masakit din yun, di ga? mahirap dayain yung ihagis ka from top of the cage pababa, di mo naman pedeng gawing dahan-dahan yung pagbagsak, di ba?

do u get my point? yung sine nga na scripted at may take 2, pinapanood nyo, tapos, magtataka kayo, scripted din ito, hindi dapat panoorin... you must be out of your kukote. hehehe

yun lang.



posted by Marhgil, 7:05:00 PM | permalink | 7 komento |

meeting at business

by kukote

mukhang nabasa yata ng mga boss ko itong blog ko... hmmm, natuloy kami sa meeting, pero hindi nila ako ginawang driver!!! she came with her starex, syempre, kasama yung driver nyang nakabarong, mas mukha pang kagalang-galang kesa sa akin... hehehe.

bago kami tumuloy sa meeting place, naglunch muna kami, libre na naman! sa tapa king sa pedro gil kami naglunch, bago pa yun, di pa tapos pinturahan. bakit kami doon kumain, kasi naman, itong boss ko, binili nya yung branch na yun, kanya na pala yun. pero mautak sya, hindi sya kilala nung mga staff dun, kaya siguradong masesermonan nya yung incharge doon na pinagkakatiwalaan nya. ang gulo pa kasi ng place. hindi pa ayos yung service, hindi nakauniform yung mga crew. syempre, hindi sya nagpahalata... ano kayang mangyayari??

presidente ng isang kumpanya ang kameeting namin. ayos naman ang usapan nila, kagaya nga ng nasabi ko, andun lang ako, nakaupo, pangiti-ngiti, pangisi-ngisi, patango-tango... hehehe. di na naman ako nagsalita. ginawa lang akong taga bitbit ng laptop nung sales namin... ehhehe. ok lang.


may nakita akong magandang pagkakakitaan doon sa company na yun. by next week, iL apply for dealership sa product nila at hahanap ako ng retailers. pag-aaralan ko muna kung may mga retailers talaga akong makukuha, mukhang wala pa kasi akong nakikitang ganoong service sa batangas. dito sa manila, medyo kalat na... pero kung hindi nyo pa alam at gusto nyong malaman, yan sa sidebar ko... kita nyo naman kung online ako sa yahoo, just buzz me. ok? kung may pwesto ka sa palengke at may cellphone ka at gusto mong dagdag na kita, baka pede tayong mag-usap. kahit walang pwesto sa palengke, kung gusto mo ng sideline, siguro, 500 na starting, pede na, basta may cellphone ka. ok?? totoo ito, kahit ganyan ang itsura ko sa picture ko, seryoso akong businessman, hehehe.



posted by Marhgil, 6:10:00 PM | permalink | 3 komento |

sobrang mahal

by kukote

kwento ni pinsang sherwin kaninang umaga na dinagdagan ko ng konti...

sa saudi raw, sa batha, sa tindahan ng alahas..

pinoy: hey, how much is this? (sabay turo sa alahas)
arabo: that's 500 riyal
pinoy: (namahalan sa presyo) oh really! that is too much love!!
pinoy: (humingi ng tawad) can you forgive me???


yun lang.



posted by Marhgil, 5:23:00 PM | permalink | 0 komento |

yahoo!!!

by kukote

try nyo isearch ito sa www.yahoo.com, tingnan nyo kung kaninong website ang unang lalabas... hehehe. syempre, this is as of today, pabago-bago rin naman sila ng result.

1. laban o bawi (#1 on the list)
2. bsu president dismissed (#1 on the list)
3. kukote (#1 on the list)
4. ang buhay ni isko moreno (#3 on the list)

wala lang. ito talagang yahoo, fans ko na rin... hehehe.



posted by Marhgil, 9:47:00 AM | permalink | 2 komento |

ako

Wednesday, July 27, 2005

by kukote

some of you might be thinking... sino ba talaga ako? here is one of the posts that i wrote when i was in kuwait, ewan ko kung bakit naisipan kong isulat yan. pero totoo lahat yan, promise.



posted by Marhgil, 10:13:00 PM | permalink | 2 komento |

impeachment video

by kukote





when we were in college, isa sa mga naging project namin sa subject na multimedia systems ay gumawa ng pelikula! it was a class project. since kainitan noon ng impeachment trial ni erap, we decided to make a "better" version ng napapanood namin sa tv... ehehe. at ito nga ang kinalabasan! yang picture na yan, CD-cover namin yan! as in parang pelikula sya, comedy ang dating!!! kumpleto yan, with sounds editing, etc, etc... multimedia nga yung subject eh. ang alam ko, may kopya pa ako nyan, isang araw ay hahanapin ko sa tambak na mga cd ko. maipa mass produce. since, mainit yung impeachment ngayon, mabebenta siguro yan!

ok, sinong gustong mapanood??? if orders reached 1000, talagang ibebenta ko yan.... hehehe. 100 pesos isang cd. hehehehe.



posted by Marhgil, 9:24:00 PM | permalink | 8 komento |

changes and meeting

by kukote

naisipan ko lang alisin yung blogger navbar dyan sa taas ng blog ko... wala lang, sakit sa mata eh. yung mga pics ko sa saudi, naisipan ko ding iupload doon sa photo album ko. ano pa ba? lagay ng konting countdown para sa araw ng aking kapanganakan, para naman hindi nyo makalimutang magbigay ng regalo... hehehe. sana, matuloy na yung pinapagawa kong logo kay benjo, para naman mapalitan ko na ng picture yang title ko sa taas.

ano pa ba? malamang, bukas, di ako makapagpost. may client meeting daw kami eh, isasama daw nila ako. sana, tuloy sa lunch, hehehe. para libre na naman. ewan ko kung kaya nila ako isasama ay para gawing support nila o gawing driver nila.... hehehe. kasi naman, isasama ako ng mga bossing ko sa meeting, para lang naman akong tanga doon na nakaupo, nakikinig, patango-tango, kunwari, naintindihan yung pinag-uusapan... hehehe. ooopps... baka mabasa nila ito, ang dami na kasing bumibisita dito... kung ikaw ang boss ko... joke joke joke! kung hindi naman ikaw yung boss ko.. totoo yan... hehehe. tama na, baka ma-dooced na ako. ang laki pa naman ng pangangailangan ko para sa asawa ko.

sige, uwi na ako. byez!



posted by Marhgil, 8:28:00 PM | permalink | 2 komento |

i met akira posh

by kukote

noreen a.k.a. akira posh claimed her prize! dito sa office. hindi kasi pumayag na eeemail ko na lang sa kanya eh. hehehehe. ito po ang ebidensya! ang saya saya!!!



posted by Marhgil, 6:17:00 PM | permalink | 3 komento |

dalhin natin

by kukote

kanina dito sa opis...

opismeyt: marhgil, lunch out tayo.
ako: sige, saan?
opismeyt: sa glorieta, dalhin natin yung kotse mo
ako: sige, tulungan mo ako sa pagbubuhat! bigat nun eh.

hehehe.

note: natuloy din naman yung lunch out.



posted by Marhgil, 5:46:00 PM | permalink | 0 komento |

my workplace

by kukote



ito ang aking hideout sa office. dito ako nagbablog kapag walang magawa. at my background is metro manila, nasa 27th floor kaya kami, kaya kitang kita ko kapag may nasusunog at anytime, pag nabadtrip ako, basagin ko lang tong bubog, isang talon lang, goodbye cruel world na.. ehehe. di ko naman gagawin yun, coz the world is not cruel enough for me to commit such thing. wow, ayos ba english ko? hehehe.

sige, tulog muna ako... este, work pala.



posted by Marhgil, 5:04:00 PM | permalink | 3 komento |

14 tulog na lang

by kukote

kahapon, libreng lunch, ngayon libre na naman. ang saya saya! salamat sa officemate kong galing Seychelles! hehehe. 14 tulog na lang, birthday ko na! sana, matuloy na yung plano kong magpunta ng cebu! sino bang taga cebu dito? EB tayo sa cebu ha!



posted by Marhgil, 3:18:00 PM | permalink | 7 komento |

pagbati

by kukote

i don't want to discuss religion on my blog... kaya walang comment dito, ok? kung may tanong kayo about us, just go the nearest INC chapel and look for the minister assigned there, ok? ok

just want to greet my fellow brethren...


HAPPY 91st ANNIVERSARY!!!!




posted by Marhgil, 2:17:00 PM | permalink

another batch

by kukote

kung gusto nyo pang makakita ng mga stereograms na gawa ko... i uploaded 5 images here.

yun lang. magtatrabaho muna ako. lugi na ang kumpanya sa akin. hehehe



posted by Marhgil, 10:59:00 AM | permalink | 3 komento |

stereogram ulit

Tuesday, July 26, 2005

by kukote

o eto, isa pa... yellow naman yung ginamit ko para di masyadong masakit sa mata. there are 3 hidden objects in this picture.


Click the picture for a larger view.




posted by Marhgil, 8:12:00 PM | permalink | 11 komento |

ang nakita nyo

by kukote

sa mga hindi makita yung hidden image sa post kong ito. this is what the image looks like. makulay lang dun...

that's it!



posted by Marhgil, 6:03:00 PM | permalink | 0 komento |

government job

by kukote

warning... GREEN JOKE. if you are offended with this kind of joke, pumikit na lang habang binabasa, ok??? hehehe

i got this from a friend in Kuwait...here it goes... yan, berdeng berde yan...


A guy goes to one Office to apply for a job. The interviewer asks him, "Have you been in the service?" "Yes," he says. "I was in Vietnam for three years" The interviewer says, "That will give you extra points toward employment" and then asks, "Are you disabled in any way?" The guy says, "Yes 100%...a mortar round exploded near me and blew my testicles off."

The interviewer tells the guy, "O.K. I can hire you right now. The hours are from 8:00 A.M. to 4:00 P.M. You can start tomorrow. Come in at 10:00 A.M."

The guy is puzzled and says, "If the hours are from 8:00 A.M. to 4:00 P.M. then why do you want me to come in at 10:00 A.M.?" "This is a government job" the interviewer says. "For the first two hours we sit around scratching our balls.......no point in you coming in for that."




posted by Marhgil, 5:42:00 PM | permalink | 0 komento |

anong nakikita nyo?

by kukote

no, this is not an abstract picture na pinaglaruan ko sa microsoft paint. it is a stereogram. now, can you see the hidden 3D image? titigan nyo lang ng lampas... makikita nyo rin... i made this picture myself. obvious naman, kalat dyan letters ng pangalan ko... hehehe. walang magawa eh.





Click the picture for a larger view.




o ano,nakita nyo na? post nyo sa comment kung ano yung hidden image ha!



posted by Marhgil, 3:50:00 PM | permalink | 8 komento |

ang aking asawa

by kukote

lingid sa inyong kaalaman, na nalaman nyo na ngayon, ako ay may asawa na. totoo po. ikinasal kami last March 3, 2005. after 1 week na panliligaw sa kanyang mga magulang, sinagot nya ako at nagsama kami from then on. suportado nya ako sa lahat kong ginagawa, kasama ko sya saan man ako magpunta. mabait sya, sunod sa lahat ng gusto ko. ang problema ko lang, medyo maluho sya. sa pagkain na lang, gumagastos ako ng isang libo linggo-linggo! bukod pa yung kanyang daily gastos, pero ok lang. madalang syang maligo, once a week lang, pero lagi syang nasa parlor, ang limit, ang mahal pa naman ng paparlor ngayon! kapag umuulan, medyo nakakatipid ako, sa ulan kasi sya naliligo at hindi na sya pumupunta sa parlor para magpaayos. ito pa ang problema ko, kailangan ko pang sustentuhan yung pamilya nya for 4 years! every month, nagbibigay ako sa kanila ng pera at kung hindi ko raw sila mabibigyan, e kukunin na daw nila yung asawa ko. 2 months lang daw ako pedeng lumiban sa sustento. ito namang asawa ko ay walang imik na sumunod sa ganoong sitwasyon, ako naman ay pumayag din, ewan ko ba kung bakit. minsan nga ay nagkaproblema itong asawa ko, may nakabangga ba naman? ayun! laking abala ko, kailangan ko pang magpunta sa presinto ng pulis para maayos ang problema. kahit medyo nagkatama sya, ngayon, ok na sya, salamat at meron syang philhealth. pero kahit ganyan sya, mahal ko pa rin sya. at hindi ko sya ipagpapalit kahit kanino. hindi kasi sya tumatanggi sa akin. lagi syang nasa mood. anytime, pwede ko syang sakyan!!! hehehe

ang pangalan nya nga pala ay Toyota Corolla Altis.



posted by Marhgil, 12:58:00 PM | permalink | 1 komento |

marhgil as tech support

by kukote

sa yahoo msgr... someone from kuwait asked for help... ako, feeling tech support... hehehe

siya: hey, i need your help
ako: ok, what is your problem?
siya: (discussed the problems to me)
ako: ok, do this..
ako: open the application
siya: ok
ako: then press ALT-H, then press ENTER
siya: hey, it's the help file!
ako: read it! all the answers are there!

hehehe



posted by Marhgil, 12:10:00 PM | permalink | 0 komento |

ayoko ng ganito

by kukote

trip ko sanang magpunta kagabi sa 19 East ba yun? sa may service road sa sucat, andun kasi yung MYMP, kaso, wala naman akong makasama, kaya sa bahay na lang ako, swerte naman, guest sila sa Lagot Ka sa GMA 7. nagkataon lang, kaya nakumpleto din yung gabi ko.

pero around 4AM na rin ako nakatulog. kaya late na naman ako kanina, sunod-sunod na ang late ko ah. ano bang iniisip ko? wala naman masyado. that night after the EB, gusto ko talagang kantahin yung "Bakit ngayon ka lang" ng freestyle, pati yung "Pakisabi na lang". bakit? just read between the lines, OK? siguro, yun ang dahilan ng insomnia ko. shet! ayoko ng ganito!!! hopeless case scenario.

it's time to defrag my kukote... kung ano ano na namang naiisip!



posted by Marhgil, 11:04:00 AM | permalink | 5 komento |

ang type ng exam

Monday, July 25, 2005

by kukote

naalala ko lang ito nung nagtuturo pa ako sa AMA batangas... ang sa akin kasi, kung nag-aral ka, kahit ano pang type ng exam ang ibigay ko sa iyo, makakapasa ka... di ba? hehehe. eto na ang nangyari..


major exam, may nagtext sa akin... estudyante..

sir, anong type ng exam nyo?

nagreply ako...

computerized sya. tapos pinaxerox ko ng marami. =)

reply ulit sya..

si sir naman eh. magreply naman kayo ng matino. sir, ano ngang type ng exam?

reply ulit ako....

matino.


yun lang!



posted by Marhgil, 5:09:00 PM | permalink | 5 komento |

marhgiL reacts on SONA

by kukote

natapos na yung SONA... 23 minutes daw yung talumpati, sabi sa ABS-CBN. naintindihan ko naman kahit papaano... hehehe. hindi nabanggit ang tungkol sa kontrobersyang kanyang kinakaharap. umikot ang kanyang SONA sa charter change. konting banggit sa mga naipatayo nyang paaralan, sa war on terrorisms, etc.. etc... hindi nya nabanggit ang tungkol sa graft and corruption, sa jueteng at sa hello garci. hehehe.

ang ganda ng pangarap nya sa pilipinas, that we move on as one country, tama naman yun, pero comment ko lang, dapat, ayusin nya muna yung dalawang tao sa likod nya... si de venecia at si drilon. si de venecia, panay ang palakpak sa kanyang speech, kulang na lang ay pumalakpak yung tenga nyang malaki... hehehe, samantalang si drilon, parang tuod na nakikinig, kahit isang palakpak, wala akong nakita. kaya nakakatawa yung itsura nila sa tv nung matapos yung SONA, standing ovation, nagpapalakpakan ang lahat habang sa unahan, si drilon ay nakatayo lang doon na parang batang hindi binigyan ng kending gusto nya. hehehe. kitang kita kung gaano kagulo ang pulitika sa pilipinas. yes, we can move on, kailangan lang magkaisa tayo, pero magkaisa muna silang mga namumuno sa gobyerno, di ba? if the leaders are not united, how can we be united???



posted by Marhgil, 4:46:00 PM | permalink | 2 komento |

ang SONA

by kukote

nagSOSONA na si GMA right now! di ko maintindihan... english kasi!!! hehehe. buti pa yung "Kapwa ko mahal ko", kahit bingi, naiintindihan yung pinag-uusapan dahil may interpreter sa sulok na kumpas nang kumpas. dapat, meron dito!!!



posted by Marhgil, 4:12:00 PM | permalink | 0 komento |

internet banking and LTO

by kukote

dahil walang pasok ngayon sa manila, andito pa ako sa batangas, pero mamayang gabi, luluwas din ako, coding kasi yung kotse ko bukas. naisipan ko kanina na magpunta na lang sa bangko para makapag-apply ng internet banking. nadeny kasi yung apply ko sa manila, ito yung buong kwento nya kung di nyo pa alam. buti na lang at may pasok dito sa batangas, business as usual, kaya nakapag-apply ako nang hindi umaabsent sa trabaho ko. galing talaga ni GMA! hehehe.

two weeks from now, ako naman ang magbibirthday!!! and at that same date, mageexpire na yung driver's license ko! makikipagkulitan na naman ako sa LTO! magkano na ba ang magparenew ng license?



posted by Marhgil, 3:41:00 PM | permalink | 0 komento |

double names

Sunday, July 24, 2005

by kukote

may batas bang nagbabawal to use the word "Attorney", "Doctor", "Engineer" sa pangalan ng tao as part of his first name? dahil uso naman yung double name... like John Paul... Maria Procopia... Ron Allan... William Henry... i'm planning to name my children like that.. example... panganay ko si Doctor Marhgil. pangalawa si Attorney Marhgil, pangatlo si Engineer Marhgil. bata pa lang, titulado na... hehehe.


wala akong magawa, nagbasa ako ng mga sinauna kong post, doon sa www.my-diary.org, nung panahong nasa kuwait pa ako. natatawa pa rin ako tuwing mababasa ko ito.

yun lang



posted by Marhgil, 11:28:00 PM | permalink | 7 komento |

trade secret

by kukote

kanina, sa tapat ng bahay namin, may dumaang nagtitinda ng kwek-kwek, fishball at meat ball daw, babae sya. bumili ako ng kwek kwek, pati yung kapatid ko. biglang nagtanong ang kapatid ko... "paano nyo niluluto itong sawsawan... sarap eh." ang sagot nung nagtitinda... "SECRET!!! baka kopyahin mo." hehehe. ito palang si ate ay may nalalaman ding "trade secret". hehehe.

kukurukukuk... kelangan pa bang imemorize yan??



posted by Marhgil, 11:05:00 PM | permalink | 0 komento |

my own SONA

by kukote

bukas, walang pasok dahil sa SONA. for the first time yata in the history of the philippines nangyari na dineclare na non-working holiday ang SONA ng pangulo. maghapon sigurong magsasalita si GMA. ito lang ang nakikita kong state of the nation ngayon..

ang bilis tumaas ng presyo ng gasolina
ang bilis tumaas ng pamasahe
ang bagal mag-increase ng sweldo
ang dumi ng pulitika
ang daming walang trabaho
ang daming mahihirap
ang daming rally
ang mayaman, lalong yumayaman
ang mahirap, lalong naghihirap
ang pulitiko, pataasan ng ihi, pagandahan ng sasakyan, ang daming bulletin board sa kalye, nagkalat ang mukha nila!
ang mga artista, nagiging pulitiko na
ang mga pulitiko, gusto nang mag-artista
ang pangulo natin, subject of all jokes, kahit nga GOing Bulilit, andun sya, pinagkakatuwaan

yan ang state of the nation ngayon, yan ang nakikita ko ngayon.

kailangan pa bang imemorize yan??? kukurukukuk... yan ang radio station ko! hehehe



posted by Marhgil, 10:39:00 PM | permalink | 0 komento |

BSU President dismissed

by kukote

comment muna ako... maraming estudyante, including me hated the university president when i was in college... i still believe and this news confirmed that he is indeed corrupt. naaawa lang ako dun sa mga nadamay sa kaso... i personally know some of them and some of them knows me too. kawawa naman, nagamit lang sila... lessons... don't stick with someone doing something illegal, para di nadadamay.

here is the news which was forwarded to my e-mail.

------------------

OMBUDSMAN DISMISSED BATANGAS STATE UNIVERSITY PRESIDENT

THE TANODBAYAN (OMBUDSMAN) HAS DISMISSED ERNESTO DE CHAVEZ, PRESIDENT OF THE BATANGAS STATE UNIVERSITY (BSU), AND THREE OTHERS FROM GOVERNMENT SERVICE AFTER FINDING THEM LIABLE FOR CRIMINAL CHARGES BROUGHT BY FORMER REGISTRAR NORA MAGNAYE FOR UNAUTHORIZED COLLECTION OF GRADUATION FEES AND ENGAGING IN THE BUSINESS OF RENTING CAP AND GOWNS.

Dismissed with De Chavez were:
ROLANDO LONTOC Snr, vice president for academic affairs.
Lontoc’s son ROLANDO Jnr, associate dean of Computer Science and information Technology;
PORFIRIO LIGAYA, vice president for Extension Campus Operations.

In supplemental resolution dated July 12, 2005, Tanodbayan Simeon Marcelo modified a joint resolution and joint decision of Deputy Ombudsman for Luzon Victor Fernandez dated February 14, 2005, on a pair of criminal charges by Mrs. Magnaye against the four and five others for falsification of public documents, estafa, and violation of sec. 3(a) and (e) of RA 3019, and corresponding administrative charges for grave misconduct, oppression, conduct prejudicial to the best interest of the service, gross neglect of duty, dishonesty, and violation of sec. 5(a) of RA 6713.

Fernandez recommended the indictment of De Chavez, Lontoc, and Gloria Mendoza, dean of the College of Liberal Arts, for violation of sec. 3(a) of RA 3019, as amended, relating to the collection of unauthorized graduation fees; the reprimand of De Chavez and Lontoc for failure to comply with sec. 5 (a) of RA 6713; and the suspension of the three for six months for misconduct in the collection of graduation fees without issuing official receipt.

Fernandez recommended the dismissal of all other charges against the three as well as ligaya, Lontoc’s son, Virginia Baes, executive vice president; Amador Lualhati, University Secretary,; Victoria Zaraspe, vice president for finance and administration; and Jessie Montalbo, vice president and dean of computer science and information technology.

Marcelo approved Fernandez’s resolution/decision subject to following modifications:

a. Respondent De Chavez, Lontoc Snr, and Mendoza are hereby found liable for violation of Sec 3 (e) of RA 3019, as amended, for unlawfully collecting graduation fees. In addition, they are also liable for estafa under Art. 315(2)(b) of the revised penal code.
b. Respondent De Chavez and Lontoc Snr are herby found liable for violation of Sec 3(e) of RA 3019, as amended, in relation to sec. 3(h) thereof, relative to their engaging in the business of rental of caps and gowns.
c. Respondent De Chavez and respondent Lontoc Jnr are found liable for violation of sec. 3 (e) RA 3019, as amended, for illegally collecting internet fee’s from students. In addition, they are also liable for estafa under Art 315 (2)(b) of the revised penal code.
d. The Field Investigation Office is directed to conduct further fact-finding on respondent Ligaya for probable malversation under Art 217 of the Revised Penal Code, for collecting Php 200 each from BSU students as payment for Related Learning Experience Fee (RELF) without issuing official receipts and misappropriating the same, and establish with certainty the total amount collected.
e. The Office of Deputy Ombudsman for Luzon is hereby directed to refer to the Civil Service Commission the administrative aspect of the charges relating to nepotism, appointment, assignment/designation, transfer of personnel, and performance evaluation ratings.
f. The Office of the Deputy Ombudsman for Luzon is also ordered to immediately conduct a fact finding investigation with respect to the holding of comprehensive examination and the collection of fees therefore.
g. The Field Investigation Office is directed to immediately conduct an investigation to gather evidence relative to students who rented caps and gowns for the school year 2000-2001 and prior to said school year; and
h. Respondent De Chavez, Lontoc Snr, Ligaya, and Lontoc Jnr are hereby found guilty of dishonesty and grave misconduct and are thus, meted the penalty of dismissal from the service pursuant to Sec 32 (a) Rule IV, Uniform Rules on Administrative Cases in the Civil Service, with accessory penalties of forfeiture of retirement benefits and perpetual disqualification from re-employment in government service pursuant to Sec 58, Rule IV of the same Uniform Rules on Administrative Cases in the Civil Service.

Reference: Batangan July 17-23, 2005 issue.

that's all folks!



posted by Marhgil, 1:54:00 PM | permalink | 2 komento |

ang sagot

by kukote

ito ang aking sagot sa nagcomment sa aking walang kwentang tula.



ang sagot


tulang walang kwenta
napansin ng isa
nagcomment ng kakaiba
malayo daw sa isa't isa
ang aking mga paksa

ngayon sya ang paksa
ng aking bagong tula
ngayon ako ay may paksa
ang paksa ko ay sya

wala daw pinatunguhan
yung tula kong walang kwenta
kaya nga walang kwenta
di mo ba nabasa?

sana daw sa susunod
ay maayos na ang tula ko
ano sa tingin mo
pasado na ba ito?

wala akong problema
ako lang naman ay natutuwa
kahit ganung walang kwenta
tula ko ay iyong binasa

kung ikaw ay mamumuna
sa gawa ng iba
siguraduhin mong ikaw ay bihasa
baka ikaw ay mabara

ngayon ano sa tingin mo?
may iisa na akong paksa
at may pinatunguhan na itong tula
ang saya ng isang bata!






posted by Marhgil, 1:26:00 PM | permalink | 2 komento |

confession of a diabetic

by kukote

sometimes, pag nababadtrip ako at yung tipong gusto kong makalimot, mahilo, hindi ko na kailangang bumili ng beer... magpapakasasa lang ako sa ice cream at kahit ano pang matamis, ayos, solve na ako. kagaya ngayon, bad trip ako, bought an ice cream and a coke. para na din akong naglasing. mamayang gabi na lang ako iinom ng gamot.



posted by Marhgil, 12:33:00 PM | permalink | 0 komento |

blog club

by kukote

hey... this blog is feature number 2 on the blog club! see it here.

yun lang



posted by Marhgil, 12:33:00 AM | permalink | 0 komento |

it's the post that counts

Saturday, July 23, 2005

by kukote

sa mga nagtataka kung bakit i just used a blogger template, konting dagdag links at wala nang masyadong burloloy itong blog ko... ganito kasi yun...

una... tinatamad akong mag-edit ng template
pangalawa... i don't have the talent... yan yung waterloo ko... yung magpaganda ng website
pangatlo... as much as possible, mas gusto ko, yung pagdating mo ng blog ko, less than a minute yung loading ng page kahit dial-up connection ka pa
pang-apat... ok naman yung templates ah.. hehe

last but not the least... it's the post that counts! ang ganda nga ng layout ng blog mo pero madalang pa sa patak ng ulan sa saudi ang dating ng post mo... tapos, magpopost ka pa, boring naman, wala ding bibisita sa blog mo. di ba? kahit ilang beses ka pa magblog hop at ipagpopost yung link ng blog mo sa tagboard ng kahit sino man, mababagot lang din sila kung kada visit nila, it's the same old blog with the same old post. di ba? so mga kablog... post kayo regularly, ok? because inuulit ko... it's the post that counts!

ok... that's it. time to sleep. yung mga nag-iisip sa akin tuwing gabi, please stop it.. patulugin nyo naman ako!!! ilang gabi na akong may INSOMNIA!!! hehehe



posted by Marhgil, 10:44:00 PM | permalink | 4 komento |

ang baha

by kukote

nung nakaraang linggo pala ay umulan daw ng pagkalakas-lakas dito sa batangas at sa lakas ay binaha kami. yung baha daw ay pumasok sa terrace ng bahay namin, buti na lang daw at hindi pumasok sa loob ng bahay. ang daming bahay na binaha.

kinabukasan, nagreklamo yung kapatid ko sa barangay captain, kasi naman, barado yung mga kanal kaya umawas yung baha at pumasok nga sa mga bahay. hanggang ngayon, wala pang ginagawang aksyon ang barangay officials, yung mga tao na lang daw dito ang nagkaisang maglinis ng kanal. kasi naman daw, yung barangay captain naming sobrang galing, eto ang katwiran... "hayaan nyo na yun... saka lang naman bumabaha kapag umuulan."

ang sarap batukan!



posted by Marhgil, 4:40:00 PM | permalink | 0 komento |

kwentong EB

by kukote

it was a night of knowing people behind their blog. dumating kami ni marco sa napagkasunduang lugar around 7:30PM yata, after more than an hour na usad pagong na pagdadrive sa edsa. ok naman, madali naman naming nakita yung lugar, ewan ko kung ipinalagay ni ning yung mga signboard doon sa may robinsons.. hehehe. pag right turn kasi namin doon sa robinsons, kumpleto yung mga signboard kung paano makakarating sa pioneer street. tatlong signboard yun, pagpasok mo pa lang, meron ka na kaagad mababasa na "this way to pioneer st.", tapos dun sa may kanto, meron pa ring arrow "to pioneer", talagang ayos yung paghahanda a... hindi kami naligaw!

pagdating doon, e hayun, andun na sila. we met ning, may, mauie, yax, aion, cristina at yung mga kasama pa nila na hindi ko matandaan ang iba, pasensya na, hilo pako nung ipakilala kayo eh.. =) later, dumating din si yanyan at yung kapatid yata ni benjo (si benjo at marco yung nasa picture, kilala nyo naman si marco, so, alam nyo na kung sino si benjo, ok???)... si migraine_man, at least nung dumating sya, naging "medium" ang tingin nila sa akin, ito kasing si marco pag kasama ko, nagmumukha akong "extra large". hehehehe.

hindi ko na ikekwento ang mga napag-usapan. mga naobserbahan ko na lang.... ok yung place... pioneer grill, first time ko nakarating dun. yung food... pede na rin... though the sisig is somewhat below my standards... the music... medyo nakakairita yung kumakanta, i rather called it as live noise instead of live music... sobrang lakas ng sounds kaya sigawan na kami ay hindi pa magkarinigan. kaya naman yung order kong san mig light, ang tanong sa akin nung waiter.. "sir ano yun, red horse beer." ganun kalakas yung music, yung san mig light, nagiging red horse beer sa pandinig! kaya naman pinalakpakan ko sila nung matapos na sila... hehehe.

natutuwa naman ako at nalaman ko na may mga natutuwa pala sa mga ipinagsususulat ko dito. at dahil sa mga nabasa nila... habang kausap ko yung isang blogger, sabi ba naman sa akin... "wag mo namang isusulat itong mga pinag-uusapan natin sa blog mo ha.." hehehe, o, sis? ok na ba ito. hindi ko naman sinabing si ning ang may sabi nito, di ba? hehehe.

ito ang nasa isip ko nung makita ko sila for the first time... (no offense meant, ok?)

ning... "ikaw pala si ning, asan yung sumbrero mo, hehehe"
may... "mas maganda ka sa personal"
mauie... "sabi ko na nga bang maganda si mauie eh"
cristina ... "may kamukha kang artista"
yax... "swerte ni hubby mo ha ;)"
aion... "parang nakita na kita.."
yanyan..."sya ba si jaya?"
migraine_man... "wow.. heavy bigat"

kayo? anong nasa isip nyo nung makita nyo ako???

yung hindi ko nabanggit... wala siguro akong naisip =) nagpicturan din kami, pero di na ako magpopost, bisitahin nyo na lang ang mga blog nila. kaya nga pinaglalagyan ko yan ng links, para dun nyo na lang hanapin, ok? ok

ano pa ba... may napansin lang ako... yung isang blogger at yung kasama nya... parang nag-iinom kung magyosi. nagchecheers sa isa't isa, tapos pinagdidikit yung kanilang yosi bago humithit. di ko na sasabihin kung sino, pero cool yun! maipauso sa office.. hehe.

ito pa pala.. pag-uwi namin.... medyo naligaw lang naman kami ng konti, yun kasing signboard ng MMDA, mali-mali... to Makati Edsa daw.. pag daan ko, tumawid naman sa tunnel sa edsa...nakarating kaming boni! pag-U-turn ko, may nakita ulit akong Makati Edsa na sign board, may arrow to the right, kaso, sarado yung kalye... daan ulit kami sa tunnel. sabi ko kay marco, hanap na lang tayo ng ibang daan... nakarating kami sa shaw at doon, nakarating ng edsa, at doon, nakauwi rin... recommendation ko, dapat, kunin ng MMDA si ning para makapaglagay ng tamang mga sign boards... para hindi kami naliligaw... ok? hehehe

ayos itong naisipan ni sis nao. salamat ng marami. at happy birthday ulit. pagdating ko pala sa bahay ay nagtext ako kay sis nao, eto text ko...

Hello SIS! Marhgil here, got ur # frm Ning. Just like to say Thanks, thanks, thanks. Sana andun k. Ang saya. Salamat ng marami! Advanced Happy Birthday!!


eto reply nya...

Hela there bro! M glad u had fun! Wr gona vsit Pinas by Decmbr ds yr! Wel hav fun by then too promise. Take care =)

ayos! uuwi pala sya sa december... sana by that time, wala akong foreign assignment, para makasama ako dun! ang saya saya! sya nga pala... noreen, iba na pala cell number mo eh, nagbabasa ka naman ng blog ko di ba? nasa akin yung prize mo, email ko na lang sa yo, ok? hehehe. ayos!



posted by Marhgil, 11:49:00 AM | permalink | 13 komento |

magkakakitaan na!

Friday, July 22, 2005

by kukote

ako at si marco ay maagang aalis ng opisina para magpunta dito. ang saya! makikita ko na nang mukhaan ang ibang blogger!

thanks sis nao! happy birthday ulet. ok, paalis na kami after 10 minutes, bye!



posted by Marhgil, 5:46:00 PM | permalink | 1 komento |

may multo nga ba sa burgundy?

by kukote

our office is on that building na tinutukoy sa kwentong ito. ang masasabi ko lang, sa elevator, wala pa akong nakita... pero sa mismong office namin, halos lahat kami, nakaramdam ng kakaiba... and i even saw one, babae. may nakuha pa akong picture, batang lalake naman, hanapin ko lang at maipost dito, pero hindi naman malinaw kung multo nga yun or nabuo lang dahil sa ilaw, loko kasi ako, dahil nga may nagpaparamdam, pag natitripan ko, panay ang kuha ko ng picture sa iba't ibang sulok ng office, lalo na doon sa corridor kung saan may nakita ako. baka nga kasi may mahuhuli ako on cam. hehehe. well, sanayan lang naman yan. wala pa namang sinapian sa amin. hehehe

yun lang.



posted by Marhgil, 5:13:00 PM | permalink | 0 komento |

pagbati

by kukote





birthday din bukas ng pamangkin kong ito! she'll turn 3 years old tomorrow.

Happy Birthday JiLL Harrieth!!!



posted by Marhgil, 4:38:00 PM | permalink | 2 komento |

cool site, tambay, at phone call na naman

by kukote

sa aking paggala ay napadaan ako sa site na ito, cool! medyo ok basahin pag wala kang magawa.

dahil walang pasok sa lunes, 3 araw na naman akong tatambay sa bahay, wala pang sweldo, wala pang panggimik...

phone call ulit...

kring... kring...

ako: d****x, good afternoon.
sya: can i speak to mr. macuha please.
ako: speaking, how may i help you?
sya: sir, this is **** of etch es bi si... sir qualified po kayo sa personal loan namin.
ako: a ganun ba? salamat na lang, di ko pa kailangang mangutang eh.
sya: sir, malay nyo, in the near future, mangailangan kayo, kahit iready nyo lang po yung application form.
ako: hindi nga ako interesado eh.
sya: sir, kahit naman po ok na yung apply, hindi pa rin naman kayo obligadong kumuha, apply lang kayo para pag nangailangan e ready na.
ako: (medyo nakukulitan na) di nga ako interesado ok?
sya: sir, konti lang naman ang requirements.
ako: (nayamot na) ma'am, may limang milyong piso ako sa bangko at vice president ako ng isang kumpanya. hindi ko kailangang mangutang, ok?
sya: sige sir, salamat na lang.
ako: sige bye.

tut tut tut tut

hangup.

note: limang milyong piso sa bangko... imahinasyon ko lang... vice president... medyo totoo. =)

yun lang



posted by Marhgil, 3:38:00 PM | permalink | 4 komento |

walang pasok

by kukote

dahil birthday ni Sis Nao, i declare na walang pasok sa Lunes! hehehe.. totoo! walang pasok!! see this link.

yahoo!!!!!!!!!! happy birthday sis Nao!



posted by Marhgil, 3:14:00 PM | permalink | 1 komento |

for evi and sms alert tone for all of you

by kukote

i was tagged on the butterfly journal ... siguro, curious si ate evi kung ano kaya ang isasagot ko sa mga katanungang ito... anyways.. eto na po ang aking kasagutang hinugot sa kasuluksulukan ng aking kukote =)


What are the things you enjoy, even when no one around you wants to go out? surfing the net, blogging and blog hopping... kung walang internet at computer.. watching tv, kahit maghapon at magdamag akong nakatutok sa tv, ok lang, kahit nga cartoon network, pinapatulan ko kung wala na talagang mapanood.. hehehe. ano pa ba? trip ko ding magkakain sa mga class na restaurant with a no-money-look attire... hehe, yung tipong hindi ako papansinin ng waiter, akala, wala akong pambayad, tapos, magbabayad ako na may tip pa yung waiter kahit minata nya ako. hehehe. i enjoy doing it alone! yung walang nakakakilala sa akin. ano pa ba?? listening to any kind of music, depends on my mood. magbasa ng dyaryo at gumala sa national bookstore, yung gala lang ha, basta magpunta ako ng mall, hanap ko kaagad yung bookstore, pero di naman ako bumibili... enjoy lang ako na ang daming aklat sa paligid ko... weird no? hehehe


What are the things you do to lower your stress or anxiety level? depende kung gaano kataas yung stress at kung ano yung cause ng stress. work-related stress, i just update my blog at ibuhos ang lahat ng sama ng loob sa kanila! pero minsan, ingat din, takot din akong ma-"dooced." kapag simple stress, ikinakain ko na lang at itinutulog, pagkagising, ok na ako. sometimes, i watch my funny video clips collection, around 400 yata yun. kapag sobrang taas ng stress, i just pray, He's the best comforter and stress reliever.

What are the five films that you watched a lot and meant a lot to you? siguro, hindi ako magsasawang panoorin yung Independence Day at yung Matrix, plus yung Forrest Gump at syempre, yung Harry Potter series.

that's it... i'm tagging anybody, kahit sino na gustong sagutan din ito, ok?

just want to share my new SMS message alert tone... baka trip nyo rin sya, tnx to allan. eto po yung link.



posted by Marhgil, 12:58:00 PM | permalink | 2 komento |

gusto mo bang sumabay?

Thursday, July 21, 2005

by kukote

habang nagbabloghop ako... biglang may sumulpot sa yahoo messenger ko.. ito usapan namin...

siya : pst
siya : pasabay sa kotse mo
ako : bilisan mo ang takbo ha :D
siya : gago

yun lang



posted by Marhgil, 7:17:00 PM | permalink | 4 komento |

ang pinsan

by kukote

nung umuwi ako last week sa batangas, nakita ng pinsan ko na ayos na yung kotse ko... ang comment nya... "ang galing naman ng pinagpagawaan mo nyan... hindi halata yung bangga... galing pumukpok... ang kinis na ulit!"... hehehe, di ako makapaniwala na seryoso sya... sabi ko.. "pinalitan yan ng bumper, ugok."



posted by Marhgil, 6:15:00 PM | permalink | 1 komento |

mga tanong sa kukote ko

by kukote

bakit kaya nung elementary, pinahirapan pa tayong magmemorize ng multiplication table, mag-add, subtract, multiply and divide manually pero nung lumaki tayo, gumagamit naman tayo ng calculator? dapat, ang itinuro na lang nila is yung proper way of pindutizing the calculator, di ga? hehehe

bakit nung nag-aaral tayo, kung anu-anong ipinamememorize na formula pero nung nagtatrabaho na tayo, hindi naman lahat kailangan yun, at ang matindi pa, pede mo namang silipin anytime kapag nakalimutan mo na walang teacher na sisita sayo na sasabihing "you are cheating."??

bakit ko kailangang pag-aralan ang calculus, saan ko ba iaaply yun sa buhay ko ngayon? walang halong yabang, i excelled on that subject getting a 1.0 on integral calculus and differential equation, pero, ano ngayon? saan ko gagamitin yun? ano ngayon na alam kong ang integral ng x squared ay 2x plus c? parang non-sense, di ba? can someone enlighten me?


kung totoo ang mga manghuhula... bakit wala pa akong nababalitaang manghuhula na tumama sa lotto??? ang ganda sanang balita at credibility para sa kanila noon... MADAM AURING WINS THE LOTTO! di ba? pero bakit wala? dahil talagang peke sila??

and a math problem ng aking pinsang si sherwin na kaklase ko nung college...para po sa mga estudyante... ito po yung tanong nya, pakitanong na lang po sa magagaling nyong math teacher... at sa mga math-tinik na blogger na makakabasa nito... pakipost na lang po ng sagot sa comments ha... eto po yung tanong...

ilang dosenang itlog at ilang pirasong talong ang kailangan para makagawa ng isang ektaryang torta? follow-up question... ilang litrong mantika at gaano kalaking kawali ang gagamitin? at gaano karaming LPG ang mauubos???



posted by Marhgil, 5:21:00 PM | permalink | 1 komento |

another phone call

by kukote

12:00PM philippine time... tumawag yung presidente ng kumpanya (nasa US) sa office nya sa pinas...

kringkring.... kringkring.... kringkring.... kringkring.... kringkring.... kringkring.... kringkring.... kringkring....

hangup.

tawag ulit sya... redial...

kringkring.... kringkring.... kringkring.... kringkring.... kringkring.... kringkring.... kringkring.... kringkring....

hangup

nagtry ulit sya... redial...

kringkring.... kringkring.... kringkring.... kringkring.... kringkring.... kringkring.... kringkring.... kringkring....

hangup ulit

kinuha yung cellphone number ng mga big boss ng office nya sa pinas. tinawagan nya. nagkausap sila. mukhang nasabon si big boss na during that time ay wala rin sa office.

tumawag si big boss sa cellphone ng subordinate nya...

"hello, hello, hello garci..." (yun ang ringtone nya...hehehe)

subordinate: hello.
boss: hello, bakit di nyo sinasagot yung tawag sa phone, galit na si boss sa US!
subordinate: ma'am, alas dose po ngayon. lunch break, walang tao sa office.

hangup.

tawa naman kayo!



posted by Marhgil, 2:59:00 PM | permalink | 1 komento |

nokia commercial

by kukote

i received this from an e-mail this morning. maganda sya, ewan ko kung luma na ba ito or hindi pa. pero tingnan nyo na rin... inupload ko para makita nyo. 1.49MB lang naman, pero maganda sya... promise. here is the link.

disclaimer: hindi akin yan, ok? pasensya na sa nokia kung inupload ko without permission, anyway, nagcommercial pa ako ng libre, dapat nga bayaran nyo pa ako. hehehe.



posted by Marhgil, 11:10:00 AM | permalink | 1 komento |

harry potter 6 softcopy

by kukote

someone sent me a soft copy of harry potter book 6, and i can assure you, it's the same with the book. kung sinong gusto ng kopya, post your e-mail add on the comments... ok?



posted by Marhgil, 10:49:00 AM | permalink | 37 komento |

it's my father's day

by kukote

magseseryoso muna ako dahil ngayon ay July 21. Birthday ng tatay ko. Kantahan ko muna sya...


I wish you a happy birthday, I wish you a happy birthday, I wish you a happy birthday and a happy birthday!


Yehey! ilang taon na ba ang tatay ko? malamang, mas matanda sya sa akin.. hehehe. ok, ok... wala akong makitang picture dito ng tatay ko eh, tingnan nyo na lang ang mukha ko at medyo palaparin nyo ang noo, yun na ang itsura ng tatay ko. hehehe.

anyways, seryoso ulit. nung father's day, hindi ko binati ang tatay ko. ang pagkakaalam ko kasi, ginawa lang yung father's day para mabenta yung mga greeting card sa month na yun dahil walang masyadong cinicelebrate sa mga panahong yun. ewan ko, that's just my opinion, kasi, bakit hindi nila itinaon na december o february yung father's day?? kasi, mabenta na yung christmas at valentine cards sa panahong yun eh... gets nyo?

para sa akin, today is my father's day! natural, because, it is his birthday! i just wish him all the best in life at magkaroon ng maraming apo.

hayaan nyo tatay, magkakaapo rin kayo sa akin, hehehe, ako na lang walang contribution sa pamilya natin eh. hehehe. kailangan nyo munang magkaroon ng manugang bago magkaapo sa akin, di ba? e sa ngayon, wala pa akong balak eh, pero, hayaan nyo... darating din tayo dyan.

seriously, nagpapasalamat ako sa lahat ng tulong na ibinigay nyo sa akin, sa ginawa nyong pagpapaaral sa akin at pagsuporta sa akin. salamat sa contribution nyo sa downpayment ng kotse ko. hehehe. salamat, salamat, salamat, at marami pang salamat sa magandang buhay na pinagtyagaan nyong ibigay sa aming magkakapatid.

sana, huling abroad nyo na yan. magpahinga na kayo sa pagtatrabaho, ok? nang hindi naman nalulungkot ang inay doon sa batangas, sya na lang kasi yung naiwan sa bahay. ok? uwi ka na next year ha!

happy birthday!!! kanta ulit ako...


happy happy happy birthday... sayo ang inumin, sayo ang pulutan, happy happy happy birthday, sana'y malasing mo kami!

hehehe.. di nyo nga pala alam na umiinom na ako paminsan-minsan. anyways.

happy birthday!!!!!!!!!!



posted by Marhgil, 10:18:00 AM | permalink | 0 komento |

phone call kanina

Wednesday, July 20, 2005

by kukote

kring... kring....

may: hello
ako: hello, pede kay may?
may: eto na, who's this?
ako: si marhgil to
may: ey marhgil...
ako: so anong plano?
(konting kwentuhan)
may: pede ko bang kuning cellphone mo?
ako: hindi pede. number lang, wag yung cellphone.
(konting tawa)
(bigay ko number ko, konting kwento)
may: bye
ako: bye

tut tut tut tut

hangup



posted by Marhgil, 8:41:00 PM | permalink | 4 komento |

rotc

by kukote

isa ka ba sa mga kinulang palad na tao na nasabak sa sapilitang training na wala namang kwenta nung college? isa ako sa kanila, at ito ang aking kwento....

sa halip na rest day na yung linggo ko, kailangan kong gumising nang maaga para umattend ng ROTC. proper uniform at hair cut syempre... may dala pang pekeng baril. sa gate pa lang, umpisa na ng disiplina daw... haircut inspection... ang mahaba yung buhok, may libreng gupit... papanutan ka ng officer na nakaassign. minsan nga ay natripan namin na after mapanutan, hindi kami nagpagupit kaya nung sumunod na linggo, may panot na! pinanutan pa rin... hehehe. ito pa... yung mga hindi nag-ahit ng bigote... aahitan, pero kalahati lang... kaya mukha kang tanga. minsan nga, pag loko yung officer, aahitan ka na parang si hitler, yung ititira yung nasa gitna! para kang tanga... hehehe

ano bang ginagawa pagdating sa loob? may morning exercise. doon ako natutong magbilang ng mali... one, two, three, one, one, two, three, two, one, two, three, three, one, two, three, four... etc.... yung morning exercise ay tumatagal ng dalawang oras na ang goal lang naman nila sa aking palagay ay ubusan kami ng lakas, uhawin at gutumin para mabenta yung itinitinda nilang overpriced na mountain dew at cheese bread.. yung pandesal na may keso? pagkatapos ng exercise... breaktime... ang haba ng pila. teka... bago magbreaktime.. eto muna ang nangyayari...

syempre, sa tindi ng exercise... may mga nahihilo at nagcocolapse... alam nyo ang ginagawa sa mga nahihilo??? papahigain sa initan at sasabihin, ituro yung araw... meron pa akong nakita dati, hindi nag-ahit, ang ginawa... yung dalawang hindi nag-ahit ng bigote, pinagharap, tapos... nagbunutan sila ng bigote!

ganito pa yung command ng officer... "our next exercise is bomber... are you ready?", syempre, sigawan lahat ng "yes sir!", yung mga loko kong kasama, kapag medyo galit at pagod na, sa halip na "yes sir", ang isinisigaw... "busisi"! iba't ibang klaseng exercise, pag minamalas ka pa ay papagulingin kayo sa lupa.. etc... para kaming mga tanga dun!

then, after that, break time daw... syempre, sino ba namang ayaw magbreak time e inubos na nila yung lakas namin. kahit mahal, bibili ka, syempre. after the break, magkakaroon ng konting lecture... na wala ka namang maintindihan masyado... , sa initan ba naman maglecture after a very tiring exercise??? ang natutunan ko lang doon sa lecture, yung kung paano mang-ambush ng kalaban. hehehe. opo, itinuro po yun sa amin, kung paano pumili ng lugar kung saan magandang tambangan ang mga kalaban. minsan nga naiisip ko, e kung kayo kayang mga lintek ang tambangan ko pag-uwi nyo.. hehehe

ito pa yung mga nakakatawa... karamihan sa medics ay bading na napilitan ding mag-rotc... syempre, nagmedics na lang sila. may dala-dala sila first-aid kit lagi... pero kung titingnan mo yung alcohol nilang dala... mas marami pa yata yung halong tubig kesa mismong alcohol! may mga special people pa like yung radioman, na nagkapalad lang na naibili sila ng 2-way radio ng magulang nila e mga naging anak ng dyos na, nasa malilim na lugar habang nakikipagtsismisan lang naman sa radyo.

ito pa... may maiisip pa silang paraffle, fund raising daw na ang mahal naman ng ticket. tapos, pag nagbolahan, ay wala namang mananalo, pingpong ball na de numero yung gagamitin sa pagbobola... at pag di nabili yung ticket number na lumabas, kanila na daw yung premyo! ang galing nyong mga lintek kayo!

ito pa ang nakakaasar. may mga officer na babae... syempre, mga tomboy, na akala mo ay kung mga sino rin kung mag-utos. ang yayabang din, minsan naiisip ko, wag kang papakita sa barangay namin ng gabi sa akin at rereypin kita. hehehehe! wala, asar lang eh, pero di ko naman gagawin yun no? hehe

bago pala kami dismissin... meron pang isang round ng exercise. opo, exercise na naman, tapos, attendance, ang pinakahihintay ng lahat. pagkatapos mag-attendance (around 12PM na yun)... kanya-kanya nang uwian. doon sa amin, 4 absences = drop... so kailangan, hanggang 3 absent ka lang. syempre, lagi kong ginagamit yun... ano ako, hilo? kapag 3 meeting na lang ang natitira at wala pa akong absent, goodbye ROTC na, tapos nako! hehe

after all of these, sa apat na semester na pinagdaanan ko, anong natutunan ko? pede ba nila akong tawagan pag nagkagyera para ipaglaban ang ating bansa? pwede, pero anong gagawin ko dun? magmartsa??? magexercise??? e yun lang naman pinaggagawa namin dun... mag-exercise at magmartsang parang mga tanga.

e kahit nga pagpapaputok ng baril at paghahagis ng granada e hindi ko natutunan. kahit self-defense, hindi itinuro. siguro, pag nagkagera at hinanap kami, rereport ako, hahawak ng baril at ang una kong babarilin ay yung mga gagong opisyal na wala naman kaming natutunan. hehehe. sana lang e mapaputok ko, e pagkakasa nga, di ko alam kung paano eh!

yun lang!



posted by Marhgil, 6:50:00 PM | permalink | 5 komento |

insomnia

by kukote

INSOMNIA - I Never Slept One Minute; Now I'm Awake... definition i took from http://apronyms.com.

yan ang nangyari sa akin kagabi... grabe, kahit anong gawin kong pikit, di ako makatulog!!! tapos, pagdating dito sa trabaho, inaantok!

di pa tapos yung bidding ha... till tomorrow pa... pede nyo pang agawin kay chaucer yung book, as of now... latest bid is P750.

that's it!



posted by Marhgil, 3:14:00 PM | permalink | 7 komento |

harry potter and the half blood prince at half the price

by kukote

tama ang inyong hinala... i was absent yesterday. nagising kasing masakit ang ulo, so, hindi na lang ako pumasok, nagtext na lang ako dito sa office. ang hirap talagang magkasakit, dinaan ko na lang sa tulog ang lahat... nung tanghali naman e medyo ok na ako kaya nakapagtanghalian din sa labas, tapos, balik sa bahay, inom ng gamot, yung Bioflu, tapos tulog ulit.

nagising ako, siguro, around 5:00PM, at ok na pakiramdam ko. lumabas ako para magmeryenda, then, itinuloy ko na yung naantala kong pagbabasa ng harry potter. tuloy tuloy na yun hanggang 11:00PM, di ko kasi matigilan yung pagbabasa, hirap kasing iwan, lampas na kasi sa kalahati yung nababasa ko. pag tumigil ka kasi ng pagbabasa, ang daming tanong na maiiwan sa isip mo na masasagot lang pag natapos mo yung book. kaya hayun, natapos ko rin.

the book was tragic, someone very important will die at the end, the one you least expected.

it was a prelude to book 7. mautak talaga itong si jk rowling, bitin na bitin yung kwento. hinding hindi mo palalampasin yung book 7 kung nabasa mo ito.

ngayon na tapos ko nang basahin, the book has no use for me. at dahil dito, sa sino mang makakabasa ng blog na ito na gustong bilhin sa akin yung aklat, hard bound, good as new, isang buklat pa lang kada page.. hehehe, come on... make your bid. lowest bid could be half the price... how will you get the book, syempre, puntahan nyo ako dito sa office with your payment. post your bid on the comments... end of bidding will be tomorrow at 12:00PM... kung sino man ang mananalo, iL post my office address tomorrow. ok?

again... Harry Potter and The Half Blood Prince at Half the Price, anyone?



posted by Marhgil, 10:10:00 AM | permalink | 17 komento |

vacuum and advanced sick leave

Monday, July 18, 2005

by kukote

umuulan na naman, libreng carwash na naman! ang problema ko lang, ang dumi na ng loob! di ba, sa carwash, free yung vacuum? e kung ipavacuum ko lang, libre din kaya? hehehe.

parang tatrangkasuhin yata ako. pag wala akong blog bukas, isa lang ibig sabihin nun, may trangkaso ako, ok? ang init ng pakiramdam ko e ang lamig-lamig naman dito sa office.



posted by Marhgil, 6:24:00 PM | permalink | 3 komento |

gma, buzz, wowowee, single

by kukote

isa isa nang nauubos ang cabinet ni GMA, kelan kaya sya magreresign? kapag ang natira na lang siguro ay yung cabinet na nilalagyan nya ng damit... hehehe.

napanood ko yung the Buzz na si Kris Aquino ay umiiyak. masyado naman yata nilang sinensationalize yung issue... may paiyak-iyak pa si kristeta. e anong paki ko baga sa kanila.. hehehe. nagtapang-tapangan pa si boy abunda at si cristy fermin... hay cristy fermin, halata namang takot ka rin... bakit hindi mo agad nasabi yung "sir, you are the head of department of injustice?" quinote mo pa si saguisag... hehehe.

doon sa wowowee, natutuwa naman ako doon kay william lim na nagbigay ng tatlong jeep para gawing premyo sa pera o bayong. ayos yan, ipagpatuloy mo, hayaan nyo, kapag naging kasing yaman ko siya, sampung jeep ang ibibigay ko. promise.

ang hirap pala ng ikaw lang ang single sa pamilya. naeetsapwera ka na. kaya minsan, naiisip ko na mag-asawa na rin eh. akala yata, palibhasa wala akong pamilya ay payag na lang ako sa kanilang mga desisyon. hindi na ako tinatanong! hayaan ko na nga lang! bahala na si lord sa kanila.



posted by Marhgil, 5:39:00 PM | permalink | 2 komento |

halls, dilis, sofa king

by kukote

komersyal ng halls sa radyo... "patutunayan kong may pera sa wrapper!" then he started "chanting" na pabilis ng pabilis!

"wrapper, wrapper, wrapper, wrapper, wrapper, wrapper, wrapper, wrapper, wrapper, wrapper, wrapper, wrapper, wrapper, wrapper, wrapper, wrapper, wrapper, wrapper, wrapper, wrapper, wrapper, wrapper, wrapper, wrapper, wrapper, wrapper, wrapper, wrapper, wrapper, wrapper, wrapper, wrapper, wrapper, wrapper, wrapper, wrapper, wrapper, wrapper, wrapper, wrapper, wrapper, wrapper, wrapper, wrapper, wrapper, wrapper, wrapper, wrapper, wrapper, wrapper, wrapper, wrapper, wrapper...."

kung sino man ang nakaisip nito... you are so cool! hehehe

eto, nabasa ko sa likod ng jeep on my way to SM batangas...

"cellphone ang laruan, dilis naman ang ulam."


isang billboard ng Sofa King sa ibang bansa, nakita ko lang sa internet, forgot the links... ang nakasulat...

"Our prices are Sofa King cheap."

nakuha nyo yung joke? read it again, i got it after reading 3x.



posted by Marhgil, 1:34:00 PM | permalink | 4 komento |

gising

by kukote

nagising na ako dahil sa alarm ng cellphone ko. back to work!



posted by Marhgil, 1:06:00 PM | permalink | 1 komento |

antoK

by kukote

i am on my cubicle now, instead of eating my lunch, naisipan kong matulog na lang! busog pa naman ako eh,pero yung mga mata ko, parang may mga nakabiting unggoy na pilit hinihila ang aking mga mata. kaya heto, matutulog muna ako, nang matigil na ang mga unggoy!



posted by Marhgil, 12:18:00 PM | permalink | 0 komento |

happy lunes to all!

by kukote

it's monday again! lunes na naman! back to work! ang aga kong gumising, nagmula pa kasi ako sa batangas, left batangas at 5:30AM, at 7:30AM, andun na ako sa boarding house sa evangelista...pagdating dito sa office, sinalubong ako ng 35 unread e-mail messages, lahat official mails.. san ba ako mag-uumpisa??? hay buhay! i wish i could drink a bottle of Felix Felicis! (harry potter fans will understand this if they already read book 6)

chapter 15 na ako sa harry potter. ito talagang trabaho, nakakaabala sa aking pagbabasa. hehehe.



posted by Marhgil, 9:07:00 AM | permalink | 1 komento |

2K dahil sa pagkabagot

Sunday, July 17, 2005

by kukote

nagpunta ako sa SM batangas dahil nababagot ako sa bahay. pagdating doon, gala-gala hanggang sa napadpad ako sa national bookstore. ewan ko, parang na Imperius Curse yata ako, wala naman akong balak bumili, pero nung nakita kong nakakalat doon yung latest Harry Potter book, at 10% discount sila, i grabbed one and napakaskas na naman yung credit card ko! ewan ko ba, sabi kong wala na akong hilig, pero eto, chapter 4 na. hehehe. pagkatapos kong basahin, yung gustong humiram, magsabi lang, ipapahiram ko, first come first served. ok? just send me an email, ok?

eto pa, nakakita ako ng album ng MYMP... binili ko rin. wala lang... yung 2 cd edition. after buying that fruitcake album ng eraserheads... ngayon lang ako nakabili ulit ng original CD a! well, kapag iba yung dating sa akin, i support them by buying their original cds. meaning, ngayon lang ulit ako tinamaan... sulit naman yung P400.

reading harry potter while listening MYMP music.. yan ang trip ko kanina! hehe

yan ang napala ko sa kabagutan ko sa bahay, almost 2K nawala sa bulsa ko! shet!



posted by Marhgil, 1:25:00 AM | permalink | 2 komento |

uwi nako

Friday, July 15, 2005

by kukote

time to go! uwi na ako... diretso na sa batangas! mas masarap magdrive sa gabi.. ang daming ilaw!!! hehehehe



posted by Marhgil, 5:58:00 PM | permalink | 1 komento |

banggaan lessons

by kukote

things to do kapag nabangga ang sasakyan mo (based on actual experience.. hehehe). sa kasong ito, i assumed na walang taong nasaktan na dapat ipagamot, ok? kung may dapat ipagamot, ibang scenario yun, ok?



  1. cool ka lang. bumaba ka sa kotse at tandaan agad ang plate number nung nakabangga. (in case na biglang tumakas, alam mo kung sino hahabulin... hehehe) pero huwag ka nang makipagtalo. hindi rin naman maaayos yung sasakyan mo. sayang lang ang laway mo.

  2. tumawag ka ng pulis, huwag na huwag aalisin sa banggaan scene ang sasakyan hanggang di dumarating ang mga pulis. kahit magkatraffic na, wag ka makunsensya, talagang ganyan dito sa pinas. kung itabi mo kasi, baka wala kang maclaim sa insurance.

  3. kapag ikaw ang binangga, sya ang may kasalanan. kahit nagfull stop kang bigla, sya pa rin ang may kasalanan, kasi, hindi sya dumistansya. let the police do the sketch of the banggaan scene. tapos, kapag ok na yung sketch, saka ka makipag-usap kung paano aayusin ang sasakyan mo.

  4. suggestion, kung slight lang ang damage at ayaw mo ng abala, pumayag ka na sa areglo, ikaw na magpagawa, bayaran na lang nila. mas mabilis ito. pero kung hindi nya kaya, mas maganda pa rin kung insurance, kailangan lang ng sandamakmak na tyaga sa pangangalap na papers.

  5. kung insurance ang magpapaayos, magpagawa ng police report sa police na rumesponde. have it at that same day, pupunta kayo sa presinto para pirmahan yun ng imbestigador. yan kasi ang number 1 requirement sa insurance. siguraduhing stated dun na sya ang may kasalanan at sya ang sasagot sa lahat ng gastos.

  6. kapag nakuha na ang police report, kunin ang contact numbers ng nakabangga sayo, syempre, kailangan mo kasing ifollow-up yung insurance. kung makukuha mo na rin yung number ng police at number ng insurance nila, mas maganda. yung sa police, para kung hindi sumunod sa kasunduan, maireport mo kaagad.

  7. kunin lahat ng requirements ng insurance, wag na wag kaagad ipapagawa yung sasakyang hangga't wala kang idea kung ano ang policy nung insurance. most of them need to inspect your vehicle first, kung ipagawa mo kaagad, baka mareject yung claim.

  8. isubmit lahat ng papers na kailangan.. then, mangulit ka na lang ng mangulit sa insurance para mapabilis yung processing.

  9. sa kakakulit mo, depende sa insurance, lalabas yung result ng claim, on my experience, after 3 days, naaprove na yung claim.

  10. ipasok ang sasakyan sa napagkasunduang pagawaan at maghintay na lang.



the whole process took 1 month for me (june 13 to july 13), makulit pa ako nun. i just post this para naman makatulong ako sa inyo, if ever mangyari sa akin ang nangyari sa inyo, alam nyo na ang inyong gagawin. ok? every detail of what happened dito sa kotse ko, mababasa nyo sa blog na ito, hanapin nyo na lang sa archives kung interesado kayo. ok? ok.

God bless us!



posted by Marhgil, 5:14:00 PM | permalink | 5 komento |

debate

by kukote

now i'm in the mood, after eating a free lunch courtesy of elmer sa giligan's sa glorieta. ganun naman talaga ako, pakainin nyo lang ako, mawawala na bad trip ko.. hehehe.

masyadong pabago-bago ang klima, ang init na naman, samantalang kanina nung pabalik na kami sa office ay nakalibreng carwash ako sa lakas ng ulan!

kung nanood kayo ng debate sa GMA 7 kagabi, natatawa na lang ako sa nangyari. lalo na yung sagutan ni jinggoy at chavit... chavit was in the gma studio while jinggoy is in a phone patch. eto mga natatandaan ko, as far as i can remember, pero malamang, hindi yan yung exact na sinabi... sabi ni jinggoy... "diversionary tactics lang yan... ginamit lang ng malakanyang ang gobernador na yan." sigawan ang mga tao... ito sagot ni chavit... "nagkakaganyan ka lang dahil bumagsak na ang tatay mo!". sigawan ulit ang mga tao... they were arguing on the erap tapes. tapos eto pa, ang matinding sagutan ni saguisag at nung dalawang nasa kabila, hindi ko natandaan yung pangalan... nagkakapersonalan na nga at nagkakaduruan... sabi ni saguisag... "i am your employer and you are my employee, si marcos nga, hindi ako kinaya, ikaw pa" as in, nagsisigawan na sila, nagsasabay magsalita, si mareng winnie ay hindi nga mapakali eh. ayaw kasi ni sagisag na tawagin syang "opposition", while the other guy insisted.

syempre sa huli, bati bati rin sila. nagcommercial break, pagbalik, final words na. nung nagfifinal words na yung isa, sumasabat pa rin si saguisag, sa totoo lang, ang kulit nya! hehehe. ang nangyari, ako ang talo! kasi, tanghali na ako nagising! 51 minutes akong late sa trabaho!!!

mamayang gabi, uuwi na ako sa batangas! kasabay ko yung mga kasama ko sa bahay, yung kasama kong namasyal sa the fort nung isang gabi! next time nga pala pag nagpunta kami sa pier one, magsusuot na daw sila ng barong tagalog! hehehe



posted by Marhgil, 4:23:00 PM | permalink | 0 komento |

wala sa mood

by kukote

i am not in the mood to blog today, bad trip!



posted by Marhgil, 11:03:00 AM | permalink | 4 komento |

harry potter 6

Thursday, July 14, 2005

by kukote

lalabas na pala ang book 6 ng harry potter! yung book 1 to 5, nabasa ko na lahat yan, nagpareserve pa nga ako dati sa national bookstore just to get that book 5, hard bound!

alam nyo ang problema ko? lahat ng aklat na yan, hiniram ng gf ko dati na ex ko na ngayon, e wala yata syang balak isoli yung mga aklat na yun, kaya kahit isa, wala akong kopya. siguro, itinago nya as souvenir... para maalala nya pa ako... hehehe. or balak nyang ipabasa sa anak nya. hehe

this book 6, hindi na ako interesado, medyo nadismaya kasi ako doon sa book 5. ang kapal kapal, tapos, di ko na gusto yung kwento. nagmamature na yata kukote ko, nababaduyan na ako sa mga ganung kwento. kaya yung fantastic four and star wars, walang kaappeal-appeal sa akin, ikakain ko na lang sa mcdonalds ang ipambabayad ko ng tiket. hehehe

ngayon, to all the harry potter fans out there, what can you say about this news?

wala lang.



posted by Marhgil, 6:57:00 PM | permalink | 2 komento |

pagbalik tanaw sa elementarya

by kukote

can you still remember all your teachers in elementary?? let me see if i can...

at Ilat Elementary School (a public school 10-minute walk away from our house)... 1986 to 1992

  • Grade 1... Mrs. Magsino (kinatatakutan)

  • Grade 2... Mrs. Marquez (i hated this one... pag nakikita ko, kumukulo pa rin ang dugo ko)

  • Grade 3... Mrs. Mirano (nagtitinda ng itlog na nilabon sa klase)

  • Grade 4... Miss Arguelles (strict sya, i still remember her "around the world" punishment... ano yun? yung hahawakan ka sa patilya... tapos paiikutin ka!)

  • Grade 5... Mrs. Cantos, Miss Arguelles, Mrs. Ebora (wala akong maalala)

  • Grade 6... Mrs. Manalo (buntis sya noon), Miss Arguelles, Mrs. Cantos, Mrs. Ebora, Mrs. Balmes (nakunan si Mrs. Balmes dahil sa galit sa isa kong kaklase)


during first day ng klase, kailangan, maaga ka para hindi ka maubusan ng aklat na ipahihiram. tuwing, papasko, magpapadala ng parol ang mga teacher. ano pa ba? usual punishment ay papadipahin ka ng ilang oras. usual project... walis tingting... hehehe. ilang beses ba ako nagsubmit nito? kapag maglilinis ng classroom, magpapadala ang teacher ng dahon ng saging. yun ang pinangpapakintab ng sahig! may cleaners for the day, grupo yun at rotation every week, merong assign sa garden, sa room at sa likod ng classroom. may flag ceremony araw-araw, may exercise muna, tapos lupang hinirang, tapos, panatang makabayan. sabay-sabay ang oras ng recess! anak ng teteng, kaya ang hirap bumili sa tindahan... ang pagkain ko noon, tinapay na may palamang pansit, binibili ko doon sa tindahan ni ka lydia at ni ka abling. ano pa ba? daisy yung halaman namin sa garden. at minsan, magpapadala ang teacher ng pampataba ng lupa daw, taeng baka! doon naman sa amin ay bukid, makakapulot ka ng taeng baka.. hehehe.

noong panahong yun, hindi pa uso ang cellphone, kahit nga telepono ay wala pa sa amin. (college na ako nung magkaroon ng linya ng telepono sa barangay namin.) ang tatay ko ay nag-aabroad na, at nagsusulatan sila ng inay ko. at minsan, kapag may umuuwi syang kasamahan, nagpapadala pa ng voice tape! kapag urgent, telegrama pa ang gamit na hindi mo naman maintindihan masyado, kasi, sobrang igsi. (per character yata ang bayad noon).

noong panahon din yun nauso ang satanista. grade 2 yata ako noon. na pinasusundo kami sa magulang namin tuwing uwian dahil nga daw ng mga satanista! tandang tanda ko pa rin yung july 16 earthquake. nasa school kami noon, ang teacher ko pa noon na nagtuturo ay si mrs. cantos. grade 5 yata ako noon.

ano pa ba? tanda ko rin ang una kong pakikipag-away sa kaklase ko. yun ay nung grade 1 ako, it was first day of the class pa! nakipagsaksakan ako ng lapis! ganito kasi yun... iniwan kami ng teacher namin dahil may meeting, ang ginawa, pinagsulat kami ng pangalan sa papel, pinapuno yung papel ng pangalan namin. so, ok lang, nagawa ko naman, ang problema, itong kaklase ko, lumapit, tapos, sabi sa akin, tapos ka na? checkan na natin, sabay check nung papel ko using his pencil... syempre, first day of class, hindi naman ako sanay na may nang-aapi sa akin, chinekan nya yung papel ko, sinaksak ko sya ng lapis sa likod! gumanti sya, nagsaksakan kami! hehehe. di naman bumaon, sugat lang, pero, pinatawag pa rin syempre ang mga magulang namin. hehehe

yun na lang muna... ang sarap balikan ng nakaraan no?



posted by Marhgil, 6:29:00 PM | permalink | 0 komento |

sayang

by kukote

when i heard this song kanina sa mp3 player ko na nakainstall sa cellphone ko... nangiti na lang ako, naalala ko tuloy yung mga pinalampas kong pagkakataon nung high school and college pa ako... hehehe


Sayang
Parokya ni Edgar


sayang, bakit hindi kita niligawan
ngayon akoy nanghihinayang kasi naman,
tatanga-tanga pa ako, noon
walang humpay na paghintay
sa hindi dumarating na pagkakataon

lagi naman kitang nakakasama
ewan ko kung bakit ba walang akong nagagawa
kahit na napakadali mong kausapin,
ewan ko ba kung bakit ang hirap pa ring aminin

madalas naman tayong naglolokohan
dinadaan ko na lang sa biro ang tunay kong nararamdaman
kaya siguro hindi mo sineryoso
aking mga sinabi,yun tuloy walang nangyari

sayang, bakit hindi kita niligawan
ngayon akoy nanghihinayang kasi naman,
tatanga-tanga pa ako, noon
walang humpay na paghintay
sa hindi dumarating na pagkakataon

kakalipas lamang ng isang sem
nang makita kita na mayroong ibang kasama,
magkahawak ang inyong mga kamay
ang dibdib ko ay sumikip ang paglunok ko ay naipit
aking napatunayan na nasa huli ang pagsisisi
para bang gusto kong umiyak ngunit para sa ano pa
wala namang magagawa

sayang, bakit hindi kita niligawan
ngayon akoy nanghihinayang kasi naman,
tatanga-tanga pa ako, noon
walang humpay na paghintay
sa hindi dumarating na pagkakataon





posted by Marhgil, 3:44:00 PM | permalink | 0 komento |

a message for the terrorists

by kukote




i will send this picture on We Are Not Afraid site. ok ba??? hehehe



posted by Marhgil, 12:52:00 PM | permalink | 1 komento |

client sa iraq

by kukote

may client kami sa Iraq! mukhang may mga negosyante na ngang sumusugal magtayo ng negosyo dun. dalawang voicemail system yung kinuha nila sa amin, and since walang may balak magpunta doon (kahit triple yung per diem, di ako pupunta dun!), online support lang ang kaya naming ibigay. kaya mamaya, makikipagchat ako sa tao dun sa iraq, mukhang amerikano, jones ang apelyido eh. tuturuan ko kung paano isetup ang system namin. mapapaenglish na naman ako, sana lang e wag sila pasukin ng suicide bomber dun sa office nila, baka chat ako ng chat e sumabog na pala sila.. nnngggii.



posted by Marhgil, 11:33:00 AM | permalink | 0 komento |

strolling at the fort

by kukote

kagaya nang nasabi ko on my previous post, nagstrolling nga kami nung mga kasama ko sa bahay kagabi. syempre, parang welcome party sa kotse ko! hehehe. usapan namin, punta lang kaming starbucks sa magallanes, magkakape ang mga batangenyo ng sosyal na kape. hehehe. pero nung palabas na kami, nag-iba ang isip, nagyaya papunta sa fort. e di nagpunta kami, alam lang namin pagpunta dun, pero honestly, wala pa yatang nakakarating sa amin dun. joyride, gala-gala, since di ko naman kabisado ang daan, minsan, gusto kong batukan itong dalawa kong kasama.. hehehe, aba, e yung isa, sasabihin, kanan, yung isa, kaliwa, saan ba talaga? magtatalo pa.

anyways, nakarating din naman kami dun na walang bumabangga sa amin. (medyo may phobia pa rin ako e.) since ang unang balak nga namin ay magkakape lang kami sa starbucks, itong dalawa kong kasama ay nakashorts at nakatsinelas lang (syempre, nakaTshirt din naman, hehehe). dun kami napadpad sa may Pier One. yung may Go Nuts Donuts at kung ano ano pa. Medyo OP yata kami, kasi, mga sosyal ang mga tao dun. pero ok lang. gusto sana naming pumasok nung pier one, mukhang may live band, kaso, sa guard pa lang, denied na kami, lahat kasi ng bawal, suot nila. shorts.. slippers... hehehe. pumunta na lang kami sa PASTO para kumain. dun muna kami sa labas umupo, kasi, may mga nakapwesto din naman doon. pag-upo namin, aba naman at walang lumalapit para kumuha ng order namin. mukha kasi kaming tambay. pero tama ba yun? sabi nga nung isa kong kasamang taga trend micro, "mas malaki pa siguro sweldo ko sa iba sa mga nakaupo dito ah." oo nga naman, di ba, 6 digit sweldo mo monthly??? hehehehe. sa akin, 6 digits din, kaso, annually. hehehe. umupo kami doon para kumain, pero di kami pinapansin. sabi ko, pasok tayo sa loob, aircon dun, para pansinin na tayo.

so pumasok kami sa loob, doon na kami hiningan ng order. italian restaurant yata yun kaya naman nung ibigay sa amin ang menu, malay ba namin kung paano basahin. hehehe. nagkakatawanan na lang kami habang kumukuha ng order. yung inorder kong drinks, frullati, binalikan pa ako, ano daw gusto kong flavor? sabi nung isa kong kasama, pedeng durian? hehehe. nung dumating na yung pizza, malay ba namin kung yun nga ang inorder namin, basta, kinain na lang namin! sinulit nung isa kong kasama yung pagbili nya ng refillable iced tea, nakailan ka bang refill? lima?? hehehe. natapos din, nakakain din kami at nagbayad syempre. tapos eto pa...

nung pauwi na kami, sa iba kami dumaan, hanapin daw namin ung market market eh. so drive-drive ako until we reached a point of no return. walang u-turn eh, hanggang makarating na kami sa C5. bihira pa lang ako nakadaan dun, at yung mga kasama ko, hindi rin kabisado ang daan. so, sabi ko, bahala na, hindi naman tayo makakarating sa japan. hehehe. nung makakita ako ng sign board na "to makati", umexit ako doon, nakarating kami sa libingan ng mga bayani. tapos, nagdrive na ako ng tuloy tuloy. yung mga kasama ko, tinatanong ko, "asan na tayo?", sabi nila, di rin nila alam. sabi naman ni ron, "tuloy lang, wag na tayo babalik, malayo na eh, basta, may lalabasan din tayo." that's around 11:30PM na yata. so, drive lang ako nang tuloy tuloy, walang masyadong bahayan, diretso lang daw, e di diretso. hehehe. medyo naiisip ko, baka biglang tumawid si rizal o bonifacio... hehehe. isip ko, marami pa namang gasolina. nakahinga lang kami nang maluwag nung sa kakadiretso ko ay makarating kami ng south superhighway! yun, nakauwi rin. around 12:00AM na yata yun! ang saya!

pagdating sa bahay, yung isang pasaway na driver, nagpark sa harap ng gate, e di hindi ako makapasok, sa tabi ko na lang ng kalye ipinark yung sasakyan ko. ewan ko nga ba, kahit naman walang sign na "don't block the driveway", kung talagang matino kang driver, you will not park sa tapat ng gate, di ba? banggain ko kaya? hehehe, di naman ako ganun kagago. pero kapag mamayang gabi ay may nakaharang pa rin doon sa gate, ay hahanapin ko na yung driver nun!

yun na yun!



posted by Marhgil, 10:24:00 AM | permalink | 0 komento |

kotse

Wednesday, July 13, 2005

by kukote

sa wakas, nakuha ko na yung kotse. ipinakuha ko kay mang russel, gumawa na lang ako ng authorization letter, hindi kasi ako makaalis dito sa opisina, daming trabaho. ang sabi ko kay mang russ, "wag mong ibabangga ha." hehehe. well, andito na yung car, back to its original form... akala ko nga, pagbalik nya ay Innova na, hehehe, kasi, naman 2 weeks bago nagawa.

to all the reckless drivers out there, yan, pede nyo na ulit akong banggain. kung mambabangga kayo, tamaan nyo naman kahit isang ilaw, para medyo mas malaki yung babayaran nyo ha? at nang masubukan ko rin kung gumagana yung air bag... hehehe.

i'll post some pictures tomorrow, para naman makita nyo kung gaano kapulido magtrabaho yung taga toyota, siguro, binilang pa nila pati kung ilang beses pipihitin yung mga screw... etc... etc... kasi, bumper lang na papalitan, it took them 2 weeks (june 29 ko ipinasok sa casa after 2 weeks of getting the necessary papers), e wala namang inayos sa makina. e di lalo na kung kumatok yung makina.

ge, back to work na ulit ako!



posted by Marhgil, 3:24:00 PM | permalink | 3 komento |

naayos din!

by kukote

after exactly 1 month, naayos din yung kotse ko (june 13 sya nabangga)! ok na daw, sabi ng toyota, kukunin ko na mamaya!!! makakapagstroll yata ako mamaya. hehehe. sinong gustong sumama? ako naman ang mambabangga, hahanapin ko yung nakabangga sa akin, babanggain ko rin, para maranasan rin nya yung abalang ibinigay nya sa akin. hehehe. nababaliw na naman ako.

sige, back to work na ako.



posted by Marhgil, 1:30:00 PM | permalink | 0 komento |

rally at taxi driver

by kukote

what a good day! late ako dahil sobrang traffic, halos hindi gumagalaw, naglakad na nga lang ako nung sa tingin ko ay kaya ko nang lakarin yung papunta dito sa office. isinara pala ang ayala para sa rally! hay naku, kung sa halip na nagrarally kayo ay naghahanap kayo ng trabaho, mas gaganda siguro ang inyong buhay! e kinarir nyo na yang pagrarally rally eh. kahit naman sino pang nakaupo dyan sa malakanyang, kung hindi ka magtatrabaho, hindi ka rin aasenso! kung araw-araw na lang ay puro kasiraan ng gobyerno ang aatupagin mo at magrarally ka na lang nang magrarally, hindi ka aasenso. maghanap kayo ng trabaho!

isa pa, sa mga taxi driver na ayaw magpasakay dahil matraffic, magpakamatay na kayo! hindi nyo ba alam na talagang bahagi ng buhay driver ang pagkakaroon ng traffic sa kalye??? kung ayaw nyo ng traffic, dapat, nagpiloto na lang kayo, o kaya ay nag-apply na driver ng MRT, di ba? well, pasensya kayo kung ako ang nakatapat nyo, kada tanggi nyo, ok lang sa akin na mawalan ako ng piso, maitext ko lang ang mga plate number nyo sa LTFRB. sa mga makakabasa nito, eto po ang number ng LTFRB, 09214487777. piso lang kada text, lahat nang mangongontrata at tatanggi sa inyo, piso lang, itext nyo ang plate number. nang mabigyan naman ng leksyon ang mga driver na yan. may ginagawa bang aksyon, siguro naman after 3 to 5 na reklamo sa taxi na yun e gagawan na yan ng aksyon.

yun lang!



posted by Marhgil, 11:34:00 AM | permalink | 5 komento |

killblogger and faceanalyzer

Tuesday, July 12, 2005

by kukote

nabasa nyo na ba itong balitang ito? kung hindi pa, e di basahin nyo. hehehe.

ito yung blog nya, may blogger din palang killer. if you want to know how a killer thinks, this is an interesting read.

other matters... nakakatuwa itong site na ito, kailangan lang, may ready kang picture.

yun na yun, uuwi na ako!



posted by Marhgil, 7:35:00 PM | permalink | 0 komento |

smart update

by kukote

just an update on this post, hindi po totoo na ininvite na ako ni randy david for interview... hehehe. anyways... eto po yung reply ng smart customer service, ang masasabi ko lang, i'l close this chapter na, wala din namang mangyayari...


Dear Sir/Madam,

It saddens us deeply that you regarded the information we provided as
such. We wish to assure you that no modification has yet been done on
the procedures for SMART Prepaid Voice Roaming since its initial launch.
Keep in mind that SMART Prepaid International Roaming used to offer
only text service. The command VROAM was created so SMART subscribers
whose text roaming service was already active at the time when the new
voice roaming service was launched would also have the chance to activate
it. On the other hand, the command ROAM ON which used to activate the
text roaming service only, was modified such that subscribers who sent
the said command after the Prepaid Voice Roaming Service was launched
were able to simultaneously activate both text and voice service.

We hope this helped shed light on the matter. If further clarification
is necessary, please do not hesitate to write us back.

Thank you for sharing your sentiments with us.

Sincerely,

Customer Care
//rgb



napansin ko lang, hindi sila sigurado kung lalaki o babae ako, dear sir/madam daw eh, hehehe. hay naku, napagdiskitahan ko na naman ang aking unique na pangalan.

case closed.



posted by Marhgil, 6:45:00 PM | permalink | 2 komento |

welcome to my life!

by kukote

i can somehow relate to this song... =(


Welcome To My Life
Simple Plan


Do you ever feel like breaking down?
Do you ever feel out of place?
Like somehow you just don't belong
And no one understands you
Do you ever wanna runaway?
Do you lock yourself in your room?
With the radio on turned up so loud
That no one hears you screaming

No you don't know what it's like
When nothing feels all right
You don't know what it's like
To be like me

To be hurt
To feel lost
To be left out in the dark
To be kicked when you're down
To feel like you've been pushed around
To be on the edge of breaking down
And no one's there to save you
No you don't know what it's like
Welcome to my life

Do you wanna be somebody else?
Are you sick of feeling so left out?
Are you desperate to find something more?
Before your life is over
Are you stuck inside a world you hate?
Are you sick of everyone around?
With their big fake smiles and stupid lies
While deep inside you're bleeding

No you don't know what it's like
When nothing feels all right
You don't know what it's like
To be like me

To be hurt
To feel lost
To be left out in the dark
To be kicked when you're down
To feel like you've been pushed around
To be on the edge of breaking down
And no one's there to save you
No you don't know what it's like
Welcome to my life

No one ever lied straight to your face
No one ever stabbed you in the back
You might think I'm happy but I'm not gonna be okay
Everybody always gave you what you wanted
Never had to work it was always there
You don't know what it's like, what it's like

To be hurt
To feel lost
To be left out in the dark
To be kicked when you're down
To feel like you've been pushed around
To be on the edge of breaking down
And no one's there to save you
No you don't know what it's like (what it's like)

To be hurt
To feel lost
To be left out in the dark
To be kicked when you're down
To feel like you've been pushed around
To be on the edge of breaking down
And no one's there to save you
No you don't know what it's like
Welcome to my life
Welcome to my life
Welcome to my life




posted by Marhgil, 6:29:00 PM | permalink | 2 komento |

suicide video

by kukote

i have a video of someone commiting suicide in public, actually, galing sa friend ko from kuwait, collection of videos yun ng kung ano ano, dun lang ako kinilabutan dun sa nagsuicide, nagbaril sa bibig nya, as in kitang kita sa camera kung paano sya namatay. ngayon ko lang nalaman kung sino sya... si Budd Dwyer, and here is his story. if you want to see the video, request na lang kayo sa akin, email ko sa inyo, but warning, it is totally gruesome. yun ang video na nagconvince sa akin na fake yung beheading video ni Nick Berg.



posted by Marhgil, 5:43:00 PM | permalink | 2 komento |

for OFW children

by kukote

mukhang things are going in my favor na ulit... hehehe, ok lang siguro kahit walang increase, basta matuloy yung next foreign assignment ko, 3 to 4 weeks sa saudi arabia. my boss just called me and told me that there is a big possibility na matuloy to, sana nga. anyway, sanay na naman ako sa arabic foods, hehehe, at least, sa saudi, hindi ako mababagot dahil ang daming filipino doon. hindi training yung gagawin ko dun, systems development daw, in other words, programming. well, marunong naman ako noon kahit papano.. hehehe.


kwentong jordan ulit... nung pauwi na ako, ang nakatabi ko sa eroplano ay isang DH sa riyadh. yan kasing dubai ay stop-over capital of the filipino people yata... kasi, doon sa gate kung saan kami naghintay, kaming mga filipino, kung saan-saan galing, merong galing kuwait, galing germany, galing ireland at galing saudi. syempre, meron din namang galing din mismo sa dubai. so to continue my story, syempre, sa haba ng byahe, kung hindi mo kakausapin yung katabi mo ay mababagot ka, so, nag-usap kami. eto kwento nya... 3 years daw sya sa riyadh, domestic helper nga, mabait naman daw ang amo nya, dalawa daw silang katulong, ang isa ay indonesian. umuwi sya dahil finish contract na, 8 daw yung anak ng amo nya, lahat naman daw mababait, mga tapos na daw, yung isa nga daw ay doktor, pero may inaalagaan pa rin daw syang bata. mahirap daw ang trabaho, wala daw silang day-off. all-around daw sya. tapos sabi nya, namimiss na daw nya yung mga anak nya. meron daw syang tatlong anak, yung isa daw ay malapit ng grumaduate sa university of mindanao sa tagum sa davao. computer programmer daw ang kinukuha. tanong ko, sa hirap po ng trabaho, magkano naman po ang bigay sa inyo? kung icoconvert daw sa pesos, around P10,000. may balak pa po ba kayong bumalik? sagot nya... depende, kung bibigyan nila ako ng increase.. kung hindi, hahanap na lang ako ng ibang amo. tapos, pagdating daw sa manila, punta daw sya sa agency, doon muna matutulog, bibigyan daw sya ng ticket doon papunta sa davao. she's around 40 years old na sa tingin ko.

wish ko lang, sana, matino yung anak nya. sana, yung perang pinapadala nya ay ginagamit nung anak nya sa tama at hindi ipinangbubulakbol. nakakaasar kasing makita na ang yayabang nung iba dyan dahil nag-aabroad yung parents nila, hindi lang nila alam kung anong hirap ang dinaranas ng magulang nila mabigyan lang sila ng magandang buhay. lalo na sa middle east, di nyo ba alam na ang tanghaling tapat dito sa pinas ay katumbas lang ng alas sais ng umaga sa saudi? just imagine kung gaano kainit ang tanghaling tapat doon. tapos, yung magulang nyo, nagtatrabaho sa construction site, gaanong hirap at init ang tinitiis nila magkaroon lang tayo ng magandang buhay.

to all OFW children, please love your parents, ipadama nyo habang kapiling nyo sila at buhay pa. hindi nyo lang alam kung gaano kahirap ang manilbihan sa ibang bansa para lang sa kapakanan nyo. let's make them happy naman pag-uwi nila... huwag puro pasalubong yung hanap. kung maaari nga, itreat nyo sila pag-uwi nila, ipasyal. sila naman pagsilbihan natin habang di pa sila bumabalik sa abroad. let's make them feel the love habang kapiling natin sila.

yun lang, tama na, naiiyak na ako. huhuhuhu!!



posted by Marhgil, 2:43:00 PM | permalink | 0 komento |

over baggage and bad trip pa rin!

by kukote

habang wala pa akong masyadong ginagawa, magkwento muna ako... medyo nabadtrip nga ako kahapon, kasi ba naman, lahat ng empleyado dito, nagkaroon ng kanilang annual increase, ako, wala, sa october pa raw! inaasahan mong pera, naglaho pa! ayun, kaya medyo lumabas ako kagabi at naglabas ng sama ng loob, wala, gumimik lang naman kami, nagubos ng pera, hehehe.

just like to point out something here, lalo na sa mga kababayan nating OFW... mga kapatid, kung uuwi naman po kayo, alam nyo naman po kung hanggang ilang kilo lang yung pwedeng baggage nyo, di ba? huwag na po kayong magdala ng sobra, tapos makikiusap kayo sa makikita nyong konti lang ang dala na pakicheck-in na rin nung baggage nyo dahil over-baggage na kayo. hindi nyo lang po alam, tinulungan nga kayo pero kahit paano, may gumugulo sa isip nung tao, ewan ko sa iba pero sa akin, meron.

ako, kada uwi ko na lang kasi, may nakikicheck-in sa akin, hindi naman ako makatanggi, kasi, pang-isang linggong gamit lang naman ang dala ko, at kapag kababayan ko na ang nakiusap, wala, hindi talaga ako makatanggi. pero sa likod ng isip ko, may bumubulong... "paano kung illegal ang laman nyan??? paano kung may drugs yan sa loob, etc.. etc.. e di ako ang lagot?". yun lang naman ang kinatatakutan ko, syempre, ako ang nakapangalan dun sa gamit, e di ako ang makukulong, di ba? ewan ko, gusto kong tumanggi, pero di ko magawa. parang kung mangyayari yun, ikaw na ang tumulong, ikaw pa ang napahamak, isusumpa ko naman yung tao na yun kung mangyayari yun. hehehehe. so far naman, wala pang masamang nangyayari, pero maghihintay pa ba akong may masamang mangyari bago ako matuto?? hindi ko kasi ugali na magkait ng tulong kung may maitutulong naman ako eh. ewan ko, next time siguro, pilitin kong tumanggi, kung kaya ko. pero pinakamaganda nyan, wag na po tayong magdala ng sobrang bagahe, ok? am i being rude???

bad trip pa rin ako till now. doon sa mga taong pinadalhan ko ng email at nagbigay ng comments, thanks po! hirap kasi mag-isip kapag badtrip kaya kailangan ko ng inyong comments. masyado lang pong personal kaya hindi ko na dito sa blog ipinost.

yun lang.



posted by Marhgil, 9:49:00 AM | permalink | 0 komento |

this is fun

Monday, July 11, 2005

by kukote

gusto nyong mangbadtrip or magbiro sa kahit sinong kilala nyong online? thanks to allan for giving me this link, palitan nyo na lang yung firstname.lastname... eto yung link... just edit the firstname.lastname, ilagay nyo ang pangalan ng gusto nyong pagtripan, then send him the links...

wala lang, kailangan kong magpalamig, ilagay ko ba naman ang pangalan ng boss ko?? hehehe.

if you want more... visit this site, andyan lahat yan! i wonder what kuya bobot's reaction if he read that he won on the lottery??? hmmm, sya kasi yung dakilang mananaya sa lotto dito sa opisina. pagtripan ko ba? wag na, baka himatayin.. hehehe.

yun lang



posted by Marhgil, 6:09:00 PM | permalink | 0 komento |

bad trip

by kukote

nag-iinit ako... grabe na ito, a sudden change of policy, i'm expecting that increase, pero di nila ibinigay. nagbago daw ang policy, the increase will take effect daw on your anniversary dito sa company, meaning, on october pa. hihintayin ko pa ba yung anniversary na yun??? anak ng teteng!!! sabi sa policy, semi-annual ang evaluation, every june and dec! tapos ngayon, kung kailan inaasahan ko na yung increase, hindi nila ibibigay dahil nagbago ang policy!!! anong gagawin ko??? di maaari to, niloloko nila ako!!!



posted by Marhgil, 5:42:00 PM | permalink | 0 komento |

mind game and a cool site

by kukote

there was this mind game by sis nao on her blogsite. well, nag-email ako ng sagot, sayang din yung $20 Canadian. hehehe. kayo, baka abot pa kayo!

if you are a frequent traveller, you will enjoy navigating this site! i liked that worst airport list, so far, hindi pa naman ako nakakarating dun. medyo nakakalungkot lang yung comments nila sa NAIA.

yun lang muna!



posted by Marhgil, 2:22:00 PM | permalink | 3 komento |

pasalubong, body clock, kotse, antok

by kukote

sa mga humihingi ng pasalubong, hanapin nyo na lang ako dito sa makati, meron pa yata ako ditong natitirang 2 toblerone, first come, first served na lang... hehehehe

alam nyo, akala nyo, ang saya ng trabaho ko? enjoy bumyahe, pero ang hirap din. biruin nyo, kakaadjust lang ng body clock ko sa jordan time, nag-aadjust na naman ako! mas madali pa nga yung adjustment sa jordan coz ahead ang pinas ng 5 hours. kumbaga, ang adjustment lang dun, feeling mo, magpupuyat ka ng additional 5 hours, tapos gigising ka ng additional 5 hours din. so, ok lang, kung sa pilipinas, parang nagpuyat lang ako ng hanggang 3Am, pero gumising naman ako ng 3PM. di ba, medyo, madaling makaadjust dito. nagpuyat ka pero gumising ka ng tanghali, so ok lang.

pero ngayon na nakaadjust na ako sa jordan time, ibabalik ko naman yung body clock ko sa philippine time. so, iaatras ko naman ng 5 hours yung body clock ko. yun ang mahirap. yun bang tipong feeling mo, matutulog ka nang maaga, 5 hours ahead, para magising ka nang maaga, 5 hours ahead din. hirap no? siguro naman, within one week, babalik na rin ito sa normal.

regarding my car, tinawagan ko yung toyota, pipilitin daw nila na till friday mairelease na yung car. tagal! nagkaproblema daw kasi, nung iopen nila yung rear bumper, nakita daw nila na yung quarter bumper ay medyo bumuka rin at kailangan ding ayusin, pero hindi naman daw nila basta maaayos without the approval of the insurance. lintek! nung friday lang daw lumabas yung approval! kaya hayun, ngayon lang daw ulit nila maitutuloy yung pagsasaayos nung kotse ko. sa july 13, bangaan monthsary na nung kotse, hanggang ngayon hindi pa ayos!!! kailangan ko talagang humingi ng danyos perwisyo!

lumuwas ako ng manila ng byahe kanina, sakay ng van, sa unahan pa ako nakapwesto. medyo iba rin ang feeling ng nasanay kang ikaw ang nagdadrive papunta sa manila, parang gusto kong agawin sa driver yung manibela eh... hehehe. isang linggo pa pala akong magcocommute.

pagdating sa office, gumawa ng report ng kung ano ang pinaggagawa ko doon sa jordan. ipinasa sa mga bossing ko, tapos, heto, nagblog. inaantok ako! grabe!!!



posted by Marhgil, 11:20:00 AM | permalink | 0 komento |

smart roaming email exchange

Sunday, July 10, 2005

by kukote

i'm safely back in the Philippines... saka na ang kwento about immigration. hehehe.

regarding this incident, i sent an E-mail to Smart Customer Care, nakaCC yung NTC...

eto yun...



To whom it may concern:

Hello!!!

Since when did you activate that Voice International Roaming Service? I was a frequent traveller and I used your SMS international roaming ever since. I was surprised yesterday that my phone rings, so I have to answer it, it was a client call from Kuwait. Now, I thought that it was all free and is part of your promotion until I found out in your website that incoming calls are charged Php50/minute!

What is this? You did not even sent us (international roamers) information that you activated the voice roaming for us and any incoming call will be charged 50pesos per minute! You should at least sent us SMS message about this.You cannot just activate a service without our knowledge and charge us for its usage immediately! This is illogical!!!

Hope NTC which is CCd here will do something about this.

Regards,
Marhgil Macuha




kanina, I received a reply from them, at parang pinapalabas pa nila na nagrequest ako ng feature na yun! eto yung reply nila...



Dear Sir/Madam,

Thank you for letting us know of your concern.

We understand the importance of properly informing our subscribers of
new services. We understand how the situation may have caused alarm on
your part. Allow us then to shed some light on the matter.

Prepaid International Voice Roaming service was launched last June 29,
2005. On that day, subscribers were immediately notified through this
text broadcast:
First 160 char:
U can now make & receive voice calls! Txt VROAM to 333 &
receive d roaming menu. 2 call, select Smart Menu, Roaming Menu, Call,
Pbook, Name to call, Press Ok-

First 160 char:
U can now make & receive voice calls! Txt VROAM to 333 &
receive d roaming menu. 2 call, select Smart Menu, Roaming Menu, Call,
Pbook, Name to call, Press Ok--

Activation of the service for existing roaming subscribers is also
subscriber initiated. The command VROAM must be sent to 333 before the
system can activate the service. As such, the service would not get
activated unless the system receives a request from the subscriber or the
sim-user.

All call transactions, both incoming and outgoing, are indeed charged
to the roaming subscriber's account. Please refer below for the
different rates:


OUTGOING VOICE INCOMING VOICE TEXT MSG
Php per minute Php per minute Php per 160characters

AFRICA 50 50 20
EUROPE 50 50 20
MIDDLE EAST 50 50 20
ASIA/OCEANEA 60 60 20
CANADA/USA 80 80 20
OTHERS 100 100 20
Note: For unsuccessful calls, a text notification is sent out to both
parties. For this completed transaction, roaming subscribers are
charged P20.00


We hope this has clarified your concern. Should you have further
inquiries or clarifications, feel free to e-mail us again.

Sincerely,
Customer Care
/ood



sensya na kayo, di ko na naedit, anyway, nababasa naman, di ba? question to my readers who uses SMART... did you receive that text broadcast??? Ako, wala akong nareceive. Kayo, meron ba???


anyways, nagreply ulit ako... tingnan natin kung anong isasagot nila. eto reply ko...


Hello,

These are all lies! It seems that you are implying that I requested for that feature. Can you show me a transaction log that I really requested for that feature???

FYI, I did not receive any such text broadcast last June 29. Maybe, you should check your systems. I asked my Smart user friends and they did not receive such message last June 29 too! Do you have records of all the numbers where you sent your text broadcast???

I left Philippines last June 30 and sent ROAM ON to 333 (I still have this on my sent items). I did not sent VROAM but you activated my voice roaming.

Your previous instructions on your website shows that to activate voice roaming, you have the same command, ROAM ON to 333, not VROAM. And now, that webpage is gone, it seems you felt that you did something wrong that you have to change the keyword???

I still believe that you activated the voice roaming feature without my knowledge and charge me for that call. I did NOT send VROAM! This is not correct and I should get a refund. Will you??

Anyways, I believe that I will not get a refund for this.But I just like you to know that this will not go unnoticed. You activated a feature which I did not request and charged me for it!!! This is wrong, this a fault in your system that you must change!

I hope NTC, and some columnists I cc'd here will do something about this. Don't activate any feature which your subscriber did not request, OK?


Regards,
Marhgil Macuha



Note, I CC'd NTC, Ellen Tordesillas, Ducky Paredes and Randy David. hehehe. Tingnan natin kung pansinin ako ng mga ito. Sa di nakakaalam, si ellen and ducky are columnists sa abante, si randy david, sa inquirer, andun yung email add nila eh. hehehe

sige po, next time na ulit. bye!



posted by Marhgil, 7:46:00 PM | permalink | 3 komento |

final words in jordan

Friday, July 08, 2005

by kukote

in 1 hour, i will be checking out of the hotel na at pupunta na sa airport. 6 hours pala ang stop-over ko sa dubai! napadaan lang dito sa computer shop, nagcheck ng mails, at syempre, nag blog, hehe.

mukhang mahihirapan na naman ako sa airport nito. siguradong tight na naman ang security lalo na't nangyari yung london bombing na yun.

sige po, it's time to go now! bye everyone!!!! (nakailan na ba ito... hehehe, huling huli na talaga ito, unless makakita ako ng internet shop sa dubai.)

bye!!!!!!!



posted by Marhgil, 5:48:00 PM | permalink | 0 komento |

complete statement of the london terrorists

Thursday, July 07, 2005

by kukote

eto po yung complete statement nila na nakuha ko sa kanilang website...


In the name of God, the merciful, the compassionate, may peace be upon the cheerful one and undaunted fighter, Prophet Muhammad, God's peace be upon him.

Nation of Islam and Arab nation: Rejoice for it is time to take revenge against the British Zionist Crusader government in retaliation for the massacres Britain is committing in Iraq and Afghanistan. The heroic mujahideen have carried out a blessed raid in London. Britain is now burning with fear, terror and panic in its northern, southern, eastern, and western quarters.

We have repeatedly warned the British Government and people. We have fulfilled our promise and carried out our blessed military raid in Britain after our mujahideen exerted strenuous efforts over a long period of time to ensure the success of the raid.

We continue to warn the governments of Denmark and Italy and all the Crusader governments that they will be punished in the same way if they do not withdraw their troops from Iraq and Afghanistan. He who warns is excused.

God says: "You who believe: If ye will aid (the cause of) Allah, He will aid you, and plant your feet firmly."




sa mga magtatanong kung saan yung website nila, e maghanap din kayo, hindi rin nga sinasabi sa balita, hinanap ko pa ito.. hehehe

let's pray for london. let's pray for world peace.

bye!



posted by Marhgil, 10:32:00 PM | permalink | 0 komento |

london blast

by kukote

gago talaga itong mga terorista, umatake na naman! sa london pa!! after they celebrated getting the bid to host the 2012 olympics, eto naman! ang gulo na talaga ng mundo!!!! see any news website and it's on the headline now!

sige, huli na talaga ito. i just can't let this event pass without blogging. hehe. hope everything goes fine on my trip. bye!!!



posted by Marhgil, 10:12:00 PM | permalink | 0 komento |

smart international roaming

by kukote

nagulat ako at natatawagan na itong smart roaming ko. grabe, akala ko, libre dahil ako ang tinawagan, syempre, sinasagot ko. tapos ngayon, nagtext sa akin ang smart, below 50 na daw ang load ko!!! e 500 yung load ko nung umalis ako at konting text lang naman ginawa ko. nalaman ko na lang ngayon dito na kahit incoming calls, may charge! 50Php per minute!!! grabe na ito!!!! parang nanakawan ako ah. wala man lang silang pasabi kahit sa text na ganun ang patakaran nila!!! wala man lang pasabi!!!! mga bobong smart!!!

huling huling message na talaga ito. bye!!!



posted by Marhgil, 9:08:00 PM | permalink | 0 komento |

im going home

by kukote

ito na ang huli kong post ngayong week na ito, uuwi akong maaga sa hotel, gigimik daw kami mamayang gabi, bukas, uwi na ako sa pilipinas. i will be arriving on Saturday at NAIA by 4:20PM aboard Emirates Airline flight EK 332. May susundo kaya sa akin? Sana, sunduin nila ako. Anyway, magtetext pa naman ako sa kanila.

This is such a long and adventurous week! Ok na kaya ang kotse ko??? ewan, bahala na pagdating ko.

My next post probably will be on Sunday. Bye everyone!

God bless!



posted by Marhgil, 6:59:00 PM | permalink | 0 komento |

samut saring kaisipan

by kukote

buti na lang at may mga mp3 ako dito sa laptop ko, may music din akong naririnig na gusto ko. hindi yung puro arabic music na hindi ko naman maintindihan... lagi na lang mayroong "habibi...". hehehe

tomorrow will be my last day, my mission will be over here in jordan. pag-uwi ko, sasabihin ko sa boss ko... mission accomplished! sabay saludo... hehehe. siguro naman nga ay may natutunan ang mga tao dito, kahit yung itinuro ko sa kanila ay inaral ko lang din one week bago ako nagpunta doon. malinaw naman ang aking pagkakaturo, naintindihan naman daw nila. dating instructor yata to.. hehehehe.

ngayon, nag-iisip ako, bibili pa ba ako ng pasalubong dito? e ang mahal mahal dito. sa dubai kaya? siguro, konting chocolate lang at sigarilyo. yun lang. konti lang naman ang kinita ko dito, parang nagkaroon lang ako ng one month advance na panghulog sa kotse. pag tinamad ako, sa duty free na lang sa NAIA, hehehe.

sana, hindi ito ang huli. there are many potential customers daw, i still need to train other resellers pa siguro. nakakatuwa naman dito. hindi mababa ang tingin nila sa mga filipino. dahil ako lang naman ata ang filipino dito. hehehe.

may mga blog hoppers na napapadaan dito sa blog ko and some are reacting na hindi raw nila maintindihan dahil tagalog... or taglish to make it more accurate. e pasensya na lang po kayo, mag-aral kayong magtagalog para maintindihan nyo ang mga pinagsususulat ko dito. u missed half of your life if you cannot understand my posts here... di ba? hehehehe.

dito naman sa hotel na tinutuluyan ko ay may tv with satellite pa. kaya naman lahat ng channel na free to air kahit sa ibang bansa ay napapanood ko dito. kung trip ko makinig ng balita, punta ako sa bbc news channel, music television, meron din... 102.5 hit channel, uk songs ang pinapatugtog. meron din ditong puro english sitcoms ang ipinalalabas at pelikula sa gabi, yung channel one. kagabi lang ay nanood ako ng friends, yung kina jennifer aniston, kaso, mga lumang episode, anyway, hindi ko naman yun subaybay kaya pinagtityagaan ko na rin. after that, may pelikula, kagabi, courage under fire, mamaya daw ay the sopranos. pag sinipag ako, papanoorin ko, pag nakatulog, e di hindi.

mahaba-haba na yata itong post ko. kung nabasa mo pa ito, hindi ka pa bagot sa pinagsasasabi ko. it's either natutuwa ka sa akin or wala ka lang talagang magawa. hehehe. well, this is just my outlet to cleanse my mind. lalim nun! hehehe, sa personal naman kasi, hindi ako ganito kadaldal. suplado nga raw. hindi nga ako palangiti. i will not talk to you if you will not make the first move, unless kailangang kailangan kong magpunta sa cr pero hindi ko alam kung saan. hehehe. maybe, i am just afraid of being rejected, yung mapahiya ba? kasi, hindi ako sanay mapahiya. kahit walang hiya ako dito sa blog ko, sa totoong buhay, im the shy type. totoo.

isipin nyo to. sino ba nakaimbento ng philip screwdriver? si philip ba? bakit nga naman inembento pa yun? di ba, yung simpleng screw with ordinary screwdriver, pede na, umiikot din naman yun at napapahigpit at nakakapagpaluwag, di ba? e bakit pa naimbento yung philip screw? para kapag bumili ka ng tools... dalawang screw driver ang bibilhin mo, yung ordinary at philip screwdriver. magkano kaya ang kinita ni philip for this screw driver??? i was thinking, maggawa din kaya ako ng marhgil's screwdriver. syempre, dapat, may katuwang na screw yun. marhgil screw... yung letter M ang dulo, hehehe. kumita kaya yun??? wala lang, nababaliw na naman ako. may point ba ako sa pinagsasasabi ko? ok, lalagyan ko ng point. eto POINT! ang laki!! hehehe

eto pa. think of KFC! imagine, paano kaya naisip nung si COl. Sanders na ang gawing logo ng KFC ay yung mukha nya? can you imagine a company na ang logo, yung mukha ng may-ari??? kung magtayo kaya ako ng kumpanya, tapos, mukha ko ang logo?? pumatok din kaya??? hehehehe.

mahaba na nga ito, bukas na ulit, next post ko siguro, nasa batangas na ako! just please pray for my safe journey back home. if something happened to me, then this will be my last post, di ba? unless ihack nyo ang blogspot account ko, hehehe. anyway, before i go, i just want to tell that special someone that i still love her and i always do... uy, parang mamamatay na ako ah. malay nyo, di natin masabi, di ba. doon pala sa mga may utang sa akin, pag namatay ako, sana naman, dalawin nyo ako, kahit man lang pambili ng kabaong ko, magbayad kayo, ok? hehehe. tama na, baka nga mamatay ako, kung mamatay nga ako, sasabihin nyo naman, nagpaalam na ako dito. ewan ko, i just feel that i have to post this one.

May God bless the unblessed! (because the blessed needs no more blessing, di ba? hehehe)



posted by Marhgil, 3:18:00 PM | permalink | 2 komento |

my criteria of a good blog

Wednesday, July 06, 2005

by kukote

my criteria of a good blog

updated regularly - syempre, mas maganda kung may nababasa ka laging bago, di ba?

loads fast - kapag nagbobloghopping ako, kapag ang tagal magload, i simply click that x button on the upper right hand corner of my browser... hehehe, ayoko ng mabagal! ang habol ko naman sa blog mo ay yung posts mo, not the plugins, etc, etc... ok lang may mga burloloy, pero wag naman sobra.

has a tag board! - syempre, para naman malaman nyo na napadaan ako sa blog nyo, di ba? at nang makadaan ka rin sa blog ko.

ok lang yung mahabang post, basta interesting, di ba? but better if u can make it short and simple.... ginagawa ko ba ito??? ewan ko, basta, blog lang ako ng blog!!!

these are just my criteria, if u want me to become a regular visitor of ur blog, then, yan yung criteria ko. ok? kung ayaw mo, wag mo! hehehe. nababaliw na naman ako, epekto ng pagkaing kinain ko kanina na hindi ko alam kung anong tawag. hehehehehe.

2 days na lang, babalik na ako sa pinas!!!!!





posted by Marhgil, 9:54:00 PM | permalink | 5 komento |

kfc, safeway, gimik, kotse, lunch

by kukote

now for my thoughts... kwento ko naman ang basahin nyo! pero hindi ito himutok na kagaya ng sinundan nito.

i went to KFC yesterday night, alone, para syempre maghapunan. ginutom kasi ako. unlike in kuwait na filipino ang mga crew, dito, talagang walang filipino. hindi ko alam kung anong lahi nung mga tao dun sa KFC. e pagdating ko doon, sign language lang, nagkaintindihan na kami nung nasa counter na hindi marunong mag-english. buti na lang at uso ang picture, ginawa kong turo-turo ang KFC, so, dumating din yung order ko na kapag kinonvert mo sa pesos ay aabot ng almost Php300. mahal no? mahal nga.

after eating, nagpunta ako sa supermarket na katabi lang nito. Safeway ang pangalan nung supermarket, wala lang, naglakad lakad lang doon, wala namang binili. naaasar lang kasi ako kapag icoconvert ko sa pesos ang presyo, ang mahal. sa pinas na lang ako bibili. hehehe.

ang working days dito ay sunday to thursday, so bukas, papasok pa ako. thursday night, yun ang gabing gumigimik ang mga tao dito, parang friday night dyan sa pinas. sabi sa akin nitong mga kasama ko, igagala daw nila ako dito sa thursday night. saan kaya ng mga ito ako balak dalhin??? gigimik kami sa huwebes!!! buti na lang at 5pm pa ng byernes ang flight ko, may oras pa para makapahinga.

on other matters, ano na bang nangyari sa kotse ko??? 5 days na ang nakalipas, wala pa rin. tumawag actually yung kasama ko sa bahay na pinagbilinan ko ng kotse ko at ang sabi daw sa toyota makati ay may inaayos pa. sana naman, pag-uwi ko ay ayos na. mag-iisang buwan nang masama ang loob ko dahil sa kotseng yan. pero kahit ganyan yan, hindi ko pa rin yan ipamimigay. hehehe.

ang tanghalian ko kanina, tinapay na may palamang kung anu-ano, maanghang na maasim na may chicken na maalat, ewan ko, basta kinain ko na lang, nalunok ko naman eh. hehehe.



posted by Marhgil, 8:37:00 PM | permalink | 0 komento |

himutok

by kukote

this is a forwarded e-mail that i received this morning. thought-provoking... may punto sya sa kanyang pinagsasasabi. hindi ko kilala kung sino ang author nito, i just want to share it to my readers... medyo mahaba sya, pero ok lang, basahin nyo na rin... here it goes...

-----------------

Galing sa isang ordinaryong manggawa sa Pilipinas

Walang kwenta ang Pilipinas

By: jawbreaker. (isang ordinaryong office worker na ayaw na magbayad ng tax...ever!)

Hindi ko na mapigilan ang sarili ko. Sukang-suka na ko sa mga nangyayari sa bansang 'to!

Walang katapusang corruption, walang kamatayang pangbabatikos, pagbabatuhan ng tae at pagpapa-taasan ng ihi ng mga pulitiko sa bawat isa, walang tigil na imbestigasyon ng kung ano-anong isyu pero wala namang matinong resolusyon, walang puknat na pag-aagawan ng kapangyarihan sa pagitan ng mga partido, patuloy na pagdami ng tamad at tangang Pilipino, patuloy na pakikipaglaban ng ideolohiyang wala namang silbi.

Ang gobyerno ng Pilipinas, talo pa ang septic tank na hinihigop ng Malabanan - saksakan ng dumi at napakabaho. Kaya hindi nakakapagtaka na ang Pilipinas ang isa sa pinakamahirap at corrupt na bansa sa mundo. Kasi lahat sila bulok, lahat sila walang kwenta. Lahat sila sugapa sa kapangyarihan at sa pera.

ANAK NG TETENG! !$#%Q!&!* @!!!!!

KAHIT KRISTIYANO AKO, HINDI KO MAPIGILANG MAGMURA AT HILINGIN SA DIYOS (MINSAN NGA PATI SA DEMONYO) NA MAMATAY NA SILANG LAHAT AT I-BBQ SILA NG HABANG-BUHAY SA IMPIERNO.

SINONG "SILA"? EH DI MGA CORRUPT NA GOVERNMENT OFFICIALS AND WORKERS, MGA TAMBAY NA PILIPINO NA ANG LALAKI NG KATAWAN PERO HINDI NAMAN NAGTRATRABAHO AT HINDI NAGBABAYAD NG TAX, MGA MAYAYAMAN AT ARTISTANG TAX EVADERS, PATI MGA AKTIBISTA, NPA AT IBA PANG IDEOLOGICAL GROUPS NA HINDI NAGBABAYAD NG TAX PERO PANG-GULO!!! MAMATAY NA KAYO!!!

Lagi na lang sinasabi ng mga pulitiko: Ipaglaban ang masa! Tulungan ang masa! Mahalin ang masa!

PUNYETA! MASA LANG BA ANG TAO SA PILIPINAS?

SINO BA TALAGA ANG BUMUBUHAY SA PUNYETANG BANSANG TO?

SAAN BA GALING ANG PANGPAGAWA NG MGA TULAY AT KALYE? SAAN BA GALING ANG PORK BARREL? SAAN BA GALING ANG PERANG KINUKURAKOT NYO?

KAMI NA MGA MANGGAGAWA AT MIDDLE CLASS NA BAGO PA MAKUHA ANG SWELDO BAWAS NA - KAMI ANG BUMUBUHAY SA WALANG KWENTANG BANSA NA 'TO!!!!!!!!!

BAKIT YANG BANG MGA MASANG YAN NA LAGI NA LANG SENTRO NG PLATAPORMA NG MGA PULITIKO EH NAGBABAYAD BA NG TAX???!!!!

F**K YOU! KAHIT ISA SA MGA NAG-RA-RALLYING MGA SQUATTER NA YAN, KAHIT SINGKO HINDI NAG-RE-REMIT YAN SA BIR!

PERO PINAPAKINGGAN BA KAMI NG GOBYERNO?

LAGI NA LANG OPINYON NG MASA ANG INIINTINDI NG GOBYERNO.

KUNG SINO ANG NAG-RA-RALLY, SA EDSA, SILA ANG NASUSUNOD.

KUNG SINO ANG MAS MALAKAS SUMIGAW PERO WALA NAMANG ECONOMIC CONTRIBUTION, SILA LAGI ANG FOCUS PAG MAY PROBLEMA.

SILA LAGI ANG BIDA.

KAMING MGA ORDINARYONG OFFICE WORKERS, OFW'S, LABORERS AT IBA PANG NAG-TRA-TRABAHO AT NAGBABAYAD NG TAX - KAMI ANG NAGPAPAKAHIRAP PARA BUHAYIN ANG PILIPINAS. KAMI ANG MGA TUNAY NA BAYANI NG BANSA!!!

Tuwing nakikita ko ang payslip ko, nag-iinit ang ulo ko at gusto kong maiyak sa inis. Napakalaki ng tax na binabawas sa akin pero ginagamit lang sa walang kwentang bagay ang perang pinaghirapan ko.

Lahat ng pagtitipid ginagawa ko para suportahan ang sarili ko, pamilya ko at ang punyetang bansang to. Ni hindi ako makabili ng chicken and spaghetti meal sa Jollibee kahit gutom na gutom na ko. Nag-tya-tyaga ako sa waffle na tig-P10, o kaya pag may konting pera, junior bola-bola siopao sa Mini-Stop sa halangang P20.

Eh kung yung pera ko na pinapangbabayad sa tax sa kin na lang napunta, eh di sana nakakapanood pa ko ng sine at least 2 beses sa isang buwan. Nakabili na sana ako ng bagong rubber shoes. Nakapagpagawa na sana ako ng sarili kong bahay.

Yung tax na binabayad ko, karamihan nun derecho sa bulsa ng mga corrupt na mga government officials at workers. Habang hirap na hirap akong i-budget ang pera ko, sila naman nagpapakasarap sa mga mansyon. SUV's at luxury cars pa ang dina-drive nila, samantalang ako sa pedicab lang sumasakay!

P****** INA! PERA KO YANG PINAPAGPAPASASAAN NYO!!!!!

Yung tax na binabayad ko, pinapangsuporta sa mga mahihirap. Saan ba galing ang pera pangpagawa ng housing at pagtulong sa mga mahihirap, di ba sa mga manggagawa na nagbabayad ng buwis! Pero karamihan ng mahihirap, kung umasta kala mo inaapi sila ng sobra.

SA TOTOO LANG NO, KAYA ANG MGA MAHIHIRAP LALONG NAGHIHIRAP KASI MGA TAMAD!

Ang daming mga tambay sa kalye na walang trabaho pero ang laki ng katawan. Eh kung sila ba nagkargador sa pier eh di sana may pera sila.

TAPOS WALA NA NGANG PERA, ANAK PA NG ANAK!

PU***TA! LALO NYO LANG PINAPADAMI ANG TAMAD AT TANGA SA MUNDO!!!!!

Naaawa ako sa mga batang pakalat-kalat sa kalye at namamalimos. Imbes na nag-aaral, dumadagdag lang sila sa bilang ng mga future criminals sa Pinas. Hindi ako magtataka na yung batang nakita kong namamalimos sa Cubao, pagkatapos ng ilang taon cellphone snatcher na.

YUNG MGA MAGULANG NAMAN DYAN, COMMON SENSE LANG! HIRAP NA HIRAP NA NGA KAYO SA BUHAY, MANGDADAMAY PA KAYO NG IBA?! PAPARAMIHAN NYO PA LAHI NYO!

Palibhasa walang mga trabaho at walang pinagkaka-abalahan, kaya nagkakalabitan at nagsusundutan na lang maghapon, magdamag. Sa totoo lang, nakakabilib. Kasi kahit sa ilalim ng tulay o sa kariton lang, nakakabuo pa rin ng bata! Ibig sabihin, maabilidad ang mga Pinoy. Kung gugustuhin, gagawan ng paraan. Kahit sa makipot, mabaho at maduming lugar - SOLVE!

Isa pang mga grupo ng tao na nakakainis, yung mga aktibista, NPA at kung ano-ano pang ideological political groups. Sabi nila, mahal na mahal nila ang Pilipinas kaya pinagpalalaban nila ang kanilang mga adhikain.

P****TA! EH HINDI RIN KAYO NAGBABAYAD NG TAX! ANG KAKAPAL RIN NG MGA MUKHA NYO!

MGA IPOKRITO! MAHAL DAW ANG PILIPINAS AYAW NAMAN MAGBAYAD NG BUWIS!

BAKIT MAY BIR COLLECTOR BA SA GITNA NG MENDIOLA AT EDSA?! MAY TAX COLLECTION BA SA BUNDOK?!

WALA DIN NAMAN KAYONG MGA TRABAHO! KUNG MAY TRABAHO TALAGA KAYO, HINDI KAYO MAG-RA-RALLY DAHIL SAYANG ANG SWELDO NYO PAG ABSENT KAYO!

PAANO NYO MAIPAPAKITA ANG PAGMAMAHAL NYO SA PILIPINAS KUNG WALA NA KAYONG GAWANG MATINO KUNDI MAG-RALLY AT MAMUNDOK??!!!

ISA PA YANG MGA MAYAYAMAN AT MGA ARTISTA, NA NANGDADAYA AT HINDI NAGBABAYAD NG BUWIS. ANG KAKAPAL NG MUKHA NYO! ANG DAMI NYO NA NGANG PERA NANGDADAYA PA KAYO SA TAX!!!! HINDI NYO NAMAN MADADALA SA IMPIERNO YANG MGA KAYAMAN NYO. MASUSUNOG LANG DUN YAN.

KAYA LALONG BUMABAGSAK ANG NEGOSYO DITO SA PILIPINAS, KASI MGA NEGOSYANTE MANDARAYA. PATI SHOWBIZ INDUSTRY, BAGSAK NA DIN. KARMA ANG TAWAG DYAN. MGA BALASUBAS KASI.

Sana magkaron ng POLITICAL AND NATIONAL CLEANSING.

Alisin (mas maganda kung patayin na lang) ang lahat ng pulitiko at political families sa puwesto. Tibagin ang lahat ng mapanirang organizations at grupo. Itapon sa malayong isla o kaya i-pwersa ng hard labor ang mga sobrang tamad na mga Pilipino. Ihiwalay ang mga bata sa kanilang mga tamad at tangang magulang upang makapag-aral sila at maturuan na maging mabuting tao at mamamayan. Magkaron ng bagong lider na walang political ties at utang na loob sa kahit sino. At higit sa lahat, dapat tax payers lang ang pwedeng bumoto!

Kung kinakailangang magka-giyera para magtino ang mga Pilipino, ayos lang. Masyado na kasing matigas ang ulo ng mga tao dito. Gusto ng kalayaan, pero hindi naman handang panagutan ang responsibilidad ng pagiging malaya. Meron daw pinaglalaban na prinsipyo at adhikain pero takot namang mamatay para dito.

(Sa mga nakaka-alam sa anime na Gundam Wing, yan ang inspirasyon ko sa new Pinas hehe. I love you Zechs! I love you Treize!)

Hangga't hindi nagkakaron ng radical change, patuloy na walang kwenta ang Pilipinas at patuloy na magiging tanga ang majority ng mga Pilipino.

Sa dami ng nag-mi-migrate na Pilipino sa ibang bansa, dadating ang panahon na minority na lang ng population sa Pilipinas ang may utak. Yung mga magagaling na Pilipino, malamang maubos na. Sobra na kasi silang na-fru-frustrate at na-de-depress sa mga nakikita nila.

Ilang taon pa at aalis na rin ako sa Pilipinas. Wala kong balak na magkaron ng pamilya sa isang bansa na hindi pinapahalagahan ang kontribusyon ng mga taong tunay na bumubuhay dito. Kawawa naman ang magiging anak ko kung dito sya mabubuhay.

Sa totoo lang, broken hearted ako. Minahal ko din ang bansang ito. Pilit kong pinagtatanggol kahit bulok. Nakarating na ko ng ibang bansa, pero pinili kong bumalik. Pero ngayon, ayoko na. Suko na ko. Sayang lang ako sa bansang to. Simple lang naman ang hiling ko. Gusto ko lang mabuhay ng tahimik at maayos. Gusto ko na kahit paano eh maipagmalaki ang Pilipinas. Pero wala eh. Doomed to be jologs ang bansang to.

Alam ko marami pa ang umaasa at naniniwala sa pagbabago. Good luck and God bless! Sana tama kayo at mali ako.


--------------------

yun lang.



posted by Marhgil, 6:32:00 PM | permalink | 2 komento |

dollar, body clock, dead sea, marhgil

Tuesday, July 05, 2005

by kukote

sa byahe ko dito sa jordan, my per diem was in dollars. actually, di ko naman magagastos yun since pahotel, paalmusal at patanghalian ako dito. now, i was just thinking, pag-uwi ko, punta na ba ako sa money changer to convert it to peso? kasi, mukhang sa nangyayari, tumataas pa ang value ng dollar at bumababa ang piso. hintayin ko muna kayang mag 60 pesos / dollar ang exchange rate???

grabe, hindi pa rin nakakaadjust ang aking body clock. 5PM pa lang dito, feeling ko ay nagpupuyat na ako, kasi, 10PM na jan sa pinas at during that time, tulog na ako nun, or nakahiga na.

mukhang hindi ko yata magagawa yung dead sea mission ko. walang time, tuloy tuloy schedule ko till thursday e. friday naman ang uwi ko. unless samahan ako ng mga tao dito. ang pangalan ng mga trainee ko... akram, majdi, amer, at fadi. kaya yung pangalan kong marhgil, hindi unusual para sa kanila, hindi kagaya dyan sa pilipinas, sa mga bago akong kilala e itatanong pa ulit ang pangalan ko. even on job interviews, itatanong pa kung saang lupalop ng mundo hinugot ang pangalan ko. hehehe. malay ko ba, e hindi naman ako ang nagbigay ng pangalan sa sarili ko. e kung sabihin ko kaya, nakatatoo kasi yan sa talampakan ko nung ipanganak ako, kaya yan yung pangalan ko. hehehe.



posted by Marhgil, 10:29:00 PM | permalink | 0 komento |

nothing unusual

by kukote

my day is incomplete without blogging. basta may internet connection at may oras, i will always try to post a new entry, like what i am doing right now. hehehe. ewan, naaddict na din yata ako sa blogging.

e ano bang ipopost ko ngayon? nothing extraordinary happened to me. medyo nagbasa-basa ng dyaryo online, nothing unusual. si PGMA pa rin at yung scandal nya ang laman ng dyaryo.

3 days to go and i'm going home!!!



posted by Marhgil, 8:15:00 PM | permalink | 0 komento |

kwentong jordan II

Monday, July 04, 2005

by kukote

apat na araw na ako dito sa jordan, at sa apat na araw na iyon ay iisang filipino pa lang ang nakikita ko. yun ay kapag haharap ako sa salamin... hehehe. unlike in kuwait, qatar or saudi na kapag gumala ka sa mga mall ay ang dami mong makikitang kababayan, dito, wala. wala palang filipinong nagtatrabaho dito. kung makakakita daw ako, e tourist or visit visa lang din sya.

kaya pala walang filipino restaurant dito. waaah!! sawa na ako sa arabic food!!! miss ko na yung tapsilog sa ground floor!!!

sa byernes uuwi na ako. i will do the same contest na ginagawa ko kapag umuuwi ako. kung sinong unang makakakita sa akin sa airport ay may premyo. kaya naman ang daming sumasalubong sa akin.. hehehe.

nung unang araw ko dito, pumasok ako, nakaneck tie pa. ngayon, di na ako nagneck tie. e lahat kasi sila, casual lang. nagmumukha tuloy akong engot. hehehe.

yun lang muna. dalawang training na ang natapos ko. pahinga muna sa kakadaldal. bukas na ulit!!!



posted by Marhgil, 5:50:00 PM | permalink | 2 komento |

kwentong jordan

Sunday, July 03, 2005

by kukote

i have so much to say, angdami kong kwento, kulang lang sa oras, ngayon lang nakapagblog. anyways, here is just a summary:

on the airport
pinagdudahan ako, 3 immigration officer ang kinausap ko bago ako pinayagang matuloy papuntang jordan... ggggrrr. mukha ba akong terorista???

on the airplane
anak ng teteng... 30 minutes before we landed on dubai, kumulo ang tyan ko, i need to rush myself to the cr. it actually started to descend na, fasten your seatbelt sign was on, while i was sitting on the toilet... hehehehe

pagdating sa dubai
3 hours ako doon, gala-gala at nakita ko si ex ni grunge_agent. nagtitinda pala sya ng relo doon sa airport. i have a picture to prove this... magkikita ulit daw kami pag-uwi ko, may ipapadala yata kay grunge agent??

pagdating sa jordan
sinundo ako ng driver na hindi marunong mag-english! kaya pala pangiti-ngiti lang, hindi pala ako naintindihan. minalas pa ako dahil yung kahon na dala ko ay niransack nung taga customs, quinestion na naman ako, pero nakalusot din.

pagdating sa hotel ...... natulog! it was ACACIA hotel. a 3 star hotel, kasi naman, fully booked na daw yung Marriot... sayang!! nung gabi, tinawagan ako nung contact namin dito at iginala ako. pinakain ako ng sangkatutak na arabic food! ayos lang!!! busog na busog!

here is my latest pic...



posted by Marhgil, 10:17:00 PM | permalink | 3 komento |